Bella’s POV “Asawa ko,” halos na pabulong na wika ko.Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Jarvis at hindi ko iyon pinansin. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Taki. “Ano’ng ginagawa mo rito?” nakangiting sabi ko. Medyo umamo ang kanyang mukha nang tumingin siya sa akin. “Nabalitaan ko kay Empress ang nangyari sa bar. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Nang marinig ko ang kanyang sinabi ay agad na kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Nang tignan ko ito ay halos manlaki ang aking mga mata na makita ito. Oh shit! Sixteen missed calls. “Sorry,” at pilit na ngumiti ako.Umiling siya. “Nag alala ako sa iyo kaya naman pinuntahan na kita rito pero iba pala ang makikita ko,” sabay sulyap kay Jarvis.Napatikhim ako dahil doon.“Ako na ang himihingi ng pasensiya sa gulo na ginawa ni Natsume,” mahinahong wika niya. Pero kahit na ganoon ay ramdam ko ang kanyang galit.Hinawakan ko ang braso niya para iparating na okay lang ako. “Huwag kang mag alala, okay lang kami. Actual
Bella’s POVMatagal ako naghintay ng sagot pero walang response akong narinig mula sa kanya. Nakangiti lang siya habang nakatitig sa akin. Sa tingin ko ay wala siyang balak na sagutin ang aking tanong.Umiwas ako nang tingin at napailing na lamang. Kailangan ko irespeto ang kanyang desisyon. “Okay lang kung hindi mo gusto sagutin ang aking tanong,” kaswal kong sabi.“Okay,” mabilis na sagot niya na kinatingin ko sa kanya.Okay? Agad-agad? Hindi man lang nagdalawang isip! Great!“Mauna na ako, Bella,” sabay tayo ni Jarvis. “Salamat sa kape.”Tumingin ako sa kanya at ‘di na nag abalang tumayo pa. “Uuwi kana?”“Yes. Mag uumaga na. Hindi maganda kung maaabutan pa ako ng parents mo nang ganitong oras sa bahay niyo,” nakangiting sabi niya. May point siya. Pero sa hindi maipaliwanag ay nakaramdam ako nang panghihinayang. Ang bilis naman kasi ng oras.Tumayo ako para hindi mahirapan na tignan siya. Nakakangawit na tingalain siya lalo pa’t sobrang tangkad niya. “Salamat pala kanina,” ani ko.
Bella’s POVGusto kong maiyak habang hinahalikan ako ni Jarvis. Maiyak sa sobrang saya. Siguro dahil alam ko sa kasulok-sulokan ng puso ko ay nandoon pa rin ang pagmamahal ko kay Jarvis. Aaminin ko na sobrang namimiss ko na talaga siya.Naramdaman ko na tumigil si Jarvis sa paghalik at ako naman ay dahan dahan na nagmulat ng mga mata ko.Buong pagmamahal na sinalubong ni Jarvis ang aking mga mata. “Jarvis…” ang tanging salita na namutawi sa aking labi.“Mahal na mahal kita, Bella,” hirap na hirap na wika niya.Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking puso na marinig iyon mula kay Jarvis. At dahil sa sinabi niya ay bigla ako natauhan. Hindi pa kami puwede… Hindi pa.Pikit matang umiling ako.Nakarinig na lamang ako nang malakas na buntong hininga. Nang tignan ko siya ay parang hindi niya alam ang gagawin.“I’m sorry—““No, Jarvis. Wala kang dapat ihingi ng sorry. Ginusto ko rin ito,” at pilit na ngumiti ako sa kanya.Napatitig siya sa akin. “Ano’ng ibig mong sabihin, Bella?”Tumingin ako s
Bella’s POVHindi ko gusto ang kanyang pagsigaw sa akin. Ano bang problema niya? “Okay, tell me what happened last night?” “Nag away sina Taki at Selena. Muntik na mapatay ni Taki si Selena. Mabuti na lamang ay nakinig si Taki sa akin kung hindi...” naiiyak na wika niya. Marahas na napabuntong hininga ako. So hindi pinakinggan ni Taki ang pakiusap ko sa kanya. Tama si Jarvis nang sabihin na hindi makakabuti kay Selena ang pakikipaglapit sa akin. Mukhang hindi umaayon ang plano ko.“I’m sorry,” sincere na sabi ko kay Hana. “Hindi ko intensiyon iyon.”“Alam ko naman na hindi mo iyon intensiyon. Hindi ko alam kung ano ang motibo mo kung bakit ka nakipaglapit muli kay Selena pero Bella nakikiusap ako bilang matalik na kaibigan ni Selena kung hindi naman ito makakabuti para sa kanya ay mas mabuting huwag kana makipaglapit pa. Ikaw na ang lumayo,” pagsusumamo sa akin ni Hana.Lihim ako napangiti na marinig ko ang mga sinabi niya. Ngayon ko masasabi na napaka suwerte ni Selena kay Hana. Ma
Bella’ POVPagkatapos namin kumain ni Hana ay nagpasya na kami na sunduin si Selena sa kanyang condo unit.Tahimik ang buong biyahe namin. Samantalang ang kasama ko ay tutok na tutok sa cellphone niya. Busy kaka search na balak niyang suotin sa party bukas.Napailing na lamang ako.“Excited ka?” basag ko sa katahimikan namin.Napatigil si Hana sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin. “Halata ba masyado?” nahihiyang tanong niya sa akin. Natawa ako. "Hindi naman masyadong obvious." "Bella naman," nakangusong sabi niya. "Bakit gusto mong ma-meet si Pamela?" curious na tanong ko. "Gusto ko siya makilala dahil isa siya sa mahalagang tao sa buhay ni Taki," at ngumiti siya. Hindi ko akalain na ganito magmahal ang isang Hana at gagawin ang lahat para kay Taki. "Hindi ka ba natatakot sa kanya?" tanong ko. "Natatakot syempre! Nalaman ko kasi kay Selena na talagang namamahiya si Pamela kapag hindi ka niya gusto. Ipinagdadasal ko sana ay hindi niya ako tarayan," mahabang saad niya. Napan
Bella’s POVIto ang gabi na kung kailan gaganapin ang engagement party ng isang Pamela Fortalejo. Kasama ko sina Hana at Selena. Tungkol naman sa insidente kahapon ay nahuli ito nila daddy. Doon ko rin nalaman na si Hana ay isa sa anak ng royal family. Ang mission nila ay patayin si Hana. Dahil sa nangyari ay agad na kumilos si daddy para patahimikin sila. Wala na akong ideya kung ano ang ginawa niya basta ang alam ko lang ay wala nang hahabol kay Hana. Samantalang si Taki ay susunod na lamang. Ayon sa kanya ay may importante lang siyang aasikasuhin. Ibinigay ko ang hotel address sa kanya. Hindi ko rin sinabi sa kanya kung ano’ng klaseng pagtitipong ang pupuntahan namin. Basta ang sinabi ko na lang na importante ito sa business nila daddy. Sana nga lang ay makarating si Taki agad para masaksihan ang masayang gabi ng kanyang kapatid.Hindi ko pa siya natatanong about her sister, Pamela. Pero siguro kapag natapos ang gabing ito ay tatanungin ko siya ng personal.Hindi naman ako pumayag
Bella’s POVMalakas na napasinghap si Hana. Tinignan ko naman ang itsura ni Selena na blangko ang ekspresyon niya ngayon. Lalo naman naging seryoso ang mukha ni Jarvis.Nang ilibot ko ang paningin ko sa buong hall ay doon ko napansin na nasa amin na ang atensiyon ng lahat ng bisita.Napatikhim ako nang malakas para makuha ko ang atensiyon nila.“Miss Pamela−““Pamela,” mariin na sambit niya.“Okay. Is there something wrong?” tanong ko sa kanya.Naramdaman ko ang paghigpit ni Jarvis sa kamay ko. Hindi ko pinansin iyon at tinignan si Pamela ng diretso sa kanyang mga mata.Tinititigan naman niya ako nang matagal. “Is she your friend?” seryosong tanong ni Pamela sa akin.“Yes,” walang pag aalinlangan na sagot ko.Hindi makapaniwalang tumingin si Pamela kay Jarvis. “This is unbelievable!”“I’m sorry?” gulat na wika ko.“Nothing. I can’t believe she is your friend,” sarkastikong sambit ni Pamela.“Ate Pam!” nakikiusap na sambit ni Jarvis.“No, Jarvis,” seryosong sabi ni Pamela. “I just wond
Bella’s POVMahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Sa totoo lang ay hindi ako makapagsalita nang sigawan ako ni Jarvis nang ganito. Para siyang bulkan na sumabog. Galit na galit. Siguro hindi na siya nakapagtimpi pa at sa akin na naibuntong ito.Lumunok ako at naglakas loob basagin ang katahimikan sa aming dalawa.“A-Alam ko na kulang ang mga taon para makalimutan ang sakit na dulot na ginawa ni Selena sa buhay mo,” mahinahon na sabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabantang luha sa aking mga mata. “I’m sorry sa ginawa kong kapahangasan. Marahil nga naging insensitive ako ngayon. H-Hindi ko naisip ang mga damdamin niyo. Akala ko kasi… posible na maibalik ang lahat sa dati. At nagkamali ako roon.”“Bella—““Humihingi ako ng tawad. Hindi na ito mauulit pa,” at huminga ako nang malalim.“Hindi mo naman kailangan—““No, Jarvis,” at mabilis na nag angat ako nang tingin. Sinalubong ko ang kanyang nga mata. Sa nakikita ko ay nahupa na ang kanyang galit. “Ka