Jarvis' POV
Dahan-dahan akong naglakad sa loob ng isang abandonadong gusali. Hinahanap ko si Dash. Ang sabi niya, hintayin ko siya sa kotse pero hindi ako mapakali kaya lumabas na ako para hanapin siya.
Madilim ang buong paligid. Bigla akong kinabahan pero nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko si Dash na nakaupo at nakasandal sa isang poste na may munting ilaw. Habang papalapit ako sa direksyon niya ay mas lalo akong kinakabahan. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya, roon ko napansin na may kasama pala siya. Huminto ako sa paglalakad nang makita ko na tumayo ang kasama niya at bumagsak ang isang bagay na umagaw sa aking pansin.
Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko nang makitang isang duguang patalim ang nasa sahig. Mula sa ibaba, iniangat ko ang aking paningin upang
Victoria's POV (Gumiho)Pinahid ko ang luha ko bago nagsalita. "K-Kailangan ko itong panindigan, Mahal.""That's bullshit, Victoria!"Hindi ko siya pinakinggan. Sa halip ay sinenyasan ko ang mga miyembro niya na pigilan si Zach sa kahit na anong paraan. Nasabihan ko na sila kanina at alam nila na wala silang choice kung hindi sumunod sa utos ko. Marami silang lumapit kay Zach at pinaligiran siya."Ano'ng ginagawa niyo rito? Kapag hindi kayo umalis sa harapan ko ay malilintikan talaga kayo sa akin!" inis na sambit ni Zach. "Victoria, bumalik ka rito!" Iyan ang mga katagang binitawan ni Jarvis habang papalapit ako sa direksyon niya.Patawarin mo ako, Zach. Kasalanan ko ito at ayaw kong madamay ka pa.
Empress' POV Honto!I'm late? Bakit ngayon pa?Kuso! Uh-huh! Mukhang hindi pa naman huli ang pagdating ko dahil mas exciting ang nangyayari ngayon. Si Jarvis na may hawak na baril habang nakatutok sa isang babae na tila pinoprotektahan ang lalaking nasa likuran niya. Sayang nga lang at hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod siya sa amin. "Sino 'yung humarang kay Leifr?" tanong ng isang katabi ko. Umusog ako nang kaunti upang ay mas marinig ko nang mabuti ang kanilang usapan. "Naku! Girlfriend iyon ni Emp."
Empress' POVHindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Ang girlfriend ni Jarvis at ang aming leader na si Black Butterfly ay iisa! Paano'ng nangyari ito? Naiiyak na napasandal na lamang ako sa pader ng ospital. Damn! Hindi puwede! Paano ko ito ipapaliwanag kay Ani? Kay Kuya Rei? Sa kanilang lahat?Kahit ano'ng pigili ko sa aking sarili ay hindi ko maiwasang alalahanin ang tungkol sa nangyari noong nakaraang linggo.One Week AgoTokyo, JapanPinaharurot ko angakingRed Porschedahil male-late na ako sa date namin ni dinosaur ko."Shit!" mahin
Empress' POVKazuo's MansionMatapos ang nangyari sa bar ay dinala namin sa bahay ko ang lalaking napuruhan ni Natsume. Ginagamot na siya ng doktor ngayon. Nalaman din namin na ilang buwan nang pinapahanap ni Jarvis si Kuya Taki at walang ideya ang lalaki kung bakit iyon ipinag-utos sa kanya. Ginagawa lang daw niya iyon dahil binayaran siya nang malaking halaga.Napasulyap naman ako sa kanan koatnakita ko si Ryuuji na prenteng nakaupo sa sofa namin.Ryuuji Mouri, the leader of Black Eagle Gang, also known as Uranus, my boyfriend. Isa siyang underling ng Shinigami Gang. Walang sino man angmagtatangkang kalabanin siyadahil isa siyang anak ng kilalang yakuza.Kung ano ang takot ng mga gangster sa kanya, ganun naman ang paghanga sa kanya ng ma
Bella's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kulay puting paligid. Nasa heaven na ba ako? Napailing na lamang ako sa aking naisip. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at doon ko napagtanto na nasa ospital lang pala ako.Napatingin ako sa kanan ko at napangiti nang masilayan ko si Jarvis na natutulog nang mahimbing. Kung talagang nasa heaven ako at si Jarvis ang anghel ay mananatili na lamang ako roon. Kinikilig ako nang isipin ko iyon. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko!Napatitig ako ng matagal sa kanya. Mukhang hindi pa yata siya nakakatulog nang mahimbing. Dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay para haplusin ang mukha niya."Pinag-alala ba kita ng sobra? Patawarin mo
HospitalBella's POVHindi namin namalayan na gabi na pala kaya nagpasya na silang umuwi. Naisip ko tuloy na mas mabuti yata na naoospital ako dahil sa mga ganitong pagkakataon ko sila nakakasama nang mas matagal.Sa gitna ng aking pag-iisip ay naalala ko na nalalapit na rin pala ang midterm exam namin at pagkatapos naman niyon ay ang nalalapit na birthday ni freak. Bigla tuloy akong napaisip kung ano ang ireregalo ko sa kanya."Bye Bella! Pagaling ka," nakangiting sambit ng mga girlfriends.Masaya akong ngumiti sa kanila. "Mag-iingat kayo, ah?"Sabay-sabay silang tumango. Samantala, ang mga l
Empress' POV"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ni Bella sa akin.Matagal akong hindi kumibo sa tanong niya."What's wrong?" kunot-noong tanong niya"You're crazy," ang tanging nasambit ko na lamang.Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil kahit ako ay gulong-gulo ang isipan.Natawa si Bella nang malakas na ipinagtaka ko naman. "Ikaw talaga Empress, ilang buwan tayong hindi nagkita tapos iyan lang ang sasabihin mo sa akin? Hindi mo man lang ako namiss?"Hindi ako natawa sa mga sinabi niya. "Iyon nga ang pinagtataka ko Bella kasi noong na
Jarvis' POVHindi ko alam kung ano ang kanilang napag-usapan subalit nasisiguro kong tungkol iyon sa relasyon namin ni Bella.Bakit ba galit na galit ang babaeng iyon sa akin? Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung bakit ganoon na lang siya kung umasta. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Baka naman dahil isa akong gangster kaya niya nasabi na mapanganib ako?Huminga ako nang malalim bago ako lumapit kay Bella na kasalukuyang nakatalikod sa akin habang tahimik na umiiyak."Bella?"Mabilis niyang pinahid ang luha niya bago lumingon sa akin."Bf?" Ngumiti siya ng pilit. "Okay na ba yung kamay mo? Pasensi