Kabanata 4

Memo

"Nakahanda na po ang sasakyan Sir Memo." Saad ni Sandro at agad lumabas sa kwarto. Matapos nang nangyari sa amin ni Sandro ay napagkasunduan naming ibaon na lang sa limot iyon, pareho naman daw naming ginusto ang nangyari at nilinaw din namin sa isa't isa na tanging tawag lamang ng laman ang nangyari sa amin nang gabing iyon at wala ng mas malalim pa na dahilan. In good terms naman kami ni Sandro ngayon.

Muli kong sinulyapan ang aking itsura sa salamin, nakasuot ako ng puting sando at maong shorts. Inimbita kasi kami ni manang Inda, caretaker ng resthouse, sa isang party. Pagdiriwang daw iyon para sa masaganang ani na natatamasa ng mga tao sa Isla Paraiso. May munting salo-salo raw at magkakaroon ng disco pagsapit ng alas dose ng gabi. Nang masigurong presentable na ang itsura ko ay lumabas na ako ng resthouse, nakaparada na ang sasakyan sa labas, pagpasok ko sa loob ay agad binuhay ni Sandro ang makina ng sasakyan at pinaharurot ng takbo, ilang minuto lang naman ang tatakbuhin namin dahil hindi naman kalayuan ang party.

Hindi ko alam kung bakit ako umoo kay manang Inda ng imbitahin ako sa pagdiriwang, wala rin kasi akong ibang magawa kaya naman umoo na lang ako. Alam kong hindi ito kagaya ng mga party sa tuwing nagkaclub ako pero okay na rin 'to, at least hindi ako mamamatay sa boredom sa loob ng resthouse, baka magkaideya na naman akong pasukin sa kanyang kwarto si Sandro.

"Narito na po tayo Sir, sabi nga pala ni manang Inda na sa mesang may kurtinang pula ka pumwesto." Saad sa akin ni Sandro. Pagtingin ko sa labas ay nagsisimula na ang kasiyahan, may mga nag-iinuman na rin.

"Hindi ka ba sasama sa akin Sandro?" Tanong ko rito.

"Um, iyon na nga sir, may kikitain kasi ako, okay lang ba kung magtext ka na lang sa akin kung gusto mo ng magpasundo?" Saad nito at kita kong kinakabahan ito. Gusto ko sanang mag-usisa kung sino ang kikitain nito pero parang wala naman ako sa lugar para itanong ang nga ganoong bagay.

"Its okay Sandro. Itetext na lang kita mamaya, good luck sa'yo." Saad ko rito at lumabas na ng sasakyan. Hinintay ko muna na lumarga si Sandro bago ako pumasok sa bulwagan kung saan nagkakasiyahan na ang mga tao, hinanap ko ang mesang may pulang kurtina, talagang may color coding pa ang party na to ha. Ilang sandali pa ay nahanap ko na ang mesang may pulang kurtina, naroon din si manang Inda, may kausap itong lalaking mga nasa mid thirties, side view lang ang nakikita ko pero I must say ang gwapo ng lalaking ito. Lumapit ako kay manang Inda, buti na lang at nakita ako ni manang Inda at kumaway ito, ng sa ganoon ay hindi ako magiging bastos kung didisturbuhin ko ang kanilang diskusyon.

"Nandito na pala si Sir Memo." Saad ni manang Inda.

"Nga pala sir Rowan, ito si Sir Memo. Sir Memo, ito naman si sir Rowan, siya iyong may-ari ng casinong ipinapatayo sa isla." Pagpapakilala ni manang Inda sa amin, mayaman pala itong si Rowan, may ari ng casino.

"Okay lang ba kung maiwan ko muna kayong dalawa?" Saad ni manang Inda, sabay kaming tumango ni Rowan at lumisan na nga si manang. Naiwan kaming dalawa ni Rowan dito, okay, so ano ng susunod kong gagawin?

"Are you Memo Damascus? Tagapagmana ng Damascus Enterprise?" Tanong nito.

"Stalker ba kita?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"I like your sense of humor." Saad nito at bahagyang tumawa. Tinaasan ko lang ito ng kilay. Okay, baka isa lang 'to sa mga business friend nina mommy at daddy kaya niya ako kilala.

"Business friend ka ba nina daddy at mommy?" Tanong ko rito.

"Yeah! We're business partners, ang kompanyo niyo ang nagsusupply ng mga materials para sa mga ipinapatayo kong casino." Saad nito, nagkibit na lang ako ng balikat dahil hindi ko alam kung ano ang erereact ko, hindi pa naman ganoon kalawak ang kaalaman ko sa business namin.

"Not to be rude, but bakit ka nandito sa Isla Paraiso? Vacation?" Tanong nito, kumuha muna ako ng maiinom bago sinagot ang tanong nito.

"My parents kind of dump me here, reason is because I'm suicidal, at kung tatanungin mo ako kung bakit its because broken hearted ako, huwag kang maaawa sa akin ha?" Saad ko rito then suddenly I'm surprise na nasabi ko sa kanya ang totoong rason kung bakit ako nandito sa isla, parang ang gaan kasi nitong kasama, parang pwedi mo siyang sabihan ng kahit na ano na hindi ka ijajudge, pero siyempre impresyon ko lang iyon sa kanya.

"Oh! That must be hard." Komento nito at nilagok ang hawak na inumin, ininom ko na rin ang kinuha kong alak.

"Nagsisisi na siguro iyong ex mo ngayon." Saad nito.

"Tsk, nagsisisi? May girlfriend na nga 'yon e, di ako bitter ha?" Saad ko. Tumawa lang ito sa inakto ko.

"So, I conclude na lalaki pala ang ex mo?" Tanong nito, tumango lang ako bilang sagot.

"Huwag na nga nating pag-usapan iyong ex ko." Saad ko rito, ayoko munang alalahin iyon, unti-unti ko na ngang nakakalimutan si Leo, ayokong masayang iyong effort ko sa pagmomove-on.

"Okay." Tugon nito.

"Um, pupunta muna ako sa baybayin, baka gusto mong sumama?" Alok ko kay Rowan, gusto ko kasi talagang pumunta ng baybayin kaya lang natatakot ako dahil sa madilim na, baka may manghablot bigla sa akin.

"Yeah! Sure." Ngumiti ako at nauna ng maglakad palabas ng bulwagan. Pagkarating namin sa baybayin ay wala ni isa sa amin ang bumasag sa katahimikan ng paligid, kapag nasa resthouse ako ayoko talaga sa tahimik pero kapag nasa baybayin naman ako gusto ko ang katahimikan, nakakapag-isip kasi ako ng maayos. Ang sarap pa sa pakiramdam ng hanging humahampas sa aking katawan.

"I really find you very amusing." Pagkaraay sambit ni Rowan.

"Huwag mong sabihing nagkakagusto ka na sa akin ha?" Biro ko rito na ikinatawa namin pareho.

"Who knows?" Tugon nito sa biro ko pero hindi ko na ito pinatulan. Ipinikit ko ang aking mga mata at binalikan ang mga masasayang alaala ng aking buhay. 'You're strong Memo, malalampasan mo rin lahat ng pinagdadaanan mo ngayon.' Alo ko sa aking sarili at isang napakahabang buntong hininga ang aking pinakawalan. Kasabay ng pagpapakawala ko ng buntong hininga ay ang pagpapakawala ko rin sa mga masasayang pinagdaanan namin ni Leo, kailangan kong palayain ang sarili ko sa mga memories namin kung gusto ko siyang kalimutan.

"I'm sorry to interrupt you Memo pero nandito na kasi iyong pinsan ko kaya kailangan ko ng pumasok sa bulwagan, sasama ka ba sa akin or you'll take your time here?" Saad ni Rowan sa gitna ng aking pagmumuni.

"Um, sasama na lang ako sa'yo sa loob." Tugon ko rito, gusto ko pa sanang magstay sa baybayin pero ayoko namang mag-isa no, nakakatakot kaya ang kadiliman. Pumasok kami sa loob ng bulwagan, pumwesto kami sa kung saan kami kanina habang hinihintay namin iyong pinsan niya. Siguro ang dahilan kung bakit nagkapalagayan agad kami ni Rowan ng loob is because pareho kaming walang kakilala sa bulwagang ito, kaya kailangan naming mag-usap for the sake na hindi kami ma out of place sa party na ito.

"Hey! Kuya Rowan." Tila na estatwa ata ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako pweding magkamali, kay Leo ang boses na iyon, siya ba ang pinsan na sinasabi ni Rowan?

"Leo." Sambit ni Rowan at tuluyan na ngang nasa harapan namin si Leo, worst is kasama niya si Lily, kita ko sa reaksyon ng dalawa na nagulat silang makita ako. Bakit? Akala ba nila patay na ako?

"Hi Memo." Bati sa kanya ni Lily na talagang nagawa pang ngumiti, sarap laslasin ng bibig nito ng hindi na ito makangiti pa kailanman.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Rowan, specifically kay Leo at Lily.

"Yeah! Were in same department." Sagot naman ni Lily, siya lang ata ang agad nakarecover sa gulat ng magkita-kita kami ngayon dito. Ngayon alam ko na kung bakit ayoko talagang pumunta rito sa isla. Sino nga ba naman ang magsasabing dito pala magkukrus ang landas naming tatlo? Ngayon hindi ko na talaga sila maiiwasan.

"So, magkasama ba kayo ni Memo, Mr. Rowan?" Tanong ni Lily, tang-inang babae talaga nito, ang daldal, ang daming tanong, ang sarap na niyang patahimikin habang buhay.

"Yeah." Tugon nito.

"Um, kuya Rowan I want you to meet Lily, my Girlfriend." Pagkaraay sambit ni Leo, ni hindi nito makuhang tingnan siya sa mga mata, ang sakit pala nito, nagkumustahan si Rowan at si Lily, tapos ako parang hangin lang, chapa na. May pa meet meet pa talagang nalalaman, pagsasaksakin ko sila sa baga e. Dahil sa kunti na lang talaga at sasabog na ako kaya naman iniatras ko na ang aking mga paa at handa ng tumakbo ng biglang ipulupot ni Rowan ang mga kamay nito sa aking bewang.

"I know magkakilala na kayo, but I want you to meet Memo, my boyfriend." Sambit ni Rowan na ikinalaki ng mata ko, actually hindi lang akin kung hindi naming tatlo. Anong pinagsasabi nitong boyfriend? Kakameet lang namin kanina boyfriend ko na agad siya? Bilis naman ata ng mga pangyayari? Pagtingin ko kay Rowan ay nakangiti ito sa akin at ang mga mata nito'y para bang sinasabing 'alam ko ang pinagdadaanan mo and I'm trying to save you kaya makisakay ka na lang.' Napalunok na lamang ako sa aking laway, mukhang mapapasubo ako sa actingan ngayon.

"Boyfriend mo si Mr. Rowan, Memo?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni Lily na para bang naiinis ito sa tono ng boses.

"Um, yeah." Tanging tugon ko lamang sa kanya. Mukhang sobrang na shock ata si Leo dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reaksyon na tila ba na estatwa na talaga ito.

"Kailan naging kayo Memo?" Usisa ni Lily, nakakairita ang mga tanong niya sa akin, feel na feel ang pagiging detective.

"Um..." Napalunok ako ng laway, hindi ko alam kung anong isasagot ko, kailan nga ba naging kami ni Rowan? Ngayon lang?

"Were together for almost two months now." Sagip sa akin ni Rowan pero napafacepalm na lang ako sa sagot nito, anong iisipin ni Leo at Lily na nung niloloko nila ako ay niloloko ko rin sila? Really, two months huh. Kita ko ang gulat sa mga mukha nila habang si Rowan ay parang wala lang.

"Kumain na ba kayo Leo?" Tanong ni Rowan ng wala ni isa sa amin ang gustong basagin ang pagkailang na nararamdaman sa isa't isa. Tumango lang si Leo bilang sagot. Nag-excuse si Rowan at si Leo, mayroon daw silang pag-uusapan tungkol sa OJT nito sa kompanya ni Rowan, iyon pala ang dahilan kung bakit siya narito sa isla, talagang sinama niya pa si Lily. Kumuha ako ng inumin sa mesa at inisang lagok ito, kaming dalawa na lang ni Lily ang magkasama pero wala akong balak na kausapin ito, we used to be talking too much about boys and other stuffs, but now its different.

"All this time, you're cheating Leo?" Pagkaraay basag ni Lily sa katahimikan, tinapunan ako nito ng tinging may pagkadisgusto.

"Look who's talking." Tugon ko rito at muling lumagok ng alak.

"Oh well, I think hindi rin kayo magtatagal niyang si Rowan, it seems like you were just his toy in bed, he only needs you to pleasure him and darating din ang panahon na pagsasawaan ka niya." Nakangising saad ni Lily, pinipigilan ko ang aking sarili na masuntok ang babaeng ito, ipinikit ko ang aking nga mata at bumuntong hininga. Walang paalam na tumalikod ako kay Lily at mabilis na tinahak ang daan palabas ng bulwagan, nakita ako ni Rowan na palabas pero hindi na ako nagpaalam dito, magkasama kasi sila ni Leo at ayoko ng makaharap si Leo dahil bumabalik lang sa akin ang sakit ng ginawa niya sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status