Share

A Wife's Karma
A Wife's Karma
Author: Mitch Gallora

Karma 1 - The Plan

--University- (12nn)

"Breaking News mga kachikka! Ang sikat na Businessman at bachelor na si Dave Felix Madrigal ay napapabalitang magpo-propose sa kanyang long-time model girlfriend for five years na si Ms. Athena Lim. Anong masasabi niyo mga kachikka?"

Tutok na tutok ako sa balita sa telebisyon ng may tumawag sa akin.

"Hoy! Allyssa Mendez!" malakas na sigaw at tawag sa akin ng aking kaibigang si Millicent. Agad ko siyang nilingon at nginitian ng mabilis at itinuon muli ang aking tingin sa telebisyon sa harapan.

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break naming ng isang oras. Ang saya-saya ng gising ko dahil ang aking Oh so YummyImaginary Boyfriend na si Dave ay magpopropse daw sa aking panaginip pero ngayon nawala iyon dahil sa balitang napanood ko ngayon. Nakakainis, ha!

"At talagang ignore ang beauty ko? Hoy! Bruha, Ano ba yang pinapanood mo at parang salubong na naman ang kilay mo. Hurt naman ang beauty ko. Now lang. Hmpp!" usal sa akin ng aking bestfriend. Take note guys may kasama pa siyang irap niyan. Hindi naman kagandahan.

"Tumigil ka nga sa pag-irap mo diyan. Hindi naman kagandahan. Hindi bagay sayo. Anong Pinapanood ko? Si ano kasi si-si Dave at yung chakang model na girlfriend niya."

Hindi ko natapos ang sinasabi ko kasi sumingit siya." Oh! Anong problema dun? I think they love each other at nasa tamang age na rin naman sila. Why do they need to prolong the agony kung mahal naman nila ang isat-isa? At isa pa, parehas na din naman silang successful. Yung babae model yung, lalake naman bilyonaryo. sagot niya sa akin.

"Eh kasi alam mo naman na may gusto ako sa kanya. No! No! Erase natin ang may gusto in fact mahal ko na siya. Mahal na mahal. Kaya hindi mangyayari ang balak nila kasi sa akin si Dave magpapakasal. At ako ang magiging Mrs. Madrigal." determinadong sagot ko sa kaniya.

"In your wildest dreams Miss! Anong sayo magpapakasal. Ni hindi ka nga niya kilala at isa pa ang laki kaya ng agwat niyo. Langit siya at ikaw naman ay lupa. In short, mayaman siya at ikaw ay dakilang hampaslupa lamang. Can you see the  BIG difference?" she glared at me na natatawang pailing-iling lang.

"Wala akong pakialam. At kanino ka ba kampi? Ako ang bestfriend mo, remember? Gagawa ako ng paraan para hindi sila magkatuluyan at maging sa akin siya. Tandaan mo yan Bestfriend. I will get him whatever happens. Even giving myself to him. Ciao!" tumayo na ako and waved goodbye to my dear friend.

Narinig ko pa na magsasalita siya pero hindi ko na siya pinanasin. Naglakad na ako palabas ng cafeteria. I need to think of the ways how will I get him. I do not want to do nasty things but I know in my heart that Dave is the one for me.

Kahit na anong mangyayari matutupad ang pinaplano ko at mapapasakin si Dave Felix Madrigal. Gagawin ko ang lahat kahit na mag-ala-stalker ako kakasunod sa kanya. After all, I live for myself and there's no one who can ruin my plan. 

I started to plan everything. I used all of my free time just to know all the things about Dave and his girlfriend. I tried to join groups and fans club of Athena and get information about their upcoming proposal. Sumali din ako sa mga pa-contest about kay Athena kahit hindi ko naman siya kilala. 

Kinaibigan ko din ang guard sa building nila at mga staff para makakuha ng mga information sa mga whereabouts ng CEO nila. Nagdadala din ako ng mga paninda kong pastries at binebenta sa loob ng opisina nila kaya ang sami kong nakukuhang impormasyon. Tumutulong din ako at nagvovolunteer kapag kailangan sa kanilang outreach program kaya halos kilala na ako ng lahat pwera lang kay Dave, my love.

Isang araw habang breaktime namin ay tinanong ako ni Millicent sa mga kalokohan at pinagkaaabalahan ko.

"Besh, napapansin ko lang ha. Parang ang dalang mo nang tumambay sa bahay namin. Ano na namang kalokohan ang pinag-gagawa mo? Umamin ka na, ha," may pagkausyosong tanong niya sa akin.

"Wala. Busy lang ako sa mga orders at pag-review kaya wala ako time. Ang dami kasing orders, eh," pasimpleng sagot ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Maniwala sayo, Yssa. Basta sinasabi ko sayo. Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan at ikakapahamak mo, ha," mahinahon niyang sabi sa akin.

"Alam ko naman. Wala naman akong ginagawang masama, eh. Busy lang talaga ako sa pagbe-bake at pag-deliver ng orders. Huwag ka na ngang mag-worry sa akin. Bibisitahin kita sa bahay mo sa next weekend o di kaya ay ikaw ang dumalaw sa akin para matulungan mo ako sa mga orders at inquiries." Kinawit ko ang kamay ko sa braso niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. 

"Oo na best. Huwag masyadong malapit. Kaya napapagkamalan tayong magjowang dalawa, eh," natatawang sabi niya sa akin kaya natawa na lang din ako. 

"Pakialam ba nila? Love ko kasi ang nag-iisa kong bestfriend. At isa pa ang ganda kaya natin dalawa para mapagkamalang lesbian," malakas kong sabi para marinig ng mga tsimosa sa paligid namin. Napailing na lang siya habang natatawa 

Ang dami ko ng napagdaanan ng mag-isa simula ng mawalan ako ng sariling pamilya. Nasanay akong mag-isa at maghanap buhay. Kaya easy lang ang mga plano kong ito. I know magiging happy din ako at mapapansin niya. 

What Allyssa wants, Allyssa Gets.

Motto ko sa sarili ko simula nang namuhay akong mag-isa at maging ulila. Nung iniwan nila ko dahil sa isang malagim na aksidente. Walang perang naiwan sa akin. Kaya nagsikap ako na mamuhay mag-isa kahit na ang tingin ng iba sa akin ay isang mataray at walang pakialam na babae. Hindi ako naging friendly kaya wag kayong magtaka kung isa lang ang friend ko. Kaya kong mamuhay nang hindi umaasa sa iba at hindi ko kailangan ng awa nila. Kaya wala akong sasayangin na oras at makakamit ko rin ang pagmamahal ng lalaking hinhahangaan at minamahal ko even if it will takes me a lifetime...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
maganda din ang story na ito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status