Share

NOTORIOUS
NOTORIOUS
Author: Maybel Abutar

PROLOGUE

Maayos niyang sinasalansan sa lagayan ang mga importanteng gamit para sa kanyang mga misyon ng marinig niya ang pagtunog ng nakabukas na computer. 

One Notification received.

Kararating niya lang mula sa isang misyon at sigurado siyang panibagong misyon muli ang laman ng mensahe.

From: ANONYMOUS

Hindi siya nagkakamali, Anonymous is a big client and a mysterious one. Marami silang transaction kaya't maaasahan ang bawat impormasyon na binibigay nito. Sa lahat ng nagiging kliyente niya, bukod tanging si Anonymous lamang ang nagbibigay ng mga impormasyon ng subject. Napapadali ang kanyang trabaho dahil doon.

Binasa niya ang email. Tulad ng kanyang inaasahan, nilalaman no’n ang panibagong misyon at ang halaga ng kikitain niya. Napangiti siya dahil do’n. Maganda ang presyo ng bagong subject niya. Sunod niyang binuksan ang files kasama ng email na mayroong filename na Confidential.

Pagkabukas pa lang ng file ay bumungad sa kanya ang isang larawan at pagkakakilanlan ng bagong subject.

Subject:     Robert Chang aka Boss Tulits

Age    :    56 years old

Occupation: Unodos Mafia underboss

Blah... Blah... Blah...

Pinindot niya ang reply button at sinend ang kanyang mensahe. Protected ang bawat transaction niya, kaya't panatag siyang hindi matatrack ang location niya.

To: ANONYMOUS

Deal. Expect the good news tomorrow.

Pagkasend ng message ay muli siyang tumayo at inayos ang mga gagamitin sa misyon. Magandang gawin ang misyon ngayon lalo pa't may magaganap na UnderGround fight ngayong gabi. Siguradong hindi mawawala ang kanyang subject sa lugar na ‘yon, sapagkat isa ito sa mahilig pumusta sa mga Killing battle. Sinigurado muna niyang naka-activate ang security system ng bahay bago umalis.

...

Tumigil siya malapit sa malaking pader. Ito ang nagsisilbing entrance sa UG na matatagpuan sa gitna ng kagubatan. Tanging mga miyembro lang ang nakakapasok sa loob. Mahigpit ang security ng UG kaya't hindi na rin kailangan ng gwardiya sa entrance. Natatanaw niya na maraming pumapasok sa loob, may mga grupo, duo at katulad niyang solo. Hindi siya makikisabay sa karamihan. Hinintay niyang maubos muna ang mga tao sa labas. Nananatili siyang nakadandal sa kanyang big bike.

Para mawala ang namumuong pagkainip, pinindot niya ang gilid ng relo at inayos ang pagkakakonekta sa suot na earpiece.

“Hmmm...” Napangiti siya ng marinig ang inaantok na boses mula sa kabilang linya.

“Hey, Stone cold...” sambit niya.

“What?” naiinis nitong tanong.

Naiimagine niyang nakakunot na ang noo nito. Ayaw nitong naiistorbo sa tulog, pero wala itong magagawa kundi sagutin ang tawag niya.

“If I'm going to die someday, get my body and give me a proper burial,” aniya.

“Why would I…? And who gave you the consent to order me, Old man?” Natawa siya sa sagot nito.

"I am your Master."

"In your dreams." Mas natuwa siya ng marinig ang iritasyon sa boses nito. "You're laughing like there's no tomorrow. What's with you?" Natigil siya sa pagtawa ng marinig ang seryoso nitong tanong.

"I want to hear your annoyed voice to lessen my boredom."

“Go to hell, Old Man. Stop pestering me,” sambit nito bago pinatay ang tawag.

Napailing na lang siya habang nakangiti sa likod ng kanyang itim na maskara.

...

...

Tumambad sa kanyang paningin ang pamilyar na tanawin sa loob ng underground. Para itong maliit na syudad, ngunit alam niyang mga halang ang kaluluwa ng mga narito. Lahat ng uri ng patapon sa mundo ay nagagawi rito. May makikilalang matataas na tao sa lipunan dahil sila ang malakas ang loob na ihayag ang mukha sa UG ng walang suot na maskara. Alam niyang malaki ang kinikita ng UG sa mga taong yun kaya't pinoprotektahan din sila rito.

Hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang mga tumitingin sa kanya habang naglalakad papasok ng Fighting Dome. Nasa pinakagitnang bahagi ito ng UG.

“He's here.”

“It’s bloody fight again.”

“I can't wait to see him fighting.”

“He's cool and hot despite his age and white hair.”

“He's not old. It's just that his hair is white.”

"He is the Notorious Assassin right?"

Lihim siyang napangisi sa pangalang narinig.

"Yeah. He is known for being merciless and fearless. His other name is Death."

Death? He does not know that.

...

Nilibot niya ang paningin, agad niyang nakita ang subject. May limang bodyguard ang nakatayo sa hulihan ng inuupuan nito. Dalawang babae sa magkabilang gilid at dalawa pa sa ibaba ng upuan nito. Nakangisi ito habang nakatingin rin sa kanya.

Napansin niyang pinalapit nito ang isang lalaking nakatayo sa hulihan. Tumango ang lalaki at umalis. Hindi nito inaalis ang paningin sa kanya hanggang makalapit ang lalaki sa kanya.

“May magandang offer si Boss Tulits, kung papayag kang maglaro para sa kanya ngayong gabi.”

Mukhang mas mapapadali ang misyon niya kesa sa inaasahan. Sumunod siya sa lalaki papunta sa kinaroroonan ng kanyang subject.

“It’s pleasure to meet you, Notorious. Have a seat,” nakangisi nitong paanyaya.

Umupo siya sa bakanteng upuan. Nagtangkang lumapit ang dalawang babae pero pinigilan niya. Inalok din siya ng maiinom pero tinanggihan niya.

“Win the fight for me tonight and I will give you all the luxury in life,” nakangisi nitong sambit habang humahaplos sa maseselang bahagi ng mga katabing babae.

Namumuhay siya ng masagana kaya hindi niya kailangan ang ino-offer nito... pero kailangan niya para sa misyon.

“Let's talk in private.” Matagumpay itong ngumisi sa sagot niya.

...

Pumasok sila sa isang private room. Naiwan sa labas ang mga bodyguard nito. Nakangisi pa rin ito sa kanya.

“Deal?” muli nitong tanong.

Isang kisap mata at nakalapit na siya sa matanda habang nakatutok ang patalim sa leeg nito.

“No deal,” seryoso niyang sagot at tinaas ang patalim para tapusin ang buhay nito.

Napatigil siya ng malakas na tumawa ang matanda.

“Anonymous is right.” Kumunot ang noo niya at bahagyang napaatras.

Napahawak siya sa kanyang dibdib ng manikip yun. Mas lumakas ang tawa ng kaharap niya.

“The poison is taking effect now.”

“What?”

Muli itong tumawa.

“I can't believe this simple trick is effective to you.”

Inisip niya kung saan siya pwedeng makakuha ng lason. Hindi siya uminom kaya't malabong sa inumin yun nanggaling. Natigilan siya nang may maalala. Pamilyar siya sa lason na may ganitong epekto, ang lason na nagmula sa Mire Clan. Ang clan na kilala sa paggawa ng delikado at malalakas na lason. Maaari kayang...

Lumingon siya sa upuan.

Shit. May black stain sa inupuan niya? Hindi yun agad mapapansin dahil sa kulay itim na couch.

“As expected, malalaman mo agad." Tumawa na naman ito. “Tama ka, nasa upuan ang lason." Tumayo ito sa upuan at lumapit sa kanya. “Congratulations, you failed your mission for the first time.” Biglang pumasok ang mga bodyguard nito sa loob ng silid.

Agad siyang napasubsob ng may humampas sa kanyang ulo.

“Hello…" Muling tumawa ang matanda. “Thank you for the poison, Anonymous. Expect your money tomorrow.”

Anonymous betrayed him. This is not a mission; it is a trap for him.

Isang saksak ang naramdaman niya na nagpamanhid sa buo niyang katawan. Nakita pa niya ang dulo ng patalim sa harapan niya bago hinugot ng kung sino man mula sa likuran. Sumuka siya ng dugo at tuluyang nanghina.

“Unodos will surely be delighted and I will get the highest position next to Mafia Boss." Nakangisi ito sa harapan niya habang nanghihina siya. “Notorious is now being a Legend in the field of Assassination. Mawawala kana lang na parang bula." Matagumpay itong tumawa.

Umubo siya pero nagawa pa rin niyang magsalita.

“U-unodos will be soon exterminated… b-because of you." Hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

Mahigpit nitong hinawakan ang puti niyang buhok.

“Walang makakatalo sa Unodos dahil papatayin na kita ngayon!”

Muli siyang napasuka ng dugo dahil isa na namang patalim ang bumaon sa katawan niya.

“Pero gusto ko pa rin makita ang nasa likod ng maskarang yan.” Hinaklit nito ang suot niyang maskara.

Napabaling ang kanyang ulo sa lakas ng pagkakahaklit nito. Hinawakan muli nito ang buhok niya at inangat para makita ang kanyang mukha. Nanlaki ang mata nito na nagpangisi sa kanya.

“Y-you...?” Halata ang takot sa mukha nito.

  

“M-maybe you can kill me right now, b-but you won't last until tomorrow," nanghihina niyang sabi.

Mas naging visible ang takot nito ng sunod-sunod na bumagsak ang mga kalalakihan sa paligid. Muli siyang bumagsak sa sahig nang mabitiwan siya nito. Bago tuluyang dumilim ang paningin, nakita pa niyang tumalsik ang ulo ng kaharap at ang sigaw ng pamilyar na boses.

“You’re Highness!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status