Share

The Broken

           Tiniklop ko ang libro at pinunasan ang luhang kanina pa pala dumadaloy sa aking mga pisngi. Hindi ko lubos maisip na nangyari ang mga iyon sampung taon na ang nakararaan. Nangyari iyon sa tulog na si Aztec at hindi ko na alam kung kaya ko pa bang ipagpatuloy ang pagbabasa.

           Maingat kong inilapag ang libro sa gilid ng natutulog pa ring si Aztec at tinungo ang maliit na kusina upang maghanap ng makakain. Walang laman ang aking mga lalagyan. I decided to go back to my sleeping man and grabbed my coat and headed out of the house.

           Apat na araw na at tulog pa rin si Aztec kaya siguradong gutom na iyon. Kailangan ko siyang pakainin. May nakapa akong ilang barya sa bulsa. Kasya sa dalawang tinapay at isang karton ng gatas. Nang magbayad ako ay may tatlong kahina-hinalang lalaki na pumasok sa convenience store.

          Nang magdeklara sila ng Hold-up ay nasa may cashier pa rin ako. Nangatog ang aking mga tuhod nang itutok sa akin ng isa sa kanila ang baril. Sinabi niya sa akin na limasin ang laman ng kaha. Wala akong magawa. I gave them the bag but the man grabbed me by neck and made me his hostage. Nang makalabas sa tindahan ay sinipa ako sa sikmura ng isa saka tinulak. Tumama ang ulo ko sa gutter ng kalsada.

          Naglabasan ang mga cutomer ng tindahan, ang ilan sa kanila ay nagbulungan na baka kasama raw ako sa mga nanloob dahil sa madungis daw ako.

           Lumabas ang manager at kinaladkad ako papuntang storage room at doon sinampal. Pinipilit niya akong aminin kung saan ang hide-out ng mga tulisan. Ramdam ko ang pagkasugat ng aking labi dahil sa singsing ng manager na ‘yon pero hindi ko ininda.

            Limang oras na akong nakakulong doon at ang iniisip ko lang ay si Aztec, siguradong gutom yun pag nagising. Nagmakaawa akong buksan nila ang pinto subalit hindi nila ako pinakinggan.

           Akala ko hindi na ako makakalabas pero napansin ko ang isang maliit na bintana sa isang gilid. Sumusungaw doon ang ilaw mula sa poste. Gabi na pala. Binaklas ko ang bintanang iyon pero sumabit sa maliit na pako ang aking palad at nagkasugat iyon.

         Napaiyak ako sa sakit pero pinilit ko paring i-angat ang sarili ko dala ang tinapay at gatas na binili ko nitong umaga. Nang kalahati na ng katawan ko ang nakalabas ay narinig ko ang mga yabag na papalapit sa saradong storage na yun.

          Lakad-takbo kong binagtas ang daan pauwi kay Aztec. Nakatatakot ang gabi ngunit wala akong pakiaalam. Kailangan kong makarating agad kay Aztec dahil baka gising na yun at nagugutom.

          Madilim ang tinutuluyan ko nang akoy magising. Tulog pa rin si Aztec. Nanginginig ang aking katawan. Nagsisimula na akong magkalagnat dahil sa sugat ko sa kamay. Agad kong nilapitan si Aztec. Napakapayapa ng tulog niya. Masakit ang buo kong katawan pero ang tingnan ko lang si Aztec ay sapat na para gustuhin kong lumaban.

         Hinaplos ko ang mukha niya. Nagulat pa ako nang magkaroon ng kulay pula ang kaniyang pisngi. May sugat nga pala ako kaya mabilis kong nilinis ang mukha ni Aztec kahit pa nanginginig na ang aking katawan saka ko lamang nilinis ang aking sugat.

         Naisip ko, kung sana’y hindi ako iniwan nang basta-basta ng mga magulang ko ay hindi magiging ganito kahirap ang aking buhay. Nangako kasi silang sandali lang at babalik agad pero lumipas ang mga araw, linggo at umabot pa ng ilang taon ay hindi na sila bumalik.

         Ang patak ng luha ay napalitan ng hikbi, hanggang sa magkaroon iyon ng tunog hanggang sa maging iyak na di kalaunan ay naging hagulhol.

         Ilang taon na ba akong mag-isa? Nami-miss ko na sina Mama. Pero iniwan nila ako.

         Hinaplos kong muli ang pisngi ni Aztec at bago pa man ako makapag-isip ay nailapit ko na ang aking labi sa labi ni niya. Baka sakali makakuha ako ng lakas. Dampi lang, pero naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang mga labi.

          Hindi ako maaaring magkamali, tinugon niya ang halik ko! Lalo akong napaiyak at nangako sa tulog na namang si Aztec, hindi ko siya iiwan kahit na ano’ng mangyari. Hindi ko siya bibitawan. Aalagaan ko siya, ibibigay ko sa kaniya ang pagmamahal at pag-aaruga na parehong ipinagkait sa amin.

Sa labas ng bahay… sa tahimik na lansangan ay pumailanlang ang serena ng mga pulis. Ikinuyom ko ang aking kamao. Hinding-hindi nila makukuha sa akin si Aztec.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status