Share

03 Guide

I AM STILL eighteen years old and currently in my last year in senior high. Well, that simply means I still have to go to school, and I really hate it.

Hindi naman ako bulakbol pero wala lang... nakakawalang ganang pumasok lang kasi alam mong lilipat din naman kayo. Nasasayang lang lahat ng memories at efforts ko na mag-excel sa klase. Sa labing-apat na taon ko ba naman kasing pag-aaral ay fourteen times na rin akong lumilipat ng school. Nakakapagod at nakakasawa na talaga!

Donning my blue gingham plaid knitted sleeveless vest over my white collared shirt tucked in my high-waist black skater skirt, I graced the hall of that state college which offered senior high school as well. Naka-puting knee socks ako at black sneakers saka nilagyan ko rin ng plain blue headband ang nakalugay kong mahabang buhay. Yakap ko sa isang kamay ang folder ko habang nakasabit din sa balikat ko ro'n ang itim kong YSL sling bag. My outfit of the day was the reinvented version of Cher Horowitz's style from the ‘90s film Clueless.

I really love that film and also Mean Girls, Legally Blonde, Gossip Girls, and others which introduced female leads with iconic taste for fashion. In fact, when I was younger, hindi ko naman masyadong pinoproblema iyong paglilipat namin ng mga lugar. I don't really care about where we're heading. I am happy and contented as long as my Barbie lived in a pretty doll house jam-packed with clothes, bags, and killer heels.

Napapatingin ang lahat ng mga madadaanan namin ni Chadleen sa amin kaya hiyang-hiya naman iyong pinsan ko. What's there to be embarrassed for? Self-expression is an art form, and it's closely related to fashion. I dressed up not to impress others but to make myself feel better.

Napahinto ako sa paglalakad kaya bumunggo sa likuran ko ang nakayuko kong pinsang mahilig sa oversized clothes. I spun around to look at her.

“Couz, chin up! Bakit ba parang hiyang-hiya ka r'yan?”

Inayos niya ang eyeglasses niya nang tapatan niya ang titig ko.

“Hindi naman sa gano'n, couz. Kaso... nasa probinsya kasi tayo, e.”

“So?” I asked, genuinely confused.

“Baka manibago sila sa ‘yo...”

Pumalatak ako at nagpameywang. “Couz, I told you. They need to have patience with my presence. As if naman, magtatagal tayo rito. We're just passing by.”

“Good morning, people!” one girl announced and before I could even look at her, she proceeded to bump me on the shoulder.

Iyong dalawang alipores niya pang akala mo naman ang gaganda ay naghagikhikan pa. Sinundan ko sila ng tingin at naabutan ko silang naghahagikhikang tatlo habang tinatapunan ako nang mayabang na tingin no'ng bumangga sa akin. Obvious naman na sinadya nila iyon. I smirked and spun around to face them. I gave them my sweetest yet fakest smile.

“That's not how Regina George does it,” I told them.

“Ha? Ano raw?”

I fought the urge to roll my eyes. Apparently, they didn't know who's the meanest queen bee.

“Oh, by the way, I love your skirt,” nakangiting sabi ko roon sa bumangga sa akin kanina. “It looks straight out of your grandmother's closet. So vintage!”

Hindi makapaniwalang umawang ang bibig niya. “Akala mo siguro ay hindi kami nakakaintindi ng English dito, miss, no? Ay nu wat yor tokin abawt! Yo bits!”

Bago pa ako tuluyang matawa at inisin sila lalo ay nahila na ako ni Chadleen palayo sa kanila. Nag-aalalang hinawakan naman ako ng pinsan ko sa mga balikat ko upang i-check kung ayos lang ba ako.

“May masakit ba sa ‘yo? Dalhin na kaya kita sa clinic?” aligaga niyang saad.

I chuckled. “Couz, chill.”

Mahina niya akong hinampas sa braso ko. Para siyang si Lola Panya kapag naiinis at na-fu-frustrate sa tuwing nag-aalala sa amin tapos tinatawanan lang namin.

“Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. Sabi nang huwag tayong gagawa ng eksena, ‘di ba?”

Tinawanan ko lang siya. “You sound like Lola Panya. Epekto siguro ‘yan nang kakasama mo ‘yan sa kanya, e.”

“Mabuti na lang talaga at magkaklase tayo. Mababantayan kita.”

Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi ni Chadleen at inabrisete na lamang ang braso ko sa kanya saka inaya na siyang maglakad papunta sa classroom namin.

“Huwag kang mag-aalala, couz. Akong bahala sa ‘yo.”

Chadleen was too sweet and good. Medyo nerdy din at clumsy, that's why she's becoming the subject to bullying in our every school. Pasalamat talaga siya at nandito ako para ipagtanggol siya. Iiyak lang siya and wouldn't fight back kaya ako ang sumasalo ng mga sabunot at sampal na dadapo sa kanya. Siyempre, papatalo ba naman ako? Dodoblehin ko pa ang balik no'ng mga ibinigay nila. My cousin slash best friend was just too precious for the world.

Pagpasok namin sa classroom namin ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang magpang-abot ang tingin namin no'ng konsorte noong Santacruzan, si Gideon. I saw how his eye color changed, pero pagkurap ko ay nawala agad iyon. Ipinagkibit-balikat ko na lamang dahil baka ay namamalikmata lang ako.

The corner of his lips pulled up for a mischievous grin. “It's nice seeing you again... Baleleng.”

Mapang-asar ang tono niya kaya kinunutan ko siya ng noo ko. Si Chadleen naman ay naguguluhang tiningnan ako. The guy mentioned a different name yet he was looking at me. My smart cousin would obviously get it right away — nagpapanggap ako gamit ang ibang pangalan.

The guy beside him stirred and lifted his head to look at us. High school student pa pero puno na ng tattoo ang mga braso nito. Hindi ko tuloy alam kung may sinusunod ba talagang batas ang state college na ito kasi bukod sa wala kaming uniform ay pwede pala iyong ganoon kalaking mga tattoo sa estudyante nila. Nawala iyong antok sa mukha niya nang makita kami ng pinsan ko. Umayos siya nang upo mula sa pagkakasubsob sa desk niya at nginisihan kami.

“Ayos, ah. May bago pala tayong classmates. Hello, transferees!” he greeted as he playfully waved his hand at us.

Balak pa sanang sumagot ni Chadleen nang pagkaway kaya lang ay hinila ko na siya papunta sa may likuran kung saan kami uupo.

“Naka-eyeglasses, dito ka na maupo. Baka hindi mo kita mula r'yan sa likod,” ani pa ni Gideon sabay tayo mula sa pwesto niya at alok ng upuan niya kay Chadleen.

Napatingala tuloy iyong katabi niyang burdado sa kanya at hinawakan pa siya sa braso niya. The tattooed guy looked betrayed. “Tol, huwag mo akong iwan!”

“Gago!”

At nagtawanan silang dalawa na parang mga tanga. Lalo tuloy nangunot ang noo ko sa kanila.

Napatingin ako kay Chadleen. Nalimutan kong nearsighted pala siya. Kailangan nasa malapit sa harapan talaga siya maupo. Napabuntong-hininga ako at dinala na ang pinsan ko sa hanay sa may harapan.

“Ay, madaya, pre. Ang tangkad no'ng isa. Iyong iba naman ang hindi makakakita dahil sa ‘yo,” parinig pa ni Gideon pagkaupo namin.

I know and I can feel that he was referring to me. Pake ba niya ha?! Tutal ay nasa likuran naman sila, hindi ko lang sila nilingon o sinagot man lang.

“Oy, Baleleng, matangkad ka. Ililipat ka pa rin ni ma'am dito sa likuran mamaya.”

Hindi ko siya papansinin. Hindi ko siya papansinin. Hindi ko siya papansin–

“Kung gaano siya kaganda, gano'n naman kabantot ang pangalan niya. Hay naku, wala talagang taong perpek,” biglang saad naman no'ng babaeng bumangga sa akin kanina.

Kasama niya iyong dalawa niya pang alipores papasok ng classroom namin. Don't tell me that they're going to be my classmates... Oh, what a great way to start my first day in this school!

I turned to her and gave her a sweet smile. I'm two-faced. I tend to deceive others with my sweet smile. I can make it seem like something genuine and the same time, full of sarcasm.

“Hindi ako perpek, but at least, inamin mo ring maganda ako,” I teased.

Inis na nginiwian lang ako no'ng babae bago siya at ang mga alipores naupo sa kahanay na mga upuan namin ni Chadleen dahil dumating na rin ang homeroom teacher namin.

“Settle down, everyone. We'll start the day through attendance. Say present if your name is called,” the teacher announced.

She seemed strict but not too uptight.

“Daez, Felix Joaquin.”

“Present!” the tattooed guy sitting beside Gideon enthusiastically retorted while waving his raised hand when his name got called.

“Primo, Gideon.”

“Good morning, ma'am.”

Napakunot ang noo ko sa galang ng boses niya. Ah... baka sipsip.

“Acosta, Ruby Lane.”

“Present!” sagot naman no'ng feeling bully kanina.

“Perei–Oh, may bago pala kayong mga kaklase. Nakalimutan ko.” The teacher looked at us from the attendance she was holding. Kami lang naman kasi siguro ang mukhang bago rito. “The two Pereriras, can you introduce yourselves in front of the class?”

Nauna na akong tumayo dahil alam kong mahiyain ang pinsan ko. I will take the lead because Chadleen will surely follow.

May biglang pumalakpak mula sa likuran at sumigaw pa. “Go, Baleleng!”

Nagtawanan ang buong klase pero mas exaggerated talaga iyong kina Ruby at sa mga minions niya. Sinamaan ko ng tingin si Gideon. Feeling close ang mokong. Alam naman niyang hindi iyon ang totoo kong pangalan, nang-iinis lang talaga siya.

“Good morning, everyone. I am Angie Lou Pereira, eighteen. No permanent address, and that would be all,” honest at maikli kong pakilala.

Hindi ko na tiningnan pa ang direksyon ni Gideon o ni Ruby para sa mga reaksyon nila. Basta ay naupo na lang ako agad. Si Chadleen ay sunod namang tumayo para magpakilala. I smiled at her to make her feel comfortable and to encourage her more.

“Good morning. I am Chadleen Iya Pereira. I am eighteen years old, and Angie Lou Pereira is my cousin. It's nice meeting you all...”

“Nice meeting you too, miss!”

Kunot-noong nilingon ko kung sino iyong sumigaw. It was the tattooed guy sitting beside Gideon, Felix. I inwardly shook my head. I don't think he's good for my cousin.

Our day went... okay. Mabuti na lang at hindi na ako pinalipat ng guro namin sa likuran. Although she really noticed my height, she let me sit with my cousin. Kaila ko rin kasi ay medyo bingi ako kaya hindi ako makakarinig nang maayos kung sa likuran ako uupo. Dumiretso agad kami ni Chadleen pag-uwi pagkatapos ng klase namin. Nakakaubos ng energy ang buong araw sa school kahit wala naman kaming ginagawa kaya mas gusto kong umuuwi na lang agad.

“Mom, we're here!” I announced as I entered the kitchen.

May narinig akong parang nabasag kaya agad kong hinanap si mommy. I found the broken pieces of our glass bowl scattered on the floor. Nagulat ko ata si mommy pero grabe naman kung bumagsak talaga iyon doon sa sahig.

“Ayos ka lang, mom?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Tumango-tango naman siya at nginitian ako. “Nadulas lang sa kamay ko. Nagulat kasi ako.”

“I will help you na, mom,” I offered.

“No, it's okay. How's school, sweetie?”

“It's okay, mom.”

“Did you make friends there?”

Napaismid naman ako dahil sa tanong niya na iyon. “Para saan pa, mom? Aalis din naman tayo rito.”

Napabuntong-hininga na lamang si mommy. Pumasok na rin si Chadleen sa kusina at bineso ito.

“Did you enjoy your first day, honey?” malambing na tanong ni mommy dito habang yakap-yakap si Chadleen.

Mommy served as Chadleen's mother, too. Hindi na namin nakilala pa ang nanay ni Chadleen. The adults never talk about her too kaya wala rin kaming ka-ide-ideya kung nasaan na ito at kung anong nangyari rito. I love seeing them this close as well. Walang halong inggit o pag-iimbot ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang ganito. Chadleen deserved to feel the love of a mother, too. Kahit sa ibang nanay niya pa iyon mahanap, sa nanay ko. Kaya ayos lang talaga sa akin ang ganito. I can always share my mom with her.

“Opo, tita. Mabait naman po sila.”

Hindi ko rin maiwasang mapangawi sa sagot ng pinsan ko. Sagot mabait, e. I couldn't say it was wrong. It's just that... not all of them were good. Chadleen just doesn't want to paint them or anyone else as bad.

“Ihahanda ko lang ang hapunan natin. Sige na, mag-aral na muna kayo ro'n.”

“Gusto niyo po ng tulong, tita?”

“Kaya ko na ‘to, hija. Magbihis na lang muna kayo ro'n tapos kung may assignments kayo, gawin niyo na lang habang naghahanda ako rito.”

“Sige po.”

Paalis na kami ni Chadleen ng kusina nang balingan ko ulit iyong basag na bowl sa sahig. Nag-aalala kasi ako na baka masugatan no'n si mommy. Nangunot ang noo ko nang mapansing wala na iyon doon.

“Couz, halika na,” aya ni Chadleen sa akin.

“Wait lang. Bakit nawala iyong mga basag na bahagi ng bowl sa sahig?” I asked.

I looked at them and found them locking eyes. Para silang kinakabahan na nag-aalala. Did I miss out anything?

Hindi kalaunan ay nginitian ako ni mommy. “Anong nawawala, sweetie?”

“Iyong bowl na nabasag sa sa–”

Ituturo ko na sana iyon nang matigilan ako. Nando'n na ulit ang mga iyon sa eksaktong pwesto kung saan ko sila huling nakita. I lifted my attention towards my mother again who was waiting for my answer. Takang-taka man ay umiling na lang ako. Paanong...

“Wala po...”

“Couz, sa taas na tayo para makapagbihis na tayo tapos tulungan natin si tita rito,” alok pa ulit ni Chadleen sa akin.

Hindi na ako umangal at sumama na lang sa kanya nang hilahin niya ako palabas doon. I looked back at the kitchen to see mommy over my shoulder. She gave me an assuring smile, telling me through it that everything was fine. Weird but I let it slipped.

•|• Illinoisdewriter •|•

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status