Share

Chapter 4

ELI

Eksaktong alas-kwatro ng hapon ay nasa kamay na ng aming Professor ang lahat ng test paper ng huling exam namin for prelims.

Nakahinga na ako ng maluwag.

Nagpaalam na ang aming Professor at inanunsyong kung kailan namin malalaman ang resulta ng exam.

Nang mga oras na lisanin kami ng aming profesor ay napuno ng malakas na ingay ang buong kwarto. Gaya ng inaasahan, kanya-kanyang konsultahan ang bawat isa sa kung anong isinagot nila sa mga items na hindi sila sigurado.

Mula sa unahan ay nakita ko ang isang babaeng nagmamadali palapit sa akin.

"Uy Eli! Nakuha mo ba yung tamang computation kanina 'dun sa Accounting? Iyong item number 3 ba 'yun? Basta nakakaloka!" Sambit nito sa akin habang hawak-hawak ang isang buong pad kung saan nakalagay 'yung mga computation niya kanina sa subject na Accounting.

Siya si Yumi. She is also running as a top student sa aming section. Hindi ko siya gaanong kaclose pero siya ang mahigpit kong katunggali pagdating sa academics. Don't get me wrong dahil we don't hate each other. Mabait itong si Yumi and I can say that she's a good academic rival. Hindi ko nga inakala noong una na matalino pala siya dahil siya ang pinakamaingay sa amin at naoo-eyan na 'yung ibang tao sa kanya. O sige na, isama niyo na rin ako pero hindi ibig sabihin 'non ay ayaw ko sa kanya. She's a good person at masasabi kong isa siya sa maituturing kong kaibigan dito sa school, but not that so-called-friend na palagi kong kasama. Basta nakakausap ko lang siya kapag ang pag-uusapan ay may kinalaman sa school matter at academics.

"Ahh, sa totoo lang ay hindi ko na matandaan 'yung mga sagot ko sa Accounting Yumi. Alam mo namang bobo ako sa Math hindi ba?" Medyo nahihiya kong tugon sa kanya habang nakakamot sa ulo. Hindi ko naman kasi idedeny na mahina ako pagdating sa mga computations na iyan. Basta may mga number at find the x and y na ang problem ay hirap akong intindihin.

"Hala siya! Huwag ka ngang ano diyan! Palagi mo namang sinasabi na hindi ka magaling sa Math pero kapag nandyan na iyung result ng test ay halos magkaparehas lang ang iskor nating dalawa. Ikaw ha. Alam ko namang matalino ka kaya 'wag mong palaging ibinababa ang sarili mo." Pagalit ni Yumi sa akin habang nakahaba ang kaniyang nguso kaya naman napangiti ako nang bahagya dito habang umi-iling.

"Huy, tiyamba lang iyon ano!" Sagot ko sa kanya.

"Weh? Anong tiyamba? eh bakit naka ilang ulit nang nangyari kung tiyamba lang 'yun? Sige nga? Huwag ka ngang pa-humble dyan uy!" Halata ang pagiging competitive nitong si Yumi sa pangdedead-end niya sa akin.

Umiling na lang ako sa kanya. Hindi na kasi ako makahanap ng isasagot pa sa kanya.

Totoo naman kasing mahina ako sa Math at hindi ko alam kung bakit minsa'y nakakakuha pa ako ng mataas na iskor sa exam.

"Anyway may plano ka bang gawin mamaya? May balak kasi kaming magvideoke nina Lenny mamaya kasama 'yung tropa. Tutal Friday naman ngayon at walang pasok bukas ay gusto sana naming makapaglibang after exams. Alam mo na, para iwas stress." Anyaya sa akin ni Yumi at lumingon sa mga kasamahan niyang nakaupo rin sa bandang unahan. I just know those blocks by their names kasi nga ay loner ako. "Ano? Sama ka?" she added.

Wala ako sa mood sumama pero wala naman din kasi akong maala-lang gagawin mamaya. Nag-iisip pa ako ng isasagot noon kay Yumi nang biglang may sumingit sa usapan naming dalawa.

"Videoke? Ang baduy! Gusto mong sa'min na lang sumama pre? Magsho-shot kami sa bahay nina Kenneth mamaya at mas mage-enjoy tayo roon panigurado." Nakangising sabi nito sabay tapik sa katabi nitong si Kenneth. "Diba pre?"

That's Theo.

Nagyayayang mag inuman sa bahay ng isa pa naming kaklase.

Kung susumahin ay puro boys ang nakaupo dito sa likurang pwesto ko kung kaya't kalimitan ay sila-sila rin ang palaging magkakasama. Sila 'yung tipikal na boys at the back pero hindi sila kasing bulakbol gaya ng ibang magtotropa.

Basically, I don't belong to their group dahil hindi ko trip ang kung ano mang trip nila sa buhay. You know. I'm gay at hindi nila alam iyon. Tahimik lang ako dito sa likod at may pagkasuplado kaya rin siguro'y wala na lang sa kanila kung tinatanggihan ko ang madalas nilang pagyayaya sa akin.

Oo, maraming beses na nagyayaya itong si Theo na sumama ako sa kanilang inuman pero never pa akong sumama. Hindi rin naman kasi ako pwedeng basta-bastang sumama sa kanila dahil hindi naman nila alam na bakla ako. Mahirap na, baka mabisto pa ako.

"Ah eh, naka-oo na kasi ako dito kay Yumi, pre." Ang sagot ko kay Theo kahit ang totoo'y ayaw ko namang sumama sa kahit sino sa kanila. Naki-'pre' narin ako sa kanya kahit labag ito sa aking kalooban. "Next time na lang siguro pre, basta sabihan mo na lang ako." Dagdag ko pa sa kanya at mabilis na iniligpit ang aking gamit tsaka tumayo.

"Ah ganon ba 'pre. O sige, ikaw ang bahala. Basta next time ha, no more excuses at sasama ka sa amin." Tugon nito na may bakas ng kasiguraduhan. Tila ba hindi na ako makakatakas pa sa susunod nilang pagyayaya.

Hindi na ako nagsalita pa at tumango nalang sa kanya.

Lumabas na kami ng class room kasama 'yung mga kaibigan ni Yumi na patuloy pa rin ang pagku-kuwentuhan about sa natapos na exam. Papunta na kami ngayon sa isang Mall kung saan sila madalas magvideoke.

I grab my phone inside my pocket and  decided to open my friendsbook account. Hanggang dito sa news feed ay usap-usapan pa rin ang katatapos lamang na exam. Iyong iba ay malungkot dahil ramdam nilang 'di sila papasa habang iyong iba nama'y tila ba walang pakealam basta't nakaraos na sa exam.

Patuloy ako sa pags-swipe ng aking cellphone nang biglang tumunog ang notification sa messenger. Nag-pop up doon ang bilog na profile picture ni Theo at kaagad ko itong binuksan.

John Theodore Velasco

Pre san ka?

Baka magbago pa isip mo nandito lang kami sa Alfamart. Bumibili pa kami ng yelo nila Kenneth.

seen 4:26 pm

Mapilit talaga ang isang ito. Hays.

Eli Montemayor

Papunta na rin kami nina Yumi sa SMM eh. Enjoy nalang kayo dyan pre.

sent 4:28 pm

Hindi pa nakakalipas ang isang minuto ay nakareply na siya kaagad.

John Theodore Velasco

Ah. Sunod ko nalang kung gusto mo pre? Hanggang gabi pa naman kami doon kayna Kenneth. Wala kasi 'yung parents niya kaya siguradong magsasaya tayo doon.

seen 4:28 pm

He's really persistent. Marami naman kaming ibang kaklase na sa tingin ko ay game na game makipag-inuman sa kanila pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ako itong pilit niyang gustong sumama. Hindi ba obvious na may pagka-nerd akong tao at hindi ako 'yung tipong mahilig sa inuman gaya nila? Bakit ba kasi ang kulit-kulit niya.

Tss. Paano ko nga ba patitigilin ang makulit na ito.

Eli Montemayor

Hindi kasi talaga pwede ngayon Theo. Hindi rin ako nakapagsabi sa bahay kaya malabo akong makasunod pa diyan sa inyo. Sa susunod nalang, promise. Kailan ba ang next session niyo para naman makapagpaalam ako?

sent 4:29 pm

I have no choice. Bahala na kung anong mangyari sa susunod basta matigil lang itong si Tiyodor sa pamimilit niya.

John Theodore Velasco

Okay sige. I-screen shot ko na 'to ah kasi baka biglang magkaroon ka nanaman ng amnesia sa susunod na yayain kita.

seen 4:30 pm

I guess nakumbinsi ko rin siya sa wakas.

Patawa rin talaga itong si Theo eh. Alam niya kasing modus ko ang maglimut-limutan para lang hindi ako makasama sa pagyaya nila. Kahit naman kasi ganito ako ay hindi ko pinipilit ang sarili kong makisama sa mga lalaki para lang itago ang totoo kong pagkatao. Sigurado kasing hindi naman ako makakarelate sa mga pinag-gaga-gawa nila so goodluck nalang sa'kin dahil tiyak na hindi na ako makakatakas sa susunod na magyaya siya.

Nagreply ako ng like emoticon kay Theo para tapusin na ang usapan naming dalawa, like I always do.

Nakita kong seen-in niya iyon at hindi na nagtype pa ng kung ano.

"Bakit naman nandyan ka sa likuran Eli? Halika nga dito at sabayan mo kami sa paglalakad. Sige na. 'Wag ka nang mahiya-hiya diyan at parang 'di mo naman kami kaklase." Ang sabi ni Yumi nang mapansin niya akong nag-iisa sa likod hawak ang aking cellphone.

"Oo nga Eli, dalawang taon na tayong magkaka-klase pero wala pa kaming masyadong alam tungkol sa'yo. Ang tahimik mo kasi palagi sa school kaya nahihiya kami na lumapit sa iyo." Dagdag naman ni Lenny na siyang seatmate nitong si Yumi. I just know few things about Lenny at hindi pa talaga kami nagkausap kahit noon pa. She always looks like a very neat girl na tila ba hindi makakabasag ng pinggan sa sobrang pino kumilos. Para siyang isang karakter na tanging sa Anime lang makatotohanan.

"Ay hindi na. Okay lang ako dito. Sumusunod naman ako sa inyo kaya huwag niyo akong intindihin." I waved both of my hands to tell them that I am really okay kahit na nasa likod lang ako.

Nakakahiya. Lahat sila'y nakatingin ngayon sa akin habang dine-depensahan ko ang aking sarili.

May isa pang babae na kasama sa kanilang grupo at sa pagkakatanda ko ay Jimenez ang apelyido nito, subalit hindi ako pamilyar sa kanyang first name. Madalas kasi kaming tawagin by surname sa school kaya mas natatandaan ko ang kanilang last name kaysa sa first name.

'Yung dalawa namang lalaki sa grupo ay sa bandang unahan din ng room nakaupo. Naging kagrupo ko sila sa isang activity noon kaya alam ko ang kanilang pangalan. At sa pagkakaalam ko ay magsyota itong si Kloyd at si Jimenez dahil palagi silang magkasama, habang ito namang si Calvin ay matagal nang pinopormahan itong si Lenny.

"Dito ka na sa tabi ko Eli para hindi ka na mahiya sa kanila." Hindi na ako nakatanggi pa dahil hinila na ako ni Yumi papunta sa kanyang tabi.

Nakakatawang isipin pero ngayon ko lang napansin na halos magkakapareha pala kami habang naglalakad. Kami ang nasa unahang dalawa ni Yumi, pumangalawa naman sina Lenny at Calvin at piniling magpahuli nina Wency at Kloyd para siguro makapagharutan silang dalawa.

Ipinakilala sila sa akin ni Yumi bago kami patuloy na naglakad patungong mall.

Maraming naikwento sakin si Yumi about sa kanyang kaibigan samantalang ako'y puro tango lang ang sagot pabalik sa kanya. It's very awkward that time kasi wala naman akong maikwento pabalik sa kanya. Sino ba naman kasing ikukuwento ko sa eh wala naman akong circle of friends sa school kagaya niya. Pang unang beses ko pa lang din itong sumama sa kanila dahil para makaiwas sa pag-aaya nila Theo.

"Ikaw Eli, kamusta 'yung mga kaklase natin sa likod." Biglang tanong ni Yumi nang matapos magkuwento tungkol sa mga kaibigan niya.

"Okay naman, hindi ako masyadong sumasama sa kanila kaya wala rin akong alam tungkol sa kanila. Sorry." Sincere kong sagot dito. Nakapasok na kami sa mall at nagpatuloy pa rin sa pagtatanong si Yumi.

"Eh iyong si Theo? Nagkakausap ba kayong dalawa? Pansin ko kasi kanina na ang close niyo palang dalawa." Ikinabigla ko ang sunod na tanong na nanggaling kay Yumi. Tila nag-iba rin ang kanyang tono ng pananalita 'nung ipasok niya sa topic ang kaklase naming si Theo. Para bang bigla siyang nahiya?

"Uy hindi 'no. Hindi kami close 'nung si Theo. Nagkakausap kami kung minsan pero hindi gaanong kadalas. Siguro kapag may itatanong lang siya about sa assignment ganon. Bakit mo natanong?" Sagot ko kay Yumi na tila ba'y nag-aabang ng kung anong isasagot ko sa kanya.

Pasimple siyang sumulyap sa kanyang likuran at nang masigurong busy sa pag-uusap ang iba pa niyang kaibigan ay may mabilis itong ibinulong sa akin sa siyang ikinagulat ko.

"Nanliligaw kasi siya sa akin simula nitong nakaraang araw lang."

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Si Theo? Nililigawan siya?

"Huwag kang maingay ha, Eli. Sa'yo ko lang muna sinabi ang tungkol 'don dahil ayaw kong tuksuhin ako nina Lenny sa kanya. Alam mo na, gusto ko munang makilala pa si Theo kahit noon pa man ay crush na crush ko na talaga siya." Pagpapatuloy ni Yumi. Bakas ang kilig sa kanyang mahinang boses kaya naman ngumiti nalang akong pabalik sa kanya.

"Wow." Iyon nalang ang nasabi ko pabalik sa kanya dahil sa pagkamangha. 

Natuloy kaming lahat sa loob ng isang Videoke room at doon ay masaya silang lahat habang pinagsasalit-salitan ang mic. Pinilit nila akong kumanta rin pero tumanggi lang ako sa kanila. Ayaw kong ipahiya ang sarili ko dahil hindi naman ako marunong kumanta.

Tahimik lang ako sa isang tabi habang pinanonood ko silang masaya. Maingay sa buong kwarto ngunit di ko iyon binibigyang pansin.

Iniisip ko pa rin iyong sinabi sa kin ni Yumi kanina.

May isang bagay akong natuklasan mula sa kanya at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay mayroong nawala.

Malinaw na ngayon ang lahat sa akin, and it only means na hindi tama ang hinala ko sa pagkatao ni John Smith na nakilala ko sa MATCHED.

Ang tanga ko talaga. Bakit kasi inisip-isip ko pang si Theo at John Smith ay iisa. I already know that from the very beggining. That Theo is not gay.

And that John Theodore Velasco will never be the person behind John Smith.

End of chapter

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status