Share

CHAPTER 5.1

Location: Red District Urvularia City

Havoc Organization Headquarter

"Paru!"

"Paru!"

"Paru!"

"WOOOHHH!"

Pinagmamasdan ni Zyrex ang nangyayari sa ibaba ng Combat Hall habang nasa veranda ng third floor. Nakangiti ang bagong tanghal na panalo sa inabutan niyang round. Puno ng dugo ang gilid ng labi nito, hindi na maimulat ang kaliwang mata at lupaypay ang kanang braso. Ilang araw nang nagaganap ang dwelo, ngunit wala pa rin nahahanap na potential ang Supreme Havoc.

"Enjoying the show?" naalerto siya ng marinig ang boses sa kanyang gilid.

Mabilis siyang nagbigay galang.

"Supreme Havoc," nakayuko niyang bati.

Tumawa ang matanda at tinapik siya sa balikat.

Supreme Havoc's presence is still powerful despite his age. You can't determine how powerful he is by just looking at his appearance. I would say, he is an Angel in Disguise.

Tumingin ito sa nangyayaring panibagong laban sa ibaba.

"It’s been a week but I can't see any potential. What do you think is lacking?" nakangiti nitong tanong sa kanya.

"I'm inferior Supreme Havoc. My apologies but I can't suggest anything," magalang niyang sagot. 

Natawa ang matanda.

"Compared to them, you are Superior."

"Thank you for the confidence in me, Supreme Havoc."

Bumuntong hininga ito at muling tumingin sa ibaba.

"How unlucky I am to lose him. Seeing you here reminds me of him," malungkot nitong sabi.

Hindi lingid sa kaalaman niya ang lungkot ng Supreme Havoc sa pagkawala ng kakambal niya. They are like father and son. Ito rin ang humikayat sa kanya para sumali sa Organisasyon.

"I forgot..." Bumalik na ulit ang sigla sa boses nito. "Chief Makoto of Mend Organization told me about our Assassin killed in Black District."

Mend and Havoc are not enemies, they are different Organization to serve Urvularia.

"The case is already on us but there's a witness." Naalala niya na naman ang birdbrained girl na yun. "Why didn't you kill her?"

"Apologies, Supreme Havoc. But I am sure that she didn't know my appearance."

"That's a reckless move, Zyrex." Bigla siyang napaluhod dahil sa kaseryosohan ng boses nito.

One of Supreme Havoc intimidating aura.

"Please punish this lowly subordinate Supreme Havoc," nakatungo niyang sabi habang nakaluhod.

Tumawa ito nang nakakakilabot.

"Tell me Ma'boy, what punishment is the best for you?" mapaglaro nitong tanong.

"Killing me is not enough for my sin, Supreme Havoc," seryoso at buo niyang sabi.

"Hmm..." naghintay siya kung ano ang sasabihin nito. "Killing you is easy process, I want it harder." Hindi niya matukoy kung seryoso o nagbibiro lang ito.

"Stand up, Ma'boy."

Sinunod niya ang sinabi nito pero nanatili pa rin siyang nakayuko.

"Eyes on me." Iniangat niya ang paningin sa matanda.

Nakangiti ito na siyang nagbigay ng kakaibang kaba sa kanya.

"Stay beside the witness for two months."

"What?" gulat niyang tanong.

"Are you disobeying my order Assassin?"

"I wouldn't dare, Supreme Havoc," muli siyang napayuko.

"Good”.

He's a killer not a babysitter.

"Please allow me to ask Supreme Havoc," magalang niyang sabi.

"Go ahead."

"What task should I need to do by staying beside her?"

"Protect her," nagulat siya sa sagot nito.

"I'm a killer Supreme Havoc, why would I need to protect someone?"

"Why not?" nakangisi nitong tanong.

Kumunot ang noo niya ng tumawa ito.

"Ma'boy, think carefully. Blaze is not the main Boss and you killed numerous of their men. What do you think their next move?"

Alam na niya ang pinupunto nito.

"Get the witness and find the suspect."

"Exactly," masaya nitong tugon.

"I accept the mission Supreme Havoc."

"Ma'boy, this is not a mission. This is your punishment." Naguguluhan pa rin siya ng iwan siya nito.

Why was it a punishment kung malinaw na kailangan niyang puksain ang kumakalaban sa Organisasyon?

Pumasok sa isip niya ang witness. Kung paano nakakaubos pasensya ang utak na meron ito.

"Damn. A living punishment is coming."

...

...

...

Location: Orange District Urvularia City

La Mier University

Nakayukong naglalakad si Lira habang papasok ng eskwelahan.

"Loser!"

"Slut!"

"Bitch!"

"Whore!"

Lahat ng masasakit na salita binabato sa kanya tuwing makikita siya ng kapwa estudyante. Mas lalo siyang napayuko ng may humarang sa daraanan niya.

"Hey nerd. Want some ride? You will be the driver."

Nagtawanan ang mga nakarinig.

Tumingin siya sa nagsalita pero hindi siya sumagot.

"Screw, be polite," saway ng nakangisi nitong kasama, "Be with me tonight. I'm willing to be your driver, just stay on top... of me."

Mas lalong naghiyawan ang mga estudyante sa sinabi ni Maniac.

"Screw, Maniac, hinaharass niyo ba ang bestfriend ko?"

Her so-called bestfriend is here. Ang ganda pakinggan ng bestfriend pero ito pa ang nangunguna sa pangbubully sa kanya.

"She can't be with you guys. She's exhausted from last night pleasure," sabi nito at naghagis ng mga larawan sa ere.

Hindi na siya nag-abalang tingnan ang mga larawan dahil alam niyang hindi siya ang naroon. Mabilis siyang tumakbo paalis sa kumpulan habang may ilan na bumabato sa kanya ng ginusumot na papel. Huling taon na niya sa La Mier kaya matitiis pa niya ang pambubully ng mga ito hanggang graduation. Ilang buwan na lang naman ang titiisin niya.

"Just say a word, I will wring their necks," agad nitong sabi ng makasalubong niya.

"Hayaan mo na lang sila Cho, magsasawa rin sila," mapagkumbaba niyang sagot.

"Ilang taon mo na yang sinasabi pero hindi pa rin sila nagsasawa. Lalo na yung Icy na yun. Ang sarap balian ng buto," natawa na lang siya sa sinabi ng kaibigan.

"Bad mood kana naman."

"Sino bang matutuwa sa ginagawa nila sayo? Dapat tinuturuan ng leksyon ang mga yun eh. Hindi ka nila kilala para..."

"Enough Chonna," seryosong saway niya.

Tumahimik naman ang kaibigan.

"Sorry." Hindi niya kayang makitang malungkot ang kaibigan. "Hayaan na lang natin, please." Kumapit siya sa braso nito.

Huminga ito ng malalim bago tumango.

Masaya siyang ngumiti sa kaibigan bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakahawak pa rin  siya sa braso nito.

Magkaklase silang dalawa kaya sabay silang nagtungo ng kanilang classroom.

Nagulat sila pagkabukas ng pintuan.

"Shit," mura ni Chonna at mabilis siyang hinila sa likuran para iiwas sa paparating na crumpled paper.

Alam ni Chonna na may matigas na bagay sa loob ng papel dahil sa bilis noon. Hindi nga siya nagkamali, nasaktan ang kanyang palad ng masalo ang papel. May bato sa loob ng papel. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao.

"Here's the savior," nakangising sambit ni Icy habang naka-cross leg na nakaupo sa teacher's table.

"Who throw this piece of shit?" galit nitong tanong.

"Chonna, please calm down," pagpapakalma ni Lira sa kaibigan.

"What will you do?" taas kilay na tanong ni Icy.

"Who  threw this fucking paper?" nagulat ang lahat ng sumigaw ito.

Hindi maiwasan ng mga estudyante sa loob ang kilabutan. Ngayon lang nila nakitang ganito ang kaklase.

"Loser! Who are you to yell inside my territory?" matapang na tanong ni Icy. She's the daughter of La Mier's Dean.

"C-cho." Pilit pinapakalma ni Lira ang kaibigan.

Galit na binato ni Chonna ang hawak sa direksyon ni Icy.

"Ahh!" tili nito ng tumama ang bato sa inuupuang mesa. Nabutas ito at lumagpas pa sa kabilang bahagi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status