Share

CHAPTER 4

"Pinagsasabi mo Jungle?" I asked him saka tumawa ng malakas.

Sumimangot lang siya sa inasta ko. Ang cute!

"Totoo nga Miss. Kasi kung hindi ka niya gusto bilang tao, hinding hindi yan magdadalawang isip na sasagipin kahit may mga pating at isinama pa nga sa biyahe." parang naiinis na sabi niya na gusto niya talagang ipamukha sa akin 'yung punto niya.

"Okay. Whatever. Huwag ka nang magalit, pumapangit ka." sabi ko sa kanya sabay tawa.

He just blushed at that but he keep me company while I'm stuck in my cabin.

Weeks had passed and I can walk freely na without pain.

The wound gave me a scar on my skin that makes me conscious and insecure about myself but luckily, mahahaba ang mga damit na sinusuot since wala namang maigsi kaya natatabutan ang scar ko.

I'm now wearing a cream colored off shoulder dress na para talagang pang prinsesa noong simaunang panahon. Mas gusto ko nga iyon. I'm living my life as an aesthetic girl.

"What's the meaning of that flag, Jungle?" I asked him noong tumingala ako. He's touring me around.

Ang flag sa itaas ay dalawang espada na naka krus.

"That means, we could be a friend and an enemy at the same time. If they're good to us, then we can settle peacefully, if they're rude to us then we can also fight." he explained while looking up at the flag.

"That is the crow's nest. Jan mo palaging makikita sina Ferdin at Ellan salitan sila sa crow's nest at sa navigation Miss." pag eexplain niya sa akin habang tinuturo ang parang nest sa itaas kung saan makikita mo ang view.

Napatango lang ako doon saka sumunod sa kanya papunta sa harap ng barko kung saan ako nakatambay noon.

"This is the Forecastle Deck or so called Mask. The front deck of the ship. Dito madalas tumatambay si Kapitan upang mag gitara." ani niya.

Ohh. So kay Fauve pala ang gitarang iyon.

Ipinakita niya sa akin ang mga kuwarto doon, kusina at lahat. Para itong castle na ship lang ang formation.

"Are you all pirates talaga?" I asked him noong napagod kami kakaikot sa barko. Who would've thought na madaming stairs?

"Yes but we're more like a voyagers. We navigate and travel. We study about how the world works and combine it in a book then sell." he said.

"When you said you all study about how the world works, what does that mean?" I asked him, still curious.

"We travel to the different countries and places in the world. We study about things and discover new things. We study about how culture and religion works in other countries. Try to dig ancient things. Submerge into water to find anything interesting and such." ani niya.

Napanganga lang ako. Ang akala ko kasi then will bump into some cargo skips tapos magnanakaw sila tapos manghohostage.

"You looked so shocked Miss, iba nasa imagination mo ano?" he chuckled.

Hindi na ako nagsalita dahil baka ma offend ko siya or what.

"You said you'll bind it into a book. How?" I asked again.

"We're writing and sketching it po. Tapos uuwi kami sa isla para ibigay ang mga nalalaman namin sa mga tao doon. They'll be the one responsible of multiplying a book into many books." sabi niya.

"Oh, so they'll be printing it?" tanong ko.

"Nope. They will write and sketch din. Kung ano ang nakasulat doon, 'yun din ang isusulat nila." sabi niya na mas ikinamangha ko.

I myself don't have a stable signature! Ang hirap siguro nun!

"Kanino niyo naman ibinebenta ang mga libro?" tanong ko.

"We will ship it into different countries across the world to sell it. Marami namang kumukuha kasi madami ang interesado tungkol sa mga sinusulat namin doon. Then we'll divide our earnings pati na rin ang mga tao sa isla ay may kanya kanyang share." ani niya.

"Woah. And galing! Sino ang leader o pangulo niyo sa isla kung ganun?" I asked him.

"Si Captain Maverick po." ani niya.

"Siya? Eh paano niya mapapamunuan ang isla if he's travelling?" tanong ko.

"Hindi naman na po kailangang bantayan talaga ang isla kasi alam ng mga tao doon ang limitasyon at alam nilang lahat kung paano makihalubilo sa isa't isa saka hindi naman kami gagawa ng bagay na ikakapahamak o ikakagalit ni Kapitan." ani niya.

He's respected by all. Not only his crew but also the people in the island. Who wouldn't admire someone like him?

We got interrupted by a voice.

"Binibini, pinapasabi po si Kapitan na bumaba na kayo para kumain." ani ni Benjamin sa amin.

Bumaba na kaming tatlo sa hapag. Jungle made sure na nakaupo ako nago siya umikot kung saan siya nararapat na umupo.

"Did you roam around the ship?" tanong sa akin ni Fauve.

"Yes I did." sagot ko sa kanya. Trying to filter out my words kahit na gustong gusto ko siyang chikahin gosh.

"What can you say about it?" gulat ko noong tinanong niya ako 

"There's nothing much I can say but this ship is like a floating castle! I mean look at me, I look like a princess with the dresses I'm wearing and everyone is just so kind and joyful. I like the atmosphere here not only the ship." pagkukwento ko sa kanya.

Napatahimik ako nang nakita kong nakatitig lang siya sa akin habang nag kukwento ako. Medyo nailang ako doon kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko.

He let out a small chuckle saka uminom sa wine niya.

"I'm glad to hear that," sabi niya.

Me and Fauve didn't have much interactions today except the scene in the dining area. Napabuntong hininga nalang ako. 

The heck Dwyn? Were you expecting for more?

I looked at my scar saka dumagdag lang iyon sa insecurities ko. Tinabunan ko nalang iyon saka natulog na.

I thought I'd have a peaceful night but I woke up hearing lightnings and thunders. Agad akong napasigaw sa gulat at kaba.

Agad agad akong tumayo pero natumba ako dahil umaalog ang barko at hindi ito stable.

Ginapang ko ang distansya ko at ng pinto. I held into the door knob saka kumuha ng lakas para tumayo. When I did, binuksan ko ito saka lumabas at nakita kong walang tao sa labas ng cabin.

I can hear voices sa upper deck and sa dining area but I didn't have the courage to go there, I'm scared.

Medyo napalakas ulit ang alog ng barko kaya ang nakabukas kong pinto at napasira tapos naiwan ako sa labas. When the lighting flashed I covered my ears and closed at eyes saka dali daling pumasok ulit sa kuwarto.

Nagtago ako sa ilalim ng kumot saka umiyak. I hate hearing stuffs like this. 

My Kuya, I need my Kuya.

I noticed something different about the scent of the comforter na nakatabon sa akin pero hindi ko na iyon pinansin.

"Milady?" may narinig akong boses.

Am I hallucinating?

"Are you okay?" the voice asked. It's somehow familiar.

I felt someone tried to open the blanket pero hinigpitan ko ang hawak ko doon.

"N-no please... I'm afraid." nanginginig na sabi ko.

Naramdaman kong may pumasok sa kumot na hawak ko at laking gulat ko nang nakita ko si Fauve na nakatingin sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita noong kumislat at kumulog nanaman.

Bago pa ako makasigaw ay ipinulupot na niya ang kanyang kamay sa katawan ko.

I didn't feel any awkwardness. Instead, I feel like I'm safe in his arms.

"Shhh... Don't worry, I'm here."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status