Share

Chapter 9

Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang masaksihan kong umiyak si Fion pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin para sa akin kung bakit siya umiyak no’ng araw na ‘yon. Ilang beses ko pa siyang tinanong pero ayaw niya talagang sabihin sa akin ang dahilan. Sumpa ba ‘to? No’ng kami ni gran ang pumunta sa mall, umiyak siya at nag-ayang umuwi agad, tapos sumunod si Fion? Ano ba talagang nangyayari sa pamilyang ‘to? Bakit bigla na lang silang nagiging iyakin? Tsk.

Ngayon ay tuloy ang trabaho namin ni Fion. Pero hindi tulad no’ng una, wala na siyang gana ngayon. Gusto ko siyang kausapin pero lagi niya akong sinusungitan kapag kinakausap ko siya. Well, hindi na bago pero iba kasi ngayon, seryoso talaga siya at kapag inaasar ko naman ay tumatahimik lang siya which is hindi niya gawain. Competitive ‘yan eh. Bahala nga siya diyan! Hindi lang siya ang may problema, bakit pa nga ba ako nag-aalala? Bumuntong hininga ako habang nasa loob ng sasakyan.

“Pang-ilan mo na ‘yan?” nabalik ako sa reyalidad nang biglang magtanong si Fion.

“Huh?”

“Tsk,” sagot lang nito saka binalik ulit ang tingin sa bintana ng sasakyan. See?

Hindi pa rin namin kasama sina Fellin at Gin dahil patuloy pa rin nilang hinahanap ang location ni Matthew. Gano’n ba talaga siya kahirap hanapin? Kahit pangatlong araw na naming pinagmamatyagan si Ryven ay wala kaming mahanap na lead papunta kay Matthew Verlian, may sarili siyang condo at doon lagi namamalagi. At kahit ilang araw na rin namin siyang sinusundan ay wala rin kaming makitang mali sa mga kilos niya, maliban na lang sa pagpunta ng bar gabi-gabi at uuwi nang may kasamang babae. One girl every night, walang mintis. Napailing na lang ako sa sariling isipin tungkol sa ginagawa. I also notice something from him, I don’t know kung may pinagdadaanan ba siya o ano, basta parang hindi siya masaya.

Birthday ni Jasper ngayon at tinawagan niya ako para imbitahin. Kahit na sa pangalawang araw na pag-spy ay ako lang ang tumuloy, madali kong naka-close si Jasper, approachable siya actually na may pagka-flirt. Sinama ko lang si Fion dahil trabaho namin ‘to, hindi pwedeng ako na lang palagi ang kikilos kahit pa may kung anong bumabagabag sa kaniya. Isantabi niya muna ang personal feelings niya. Halos ayaw pa ngang sumama pero blinackmail ko siya na sasabihin ko kay Fellin ang tungkol sa pag-iyak niya kung hindi siya sasama. Hindi alam ni Fellin ang nangyari noong araw na iyon at wala na siyang balak pang ipaalam ‘yon dahil panigurado ay malalaman agad nito ang dahilan. Well, kahit na gustong-gusto kong malaman, nanahimik na lang ako dahil ‘yon ang unang beses na nakiusap siya sa akin.  

Alas-nuwebe na ng gabi nang makarating kami sa resort. It’s a pool party but we didn’t plan on joining. Pumunta kami rito para sa trabaho, hindi para mag-enjoy.

Sa entrance pa lang ay tanaw ko na kaagad si Jasper na may kausap na bisita. Nang makita kami nito ay kumaway ito sa amin. Ngumiti lang ako at siniko si Fion. Mahahalata kasi rito na wala siyang gana. Umirap lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

“Happy birthday,” nakangiting saad ko kay Jasper nang makalapit kami.

“Thanks. Oh, you-” hindi niya na naituloy ang sasabihin nang tingnan niya si Fion.

“Hm? May sasabihin ka?” tanong ko pero ngumiti lang siya nang alanganin at umiling.

Anong problema nun? Ipinakilala ko na lang si Fion.

“By the way, she’s my sister, Yvon,” pakilala ko. Of course fake name ang sinabi ko, hindi pwedeng may makakilala sa amin.

“Nice to meet you, Yvon, have we met before?” tinabingi pa nito ang ulo na mukhang nag-iisip.

“No,” tanging sagot lang ni Fion. Pinanliitan ko naman siya ng mata na nagtatanong kung totoo bang nagkita na sila noon. 

“Oh… I guess you just look a like.” Kinamot nito ang batok. “By the way, want some drinks?” in-offer niya sa amin ang alak na hawak niya.

“Thanks.” Tinanggap ko ‘yon.

Maya-maya lang ay may lumapit na isang lalaki kay Jasper at bumulong.

“I’m sorry, ladies, but I’ll leave you here now. Emergency,” nagmamadali nitong paalam kaya wala kaming choice kundi ang tumango na lang at maghanap ng uupuan. 

Tanaw namin ang mga naliligo sa pool. Halos lahat ay nakaswim suit maliban sa mga caterer, kami lang ata ni Fion ang nakadress. Umupo kami sa bakanteng table sa madilim na parte para hindi kami masyadong tanaw. Malakas ang disco music at sari-saring amoy ng alak at sigarilyo ang maaamoy kahit na open space pa ito. Sinimulan kong hanapin si Ryven pero simula nang makarating kami rito ay hindi ko pa siya natatanaw.

“Are you sure Ryven’s here?” tanong ni Fion bago tumungga ng wine na sinerve ng caterer.

“Jasper said,” I just answered.

“Tsk,” tanging sagot niya.

Nagsalubong ang kilay ko, “Ikaw ba talaga ‘yan?” iritadong tanong ko na nagpasalubong din ng kilay niya.

“What? Who do you think am I?” Umirap ito at tumungga ulit ng alak.

“You’re not the usual Fion I know.”

“You just don’t know me,” sagot nito na nagpatulala sa akin. At her sudden words, I realized something. I don’t really know her, neither Fellin. Kahit ilang taon na kaming nakatira sa iisang bubong, hindi ko pa rin kilala ang totoong sila.

Tumahimik na lang ako at uminom ng wine. Habang umiinom ay namataan ko sa kabilang side ng pool si Jiro. Nakasandal ito sa pader habang nakapamulsa at umiinom. Nang mamataan ako nito ay tumango lang siya. Pansin ko sa kaniya ay may pagkasuplado at tahimik, opposite side of Jasper. Si Ryven naman ay ang pinaghalong Jasper at Jiro, although hindi pa rin maalis sa presensya nito ang intimidating aura.

“I need to pee,” paalam sa akin ni Fion at naglakad na papuntang comfort room. Naiwan naman akong mag-isa rito habang nanonood sa mga nag-eenjoy ng party. Maya-maya lang ay may isang babaeng umupo sa inuupuan ni Fion. Napairap lang ako nang makitang si Emma ‘yon.

“As expected, you came because kuya Ry’s here, right?” maarteng saad nito. Nalaman ko sa isang araw na pagsunod-sunod kay Ryven ay kinakapatid niya pala itong si Emma at ang alam nito ay may gusto ako sa kuya-kuyahan niya. Kung alam mo lang, girl, kating-kati ang mga kapatid kong patayin siya.

“Yes, any problem with that?” taas-kilay kong sagot saka uminom ng wine.

Nakita ko sa gitna ng paglunok ko ang paggalaw ng panga niya. Mainit talaga ang dugo nito sa akin and same here kaya kwits lang.

“I’m not drunk, okay?!” Napataas ang tingin ko nang marinig ang boses na iyon. Sabay kaming napatingin ni Emma sa pinanggalingan ng boses at tama nga ang hinala ko. Sa mas madilim na parte ng cottage ay natanaw ko si Ryven na inaalalayan ni Jasper. Naroon na rin si Jiro na inaagaw sa kaniya ang baso ng alak pero ayaw nitong ibigay.

“Sheez, he’s at it again,” saad ni Emma na ipinagtaka ko.

“What do you mean?” I asked.

Hindi ako nito sinagot, sa halip ay tumayo siya para lapitan sina Ryven. Sumunod ako at nang makalapit ay sumalubong agad ang matapang na amoy ng alak na nanggagaling sa kaniya.

“Dude, marami ka nang nainom. Stop it,” seryosong suway sa kaniya ni Jasper.

“I said I’m not drunk!” sigaw nito at nagpumilit tanggalin ang mga nakahawak sa kaniya.

“Don’t make a scene here, Ry,” suway rin sa kaniya ni Jiro.

“I’m not. Just don’t disturb me and I won’t make a scene.”

“Kuya Ry, stop it, please. Huwag mong guluhin ang party ni Jasper,” nakisali na rin si Emma sa panunuway.

“Emma, will you get the key from his pocket? Ihahatid na lang namin siya pauwi,” saad ni Jasper at ginawa naman agad iyon ni Emma.

“No, I’ll stay here. I’ll wait for her!” pagpumilit ni Ryven. Okay? So he’s waiting for someone and he’s drunk?

“I told you, dude, hindi nga siya darating!” nauubusan na ng pasensya si Jasper.

“She’s coming! She told me herself!”

“Wake up, Ry! You already broke up and she’s engaged with someone else. Move on! You’re being pathetic!” inis nang sigaw ni Jiro na nagpatigil kay Ryven.

“What did you say?” Tumayo ito nang tuwid at hinarap si Jiro. Hinawakan pa siya ni Jasper sa balikat pero nagpumiglas ito.

“I understand your situation, dude. Just move on, okay? She doesn’t love you anymore,” matapang na sagot nito at tinapatan ang madilim na mga mata ni Ryven.

And in an unexpected occurrence, Ryven suddenly punch Jiro that made him fell off the ground. Napasigaw ang mga tao roon at lahat ay nakatingin na rito. Just what the fuck is wrong with this guy? Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Sa ilang araw na nakaabang ako sa bawat mga galaw niya ay hindi ko siya nakitang sobrang nalasing, ngayon lang. He looks mesirable.

“Oh my God! Kuya Ry, please…” maluha-luha nang pagmakaawa sa kaniya ni Emma pero parang wala itong pakialam dahil lumapit pa siya kay Jiro nang tumayo ito.

“What’s happening?” narinig ko sa tabi ko ang boses ni Fion, hinihingal pa ito.

“Don’t know. He suddenly became like that,” sagot ko.

“I’m warning you, dude, don’t mess up my party,” madilim na ang mga mata ni Jasper ngayon. Nang harapin siya ni Ryven ay ngumisi ito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Fuck! Ganiyang-ganiyan ang mga mata niya noong nagkita kami sa mansyon kung saan tuwang-tuwa ang mga ito habang nasasaksihan ang mga dugong dumadanak sa sahig. It was a bloodlust!

Lumapit siya kay Jasper pero bago pa siya makauna ay sinuntok kaagad siya nito. Hindi tulad ni Jiro ay napaatras lang si Ryven at parang wala lang sa kaniya nang punasan ang dugong tumulo galing sa putok niyang labi. Huminga ako nang malalim. Kailangan ko nang kumilos bago pa may mangyaring hindi maganda.

Mabilis akong lumapit sa likod ni Ryven. I hit the back of his neck which made him unconscious. Natahimik ang lahat at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

“V-vanna? I thought you’re…” nag-aalangan pa si Jasper sa sasabihin habang pabalik-balik ang tingin sa kinaroroonan ko kanina at ngayon. I just smiled in uncertainty. Shit! I was careless. Matalim naman na nakatingin sa akin si Fion.

“P-problem solved,” alanganing sagot ko saka bumalik sa puwesto ko kanina.

Pareho na ngayong akay ni Jasper at Jiro si Ryven. Unti-unti na ring nawawala ang tensyon doon kaya nagsibalikan na ang mga tao sa pool

“H-how did you do that?” gulat pa rin si Emma nang tanungin ako. Nagkibit-balikat na lang ako.

“Why was he like that?” tanong ko.                                                

Bumuntong hininga siya, “It was because of his ex,” simpleng sagot nito.

“Obvious naman ‘di ba? What I mean is why he suddenly became like that? Bigla-bigla na lang nagwawala.”

Tinitigan muna ako nito, ilang segundo pa siyang nag-isip bago ulit nagsalita.

“Since you stopped him, I’ll tell it to you.” Naglakad siya pabalik sa table namin nang mapansin kong wala na sa tabi ko si Fion. Saan na naman nagpunta ‘yon? Umiling na lang ako, baka nagpahangin.

Nang makaupo kami ay uminom muna ako ng tubig. Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa ginawa ko. Kung hindi lang siya masyadong focus kay Jasper kanina ay malamang nakailag siya sa atake ko. He’s really miserable to not even notice a dangerous attack.

“Kuya Ry has an anger management issue,” panimula nito na mas lalong nagpatuyo ng lalamunan ko. Kaiinom ko lang pero nauuhaw na naman ako. What did she say again? He has anger management issue?

“Is that serious?” I asked.

“You’d seen how he punched Jiro without hesitation, right? That always happen when his anger triggers,” sagot nito, “he actually overcome it, but it triggered again because of the break up and too much alcohol,” dagdag niya.

“When did they broke up?” tanong ko.

“Last week, pero hindi siya nagpakita ng symptoms no’n. He’s suffering in silence and we understood why he acted like that. Ni hindi namin siya nakitang umiyak o magmukmok man lang after the broke up. Ngayon lang talaga niya nailabas.”

Napaisip ako. Last week lang din no’ng una kaming nagkita, he looks fine that night.

“He even attended in my sister’s engagement ceremony, though na-rescheduled due to confidential reason,” saad niya na nagpasalubong ng kilay ko. Sister? Engagement ceremony? Nanlaki ang mata ko sa naisip. Iyong engagement ceremony ba na tinutukoy niya ay ‘yong gabing aksidente akong napunta sa sasakyan niya? Was that her ex’s engagement party? He looks really fine that night!

“She’s my sister, by the way,” saad nito nang makita ang reaksyon ko. Though hindi naman ‘yon ang dahilan ba’t ako nagulat.

“Oh,” tanging naisagot ko na lang at uminom ulit ng tubig.

Mahina siyang tumawa nang mapait.

“You know what’s funny?” she said without looking at me, “He’s even invited at my sister’s wedding,” dagdag nito na mas ikinagulat ko.

What the fuck! Just what kind of person is that girl?

“Don’t get me wrong. It was not my sister’s decision, it’s our parents’ and Ryven’s father,” dagdag nito na dahilan ng paglaglag ng panga ko.

“What do you mean?” I asked in uncertainty. Napansin ko rin ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. Lasing na ba siya? Hindi kami close para maging ganito siya kadaldal.

“I don’t know if I’m supposed to tell you this but his father is a monster. I really hate him, he like seeing his son always suffering.” Kinuyom nito ang palad habang binabanggit ‘yon.

“That guy is good at manipulating. Hindi ko alam kung anong pinakain niya kay kuya Ry at hindi nito magawang tumanggi sa bawat utos niya.”

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Kung magpatuloy siya ay pwede kong malaman kung saan ang location ni Matthew. Napangisi ako pero hindi ko ‘yon pinakita sa kaniya. I can take advantage of her being drunk to ask everything she knows about the two.

Uminom ulit ako ng alak at naramdaman kaagad ang init sa lalamunan nang lunukin ito. F*ck! Ang tapang! Ngumiwi ako nang mahilo dahil sa tapang ng alak na ininom ko. Narinig ko pa ang hagikgik ni Emma habang tinitingnan ako.

“That's spirytus vodka,” saad niya. The hell! Isang lagok lang pero nahilo na agad ako. Narinig ko pa siyang nagsalita pero hindi ko na ‘yon napakinggan nang maramdaman kong para akong masusuka. I should've checked first what kind of alcohol it is, hindi mataas ang tolerance ko sa alak. 

“Here, drink this, it's piña colada,” Iniabot niya sa akin ang isang baso na mukhang cocktail ang laman. Ininom ko agad ‘yon at nalasahan ang tamis. Nagustuhan ko ang lasa hanggang sa naubos ko ang nasa baso at kumuha pa ng isa.

“Be careful, it can make you drunk,” nakangising aniya pero hindi ko ‘yon pinansin. Mukhang hindi naman ito ganoon katapang kaya tinuloy ko ang pag-inom hanggang sa hindi ko na namamalayan ang pinaggagawa ko.

Gusto ko nang umuwi pero gusto ko pang uminom.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status