Share

Chapter Two

“Kontrata para saan!?” Hindi ako makapaniwala sa kung ano ang narinig ko.

Sabi ko na nga ba.

“Hindi ba sinabi ko na nga sayo na ayokong gumawa ng kahit ano mang illegal na gawain? Tapos ngayon gusto mo 'kong sumali sa kung ano man 'yang dark market na inaalok mo. At ang mas masahol pa… Pipirma ako ng kontrata? Hindi mo ba alam kung gaano nakakatakot pumirma ng isang kontrata? Ano ba to? Kulto, samahan ng mga adik, o ano!?” I hysterically exclaimed. Para bang may nagkakarera sa puso ko dahil sa sobrang bilis ng kabog nito.

Umangat ang gilid ng mga labi niya at ngumisi. “This is the most legal thing that you will ever do in your life. This ain't really just a contract, we will also sign a license. Which made it, SUPER. LEGAL.”  

Kalmadong ani niya na may pagdidiinan sa kung gaano ito ka-legal, habang hindi pa rin nabubura ang mga makabuluhang ngisi niya sa labi.

Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa mga susunod na posibleng mangyari.

Ano ba ‘tong gulong pinasok ko, bakit ko pa ba kasi pinagkatiwalaan ang lalaking ito...

Kasi dahil— ang gwapo niya?

Inalog ko ang utak ko at umiling-iling to compose myself and get back into the reality that I am in right now.

 

“S-So ano ba ang kailangan kong gawin?”

“Marry me.”

Tila ba pinukpok ako ng malaking bato sa ulo nang marinig ko ang dalawang salitang binigkas niya. Agad na tumigil ng kusa ang aking mga paa sa paghakbang. 

Nang mapansin niya na tumigil ako, tinigilan na rin niya ang pagkaladkad sa akin at saka humarap.

Naguguluhan na nga ako dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari, tapos ngayon kung anong kabaliwan ang sasabihan niya.

I just stared into his eyes, obviously confused. Mas pinili kong hindi na lang mag-salita at antayin siyang sabihin sa ‘kin na biro lang ang lahat ng sinabi niya. At nasa hidden camera prank lang ako.

He sighed as he seem so bored na tila ba wala lang para sa kanya ang lahat ng nangyayari.

“We’re just signing a marriage contract.”

What in the world of cheese?

“A-Ano?”

I never imagined that this could go even worse.

Marriage contract?

There’s no way na magpapakasal ako sa lalaking ‘to. Hindi dito— I mean, never! 

Hindi ganito ang pangarap kong kasal.

Hindi siya nag-salita at bigla na lang niya ‘kong hinawakan sa braso, tapos ay mabilis akong hinila palapit sa kanya ng may mapansin kaming isang lalaki na medyo may katandaan na. 

Lumakad ito papalapit sa amin na may hawak na mga papel, at sa palagay ko ay ito ang mga papel na tinutukoy nitong kasama ko na kailangan naming pirmahan.

Napaliyad ako ng konti ng ilapit niya sa ‘kin ang mukha niya upang bumulong at ituloy ang sinasabi niya kanina.

“And a marriage license…”

Tiningnan ko siya na punong-puno ng pagtataka. Iniangat niya ang kanyang kamay at saka 'diniin ang daliri sa kanyang mga labi upang senyasan ako na wag magsalita.

“Hindi pwede, nandito ako para magkaroon ng mas maganda at tahimik na buhay. Hindi para magkaroon ng asawa.” pasigaw na bulong ko sa kanya upang hindi kami mapansin ng lalaki at huwag kaming palayasin palabas ng gusaling ito.

Napalakas yata ang boses ko dahil biglang lumingon sa ‘min yung matanda.

Ito namang lalaki sa tabi ko ay agad na nag-pekeng ngiti upang ipakita na walang nangyari at ayos lang ang lahat, bago niya muling ilapit ang kanyang mga labi sa aking tenga upang bumulong. “Two hundred and fifty thousand dollars…” na may diin sa bawat salita.

Hawak na niya ang isang ball pen at nagsimula nang pumirma sa mga papeles na nakalatag sa lamesa.

Habang pumipirma ay umangat pa sa akin ang mga tingin niya at tinamaan ng ilaw ang kanyang mga mata. Napaka-ganda.

Para akong inaakit ng mga mata niya na dukutin ito tapos itakbo. Alam kong maraming magkaka-interest na bilihin ang mala-dagat niyang mga mata.

Nakapagtataka na nasa akin ang mga mata niya at hindi sa mga papel pero hindi siya nagkakamali sa pagpirma ng mga ‘yon. Para bang sanay na sanay na siya.

Hindi naman siguro siya pop-star… ‘di ba?

Gusto kong matawa sa mga naiisip ko, ngunit hindi ko magawa. Gustong-gusto ko na siyang takasan pati na ang gulong ito, pero sa hindi ko malamang dahilan ay tinanggap ko ang panulat mula sa kanya at nagsimula na rin akong pumirma ng mga papel.

Pwede akong sumigaw at tumakbo, pero bakit tila ayaw makisama ng katawan ko at pilit nitong sinasabi na ayos lang ang pagkatiwalaan siya?

Sinulyapan kong muli ang lalaking kasama ko pagkatapos kong mapirmahan ang mga papeles na tinawag nilang marriage license.

Napansin niya siguro ang pag aagam-agam ko dahil lumapit siyang muli sa akin para bumulong.

“Don't worry, we'll get divorced sooner than you know.”

Narinig ko ang sinabi niya, ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil sa sobrang dami ng mga bagay na tumatakbo sa utak ko ngayon.

Pumirma ba talaga ako ng kontrata?

Ang ibig sabihin ba nito kasal na kami? 

Asawa ko na siya?

Pero teka— ngayon ko lang naalala na may girlfriend nga pala ang taong ‘to. Yung babae kung kanino siya nag-alok ng kasal kanina.

Nasisiraan na ata ako. 

Sa lahat ng pwede kong kalimutan, bakit ‘yun pa?

Hindi man lang talaga sumayad sa utak ko na may kinakasama na nga pala ang lalaking ito. Bakit pa ako pumayag na pakasalan siya?

Bakit ko...

Sa sobrang pagka-inis ay sinambunutan ko nalang ang buhok ko bago tumingin muli sa kanya.

“Diba may girlfriend ka? Nag-away lang kayo saglit kanina tapos ngayon nagpakasal ka na agad sa iba dahil hindi niya tinanggap ang alok mo? Seriously, ano ba talaga ang plano mo?” hindi ko na mapigilan ang masigawan siya ng dahil sa sobra kong pagka-yamot.

“We're still together. I just really have something important to do.” giit nito habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata upang bigyan ako ng seguridad na maayos ang lahat.

“So, now that we're officially married, ibig sabihin nito asawa na kita… 'di ba?”

“Married by paper.” paglilinaw niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin sa sinabi niya.  

Sa tingin ba niya gusto ko ang sitwasyong ito ngayon na asawa ko na siya?

“So, anong gusto mong sunod na gawin ko? Don't you ever expect me to have some sort of a honeymoon with you. Hindi mo naman siguro iniisip na tumabi sakin sa pagtulog, 'di ba?” mabilis kong pinagsisihan ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

It was like a gun trigger na biglang nagpaputok ng malalakas niyang tawa.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Halos umakyat lahat ng dugo ko papunta sa pisngi dahil sa sobrang init ng mga ito.

Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mga pisngi ko ngayon, sobrang init naman dito.

Inilayo ko ang mukha ko para hindi niya makita and pamumula ng mga pisngi ko. Ginamit ko ang aking kamay at pinaypayan ang aking mukha.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya ng maramdaman kong medyo nawala na ang init sa mga pisngi ko. Pero parang hindi pa rin yata siya tapos sa pagtawa.

“Oh ano? Tapos ka na?” Tinaasan ko siya ng kilay na mabilis namang nagpatigil sa mga halakhak niya.

Tiningnan niya muna yung suit niya at saglit itong pinagpagan bago tumayo ng tuwid.

“You’re going to my wedding tomorrow.”

Napabalikwas ako sa sinabi niya, anong kasal?

“Kakatapos lang natin ikasal, anong ibig mong sabihin na may kasalang magaganap bukas?”

“No- I mean... Yes, but tomorrow's wedding and today's marriage contract are just a part of my plans.”

Hindi ako nakasagot ng magsalita ulit siya. 

“It's not us who's getting married so you don't have to feel excited.”

Seryoso, ilang babae ba ang meron ang taong ‘to?

At ano daw ‘yun? Ako? Excited?

Whatever is happening tonight is seriously insane. Nothing is going right, at sigurado ako na kahit bukas ay walang ring magandang mga mangyayari.

Kung panaginip lang lahat ng ‘to,  I hope someone would shake the hell out of me and wake me up.

 

This is all too much for my brain to handle, kaya naman wala akong masabi na kahit ano at nanatili lamang akong tulala. 

Parang nagkapalit ata ang sitwasyon naming dalawa.

“Look, I know you can't understand and you're a bit puzzled by this kind of situation right now, but all I want you to do is to attend my wedding tomorrow.” After a long pause, he continued “Just remember that I am not allowing you to talk to anyone at my wedding or even say anything, just be there until the right time I call you, do you understand?” diretso ang tingin niya sa aking mga mata na umaasang maiintindihan ko ang bawat salitang binanggit niya.

Pumirma na ako ng marriage contract, nagpakasal na ako sa lalaking hindi ko man lang kilala, wala nang mas matindi pa sa mga ‘yun. Kaya tumango nalang ako sa kanya ng bahagya upang ipaalam na naintindihan ko ang lahat ng mga bilin niya.

“Uuwi na ako,” pagod, at wala sa sarili kong sambit na kahit kaunting pagtaas ng boses ay hindi ko magawa.

Tumango lang rin siya. “Make sure you'll be there tomorrow so that people can see you. Please fix what you are wearing as well.”

Gusto kong balatan ng buhay ang lalaking ‘to tapos itapon siya sa apoy.  

Inis na inis na ako sa kanya. Nakita niyang naguguluhan at hirap pa rin ako na intindihin ang lahat ng mga pangyayari, tapos ngayon lahat ng mga utos niya hindi na mabilang sa daliri.

The number of things he orders me can literally make my brain stop functioning.

Hindi ko ma-imagine na makasama ang lalaking ‘to kahit na isang araw lang habang nakikinig sa lahat ng walang tigil niyang mga utos. Hindi ko alam kung posibleng tumagal ang kahit na sinong tao na nasa paligid siya.

“Kailan mo ako babayaran?” walang pagaalinlangan kong tanong sa kanya.

Masyado na akong maraming pagkakamaling nagawa ngayong gabing ‘to. At least man lang mayroon akong mapala.

“After your job is done.”

I gave him a sullen glance bago ako umalis ng City Hall nang hindi man lang siya nililingon.

Lahat ng kalokohan na ginawa ko ngayon ay nagpapaalala sa akin ng buhay na iniwan ko, pati na ang aking pamilya.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila kung hindi na ako umuwi gaya ng inaasahan nila?

Plano kong magsimula ng bago at magkaroon ng sarili kong buhay dito sa Denmark, pero ang lahat ng mga pangyayari ngayong gabi na ‘to… I don't think that I started it all right.

Nakasakay na ako sa loob ng taxi ngayon upang bumalik na sa hotel na aking tutuluyan ng pansamantala. Nakadungaw lamang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang tahimik na kalsada na napapalibutan ng maraming street lights.

Unti-unting nakaramdam ako ng init sa aking mga mata, kasabay ng paglabo nito. 

May naramdaman akong pumatak sa aking kamay kaya naman ay nalipat ang tingin ko rito. Nang iyuko ko ng bahagya ang aking ulo, mas lalo lamang dumaloy ang mga luha kaya agad kong ibinalik sa pag-angat upang pabagalin ang pagdaloy nito sa aking mga pisngi. Hindi na ako nag-abala pang punasan ang aking mga luha at ibinalik na lamang ang tingin ko sa labas. Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ay inilabas ito sa aking bibig kasabay ng bigat na nararamdaman ko sa 'king dibdib.

Dahil sa paglabo ng mga mata ko ay tanging aninag na lamang ng mga dilaw na ilaw sa kalsada ang aking natatanaw.

Ang tahimik na taxi at ang payapang dinadaanan nito ay nagpapaalala sa akin ng lahat ng nangyari kahapon, noong huling araw na nasa New Jersey ako.

Bago ako umalis sa lugar na iyon na wala nang planong pagbabalik.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status