“TO THE ONE WHO DIVES TO SEEK FOR PEARLS”
Paano nga ba masasabi kung pag-ibig na ang nararamdaman?
May mga senyales ba? Kung mayroon, ano ito? Sapat na ba ang mga nararanasan at nararamdaman ni Willow upang masabi niyang nahulog na nga siyang tuluyan sa binata. Posible ba iyon sa katotohanan na hindi maganda ang kanilang pagkikita na nag resulta sa kapanganiban?
Sa ngayon, tanggap ni Willow ang atraksyon na humihila sa kanya papunta sa binata.
“Willow, Atlas, mauna na ako at may kailangan pa akong gawin sa bahay,” paalam ni Daima.
“Sige. Salamat, Daima. Babawi ako sa susunod,” sagot ni Atlas.
“Thank you, Daima,” sinserong pahayag ni
“TO THE ONE WHO HAS NOT MOVED ON YET”Bumalik na sina Atlas at Willow kasama ang batang si Riego. Noong una ay nahihiya pa ang bata kaya naman ginawa ni Willow ang kanyang makakaya upang maging komportable ito sa kanila lalo na at gusto niya malaman ang kwento nito upang lubusang matulungan.Handang makinig si Willow sa kung ano man ang lalabas mula sa bibig ng bata dahil buong buhay niya ay iyon ang kanyang inaasam.Ang marinig.Na gulat pa ang mga kasama ni Atlas sa bahay nang umuwi silang may kasamang bata. Ayos naman sa mga ito na may sinama silang bata. Humingi na rin ng paumanhin si Willow sisiguraduhing sagot niya ang bata. Wala naman ang nangyari ito para sa ama ni Atlas at sa totoo nga ay natuwa pa ito dahil may makakausap ang kanilang buns
“TO THE ONE WHO EXPERIENCED MALTREATMENT”Ilang araw ang nakalipas matapos ang tagpong iyon sa hapunan ay mas lalong dumalas ang pagbisita ni Atlas kay Willow ngunit ito ay sa hindi inaasahang oras.“Hey, what are you doing here at this hour?” takang tanong ni Willow nang makumpirma na si Atlas ang kumakatok sa kanya sa dis-oras na ng gabi kung saan tahimik na ang kapaligiran at tanging ang paminsang-minsan na huni ng mga ibon na lamang ang maririnig.Pinagmasdan niya si Atlas mula ulo hanggang paa at napagtanto na mukhang galing pa ito sa kanila at nakapag palit ng suot.“Hi,” medyong nahihiyang bati ng binata. Ngayon lang bumuhos sa kanya ang katotohanang maaaring naabala niya si Willow sa tulog nito. “Gusto lang kita kumustah
“To the one who left.” Sa pitong bilyong tao sa mundo, may nakatadhana sayo. Maaaring nakatadhanang makilala at magbigay leksyon at pagtibayin ka. Mayroon din namang kailangan mong makilala dahil ikaw ang magbibigay ng aral sa kanila. Pero hindi rin maiiwasan na magkaroon ng mga taong papasok sa buhay mo upang umalis lamang kalaunan. Ang lahat ng iyong naranasan at mararanasan, lahat nang iyan ay nakasulat na at hinihintay na lang mangyari. Ngunit sa kabila ng lahat ng klase ng taong iyong makakasalamuha, mayroong bukod-tangi na aalisin ang lahat ng iyong tanong at pag-aalinlangan--- iyong taong kayang manatili. “Momma!” Tumatakbo papunta kay Willow si Sinag na marumi gawa sa paglalaro sa putikan. Kids, napailing-iling na lamang siya nang may ngiti. Sinalo niya anak na su
“To the one who seeks for the comfort.” Darating sa buhay natin, na kahit gaano pa tayo katigas o katatag, hahanapin pa rin natin ang kaginhawaan. Ginhawa na makukuha lang natin sa itinakda para sa atin. Iyong makakaintindi ng ating mga suliranin, mababaw man o mabigat. “Basta, Willow, siputin mo si Jeremiah. Para naman maging sagana iyang love life.” Hindi na nga niya ata maalala kung pang-ilang paalala na ni Daima ito para sa kaibigan. Halos isang lingo na rin ang nakalipas at puro iyon lamang ang bukang bibig niya, na para bang ikamamatay nito ang kawalan niya ng love life. Kung tutuusin ay ang buhay pag-ibig na ni Willow ay sina Sinag at Alab. “You can now calm down as I go to our meeting place, okay.” Tunay ngang nakahinga na ng maluwag si Daima. Hindi rin kasi basta-
“To the one who loves beaches.” Maaliwalas na bumungad kay Willow ang sinag ng araw na tumama sa mukha niya. A las kuwatro na ng hapon kaya naman agad na siyang lumabas sa kanyang coaster van upang pakinggan ang kalmadong paghampas ng mga alon sa puti at pinong buhangin. Sa totoo lang wala naman talaga siyang alam sa lugar. Hindi siya taga-roon. Bigla na lamang kasi siyang sumabog at naisipang tumakas muna sa reyalidad. Tumambad sa kanya sa di kalayuan ang asul na tubig-dagat at mga ibong nagliliparan sa himpapawid. Lumanghap siya ng sariwang hangin at napangiti dahil sa kakaibang dulot nito sa sistema. Gumaan na lamang ang pakiramdam at sa isang iglap nakalimutan niya kung sino talaga siya. Ngayong nandito siya sa ganitong kagandahang paraiso, hindi magkan
“To the one who smiles through pain.” Panibagong araw, panibagong pag-asa para kay Willow na masulit ang hininging oras. Sinubukan niya na huwag nang alalahanin pa ang nangyari kagabi. Minabuti niyang gawin ang ganyang routine, ang mag hilamos ng mukha, ayusin ang pinaghigaan sa maliit na kwarto sa loob ng kanyang Coaster, at ang buksan ang bintana— “Good morni— hey!” Bigla na lang sumulpot ang lalaki kagabi at ginulat si Willow na kakagising lang. Para kay Willow, gulatin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising kung ayaw makakita ng daliring naiipit. “Bakit mo inipit ang mga daliri ko?” sabi ng lalaki na para bang kataka-taka pa ito. Pinanatili namna ni Willow ang kawalan ng emosyon sa kanyang mukha.
“To The One Who Wants To Escape”Wala naman sigurong masama kung sa pagkakataong ito ay pipiliin ni Willow ang kanyang sarili, hindi ba? Ayaw niya ng gulo at kung ang umalis sa magandang lugar katulad ng Laz Mercedes ang solusyon upang makamtam ang ninanais na pansamantalang buhay na payapa ay gagawin niya.Sa gabing iyon ay minabuti ni Willow na ihanda na ang sarili upang lisanin ang lugar. Bukas ng gabi din ay aalis na siya kaagad. Nais man niyang manatili sa lugar dahil sa tila-paraiso nitong kapaligiran ay mas pipiliin niya pa ring lisanin ito na may magandang imahe sa kanyang isipan.‘Hindi ko hahayaang ang paraisong ito ay maging isang bangungot sa aking ala-ala’, bulong ng puso niya.
“TO THE ONE WHO EMBRACED BY THE MOONLIT”Takot.Isang salita lamang na siyang maaring ikamatay o ika-buhay natin. Bawat indibidwal ay may iba’t ibang paraan kung paano kahaharapin ang salitang ito— may iilan na pinipiling takbuhan ito at mayroon din namang handang yakapin at kaharapin ang takot. Pero bakit nga ba kailangan pang kaharapin kung maari namang takbuhan?Unti-unting ginalaw ni Willow ang kanyang daliri, senyales na nagkakaroon na siya ng malay hanggang sa naibuka na niya ang kanyang mga mata. Nasilaw siya sa puting kulay ng kwarto. Sumalubong sa kanya ang ingay ng ibang tao na siyang bumibisita sa ibang pasyente na kasama niya sa kwarto. Inilibot niya ang kanyang paningin sa sariling katawan at hindi na siya na gulat