Share

Chapter Three

[Yesterday…]

The usual deafening silence is on, ganito naman palagi sa tuwing magkakasama kaming lahat.

Ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan na 'to ay parang unti unting inuubos ang aking hininga.

The awkwardness is literally killing me.

Ngayon ang graduation day ko at pauwi na kami sa bahay dahil tapos na ang ceremony.

Napatingin ako sa rear mirror nang napansin kong sumusulyap sa akin ang stepfather ko na si uncle Jorge. Mukhang may gusto siyang sabihin sa 'kin pero tila yata nakain na ang dila niya dahil hindi man lang siya makabigkas ng kahit isang salita.

Sigurado ako na hindi rin siya komportable dahil sa sobrang katahimikan. Inilipat niya ang kanyang mga tingin sa bandang ibaba at nagpasya na lang na buksan ang radyo.

Nakaupo din si mom sa harapan ng sasakyan at katabi ni uncle Jorge sa driver's seat. Mukhang hindi rin siya mapakali at naaabala siya sa isang bagay na hindi ko malaman kung ano. Kumurba ang kanyang mga kilay at bumusangot ang mukha ng magtama ang aming mga mata. Wala akong ideya kung ano ang mga bagay na tumatakbo sa kanilang mga isipan. Pero, I’ll save it for later drama. Atsaka, paano kami makakag-usap sa loob ng kotse na 'to na pwede nang manalo ng best awkward car award.

Si Trina, ang matalik kong kaibigan, ay nakaupo rin sa pagitan namin ng step sister ko na si ate Eliz. Literal na naririnig ko ang mga mabibigat niyang paghinga ngayon, sumama lang siya sa akin kasi alam niya kung gaano ko kinasusuklaman ang makasama sila sa isang lugar.

Ang kanta sa radyo ay kahit papaano nakakabawas ng awkwardness.

Nagpasya na lang ako na sumilip sa labas ng bintana upang masulyapan ang lugar bago ako umalis bukas. Hindi ko maiwasang alalahanin ang lahat ng pinaka malulungkot at pinaka masasayang sandali na naranasan ko sa lugar na ito.

Dumapo ang aking mga mata sa isang mahabang bench na kadalasang inuupuan ko tuwing gusto kong mapag-isa. 

It's a dirty white and old bench that will give you soothing comfort, 'yung para bang, pinapaalala nito sa akin palagi na magiging maayos rin ang lahat. 

Sana makahanap ako ng lugar sa Denmark na magbibigay din sa akin ng katulad ng kung paano ako patahanin, at damayan ng upuang iyon.

Siguradong mamimiss ko ang mahabang kalye na ito kung saan ilang taon na akong naglalakad mapa-gabi man o umaga. Talaga nga namang napakaganda ng mga halaman at bulaklak na nakadungaw sa labas ng bahay ng matandang babae. Bigla ko tuloy naisip kung kahit kailan ba nalaman niya na pumipitas ako ng isang bulaklak tuwing gabi na mapapadaan ako sa harap ng gate niya.

 I giggled.

Umurong ako ng konti para makita ko rin ang kaliwang bahagi kung saan tanaw ko ang malaki at napakagandang bahay na may maliliwanag at kumikislap na mga ilaw tuwing gabi. Para itong isang malaking buwan na kayang bigyan ng liwanag ang buong kalsada. 

May espesyal na halaga ang bahay na 'to sa puso ko, at siguradong maiiyak ako kung ipagigiba nila ang bahay na ito.

Ito ang bahay kung saan ako laging pumupuslit sa tuwing nararamdaman ko na nasasakal na ako sa bahay. Naaalala ko pa na 14 years old lang ako noon nang dumating si Eliz at ang ama niya sa buhay namin ni mom. 'Yun ang mga panahon na naisip kong sana ay nabiyayaan ako ng isang masaya at perpektong pamilya.

Kaya palagi akong tumatakbo sa bahay na iyon upang lang sumilip sa loob ng bahay nila at makita kung paano ang buhay ng isang tunay at masayang pamilya.

Ilang oras ang ginugugol ko doon habang pinapanood silang buong pamilya na kumakain sa isang hapagkainan at masayang nag uusap-usap. Mukha man akong baliw at kawawa na hindi naman kasali sa usapan nila o ni hindi man lang nila ako nakikita, pero pakiramdam ko ay isa ako sa kanila.

Masarap talagang panoorin ang buhay ng iba kapag alam mo na kahit kailan ay hindi ka magkakaroon ng katulad ng kung anong meron sila.

Hanggang ngayon ay nakikita ko parin sila sa isip ko na nagtatawanan at nanunuod ng palabas ng magkakasama. Para sakin, iyon ang imahe ng isang masayang pamilya na nais kong meron ako sa tuwing uuwi ako ng bahay. Maliwanag at puno ng mga ngiti. 

Pero kabaligtaran ng lahat ng 'yon ang palaging sumasalubong sa akin.

Naramdaman ko ang kamay ni Trina na humawak sa aking braso kaya napalingon ako sa kanya, ang lungkot ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Alam kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa malaking bahay na iyon. 

Mas matanda sa akin si Trina ng pitong taon pero siya lang ang natatanging kaibigan ko dito sa New Jersey. Walang pamilya si Trina at lumaki siya sa isang bahay-ampunan, ngunit noong 12 years old na siya, nagpasya siyang umalis sa sa lugar na 'yon at buhayin ang sarili.

Naiintindihan ko na hindi gaanong disenteng babae kung titingnan si Trina. I guess this is why my parents don't like her, dahil para sa kanila, bad influence lang siya sa akin just because she wears short skirts and dresses.

Inaamin ko na minsan kailangan takpan ang bibig ni Trina dahil sa mga hindi magagandang salita na lumalabas rito. Pero alam ko na mabuti siyang tao, at higit sa lahat, nandiyan siya sa mga panahon na walang nariyan para sa akin.

 “We're here,” sambit ni Jorge bago bumaba ng sasakyan.

Muli akong tumingin kay mom, at ang mga mata niya ay nakatingin rin ng diretso sa akin. Kailangan namin mag-usap, pero hindi sa ngayon. I'm starving and I need to fuel myself para makapag-empake ako ng mga gamit ko mamaya.

“Crystal, magpalit ka na muna habang inaayos namin ang mesa,” mom uttered.

“Sasama na rin ako.” Dumiretso si Trina sa kwarto ko matapos niyang padaanan ng daliri niya ang icing ng cake.

“Alam kong may cake kasi graduation mo. Mabuti nalang talaga pumunta ako rito!” masayang sambit ni Trina as she throws herself on the bed.

“Akala ko ba nandito ka dahil nag-aalala ka sa akin?” 

Tumawa lang siya ng tumawa at literal na ikamamatay niya kapag nagpatuloy pa siya ng limang segundo.

Tinuro niya ang sarili. “A-Ako?”

Tinawanan ko na lang rin siya dahil alam kong inaasar niya lang ako.

Sinimulan ko nang magpalit ng damit na ibinigay sa akin ni Mom at ni uncle Jorge kaninang umaga bago kami magtungo sa University. I also decided na maglagay ng make-up ngayon dahil pakiramdam ko ay kailangan ko.

“Totoo na nandito ako dahil sigurado akong magkakaroon ka ng cake, lumalabas lang naman yun tuwing may special kayong ipagdiriwang. At alam mong hindi mo ako masisisi, wala namang bumibili sakin ng cake just like how your family do to you. Even Rafael never buy me a cake.” Saglit na tumigil si Trina bago siya nagpatuloy. “Pero nandito rin ako para sayo Crystal, alam ko na hindi mo gusto ang pakiramdam na kasama mo sila.”

Lilingon na sana ako upang tingnan si Trina pero ang tanging nakita ko na lang ay ang pagsara ng pintuan.

“Alam ko Trina...” Bulong ko.

Ito na ang huling hapunan ko sa mesang ito kasama sila mom, uncle Jorge, Eliz, at si Trina. Kaya mas mabuting kumilos ako nang tama at subukang huwag magsimula ng kahit na anumang gulo. Dahil kung hindi— masisira ang mood at excitement ko.

Nakaupo na kaming sa lahat sa lamesa kaharap ang mga pagkaing ihinanda nila para sa araw na 'to. Naka-pwesto si Eliz sa harapan ko kaya halos hindi na ako makakain dahil sa hindi ako komportable sa kanya. 

Kahit pa ilang beses ko na siyang nakakasama at nakikita ay hindi ko magawang masanay sa kanya. Hindi rin naman kasi siya dito sa bahay lumaki dahil ayaw niya rin ang naging sitwasyon namin noon. Kaya naman ay umalis siya dito sa bahay when she turned 18 at lumipad papuntang France. 

Pareho lang kaming nasu-suffocate sa kung ano man ang meron ang pamilyang 'to. Ang kinaibahan lang, siya may pera, ako wala.

Nilingon ko si Trina na nakaupo sa tabi ko, hindi siya nakakaramdam ng awkwardness at talagang kumakain lang ngayon na akala mo ay huling araw niya na rin dito sa New Jersey.

“Crystal…”

Hinawakan ni mom ang kamay ko bago niya inilipat ang mga tingin niya kay Jorge.

Inaasahan ko nang mangyayari 'to. 

Binawi ko ang kamay ko mula kay mom at saka sila tinapunan ng tingin. “Kung ano man yan, pwede bang huwag niyo na lang sabihin sakin? Only because I don’t want to ruin my mood at maging masaya lang sa paglipad ko patungong Denmark.” ani ko bago ko itinuon na lang ang atensyon ko sa aking plato. 

Ramdam kong' kung ano man ang gusto nilang sabihin sakin ngayon ay isang bagay na hindi ko magugustuhan.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtitinginan ni mom and uncle Jorge na 'kala mo ay nagdedebate kung sino ang magsasabi sa akin.

Kahit huling araw ko na dito, parang magkakaroon pa rin ako ng problema. At ang mas masama, baka madala ko pa sa Denmark.

Napabuntong-hininga na lang ako.

“Speaking of you going to Denmark, napagdesisyunan naman na uh…” sambit ni mom  na sobrang ikinainis ko.

People should really stop doing this. Yung may sasabihin tapos bibitinin at hindi na itutuloy. Like seriously, nakaka-praning.

“That— why don't you go there with Eliz? Besides, she's also planning to have a vacation in Denmark, it will also be a perfect time for the both of you to spend time together.” Pilit ang ngiti sa mga labi ni Jorge.

I let out an awkward laugh. “Nagbibiro lang siya… diba?” 

Hinintay kong sabihin nila na hindi totoo ang mga sinabi niya ngunit walang sinuman ang umimik. 

“Mom?”  

Umiwas siya ng tingin mula sa akin.

“This is all settled honey, both of you will go to Denmark,” sabi ni Jorge sa akin na diretsong nakatingin sa mga mata.

“Kanina lang tinatanong niyo ako, tapos ngayon settled na?”

Kung makapag-desisyon sila akala mo talaga sila ang nagbayad ng mga flight tickets namin.

Wala na akong magawa kundi ang magpakawala ng malalim na buntong-hininga. Wala naman akong ibang choice kung hindi ang pumayag dahil baka hindi pa nila ako payagan na umalis kung sakali man na tanggihan ko ang nais nila.

Kagaya ng palagi na lang nangyayari.

Pero paano ako pupunta at mananatili duon kasama si Eliz? Ngayon nga ay halos hindi na ako makakain sa harap niya.

 ______

Pagkatapos kumain, nakita kong nasa kusina si mom at naghuhugas ng mga plato na ginamit namin. 

Humakbang ako upang lumapit sa kinatatayuan niya. “Hindi ako makapaniwala na hinayaan mong mangyari ang lahat ng ito, Mom.” Hindi siya lumingon sa akin kahit sigurado ako na narinig niya ako. “Alam mo naman na simula bata pa lang ako pangarap ko na ang makapunta ng Denmark. Tapos ngayon na may pagkakataon na 'kong makatapak man lang sa pangarap kong iyon, may mga plano ka na agad para simulang sirain ang lahat?!” Bahagyang napataas ang tono ng aking boses dahil sa bugso ng galit na naramdaman ko at nakalimutan na magulang ko pa rin siya.

Sobrang daming part-time job ang pinasok ko upang makapagtapos at makaipon ng pera para sa sandaling 'to. 

Marami akong isinakripisyo, tapos ngayon ganito lang ang kapalit ng lahat ng 'yon.

“Crystal, tatlong araw lang. Bakit ba hindi mo mabigyan ng pagkakataon na mabuo ang pamilyang 'to?” diretso ang mga mata niya sa akin na umaasang mababago ng mga tingin niya ang isip ko.

Oo nga pala. 

Tatlong araw lang. Yun ang alam nila.

“Hinding hindi na magkakaroon ng chance ang pamilyang 'to mom. Dahil sa simula pa lang naman, magulo na ang lahat. Kaya sana, wag na kayong umasa o maghangad ng mga imposibleng bagay.”

Wala silang kaalam-alam na ang inaasahan nilang tatlong araw na bakasyon ay wala nang balikan. 

Hindi ko sinabi kay mom dahil alam kong hindi niya ako papayagang umalis.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nila para pasamahin sakin si Eliz kahit na alam naman nilang hindi kami magandang kombinasyon para sa isa’t isa. Our relationship as step-sisters will never work out.

Anyway, bukas na ang pinakahihintay kong araw. Ang araw ng flight ko papuntang Denmark. My dream land. Kaya imbes na makipagtalo kay mom at mag-isip kung paano ko pakikisamahan ang step-sister ko. Mas mabuti pang simulan ko na ang pag-iimpake ng mga gamit na dadalhin ko. 

Everything that happened today will then be ignored because tomorrow will be my day.

Pagkukumbinsi kong kinausap ang sarili ko habang papasok ng kwarto na may malawak na mga ngiti sa labi at lumundag-lundag pa dahil sa tuwa.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iimpake ng tinawagan ako ni Trina dahil nasa labas daw siya. Baka may naiwan siyang gamit dito sa bahay dahil agad rin siyang nagmamadali na umalis kanina.

Marahan kong binuksan ang pinto at laking gulat ko ng makita ko si Trina na hawak ang isang malaking maleta.

“Sasama ako sayo sa Denmark.” mabilis niyang sambit bago ako umabante palapit sa akin at yumakap ng mahigpit.

“Uh…” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “Bakit biglaan naman yata?”

Alam kong matagal nang plano ni Trina na kumuha ng bahay at manirahan kasama ang kinakasama niyang si Rafael pagkatapos kong makalipad papuntang Denmark. Kaya bakit niya naman gugustuhing sumama?

“Alam mo Trina, kung tungkol 'to sa pagsama ni Eliz sakin. Okay lang talaga ako. Kaya ko naman ang sarili ko kaya hindi mo na kailangan mag-alala sa 'kin, hmm?” Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tinitigan ng diretso sa kanyang mga mata upang ipaalam na magiging ayos lang ako.

Ngayon ko lang napansin na namumugto ang mga mata niya at para bang maiiyak na dahil sa mga naipong luha sa 'baba ng kanyang mga mata.

“Hindi mo na kailangan pang sumama samin para lang protektahan ako sa kanya. Alam kong marami kayong plano ni Rafael and you should be doing it by now. Okay lang ako, Trina.”  

“Hiwalay na kami ni Rafael…” 

Malungkot niya akong sinulyapan bago binuhat ang bagahe niya at mabilis na lumakad papasok ng kwarto ko habang iniwan akong nakatulala sa ere.

“Kailangan ba talagang mangyari ang lahat ng 'to bago ako umalis?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status