01 Guide

"PANAGUTAN MO AKO."

Iyon ang mga salitang pambungad ni Gideon sa akin nang tuluyan na akong makalapit sa kanya.

He texted me earlier that he was already outside our house and that he wanted to talk to me. Siyempre, pumayag ako kasi aminado naman akong may kasalanan din ako. I'm not one to run from my mistakes. I faced them and be accountable for them.

Kunot-noong tinitigan ko siya sa mga mata niya, hinahanap ang kalokohan doon. Gano'n naman kasi talaga siya, maloko. Kaso sa pagkakataong iyon ay wala akong mahagilap na pagbibiro mula sa mga mata niya.

"Buntis ako," dugtong niya pa.

Ngayon ay hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili at humagalpak na ng tawa. Napahawak pa ako sa tiyan ko dahil hindi talaga ako maka-get-over sa sinabi niya. Paanong mabubuntis siya gayong lalaki naman siya?

"Gago ka ba?" I asked him when I finally recovered from my laughter.

He pursed his lips but said afterwards, "Hindi ako nagbibiro, Gelou."

I crossed my arms around my chest as I seriously stood in front of him. "Ilang katol na naman ba ang nahithit mo ngayong araw ha, Deon, at kung anu-ano na lang ang mga sinasabi mo r'yan?"

Napapikit siya at tumingala, halatang nauubusan na ng pasensya.

"I knew it..." usal niya sa hangin.

Pagbaba niya ng tingin at unti-unting pagdilat ay napaatras ako sa magkahalong gulat at pagkakamangha nang masilayan ang pag-iiba ng kulay ng mga mata niya ngayon. His eyes were now amber. Baka side effect 'to nang kung anumang gamot na iniinom niya...

"D-Deon..."

Dahan-dahan na rin siyang humakbang palapit sa akin kaya lalo pa akong umatras. Sa takot ko na pinalala pa ng dilim ng gabi ay mabilis na pumihit ako patalikod at akmang tatakbo na nang mapatili ako dahil muntikan ko na siyang makabangga pagharap ko. Bigla-bigla na lang kasi siyang sumusulpot doon!

"A-Ano... P-Paano..." nauutal na sambit ko. I stomped my foot in frustration. "Deon, huwag mo naman akong tinatakot, oh!"

Bigla ay kumalma naman siya at kasabay ng pagbuntong-hininga niya ay ang pagbabalik ng kulay ng mga mata niya sa dati.

"Bakit kasi ayaw mong maniwala?"

"Ano namang paniniwalaan ko?!"

"Na buntis ako! Kahit ako, naguguluhan kung bakit at paano mangyayari iyon. Lalaki ako, e..." aniyang hindi niya rin sigurado.

"Paano mo naman nasabing buntis ka nga?!"

"The oracle told me. I've been feeling sick these days at noong binisita ko siya ay hinawakan niya ang tiyan ko. I feel weirded out at first and then she told I was pregnant. Lumayo raw muna ako dahil hindi matatanggap ng lahi namin iyon pero ang sabi niya ay ingatan ko rin ang bata dahil siya ang mabubuklod sa dalawang lahi."

Malala na siya...

Nasapo ko ang noo ko at hinilamos ang palad na ginamit ko.

"Anong oracle? Anong dalawang lahi? Anong magbubuklod?"

"Gelou, I am... a werewolf," he replied. "And in our pack, we have an oracle whom we asked for advice and prophecies. Hindi sila nagkakamali..."

Pareho kaming napatingin sa kotseng malakas na bumusina at itinuon pa sa amin ang umiilaw nitong headlights. Napapikit ako sa lakas ng ilaw no'n. Sunod ko namang narinig ay ang pagkakabukas ng pinto ng kotse at ang pagkaka-off ng ilaw.

"Gelou, what's happening here?"

Namilog ang mga mata ko nang matantong si daddy iyon.

"Sino iyan?"

"Dad, nag-uusap lang po kami ng..."

"Boyfriend niya po," pakilala ni Deon sabay harap niya kay daddy at abot ng kamay niya rito.

Tiningnan lang iyon ni daddy. Ganito talaga siya, e, ma-attitude rin gaya ko.

"At maniwala man po kayo o sa hindi, buntis po ako. Binuntis po ako ng anak niyo," dagdag pa ni Deon.

Sasapakin ko na sana si Deon para magising na siya sa mga kalokohan niya kaso ay mas naagaw ng reaksyon ni daddy ang atensyon ko. He looked shocked, worried, and then torn. Agad naman siyang nagpalinga-linga sa paligid at nang balingan ulit kami ay mataman kaming tiningnan at sinabihang, "Both of you. Get inside the house, now."

DEON REPEATED FOR the nth time that he was pregnant with our child pero mas nakakagulat pa rin pala talaga kapag nand'yan na ang totoong resulta sa harapan namin.

"He's really pregnant," ani mommy sabay abot sa amin no'ng pregnancy test na positive ang result.

Napapalakpak naman si Lola Panya sa tuwa, kita tuloy ang bungi-bungi na niyang mga ngipin. "Sa wakas, may apo na ako sa tuhod!"

Si daddy naman na nakatayo sa tapat ng glass window ay puno pa rin ng kunsumisyon ang mukha. My cousin, Chadleen, smiled at me thoughtfully.

"Magiging tita na ako, yehey!" masayang hayag pa ni Mignonette sabay talon-talon sa pwesto niya. She was just five years old.

My Tito Khalil still haven't come home from his office. Si Kuya Willard naman ay nasa may kampo pa rin ng militar dahil schedule ng duty niya.

Napawi ang ngiti ni Deon nang pukulin ko siya nang matatalim na tingin bago ako napasapo sa noo ko at napahilamos. I always do that when I am so frustrated. Sobrang napu-frustrate na rin kasi ako sa mga nangyayari ngayon.

"Mom, how can that possibly happen? He's a man, a male specie, and they don't biologically conceive offspring. It's the other way around," giit ko pa.

Nagkatinginan sina mommy at daddy pati na rin si lola. Napabuntong-hininga si daddy at mayamaya pa ay tumango na saka lumapit sa amin.

"Mignonette, sweetie, can you go to your room? The adults need to talk," malambing na pakiusap ni mommy sa bunsong kapatid ko.

"Okay po."

Paglabas ni Mignonette ng sala ay agad na inilabas ni daddy ang kanina niya pang pinipigilang galit.

"That's what you get for having an unprotected sex, Angie Lou Pereira!"

Natahimik naman ako dahil doon. I'm at fault, too. Naging mapusok kaming dalawa ni Deon noong mga sandaling iyon noon.

"Albeit, tama na. Ako na munang bahalang magpaliwanag sa kanya," pagpapakalma ni mommy kay daddy habang hinahagod ang braso nito.

Tumango naman si daddy at nagpameywang bago hinilot ang sentido niya. Mommy sat on the loveseat, facing us. Gulat na gulat ako nang bigla na lamang may lumitaw sa kamay niya na parang isang itim na stick-

"It's called wand, sweetie," pagtatama ni mommy sa akin na lubhang ikinabigla ko naman. "Yes, I can read your mind. Now imagine an open briefcase and then close it. That's it... that's how you lock your thoughts."

Napahilot na rin ako ng sentido ko. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga nangyayari ngayon. She raised her wand and a white smoke suddenly materialized up in the air. Napatitig ako nang maigi roon nang mapansing may tila gumagalaw na imahe ng kalawakan itong pinapakita.

"The universe is composed of different worlds. Isa na roon ang Beast Republic o mas kilala sa tawag na Abseiles. Iba't ibang mga Beast at mga nilalang na higit pa sa tao ang naninirahan doon. There are white witches there who are called the Fandralls while the black ones are also referred to as the Nodrams. And in between them, comes a special kind of witch called the Witchitas. They can wield both white and black magic, and... it's always the male partner who conceives the child."

Ang titig ko mula sa pinapanood ay inilipat ko kay mommy hanggang sa tiningnan ko rin si daddy pero seryoso lang talaga sila. Maging si Lola Panya na madalas ay maligalig at mapagbiro ay seryoso rin ngayon.

"What do you mean, mom?" tanong ko sa maliit na boses.

"Everyone in our family is a Witchita."

Napaamang ang bibig ko pero mayamaya rin ay hilaw akong napatawa sabay tayo at lakad nang pabalik-balik. Parehong hindi ako makapaniwala at hindi ko matanggap ang lahat. Nang sulyapan ko rin si Deon ay ramdam kong nagulat din siya sa lahat ng rebelasyon. Kanina ay siya iyong werewolf tapos ngayon naman ay ako itong witch.

"You've got to be kidding me!" I shouted.

I couldn't believe and I couldn't accept it. How come we're witches?! My father's a reputable engineer and so was my tito, Attorney Khalil Pereira. Kahit si Kuya Willard din ay mataas ang ranggo sa military. Si Lola Panya ay graduate pa ng Medisina tapos si mommy naman ay isang mahusay na chef. Hindi ko alam kung anong connect ng mga sinasabi ko basta ang alam at gusto kong paniwalaan ay mga normal kami at hindi mga mangkukulam!

"If that's true, mom, then bakit nasaksihan ko kung paano mo dalhin sa sinapupunan mo si Mignonette sa loob ng siyam na buwan!" giit ko pa.

"Did you really see me gave birth to your sibling?" balik na tanong ni mommy sa akin.

Napabuntong-hininga naman siya bago dinugtungan ang naunang sinabi. "I used some spells to make it look like I was pregnant. If you still remember also, wala rito ang daddy mo sa loob ng siyam na buwan."

"Dahil nasa Dubai siya at nagtatrabaho!"

Ayaw ko talagang magpatalo that's why I kept countering her explanations with mine. Marahang umiling naman si mommy.

"Nasa Abseiles siya ng mga panahong iyon. People cannot and should not see him in that state. Noong akala mong manganganak na ako ay pumunta rin ako ng Abseiles para samahan ang daddy mo sa panganganak doon," she revealed.

I looked at each of my family members. They weren't surprised or something. It was as if it's something normal for them, something they have known for so long.

"Huwag niyong sabihing alam na rin ni Chadleen at Kuya Willard ang tungkol dito? Kahit na si Mignonette?" I asked.

"They already knew from start, sweetie. Kaya ikaw lang iyong laging nagtatanong sa tuwing lumilipat tayo ng panibagong lugar, and we have to come up with another reason each time just for you."

A spark of fury suddenly flared upon me. I felt so betrayed and lied to about my whole life and entire existence.

"So ako lang 'yong walang alam? So ako lang 'yong buong buhay ko, inakalang normal ako? So ako lang iyong pinagmukha niyong tanga sa aming lahat, gano'n ba, mom?"

Maagap namang umiling-iling si mommy. "It's not like that, sweeti-"

"What are you doing here, werewolf?"

Lahat kami ay napabaling sa kararating lang na si Tito Khalil na agad namang tinutukan ng dulo ng wand niya sa leegan ang tahimik na nakaupong si Deon sa pwesto nito habang nakatayo naman siya sa likuran at bandang gilid nito.

"Tito!" nag-aalalang sigaw ko at agad na nilapitan si Deon at inilayo siya kay Tito Khalil.

I don't know why I am acting like Superman. I just felt like being protective over Deon. Kung totoo man talagang ganoon ang lahi naman, aba'y anak ko rin ang dinadala niya kaya kailangan ko silang protektahan.

"Dad, kumalma po muna kayo. Buntis po iyong tao. Nabuntis po ni Gelou..."

Napapikit ako sa inis nang marinig iyon mula kay Chadleen. That sounded really odd, para bang ako iyong fuck boy sa amin ni Deon dito.

"Hindi siya tao. I can see from here his cover-up. He's a werewolf and not just an ordinary one. Saan mo ba 'yan napulot, Gelou?"

"Taga-rito po siya, tito."

"Malaking sabit 'to, Albeit," ani tito sabay baling naman kay daddy. "Maaamoy tayo ng pack niya."

"I know, I know... Kailangan ulit nating lumipat. I just didn't expect that my daughter would choose a goddamn werewolf..."

"And you're a goddamn supreme Witchita. You can do something about it," sabat naman ni mommy.

"Sigrid, look, I can cover his smell but we still have to go to work and go to school. I can't just hide ourselves from people. Maaaring hindi na tayo maamoy ng pack niya pero paniguradong makikita nila tayo at susugurin dito. I can't risk our family. Iilan na lamang tayong mga Witchita sa mundo."

Napalingon ako kay Deon na nasa likuran ko nang pisilin niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.

"Then let me come with you. I also want to save my child," aniya bago ako tinitigan. "Our child. I was drawn to Gelou the first time I saw her, and I can't be away from because she's my mate. I-we need her."

The determination I saw in his eyes pierced through my heart. Alam kong hindi pa kami bati sa lahat ng mga nangyari sa amin pero isa lang din ang alam ko sa mga sandaling iyon. I don't want to be away from him and our child. Witchita man ako o hindi, werewolf man siya o tao, I want our child to live. I want to see him or her grow up beside us.

Hinawakan ko rin nang mahigpit ang kamay niya bago ko hinarap ang pamilya ko nang buong tapang at may determinasyon.

"Pananagutan ko po ang pamilya namin," I firmly told them.

•|• Illinoisdewriter •|•

Comments (1)
goodnovel comment avatar
isotta
ahhhh!!! excited na ako T^T
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status