Kabanata 5

Memo

Pagkalabas ko ng bulwagan ay agad kong kinapa ang cellphone sa aking bulsa. "Fuck!" Mura ko ng wala akong makapang cellphone sa aking bulsa, its either nakalimutan ko sa aking kwarto o nasa sasakyan ang cellphone ko, hindi ko na talaga matandaan dahil sa gulong-gulo ang isip ko at hindi naman dapat ako magalit sa sinabi ni Lily about sa amin ni Rowan dahil hindi naman talaga naging kami pero hindi ko maiwasang hindi mairita sa komento nito. Papasok na sana akong muli sa bulwagan para hanapin si manang Inda at manghiram ng cellphone rito ng makasalubong ko si Rowan.

"Hey! Uuwi ka na?" Tanong nito.

"Yeah! Hinihintay ko lang iyong sundo ko." Tugon ko sa kanya. Hindi ko na hinintay pa na may sabihin pa ito at pumasok na sa loob ng bulwagan. Hinanap ng aking mga mata si manang Inda, hindi pa rin kasi siya bumabalik sa mesa kung saan ko siya nakita kanina at kung mamalasin ka nga naman, nakita ko pa sina Leo at Lily na kumakain, to make things more exaggerated nagsusubuan pa talaga sila. How sweet, inggit naman ako na hindi na nagawa pang kumain, but at least nakainom ako ng alak, hindi masasayang ang pagpunta ko sa party na 'to. Lumabas na lang ako ng bulwagan ng hindi ko talaga mahanap si manang Inda, paglabas ko ay nakita ko si Rowan na parang naiinis habang nakadikit sa tenga ang kanyang cellphone. Gusto ko sanang manghiram ng cellphone sa kanya kaya lang hindi ko naman memoryado ang numero ni Sandro, hindi ko naman makita si manang Inda para manghingi ng number.

Hay. I hope maisipan ni Sandro na sunduin na ako. Lumapit ako kay Rowan na tila nagulat pa sa pagtabi ko sa kanya.

"You look so upset, may problema ba?" Tanong ko rito.

"Nah. Kanina ko pa kasi tinatawagan si Baldo, hindi naman sumasagot." Nakabusangot nitong tugon.

"Who's Baldo? If you don't mind me asking." Tanong ko sa kanya. Baka boyfriend niya si Baldo, tho I want to make sure if my guess is a fact.

"He's my driver slash acting secretary." Tugon nito at muling nagtipa sa kanyang cellphone and base sa kanyang ekspresyon, hindi pa rin siya sinasagot ng kanyang driver. Pareho na kami ng problema, walang mga driver na maghahatid pauwi. Okay lang sana kung walking distance iyong pauwi sa resthouse, but it takes half an hour kung may sasakyan ka paano pa kaya kung maglalakad ako? Hindi pa naman uso rito ang mga uber o kaya ay taxi. Paano na ako uuwi ngayon?

Baldo

Nasa loob ako ng aking kwarto ng may biglang kumatok sa aking pintuan. Pinause ko muna ang pinanonood kong movie at lumapit sa pintuan, sino naman kaya 'to? Wala naman akong inaasahang panauhin ngayong araw. Pinihit ko ang seradura at bahagyang binuksan ang pinto, pero mali atang binuksan ko iyon dahil parang nakakita ako ng patay na muling nabuhay. Akmang isasarado ko na ang pintuan ng ibangil nito ang paa niya kaya hindi ko tuluyang maisarado ang pintuan.

"Get off your feet dude." Singhal ko rito at boung pwersang itinulak ang pintuan pero kagaya pa rin talaga siya nung huli kaming magkita, malakas. Parang walang kaabog-abog nitong naitulak ang pintuan kaya naman napaatras ako at tuluyan na nitong isinara ang pintuan sabay lock.

"Ang laki na ng pinagbago mo Baldo, ang laki na rin ng katawan mo." Saad nito, kung wala lang halong mapanuya ang sinabi nito siguro matutuwa ako sa komento nito patungkol sa katawan ko.

"Leave me alone, Sandro." Sigaw ko rito pero tumawa lang ito.

"Sino ka para utusan ako Baldo? Baka nakakalimutan mo na ang laki pa ng atraso mo sa akin?" Saad nito at lumapit sa akin, hinawakan nito ang aking mukha at napapikit na lang ako sa sensasyong ibinibigay nito sa aking katawan. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa tuwing magkadikit kami.

"Patawarin mo na ako Sandro, pinagsisisihan ko na ang ginawa ko sa iyo noon." Saad ko rito pero parang wala lang itong narinig. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin, kasalanan ko naman ang lahat at alam ko na mas lalo lang nadagdagan ang galit niya sa akin dahil sa paglisan ko ng walang paalam, hinayaan ko siyang harapin ang problemang ako ang gumawa. Bakit pa ba kami nagkitang muli? Hinanap niya ba ako para makapaghiganti? Para pagbayaran ang kasalanan ko?

"Akala mo ganun lang kadali 'yon Baldo? Limang taon, nakulong ako ng limang taon sa kasalanang hindi ko naman ginawa, ang daming nasayang na panohon sa akin Baldo, hindi ko man lang nadalaw ang magulang ko sa burol nila, ni hindi ko mapagamot ang kapatid kong may sakit dahil nasa kulungan ako Baldo. Sa tingin mo ang dali lang patawarin nun? Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, panahon na siguro para pagbayaran mo ang kasalanan mo Baldo." Saad nito na puno ng galit.

"Tatanggapin ko ang galit mo sa akin Sandro, gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako." Saad ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang aking pagluha, nagawa ko lang naman siyang takbuhan dahil sa natatakot ako, ayokong makulong, pero alam kong maling-mali na ipinasa ko kay Sandro ang krimeng nagawa ko noon.

"Lahat? Gagawin mo? Paano kung gusto kong kunin ang kaluluwa mo Baldo? Ibibigay mo ba sa akin?" Tanong nito, hinawakan niya sa aking leeg at nasasakal ako pero kahit papaano ay nakakahinga pa naman ako.

"G-gusto mo akong patayin?" Ang natatakot kong tanong sa kanya at sinuklian niya lang iyon ng ngising di ko mawari kung ano ang ipinapahiwatig.

"Tama na siguro ang panghabang buhay na magpapaalipin ka sa akin Baldo para mabayaran mo ang kasalanan mo sa akin. Tandaan mo Baldo, hindi ito ang huli nating pagkikita dahil kahit saan ka mang impyerno magtago, hahanapin at hahanapin kita." Saad nito at hinalikan ako sa aking labi na ikinagulat ko, tumaikod ito sa akin at lumabas na ng kwarto, nagawa pa nitong isarado ang pintuan habang ako'y nakatanga lang, gulat pa rin sa mga nangyayari.

Ang boung akala ko ay nasa probinsya pa rin si Sandro, alam kong sinentensyahan siya ng limang taon na pagkakakulong pero mula noon ay wala na akong balita sa kanya, umalis ako sa probinsya, kahit pagkatapos ng limang taon ay hindi ako bumalik sa probinsya para humingi ng tawad sa kanya, natatakot ako sa sasabihin niya sa akin at ngayon nga ay nangyari na ang kinakatakutan ko. Ang kanyang paniningil.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status