Share

Always Been A Star (TAGALOG)
Always Been A Star (TAGALOG)
Author: Sweven Yugen

Unang Kabanata: Twins

“To the one who left.”

Sa pitong bilyong tao sa mundo, may nakatadhana sayo. Maaaring nakatadhanang makilala at magbigay leksyon at pagtibayin ka. Mayroon din namang kailangan mong makilala dahil ikaw ang magbibigay ng aral sa kanila. Pero hindi rin maiiwasan na magkaroon ng mga taong papasok sa buhay mo upang umalis lamang kalaunan. Ang lahat ng iyong naranasan at mararanasan, lahat nang iyan ay nakasulat na at hinihintay na lang mangyari. Ngunit sa kabila ng lahat ng klase ng taong iyong makakasalamuha, mayroong bukod-tangi na aalisin ang lahat ng iyong tanong at pag-aalinlangan--- iyong taong kayang manatili.

“Momma!” Tumatakbo papunta kay Willow si Sinag na marumi gawa sa paglalaro sa putikan. Kids, napailing-iling na lamang siya nang may ngiti. Sinalo niya anak na sumalakay sa kanya ng yakap.

“Where’s your kuya?” Pinupog ng ina ang anak ng mga halik habang papunta sa powder room ng mansion dala sa bisig ang anak. Hindi naman makasagot si Sinag at nanliit lamang. Napailing na lamang siya. Alam na alam agad ni Willow kung may ginawa na namang kalokohan ang anak na babae. Para talagang papa niya, hindi niya maiwasang isipin na maraming pagkakapareho ang mag-ama habang ang anak na lalaki naman ay halos sa kanya nag mana pero kuhang-kuha naman nito ang gwapong mukha ng ama.

Pinindot ni Willow ang intercom na siyang nasa pasilyo paglabas ng powder room nang matapos linisan ang mukha at kamay ni Sinag. “Señora del servicio, traer a mi hijo en la sala de estar,” utos niya.

“Sí, Señora.”

Pumunta si Willow dala si Sinag sa silid ng magkambal upang ayusan na ito.  Madami pa ang naganap bago tuluyang matapos sa pag-aayos si Willow sa anak dahil sa taglay na kakulitan nito na para bang hindi nauubusan ng enerhiya. Sabagay at bata pa naman ito at nasa lahi na ang pagiging makulit.

Pagbaba nila sa living area ay sakto namang papunta na rin doon si Alab na galing lang din sa powder room. Tama nga ang hinala ni Willow, na pagtripan na naman si Alab ng kanyang kakambal. May putik at dahon-dahon pa itong natira at hindi maiwasan ni Willow na mangamba para sa anak ngunit bago pa ito may sabihin ay inunahan na siya ni Alab.

“I’m okay, Momma.”

Mag li-limang taong gulang pa lamang ang kambal pero kay haba na ng pasensya ni Alab para kay Sinag, ganoon nito kamahal ang kapatid. Lagi namang pinagsasabihan ni Willow ang anak na minsan ay sobra na ang kaharutan nito pero matapos lamang ang dalawang araw na pagiging anghel nito sa kanyang kuya ay babalik na agad sa nakagawiang kakulitan.

Hindi naman niya masisi ang kakulitan ng anak dahil sa malaking mansion na kanilang tinitirhan (na siyang malayo pa mula sa susunod na tahanan), ay silang tatlo lamang ang naninirahan kasama ang mga taga-pagsilbi at bantay.

Pumanhik pabalik sa ikalawang palapag si Willow kasama ang dalawang bata para asikasuhin naman si Alab. Hindi siya nahirapan dahil masunuring bata si Alab.

“Sinag, you shouldn’t have done that. You don’t do your trippings to your twin.” Kahit kailan ay hindi niya tinaasan ang mga anak ng boses kapag pinagsasabihan niya ang mga ito dahil naniniwala siya na hindi ganoon ang tamang asal. “Sinabi ko naman sayo na dapat kung makikipaglaro ka sa kuya mo ay no-monkey business.”  Napanguso si Sinag at kumislap na ang kanyang mga mata na para bang sa tuta. Huling-huli rin talaga ng anak ang kiliti ng magulang dahil sa ganoon pa lamang ang ginagawa niya ay napangiti na si Willow.

“Come here!” At nag simula na nga ang harutan ng mag-ina. Hindi ito hilig ni Alab dahil ang paniniwala niya ay malaki na siya at nasisiguro niyang hindi siya ipagmamalaki ng kanyang ama kapag nakisali siya sa lambingan nila. Sapat na sa kanya na makitang malambing ang dalawa dahil nangako siya sa murang edad na hanggat wala pa ang kanyang ama, siya muna ang po-protekta sa kanila. Ngunit hinila na siya ng kanyang ina at sabay kiniliti ng dalawa. Nabalot ng tawanan ang buong silid.

Kung titignan ay para silang buo at masayang pamilya na naghihintay lamang sa ama na umuwi galing trabaho. Ang kaibihan lamang ay kahit kailan ay walang mapagmahal na ama ang umuwi sa malaking mansion gaya ng palaging iniisip ng kambal bago matulog.

Nang mapagod sa harutan ay nahiga ang tatlo sa kama ni Alab at tumingala sa mataas na kisame ng silid. “Momma…” tawag ni Alab.

“Yes, Anak?”

“Please, don’t scold Sinag about our playtime. I also love playing with her and we both enjoyed it. There’s no harm in playing with mud and dried leaves, Momma.” Tama nga naman si Alab. Ang nais lamang ni Willow ay maprotektahan sila, na kahit wala ang ama sa tabi nila handa siyang magpaka-tatay para lamang maramdaman ng mga bata ang seguridad at pag-aalaga ng isang ama.

“Yes, you’re right.” Pinisil niya ang pisngi nito. Yumakap naman si Sinag sa ina.

“Am I forgiven na?” sinabi niya iyon sa malambing na boses kaya wala na ngang laban ang ina.

“Kuya is right. Next time, if both of you will play, do it with limitations. Am I being understood?”

“Yes, Momma!” May kasama pang pagtango-tango ang sagot ni Sinag.

“Your kuya loves you so much! And whatever makes Sinag happy, will also make him happy.”  Pagdating sa kapatid, hindi marunong humindi si Alab. Na para bang isang babasagin si Sinag na kapag humindi siya rito ay mababasag na lamang ito bigla kaya naman pinapaluguran niya ito sa abot ng kanyang makakaya.

Nagkatinginan si Willow at Sinag. Nag-usap ang kanilang mga mata katulad ng kanilang ginagawa sabay sigaw ng, “HUGGABLE HUGS!” At binigyan na nga ng mag-ina ng mahigpit na mahigpit na yakap ang nag-iisang lalaki sa kanilang buhay ngayon.

Hindi maipaliwanag ni Willow ang saya na namamayani sa kanyang puso. Mukhang hindi pa naiimbento ang eksaktong salita ng kasiyahan na makitang malapit at masaya ang iyong mga anak. Buhay niya ang dalawang bata, kaya nang minsang maglaro ang dalawa sa ulan at apuyin ng lagnat ay halos hindi niya na kayanin. Kaya naman matapos ang pangyayari, masyado mang abala sa kanyang trabaho ay maglalaan siya ng isang buong araw sa isang linggo na para lamang sa mga bata. Alam niyang hindi iyon sapat pero sinusubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya upang ibigay ang pangangailang ng mga bata. Pero hindi pa rin mawawaglit sa isipan ni Willow na ano kaya ang mangyayari sa araw na iyon kung nandito lamang sa tabi niya ang ama ng mga bata. Hindi siguro lalagnatin ang mga bata dahil bago pa lamang ito maglaro sa ilalim ng ulan ay pagbabawalan niya na ito at maglalaro na lamang kasama ang mga anak habang hinihintay ang ama ng mga bata umuwi mula sa trabaho. Hindi siguro ganoon ang kahihinatnan kung may ama lamang ang mga bata.

Kinagabihan ay nakatanggap ng tawag si Willow mula sa kanyang kaibigan na nasa Pilipinas. Napailing siya na may ngiti sa labi nang makita ang pangalan ng kaibigan kanyang cellphone. Agad niyang ini-swipe ito upang sagutan. Bumungad ang mukha nito.

“Mabuti naman at may balak ka pang sagutin ang tawag ko?” Ito na naman ang pagmamaldita ng kanyang kaibigan na kinakaaliwan niya lamang.

“I’m sorry,. I got busy with my work… and I made time with my kids.” Umamo ang mukha ni Daima nang maisama ang mga bata.

“Kumusta na ang mga inaanak ko? Ang bilis nga naman ng panahon!”

“They’re good… I hope so.” Napabuntong-hininga si Daima.

“You know what, ang dami mong ginagawa---“

“I’m doing this for them, Daima---“

“Stop with that excuse, Andromeda. For goodness sake! You are well-off. Alam mo sa sarili mo na hindi mo masyadong kailangan magpaka-busy sa trabaho dahil alam ko at higit sa lahat ay alam mo na kahit hindi ka magtrabaho ay kaya mong mapag-aral ang mga inaanak ko sa pinakamahal na paaralan sa buong mundo at kayang sustentuhan niyang bank account mo iyang mga apo mo sa talampakan kahit sampu pa ang maging anak, apo, at apo ng apo mo.” Natahimik si Willow. Alam na alam niya iyon pero pinapagod niya pa rin ang katawan niya.

“You are making this hard for all of you and the kids.”

“H-hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.”

“Madali lang naman ang gagawin mo. Umuwi ka rito sa Pilipinas kasama ang mga inaanak ko at ipakilala sa ama nila. Simple as that.”

“Sana nga ganoon lang kadali iyon. It’s not that simple.”

“Face the consequences of your actions, Andromeda. Umalis ka ng Pinas nang hindi nalalaman ng ama ng mga bata na nagdadalang-tao ka. The father needs to know the truth.”

“A-alam mo naman kung bakit… h-hindi ko na sabi kay A-atlas, diba?” Hirap nang magsalita si Willow dahil sa bumara sa kanyang lalamunan. Inalis niya na rin ang camera sa kanyang mukha upang hindi makita ang pagpahid niya nang namumuong luha. Hindi man kita ni Daima ang ginagawa ng kaibigan, sa ilang taon nang magkakilala ay alam na nito ang nararamdaman.

“I… I saw Atlas… earlier--- with a woman, in the party I attended.” Napako si Willow sa kanyang ginagawa. Nabingi. Hindi niya alam kung ano ang dapat na reaksyon . Dapat matuwa siya dahil sa wakas, may potensyal nang mag-aalaga sa taong minahal niya pero ano itong nararamdaman niya? Bakit may panghihinayang?

“Good for him.” Sinubukan niyang huwag pumiyok.

“He was happy, Willow. Saksi ako sa pagmamahalan ninyo. Kung paano ka niya tignan noon--- iyong kahit ngunguya ka lang, kumikinang na ang mga mata niyang nakatutok sayo. Ganoon niya tignan ang babaeng kasama niya. Kilala mo si Atlas, his eyes are always the window to his soul. He’s transparent. Masaya na siya. Baka naman ngayon… payagan mo na nag sarili mo na maging masaya.” Umaasa si Daima na sana nga ay mahanap na ng kaibigan ang tunay na lalaki na para sa kanya. Ito naman ay taliwas sa paniniwala ni Willow.

“I am happy, Daima. Who told you I’m not? I don’t need a man to be happy. I have my kids. They are my joy. They are enough already.”

Sinag at Alab. Sila na lang ang tanging tunay na nagpapasaya sa kanya at kung mawala pa ang mga ito, baka nga ay masiraan na siya ng bait.

“You. Sigurado akong ikaw hindi mo kailangan, pero ang mga anak mo? Ang mga inaanak ko? Sabihin mo man na kaya mong magpaka-ama sa kanila, maghahanap at maghahanap pa rin ang mga bata ng titingalaing ama.” Pumasok sa isipan ni Willow kung paano makisalamuha ang mga anak sa kanyang mga kuya. Kung paano nila ito tawaging Papa. Na kung bibisitahin sila ay para bang limang taong hindi nagkita gayong buwan-buwan naman ang pagdalaw ng mga ito.

“Gawin mo na ang matagal ko nang sinasabi sayo. You date. Explore!” May pag-aksyon pa si Daima suot ang kanyang pink silk robe.

“I’m not young anymore to explore. I’m 30. Pawala nasa calendaryo ang edad ko. Right now, I’m focusing on my children.”

“Ikaw, oo. Pero sina Sinag at Alab, hindi. Bata pa sila. At kahit anong eksplanasyon pa ang gawin mo, sabihin man nilang naiintindihan nila ang sitwasyon niyo, may naiwan pa ring tanong sa kanila. Isipin mo na lang na itong date-thingy…” Isenenyas pa ni Daima ang quotation sa mga daliri. “... ay para sa mga bata, at hindi para sayo.”

“I don’t think I can do this, Daima---“

“Ano ka ba! Just list down your likes and dislike about your future partner then give it to me. Ako na ang bahala ang mag-hunting sa kanila para sa iyo.”

Na tapos ang tawag at may parte kay Willow na nakumbinsi ni Daima pero marami pa ring agam-agam na namamayani sa kanya katulad na lamang iyong kay Atlas. Noong umalis siya sa Pinas nang walang pasabi kay Atlas, alam niyang sa sarili niya nasa oras na nakalabas siya sa bansang iyon ay wala nang balikan.

Wala nang balikan para sa mga taong nang iwan.

Kaya naman nang marinig ang balita mula kay Daima, may parte sa kanyang nagtanong at bukod doon, nakaramdam siya ng tunay na saya para rito. Nasa wakas, sa hinaba-haba ng panahon, nasa kabila ng kanyang paghihirap, nakita na nito ang babaeng para sa kanya. Hindi man siya, ang mahalaga natagpuan nito iyon. Iyon ang mahalaga, ang hindi matulad si Atlas kay Willow na sinarado na ang pintuan at bintana sa ano mang posibilidad ng panibagong pag-usbong ng romantikong pag-ibig.

Sa huli, hindi man natupad ni Willow at Atlas ang pangakong panghabang-buhay na mamahalin ang isa’t isa--- natagpuan naman nila ang kanya-kanyang masayang wakas sa kwentong inakala nilang kanila. Si Atlas na matapos ang mga pinagdaanan--- huminto man ang pag-ikot ng orasan sa kanya kasabay ng kanyang paghinga ay muling tumibok ang puso, at si Willow na madaming kinaharap na problema ay nahanap ang pahinga sa munting mga braso ng kanyang mga anak.

Pitong oras na huli ang España sa oras sa Pilipinas. Alas diyes na rito pero hindi pa rin makatulog si Willow buhat sa pinag-usapan nilang magkaibigan kaya naman minabuti niya na lamang tignan ang mga nangyayari sa mundo ng negosyo sa Pilipinas.

Usap-usapan ang kaganapan sa pagsasalo ng in-organisa ng mga Consunji para sa panibagong tagumpay ng kompanya. Nagkalat ang iba’t ibang artikulo na si Atlas at ang babaeng kasama nito ang paksa.

Tama nga si Daima. Iba nga kung makatitig ito para sa babae. Kung paano nito alalayan ang kasama ay para bang isang babasaging ornamental.

May pag-iingat.

Siguro, wala namang masama kung susubukan niyang buksan ang puso para sa iba. Oo, tama! Walang masama at makakatulong pa nga ito sa kanya.

Sana nga.

Mabilis nakagawa si Willow ng listahan ng mga gusto at ayaw niya sa isang lalaki. Bago ipadala sa e-mail ng kaibigan ay nagkaroon pa nang pagtatalo ang kanyang isipan kung tama ba ang gagawin niya. Sa huli, hinayaan niyang tangayin siya ng agos. Pinindot niya ang send button at madiing napapikit.

Oo, wala nang atrasan ‘to.

Umaasa siyang ngayong hindi na niya kakalabanin ang agos ng buhay at mas magiging madali ang buhay niya. Dahil kung hindi, pati ang sinulat ng mga bitwin na kanyang kapalaran ay muli niyang kakalabanin.

Para sa kanyang mga anak.

Oo, para sa kanyang mga anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status