Share

Karma 3 - The Wedding

 -University- Monday, (9:00am)

 

Nandito ako sa garden ng university at kausap ko ang hindi makapaniwalang bestfriend ko na si Millicent.

"Grabe kang Bruha ka! Hindi ko akalain tinuloy mo ang plano mo. Take note, nagtagumpay ka na. Ikakasal ka pa sa lalaking mahal mo. Ni sa panaginip hindi ko naisip na mangyayari yun," nailing na sabi niya sa akin.

"Diba sabi ko sayo gagawin ko lahat, nakangiti kong sabi sa kanya.

"Tell me the truth Yssa! Did you gave up your virginity just to get him? Don't you think that's too desperate?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Kasi Millicent has been my friend for almost 7 years since high school. Kaya she's kinda worry and she knows me very well.

"To tell you the truth, we kissed, we touched each other but nothing happened between us. Gustuhin ko man pero hindi pa ako ready kaya pinatulog ko siya. Hindi naman ako ganoon ka desperado. Konti lang!" natatawa kong sagot sa kanya.

Umiling lang muna siya bago magsalita. Akala ko talaga. Ibinigay mo na. Hay naku! Ikaw na bruha ka. Pinag-alala mo ako. You're too young to get pregnant. Magtapos ka muna ng pag-aaral. Nasa finish line na tayo at gagraduate na."

"Duh! Ayoko pa kayang mabuntis. Tsaka na yan after I graduate. The most important thing for me is I'm getting married to Dave, the man of my dreams," kinikilig kong sabi.

"Anyway, Friend. Paano kung malaman ni Dave na niloko mo lang siya? Na wala talagang nangyari sa inyo. Hindi ka ba natatakot na imbes na mahalin ka niya ay kamuhian ka niya?" seryosong tanong niya sa akin.

"Honestly, hindi ko pa yan iniisip. Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam nito. I trust you friend kaya sa atin lang ang sikretong ito. And wala naman ng magagawa si Dave pag kasal na kami. Hinding-hindi ako papayag na makipaghiwalay sa kanya kung malaman niya man. Sa ngayon, masaya lang ako. Bahala na pagnandun na ako sa aktwal na mangyayari." Masyado ko na siyang mahal kaya gagawin ko ang lahat.

"Basta remember, think first before you make a move. Ayokong masaktan ka. Marami ka ng pinagdaanan para maranasan mong mafail ulit. Sana lang hindi ka makarma. Prayers lang ang maitutulong ko sayo ngayon."

Yinakap ko si Millicent ng mahigpit. Alam kong mali ang ginawa ko pero ito lang ang gusto ko at hindi ko palalagpasin ang pagkakataon. Umaayon sa akin ang tadhana. Siguro hindi naman ako makakarma kasi kaligayahan ko naman ang nakasalalay dito.

"Thank you!" yan lang ang nasabi ko sa kanya. Masyado akong overwhelmed sa support at pagmamahal ng aking one and only bestfriend.

"Wala yun. You're my bestfriend that's why I'm here to support you. Kahit na sa tingin ko sobra na ang ginagawa mo," sabi niya sa akin habang pinupunasan ang lumandas na luha sa mata ko.

 

 

*******

 

-Wedding Day-

10 am

 

Today is the most important day of my life. Ilang oras na lang, I will be called Mrs. Dave Felix Madrigal. I'm nervous as well as excited because this is the fruit of all my efforts.

Nakaupo ako ngayon at nakatingin sa harap ng salamin. Tinitignan ko ang itsura ko. Tapos na akong ayusan at pagandahin ng hired make-up artist ni Tita Lucia. Si Tita Lucia ay ang soon to be mother-in-law ko. Siya ang mother ni Dave. Napakabait niya pala. Akala ko nung una ay galit siya sa akin dahil sa naabutan niyang ayos namin ng anak niya at malala pa na sa loob kami ng kwarto.

Natatawa talaga ako sa kwento ni Tita Lucia nung nagkita kami para sa final touches ng wedding naming ni Dave.

 

--FLASHBACK

Nandito ako ngayon kasama si Tita Lucia sa isang coffee shop. Tapos na naming lahat ang pag-aasikaso ng wedding namin. Hands on kasi si tita sa preparation para sa kanyang Unico hijo. Marami na nga siyang kinuwento tungkol sa anak niya. Tuwang-tuwa ako dahil feeling ko mas lalo kong nakilala si Dave.

Nadako ang usapan namin dun sa nangyari sa condo, 2 weeks ago. Nang maabutan niya kami ni Dave na magkatabi at hubo't hubad.

"Alam mo Allyssa, Nung nakita ko kayo ni Dave na magkatabi ay nabigla talaga ako. I didn't know that my son bring girls in his pad. I know that he has a girlfriend which is Athena but I never met that girl," seryosong pagkukwento ni Tita.

"Tita, tawag ko sa kanya. May gusto akong itanong. Sana po sagutin mo po?" nahihiya ako kay Tita Lucia. Kahit na nakapagbonding na kami. Hindi pa rin maiiwasan na mahiya at matakot ako sa kanya.

"Yes, Iha, What is it?"

"Uhmm, Nung nakita mo po kami ni Dave nung araw na yun. Nagalit po ba kayo sa akin? Tingin mo po ba na masama akong babae?"

Huminga muna ng malalim si Tita Lucia at hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa bago sumagot.

"Allyssa, I'm not mad at you. Actually. I'm happy because I have a reason na magpakasal si Dave. May deal kami ng anak ko na wag siyang magpapahuli sa akin na may kinakamang babae sa condo niya kasi pagnahuli ko siya pipilitin kong ipakasal siya sa babeng yun. Sa ayaw niya o sa hindi," tumigil muna siya bago magsalita muli.

"I didn't think that you are a bad lady. At first, Iba ang tingin ko sayo kasi may nangyari sa inyo ng anak ko. Alam mo she's not your boyfriend but when I talk and interviewed you that day. I have a feeling that you are a good and responsible lady," naluluha ako sa sinabi niya. Pinipigilan ko lang na tumulo ang luha ko. Na-touch kasi ako sa sinabi niya.

Tinignan ako ni Tita Lucia at nagsalitang muli. "Natakot ka ba sa akin, Iha?"

"Opo, sobra, kasi ang lakas po ng dating niyo at seryoso po kayo kaya natakot po talaga ako."

Nabigla ako ng bigla siyang humalakhak si Tita Lucia.

"Hahahahaha!" Grabe, napakasophisticated niya. Hindi halata na nasa late 40s na siya.

"Galing kong umarte. Ano? Hahahaha!" tumawa na naman siya.

"What do you mean po?" nagtatakang tanong sa kanya.

"Alam mo, Iha, Nagpipigil lang akong matawa nung time na yun lalo na sa itsura niyo ng anak ko. I never thought na magagamit ko pa ang natutunan ko nung nag-aaral pa ko ng drama." Grabe naman! Halos ipagsiksikan ko na ang sarili ko sa sofa para hindi niya ko makita dahil sa takot ko sa kanya pero acting lang pala yun.

"Tita, paniwalang-paniwala mo ko. Grabe po. I can't believe that it was just acting," nailing na lang ako.

"Galing ko ba?"

"Yeah, Super."

"Hahahahaha." Nagtawanan na lang kaming dalawa.

-- END OF FLASHBACK --

 

Kapag naiisip ko yung conversation namin ay natatawa lamang ako. Ibang klase si Tita. She's a cool mom. Ang swerte ko kasi magiging mother-in-law ko na siya.

"Maam," naputol ang pag-iisip ko ng tinawag ako nung isa sa mga stylist. "Magbihis na po kayo ng gown nyo. One hour na lang po before the wedding starts."

Nginitian ko siya at agad na pumunta ng banyo. Tinitigan ko ang buo kong mukha pati ang katawan sa harap ng full length mirror dito sa loob ng banyo para makita ang suot ko. My gown is a princess cut with crystal all over. Ang ganda! Feeling ko na isa akong prinsesa.

Paglabas ko ng banyo, nakita kong magkausap si Tita Lucia at ang best friend kong si Millicent. Natigil sila sa pag-uusap at humarap sa akin ng tinawag ko sila.

"Tita, Best."

"Oh my Gosh! You are so beautiful friend." Tuwang-tuwang nilapitan ako ni Millicent at niyakap.

Lumapit din si Tita Lucia at nakiyakap din. "Ang ganda ng daughter ko. Hindi ako nagkamali na ituloy ang kasal."

"Thank you best, Thank you po Tita."

"Yssa, Mom. Call me mom. In less than a minute youll be my daughter."

"Uhmm. Yes, Tita. I mean mom," nahihiya kong tawag sa kanya.

Hindi pa rin pa rin ako makapaniwala na tanggap niya ako kahit hindi ako mayaman gaya nila at wala na akong pamilya. Akala ko mahihirapan akong makasama siya pero hindi pala. She's like a mother to me and I am grateful and happy.

 

***

 

"Best, this is it! Alam ko masaya ka ngayon. Hindi ko man napigilan ang crazy plan mo pero masaya ako na nagtagumpay ka dahil napakalapit mo na sa dream mo na maging Mrs. Dave Felix Madrigal," maluha-luhang sabi ni Millicent.

Nandito kami ngayon sa wedding car. Hinihintay lang naming na tawagin kami ng wedding planner. Hinawakan ko ang kamay niya dahil sobrang natouch ako. She supports me no matter what happen. Kahit na puro kalokohan ang ginagawa ko. Kahit na paminsan ang mean ko sa kanya at tinatarayan ko siya. Kahit na hindi ko siya pinapakinggan.

"Huwag ka na ngang umiyak. Masisira ang make-up mo. Pati ako napapaiyak na rin. natatawa kong sabi sa kanya."

"Pero seriously, thank you best! I love you!" niyakap ko lang siya ng mahigpit para hindi ako maluha. I am so happy that she's my best friend.

"Tama na nga ang drama. Tinatawag na ako. Best Wishes, Mrs. Madrigal." Hinalikan muna ako ni Millicent sa cheeks bago lumabas ng car at pumunta sa loob ng simbahan.

 

Nakatayo na ako dito sa labas ng simbahan. Hinihintay ko na lang ang hudyat para pumasok na ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako sa lalaking pinapangarap ko. Kung may nakakakita lang sa akin ay mapagkakamalan akong baliw dahil abot tenga ang ngiti ko.

Narinig ko na ang hudyat ba bubuksan ang pinto para pumasok na ako. Pagkabukas ng pinto ay tumamabad sa akin ang napakaraming tao na nakatingin sa akin. Agad na tumugtog ang kantang napili ko para sa aking wedding march patungong altar.

 Into the Blue (acoustic version) by Kylie Minogue

  

Masaya ako. Sobra. Hindi ko mapigilang maluha dahil sa kagalakan. Alam ko kung nasaan man ang parents ko ay masaya sila para sa akin dahil ang kanilang one and only daughter ay magpapakasal na at magiging masaya sa taong gusto niya. Habang naglalakad ay kay Dave lang ako nakatingin. Wala pa ako sa kalahati ay kitang kita ko na ang mukha niya. Napakagwapo at macho. As usual poker face naman ang itsura niya pero wala akong pakialam. 

Isa siyang panaginip na hihilingin ko na huwag na akong magising. Miracle doesn't exist if you dont make a move. Nagplano ako para makasama ko siya at makasal kami. At heto ako ngayon ay nagtagumpay na. 

Sa totoo lang, hindi ako nahihiya sa ginawa ko dahil nakasalalay dito ang pagmamahal ko sa kanya. Simula ng mangyari yun 3 weeks ago, mas lalo ko siyang minahal kahit walang assurance that he will love me back. Kahit maituring man na kasalanan ang ginawa ko, hinding-hindi ako magsisisi. Tawagin man nila akong makasarili, mang-aagaw o masamang babae ay wala akong pakialam hanggang sa kaya ko  I will not raise the white flag from this battle. This is just the start of my journey, an endless journey para mapaibig siya at maging masaya sa huli.

Sa wakas, nakarating na rin ako sa kanya. Niyakap ako ni Mommy Lucia at ni Papa Eduardo. Nakita ko sa mga mata ng mag-asawa na masaya sila para sa amin. Napunta ang tingin ko kay Dave ng hinawakan niya ang kamay ko at iginaya niya ako papunta sa altar. Wala siyang emosyon na pinapakita pero masaya ako.

 

Nagsimula ang ceremony ng kasal pero nanatiling nakabaling ang tingin ko kay Dave.

"Dave Felix Madrigal, will you take Allyssa Jean Mendez to be your lawfully wedded wife, to live together, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, from this day forward until death do you part."

Tinignan ko siya. Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin siya sumasagot. Bigla akong kinabahan. Maraming pumasok sa isip ko pero lumuwag ang paghinga ko ng marinig ko ang boses niya.

"I Do," walang emosyong sagot niya. 

"Allyssa Jean Mendez, will you take to Dave Felix Madrigal to be your lawfully wedded husband, to live together, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, from this day forward until death do you part."

"I Do."

The wedding ceremony went smooth until sa last part and declaration of the newly wed by the Priest.  Ito na ang pinakahihintay ko.

"I'm glad to present and introduce to you all, Mr. & Mrs. Dave Felix Madrigal. Dave, you may now kiss your bride."

Ready na ako sa first kiss naming bilang mag-asawa. He bends down. He lifts the veil up and kiss me. Laking disappointment ko na hindi man lang umabot ng 5 seconds ang kiss niya sa akin parang wala sa loob na ginawa niya yun. Ok lang marami pang kiss ang mararanasan ko kasi I'm now officially Mrs. Madrigal for real."

Sorry na lang Athena! Nasa akin na ang lalaking pinakawalan mo. Asawa ko na siya at hinding hindi ko siya pakakawalan hanggat sa nabubuhay pa ako at kahit bumalik ka pa.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ano ang kahihinstnan ng ginawa ni Allyssa tuluyan ba syang magiging masaya o simula palang ng kanyang pagdurusa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status