Share

Chapter 5

Eli

Nakarating ako sa bahay bago pumatak ang alas-otso. Medyo late na rin pala. I already texted mom earlier para hindi na siya mag-alala sa akin. She's not strict but sadyang maala-lahanin lang dahil ako ang kaisa-isahan niyang anak.

Normal kasing dumi-diretso ako sa bahay pagkatapos ng klase kaya bago pa man mag alas-singko ay karaniwang nasa bahay na ako. Nagkataon lang na nayaya ako ng mga kaklase ko kanina and that was something new to my mom kaya talagang kailangan ko iyong ipaalam sa kanya.

"Nandito na po ako Ma." Pagod kong sigaw nang makapasok na ako sa pintuan para iparinig kay Mama ang pagdating ko. Hindi ito sumagot. Wala rin siya sa sala. Siguro'y nasa kusina nanaman siya o kaya'y nagpapahinga na sa kanyang kwarto. "Ma, nandito na ako." pag-uulit ko habang hinuhubad ang medyo mainit-init ko nang black shoes at medyas. Dahil 'ata iyon sa kala-lakad namin kanina and believe me, hindi ako sanay sa ganoong katagal na lakaran.

Isang oras kaming nagtagal sa videoke room at halos isa't kalahating oras naman ang iginugol pa namin sa pamamasyal. Gusto ko na sanang mauna noon after naming mag-videoke pero pinigilan ako ni Yumi at hindi hinayaang maka-alis. Huwag 'daw akong kill joy so in the end, wala akong nagawa kundi ang sumama na rin sa next destination nila.

Masayang kasama ang grupo nina Yumi at masasabi kong na-enjoy talaga nila ang friday gimik na iyon. Matapos kasi nilang magkanda-maos-maos kaka-kanta ay nagtungo kami sa kabilang mall kung saan naroon 'yung paborito nilang korean food chain para mag-dinner. Buti nalang at may dala akong extrang pera dahil medyo may kamahalan ang mga pagkain doon. We spent three hundred and ninety-nine pesos, almost four hundred, dahil grill-all-you can ang lahat ng korean foods na nakahain doon. Take note, that is 399 per head at mabigat iyon sa katulad kong estudyante pa lamang. Medyo nanghinayang nga ako sa ibinayad ko dahil hindi naman ako malakas kumain.

After namin magdinner ay pumunta naman kami sa isang park na di kalayuan, kung saan maraming booth na kahalintulad ng mga makikita mo sa malalaking amusement park. Ang kaibahan lang ay walang mga rides doon gaya ng roller coaster at ferris wheel. May shooting booth doon kung saan nakapanalo si Kloyd ng isang malaking teddy bear at ibinagay niya iyon sa kanyang girlfriend.

They seem to enjoy each other's company. Ako lang iyong tahimik sa grupo at everytime na hihikayatin nila akong i-try gawin 'yung mga ginagawa nila ay tumatanggi ako, at salamat dahil nirerespeto naman nila 'yon at hindi na ako pinilit.

I don't know.

Hindi ko alam kung ano bang mali sa akin ng mga panahong iyon. May hindi tama kasi parang wala akong kagana-gana kahit ang sasaya nila kasama. Ini-isip ko nga na kaya siguro hindi ako makasabay sa trip nila ay dahil kaki-kilala ko pa lang ng pormal sa kanilang grupo. Hindi naman kasi ako ganoong ka-vain dahil alam ko sa sarili ko na sumaya rin naman ako sa bonding na iyon kahit papaano. Masaya ako habang pinanonood kung gaano sila magkulitan sa isa't-isa.

Ang hindi ko talaga maunawaan ay kung bakit ang bigat-bigat ng mood ko sa bawat paglipat namin ng lugar na pupuntahan. Something is bothering me at hindi ko matumpak kung ano iyon.

Hays.

Gimik after exams. That was a very long day.

Kusa akong idinako ng aking mga paa patungo sa mahaba naming sofa at doon ako nagpasyang mahiga. Maging ang dalawa kong binti na kanina pa nanga-ngatog sa pagod ay gusto na ring magpahinga.

"Aw." napakagat ako sa aking labi matapos makaramdam ng kirot sa bandang likuran. Nakakangalay. Pakiramdam ko'y lalagnatin ako sa sakit ng aking katawan.

I need to rest a little bit bago ako aakyat sa itaas.

"Oh 'nak! Andiyan ka na pala. Anong ginagawa mo diyan sa sala at para kang nalugi sa itsura mo? Napa'no ka ba?" Mula sa kusina ay biglang sumulpot sa harapan ko si Mama. May hawak pa siyang sandok at siguro'y may inilu-luto siyang pagkain.

Umayos ako sa pagkakahiga at dahan-dahang naupo para bigyan ng espasyo si Mama. Napapikit ako nang maramdamang muli 'yung kirot sa aking likuran.

"Wala naman, Ma. Nangangalay lang itong likod ko." Sagot ko kay mama habang pinipisil ang medyo masakit na muscle sa likod ko.

Wala nang sinabi si mama pabalik pero nagulat ako nung iniharap niya ang likuran ko sa kanya. Ibinaba niya 'yung hawak niyang sandok at pagkatapos ay nagsimula siyang hagurin ang aking likuran mula sa bandang ibaba-pataas sa aking balikat.

Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko alam na may talent pala si Mama sa pagmamasahe.

Effective 'yung ginawang panghihilot sa akin ni mama. Unti-unting nawala 'yung kirot sa aking likuran hanggang sa bumagal ang paghagod dito ni Mama. "Ayan, tapos na." Sambit nito kasabay ng pagtigil ng kanyang mga kamay.

"Thanks Ma! You're the best Mom ever talaga!" Masaya kong sabi dito habang inu-unat ang aking balikat.

"Aysus! Nang-uto ka pang bata ka. Sumunod ka nalang sa akin dito sa kusina at may inihanda akong white pasta para sa'yo." Sambit ni mama at pagkatapos ay kinuhang muli ang inilapag niyang sandok.

"Ma, nag-dinner na kami kanina eh. Busog na po ako." Sagot ko kay Mom.

"Eh paano 'yon? Masasayang lang 'yung niluto ko kung hindi mo iyon kakainin 'nak." Kumunot ang noo nito nang malamang hindi na ako maka-kakain ng pasta'ng niluto niya. Favorite ko kasi ang carbonara kaya siguro ay nagtataka siya kung bakit tinatanggihan ko ito.

"Ma, busog na po talaga ako eh. Mas masasayang 'yan kung isusuka ko lang rin." I replied to her. Tumayo na rin ako pagkatapos ay dinampot ang aking bag.

Mom pouted her lips bago siya nagsalitang muli. "O siya sige. Ilalagay ko nalang iyon sa ref para hindi mapanis kaagad. Nako kang bata ka talaga!" pailing-iling nitong sabi bago siya nagtungong muli papunta sa kusina.

Nagpaalam na rin ako sa kanya at dumiretso na sa aking kwarto para makapagpalit ng komportableng damit. I usually wear pajamas during Friday dahil presko ito sa katawan. Magiging mahaba kasi ang tulog ko ngayon dahil walang pasok bukas.

After kong magbihis ay naupo ako sa study table at binuksan ang aking laptop. Nagpunta ako sa friendsbook at automatic na lumabas doon ang profile ko. Hindi ko na kasi ito nilalog-out dahil ako lang naman ang gumagamit nitong laptop.

Nang magcheck ako ng notifications ay may nakita ako roong isang tag request.

Mayumi Faith Sandoval requested to tag you on a post. To add this to your timeline, go to Timeline Review..

Galing iyon kay Yumi.

Nang i-click ko 'yung link ay napunta ako sa post ni Yumi. Kuha iyon ng mga litrato namin kanina. Nakatag na rin dito 'yung iba pa naming kasama na hindi ko pa naman friend dito sa friendsbook. Mayroon na itong Twenty-three likes while it was posted just five minutes ago. May pagka-famous rin pala ito'ng si Yumi.

I accepted her request to tag me on her post then tiningnan ko 'yung mga photos na in-upload niya. Fifteen in total 'yung mga pictures pero sa apat na kuha lang ako kasama. I saw myself na nakangiti doon sa mga shots pero hindi naman ako mukhang masaya. Unlike sa mga kasama ko na natural 'yung pagkakangiti nila. Halatang masaya talaga sila.

Napabuntong hininga ako.

Nagpasya akong idownload 'yung isang malinaw na kuha galing sa post ni Yumi. Gusto ko rin sanang mag-update ng status ang kaso ay wala naman akong nakuhang picture gamit ang phone ko. Paano ba naman kasi'y nalowbat na ako pagkatapos itext si Mama, at malas dahil iniwan kong nakacharge sa bahay 'yung power bank ko kaya hindi ko na ito nagamit. Thanks to Yumi dahil mahilig rin siyang magte-take ng picture.

Nang mai-save ko ang litrato sa aking laptop ay bumalik na ako sa profile ko. Nagtype ako ng simpleng caption sa picture at pagkatapos ay ipinost ko na ito.

Eli Montemayor

Chillin' after exams.

posted just now

Hindi na ako nagtag ng kahit na sino dahil si Yumi lang naman 'yung friend ko sa friendsbook, doon sa mga kasama ko kanina.

Habang nakatingin pa rin ako sa picture na inupload ko ay biglang may nagreact ng love dito. Iyon ang unang reaction sa post ko and for unknown reason ay natigilan ako nung makitang galing iyon kay Theo.

Hindi ba't nakikipag inuman ang isang ito sa bahay nina Kenneth?

Well, wala naman akong sinabing bawal mag online kapag nag-iinom. Nakakapagtaka lang kasi.

Wala pang isang minuto ang nakakalipas nang biglang lumabas sa notification ko ang isang comment galing din mula sa kanya.

I love you.

Nang mabasa ko ang comment niyang iyon ay kamuntikan na akong malag-lag sa aking kina-uupuan. Mabilis kong inilapit ang mukha ko sa screen para makumpirma kung tama ba iyong nabasa ko.

I love you.

What the f!?

Anong 'I love you'? Lasing na ata itong si Theo kaya kung anu-anong pinagkoko-comment niya!

Kaagad kong binuksan ang chat box namin ni Theo para tanungin sana siya kung anong ibigsabihin niyon pero bago pa man ako makapagtype ay may nauna nang nag-pop up na chat galing kay Yumi.

Mayumi Faith Sandoval

Eli!

Pakidelete nu'ng comment ni Theo sa picture natin!

Hays! Wala pang dapat makaalam ng tungkol sa amin.

seen 8:46 pm

Huh? Nakita niya na rin 'yung comment ni Theo sa picture na ipinost ko? At ano daw? Ang ibig niya bang sabihin ay siya ang tinutukoy ni Theo sa comment nito? Oo nandoon siya sa picture pero hindi ko naman siya itinag doon ah.

Anyway, maa-ari ngang siya 'yung tinutukoy ni Theo dahil sa nililigawan siya nito. Isinara ko nalang 'yung chat box namin ni Theo at nagreply pabalik kay Yumi.

Eli Montemayor

Ahh. Nagulat nga ako kasi nag-heart at I love you siya sa picture natin. Hayaan mo aalisin ko nalang yung comment niya. Baka kasi lasing na 'yun kaya kung anu-ano na ang nagagawa.

sent 8:49 pm

Mayumi Faith Sandoval

O sige Eli. Baka kasi may iba pang makakita at kung anong isipin nila. Thanks!

seen 8:52 pm

At kagaya ng hinihiling ni Yumi ay binura ko na 'yung comment ni Theo sa picture. Mukha kasing mas problemado pa siya kesa sa akin kahit kung tutuusin ay hindi naman siya naka-tag roon. There's no hint na para sa kanya ang comment na iyon.

Alangan namang para sa iyo 'yon Eli?

Yuck! I quickly snapped from the idea that came through my mind. Sobrang labo na para sa akin ang comment na iyon. Huwag nang umasa. Siguro'y nakita nga ni Theo si Yumi sa picture kaya siya nagcomment ng ganon.

Maglolog-out na sana ako sa friendsbook nang biglang may bagong notification na lumabas.

John Theodore Velasco was live.

At imbes na mag-log out ay may kung anong nagtulak sa akin para i-click ang notification na iyon.

I saw Theo's face on screen. Hawak niya 'yung cellphone habang nakatutok 'yung front camera sa kaniya. He's with his friends na sa siguro'y mga kainuman niya. Mukha na silang mga lasing at hindi ko maintindihan ang sinasabi nila sa video. Sobrang ingay. Mukhang wala na rin sila sa bahay nila Kenneth. Madilim kasi sa paligid pero mapapansing may mga street lights sa bandang likuran nila at sa tingin ko'y naglalakad sila sa gitna ng kalsada.

Patuloy sa pagsasalita ang hindi ko maintindihang si Theo nang biglang lumikot ang paligid nang pinapanood kong video. Para bang nagsimula silang magsi-takbuhan. Lumakas ang sigawan sa video at napansin kong may humahabol sa kanila. There's something wrong. Naka-live ang video sa friendsbook kung kaya't sari-saring reaction ang dumagsa rito.

Theo and his friends are in trouble.

Patulo'y kong pinanood 'yung video hanggang sa unti-unting nahiwalay si Theo sa mga kasamahan niya. Nasa likod pa rin niya 'yung ilan sa mga kalalakihang nakasunod sa kanila kanina, ngunit ang mas ikinabahala ko ay nang makitang may dala-dala na itong mga pamalo.

Nakainom sina Theo, ano mang dahilan kung bakit may humahabol sa kanila ngayon ay hindi na mahalaga. Ang alam ko lang ay nasa kapahamakan itong sila at kailangan nila ng tulong.

Kinuha ko mula sa pagkaka-charge ang aking cellphone at dali-daling bumaba. Hindi na ako nakapagpaalam kay Mama at dumiretso na sa labas.

I think I know where they are. Nahagip kasi sa video 'yung isa sa pinupuntahan kong store na apat na kanto lang ang layo mula sa bahay.

Habang tumatakbo patungo sa kinaroroonan nina Theo ay nagbukas ako ng mobile data. Buti nalang ay nakalive pa rin si Theo pero hindi na ito nakaharap sa kanya. Siguro'y wala itong kaalam-alam na nakavideo pa rin hanggang ngayon ang nangyayari.

Binilisan ko ang paagtakbo nang marealize na nakapajama pa pala ako habang naka tsinelas. Sa kakamadali ay hindi na ako nakapagpalit ng tshirt at shorts, pero hayaan mo na. Hindi ko nalang iyon binigyang pansin at nagpatuloy sa mabilis na pagtakbo.

I was catching my breathe.

Hanggang sa makarating ako sa ika-apat na kanto at doon ay nakabunggo ko ang taong pakay ko.

Sa lakas ng impact ng pagkakatama namin sa isa't-isa ay parehas kaming natumba. Nakita ko ang nakaupo na rin sa kalsada na si Theo at nakapikit. Tila ba'y nahilo sa pagkakataob niya. Napalakas rin ang pagtuon ko sa aking kanang kamay at pakiramdam ko'y may nabaling buto dito.

Hindi ko na iyon ininda at itinayo ang wala na yata sa huwisyong si Theo.

Naalala kong may mga humahabol nga pala sa kanya at nang lingunin ko ang daang pinanggalingan nito ay doon ko nakita ang apat na kalalakihang papalapit na rin sa direksyon namin. Sila 'yung apat na lalaking nakita ko sa video kanina kaya mas kinabahan ako. Mukha silang mga gangster! Malalaki ang hawak nilang pamalo at tiyak na mabubugbog kaming dalawa kung sakaling maabutan nila.

"Theo, tara na!"

Kahit nabibigatan ay pilit kong inakay ang amo'y alak na si Theo at dinala ito patungo sa isang madilim na eskinita kung saan kami pwedeng magtago. I know this place very well because I live here, at mabuti nalang dahil alam ko ang mga pasikot-sikot rito.

Nasa likod kami ngayon ng isang poste. Ini-ayos ko ng upo si Theo habang inaantay kong makalagpas 'yong mga humahabol sa amin. Grabe. Hindi ko inakalang papasukin ko ang ganitong klase ng gulo. Nakakakaba!

Nang marinig ko ang mga yabag ng mga kalalakihang humahabol sa amin ay tsaka ako nagmadaling umupo sa tabi ni Theo. Sandali akong nagpigil ng hininga para makaiwas sa paggawa ng ingay. I looked at Theo. Kahit madilim ay naa-aninag ko ang pawisan pero makinis pa rin niyang mukha. Kapansin-pansin rin ang mahahaba niyang pilik-mata dahil nakapikit pa rin ito hanggang ngayon.

Unti-unting naglaho 'yung ingay na nagmumula 'dun sa mga gangster. Mukhang nakalayo na sila kaya pasimple akong sumilip mula sa likod ng poste para tingnan ang paligid.

Mukhang nakalagpas na nga sila at ito na ang tamang panahon para makatakas kami.

Agad akong humarap kay Theo pero mukhang tuluyan na itong nawalan ng malay. I gently tap his face para subukan siyang gisingin subalit ungot lang isinasagot nito sakin.

"Huy Theo, tumayo ka na dyan please. Baka maabutan pa nila tayo o. Sige na." pangungulit ko pa dito pero hindi naman ito umi-imik.

"Hmm, hmm..."

Juicecolored mababaliw na ata ako. Please help.

Ano nang gagawin ko dito sa isang 'to.

End of chapter

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status