Share

Ikatlong Kabanata: Privacy

“To the one who loves beaches.”

Maaliwalas na bumungad kay Willow ang sinag ng araw na tumama sa mukha niya. A las kuwatro na ng hapon kaya naman agad na siyang lumabas sa kanyang coaster van upang pakinggan ang kalmadong paghampas ng mga alon sa puti at pinong buhangin.

Sa totoo lang wala naman talaga siyang alam sa lugar. Hindi siya taga-roon. Bigla na lamang kasi siyang sumabog at naisipang tumakas muna sa reyalidad.

Tumambad sa kanya sa di kalayuan ang asul na tubig-dagat at mga ibong nagliliparan sa himpapawid. Lumanghap siya ng sariwang hangin at napangiti dahil sa kakaibang dulot nito sa  sistema. Gumaan na lamang ang pakiramdam at sa isang iglap nakalimutan niya kung sino talaga siya.

Ngayong nandito siya sa ganitong kagandahang paraiso, hindi magkandaugaga ang kanyang isipan kung ano ba nag dapat unang gawin sa dami ng kanyang balak. Sinisigurado na niyang gagawa siya ng mga memoryang hindi lamang tatatak sa kanyang isipan kun’di sa kanyang puso.

Nagtungo siya sa dagat at unti-unting naramdaman ang kakaibang saya nang maibabad ang paa rito. Dinama ni Willow ang paghampas ng maliliit na alon sa kanyang paanan. Nag simula siyang libutin ang lugar. Malayo ang kabahayanan sa pwestong kinalalagyanan niya.

Kung alam ko lang na ganito ang maidudulot ng dagat at sariwang hangin sa akin ay matagal ko na sanang itong ginawa, isip niya.

Sa kalagitnaan ng paglalakad-lakad upang libutin ang lugar, may namataan siyang isang duyan na nakatali sa dalawang puno ng niyog. Sa tabi nito ay isang maliit na kubo. Dahil sa kuryosidad ay mas nilapitan niya pa ito at sinipat kung may tao ba sa loob ngunit sinalubong siya ng katahimikan at kawalan ng mga gamit. Nakakandado rin ang pinto nito kaya hindi na siya nag aksaya pa ng panahon at dumiretso na lamang sa duyan na gawa sa rattan. Tinanggal niya muna nag dumi bago na higa.

This is what I really need!, sigaw ng kanyang isipan.

 Wala naman sigurong magagalit kung maiidlip siya ng ilang minuto, hindi ba? Aalis naman si Willow kung sakaling dumating ang may-ari ng kubo at paalisin siya. Gusto niya lang talaga matulog habang naririnig ang hamapas ng alon at huni ng mga ibon na nagmistulang musikang pampatulog, isama na rin ang sariwang hangin na yumayakap sa kanyang balat.

Tuluyan na nga siyang naging komportable at bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. Ngayon niya lang naramdaman ang pagod sa pagmamaneho kaya madali lamang sa kanya ang makatulog.

Ang ilang minutong balak na idlip ay inabot na ng gabi. Ramdam niya na ang lamig ng hangin na galing sa dagat.

"A-ahh... Ahh.... s-sige pa... sige pa!" 

Isang malakas na ungol ang nag pagising sa kanyang diwa. 

"A-atlas! Ang s-sarap niyan... Harder please!... Iyan! Iyan! Iyan!" Napabangon siya sa kanyang kinahihigaan at laking gulat niya noong makita sa di kalayuan ang dalawang taong may ginagawang milagro!

D-disgusting!, bulong ng kanyang isip.

Napabalik na lamang siya kaagad sa pagkakahiga upang hindi sila magkakitaan!

What the hell comes to their minds? Don’t they know what privacy is?

"Fuck me harder, Atlas! Ahh!"

Tinakpan niya ng kamay ang kanyang dalawang mata pero nakakasilip pa rin na para bang mababawasan nito ang nakikita ngunit hindi. Malinaw ang kuha ng kanyang mata na dito pa talaga nilang nakuhang magsanib pwersa ng kanilang katawan. Hindi na sila na hiya!

Bumalik na lang siya muli sa pagkakahiga. Hindi maaring umalis si Willow ngayon sa duyan na ito dahil tiyak na makikita nila siya at hindi dapat nila malaman na nag bibigay sila ngayon ng libreng panoorin sa kanya… o mas magandang sabihin na horror movie!

Sinubukan niyang ipikit ang mga mata baka sakaling maka-idlip muli at wala na sila riyan sa pagdilat ng kanyang mata pero hindi niya magawa dahil sa mga malalakas na ungol na gawa ng dalawa.

Wala ba silang pambayad sa motel? Inn? Wala ba silang bahay na malapit dito? O sadyang makakati lang sila at hindi na sila nakaabot pa sa kanilang tutuluyan? Hindi ba nila inisip ang mga taong makakakita sa kanila?   

Napabuntong-hininga na lamang siya at muling sinikap na makatulog. Dito na lang siguro siya mag papalipas ng gabi at bukas na bukas ay aalis na kaagad. 

Ngunit hindi niya pa naipipikit ang kanyang mga mata ay narinig niya ang pag-ring ng kanyang cellphone. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi kalakasan ang tunog pero dahil sa kalma na ang dagat at tahimik ang lugar pwera lang doon sa dalawa ay tiyak na naririnig nila ang tunog!

Agad niyang pinatay kung sino man ang tumatawag nang hindi tinitignan kung sino ito. Mamaya na niya iyon babalingan, ang mahalaga ay makaalis na siya ngayon dito bago pa nila siya makita at isipan ng masama.

Mas lalo pa siyang kinabahan noong matumba at sumalampak sa buhangin dahil sa pagmamadaling halungkatin ang cellphone sa bag na nabitawan ko nang patayin ang tawag.

Holy shit! What should I do?!

Tuluyan na ngang nawala ang mga unggol sa paligid kaya sumilip siya sa dalawa. Nag mamadaling isinuot ng babae ang damit na nag kalat sa buhanginan habang ang lalaki ay kunot-noong nakatingin lamang sa kanya. 

Agad siyang napamulahan ng pisngi noong makita ang kanyang katawan na hubad-baro at hindi man lang nag abalang isuot muli ang mga damit.

Taas-noo pa itong nakatingin sa akin habang siya ay nakadapa sa buhanginan at hindi makagalaw dahil sa kahihiyan. Napapikit na lamang si Willow ng mariin dahil sa sariling kapalpakan. 

Ang dami nang tanong sa isip ni Willow na kung ano ang dapat niyang gawin ngunit hindi pa rin siya makagalaw lalo na noong mag simula itong mag lakad patungo sa kinaroroonan ko. Hindi ako makatingin sa lalaki at tanging paa niya lamang ang nakikita kong nag lalakad habang ang babae ay hindi gumagalaw sa kanyang kinatatayuan.

Napatingin siya sa mukha ng lalaki na naliliwanagan ng buwan. Nag mistula itong diyos ng buwan na bumaba sa lupa. Sumisigaw ang sexual appeal na sa bawat hakbang ng kanyang muscles sa binti. Para siyang galing sa kalangitan sa angking kakisigan at kagwapuhan, idagdag pa ang walang saplot niyang katawan sa eksena!

His carved muscles look like a work of the greatest sculptor of all time, iyan mismo ang nasa isip ni Willow.

Matangkad ang lalaki at habang mas lumalapit ay mas lalong nagiging klaro ang kanyang mukha. Ang kanyang kagwapuhan ay maihahalintulad sa isang griyegong diyos. Makapal ang kilay niya at ang pagsalubong nito ay mas nagbibigay ng misteryo sa kanya. Ang mamula-mula niyang labi ay nakakatakam pero hindi nga lang sigurado kung natural na mapula o dahil sa kagat lang ito ng babae niya. Matangos ang ilong. Pansinin rin ang kanyang magandang panga na mas nagpalalaki sa kanya at hindi papatalo ang mata niyang kapag tinitigan ka ay para bang hinuhubaran ka.

Nakaramdan si Willow ng pagkaasiwa sa paraan ng paninitig nito habang nakadapa siya ngunit hindi niya rin mapigilan ang makipagtitigan sa kanya dahil sa may ibang kulay itong nakita sa kanyang mata noong tumama ang liwanag ng buwan. Sa unang tingin ay aakalain mong kulay abo ito pero nang pakatitigan ay light brown pala.

Natauhan lang siya at nakagalaw noong umupo ito sa harapan niya, nakasayad ang isang tuhod sa buhanginan upang maging suporta sa bigad niya.

Harap-harapang nakikita ni Willow ang kanyang pagkalalaki. Mukhang malaki ang bilib niya sa kanyang sarili at hindi man lang nag-abalang takpan.

"Are you okay, Miss?" Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa kanyang katawan noong mag salita ito.

It’s not just his perfect body and greek god face that makes his sex more appeal, it also his low, husky and natural sexy voice, nagagawa pa ngang pumuri ng kanyang sistema. Kaya siguro pumapayag ang mga babae na gawin ang mga dapat hindi gawin sa publikong lugar. Tss.

Seryoso ang tingin ng lalaki sa kanya at inilahad pa ang kamay upang tulungan siyang tumayo pero hindi ito tinanggap ni Willow at nag kusang tumayo at pagpagan ang sarili. Iniiwas niya ang tingin sa lawit sa pagitan ng hita ng lalaki.

Umigting ang panga ng lalaki.

Galit ba siya dahil napahiya ko siya? o baka natapakan ko ang ego niya? Sa itsura niya ay siya iyong tipo ng dominanteng lalaki.

"S-sige, aalis na ako." Nag mamadali niyang sabi at agad na umalis bago pa makalapit ang babae sa pwesto nila. Ayaw niyang makompronta. Hindi na rin naman nila kailangang mag-alala dahil hindi naman siya iyong tipong kapag may nakita ay ipag-sasabi o ipag-kakalat.

Malalaki ang kanyang bawat hakbang. Hinihingal siyang nagpahinga sa likod ng isang pang kubo na hindi kalayuan mula sa pinagmulan niya. Nasisiguro ni Willow na hindi sila maghihinala na nag tatago lang siya sa likod ng kubong ito dahil may mga halamang naka-harang. Iisipin nila na nag dire-diretso lang siya patungo sa kumpulan ng mga kubo doon sa kalayuan kung saan maliwanag at may mga taong nakikita sa labas ng kani-kanilang bahay-kubo.

Sinubukan niyang sumilip sa dalawang iniwan, mula sa halaman na nakaharang sa akin at laking gulat niya na lamang noong makitang muling nag hubad ang babae at pinaupo ang lalaki sa duyan na kinahihigaan ko kanina at kumandong dito. Hanggang kalahati lang ng katawan nila ang nakikita pero mukhang nagkaisa muli sila base sa ekspresyon ng kanilang mukha.

Napangiwi si Willow noong makitang umaalog-alog ang hinaharap ng babae kasabay ng duyan. Hindi talaga sila matitinag kahit na may nakakita nasa kanila.

Sa gabing iyon, walang kaide-ideya si Willow na nakilala na niya ang ama ng kanyang mga magiging anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status