Kabanata 6

Memo

Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin si Sandro, buti na lang at kasama ko si Rowan. At least kahit papaano ay may makakausap ako. Hindi pa rin lumalabas sa bulwagan sina Leo at Lily na dapat kong ipagpasalamat, their having a good time siguro sa loob. Fuck! I wanna vomit at the thought, them having a show on top of the table. Thats gross. Bakit ko pa ba kasi iniisip?

"Pinsan ko pala ang ex mo? Small world, isn't it?" Pagkaraay turan nito.

"Yeah! Thanks for saving my pride. Though, hindi mo na dapat iyon sinabi." Tugon ko kay Rowan. Somehow, it made me feel better, knowing na kahit papaano ay nasaktan din siguro ang ego ni Leo na niloloko ko rin siya, worst is sa pinsan pa niya, seems fair.

"Well, I know at that time you want to be save, so I'm acting all the way as your hero. If I'm not a great observer, hindi ko pa mapapansin na may something sa inyo ng pinsan ko." Saad nito.

"But its not free okay?" Saad na naman nito, tiningnan ko ito ng may pagtatanong. Anong ibig niyang sabihin?

"O, come on Memo, I'm a business man, dapat alam mo na hindi pwedi sa akin ang libre, may talent fee iyon Memo." He wants talent fee? Ang yaman na nga niya.

"How much?" Tanong ko sa kanya, sana naman hindi niya ako singilin ng isang milyon because as far as I remember, siya ang nagvolunteer na umaktong boyfriend ko.

"I don't need your money Memo. Just go on a date with me, will watch movie then have dinner, okay that sounds cliche. Whatever you want to do anyway, as long as you're with me." Saad nito at hindi ko alam kung kinakabahan ba ito o ano, and wait a minute, did he just invite me to a date? Maybe a friendly date.

"Whoah! Wait, are you inviting me on a romantic date or on friendly date?" I ask. Ayoko namang mag assume no, that only leads to hurting my feelings. Besides, I don't know if I'm ready to engage on another relationship, because the truth is hindi pa naman talaga ako tuluyang nakakalimot.

"Um, lets just say its a mandate." Saad niya. Okay, its only friendly date. At least hindi na ako mababagot dito sa isla at maghihintay kung kailan ako pababalikin ng parents ko sa siyudad.

"Its a date then." Saad ko at nginitian ito. Okay, I'm having a date with a person whom I only knew is the name, but he's my parents business partner, after all ako naman ang magmamana sa kompanya ng magulang ko so its like hitting two birds with one stone. Wala na akong utang na loob sa kanya and at the same time I build a relationship na between us na magagamit ko sa future, I know you're not stupid to not know what I mean.

"Hmm, you're easy to get ha?" Komento nito and I just rolled my eyes, like hey! I'm not easy to get, si Leo pa nga ang first ko at ilang buwan niya akong niligawan noon. Oh, crap! Erase that thought.

"Shit! Baldo, pick up the phone." Mura nito habang nagtitipa na naman sa cellphone. I knew the feeling, dude. Tahimik lang kami habang siya'y paulit-ulit na tinatawagan ang driver niya. Ilang minuto pa ang lumipas ng sa wakas ay pumarada sa harapan namin ang napaka familiar na sasakyan. Thanks at kahit papaano ay alam ni Sandro na gusto ko ng umuwi.

"Uuwi na po kayo, Sir?" Tanong ni Sandro, tumango lang ako bilang tugon at napatingin sa direksyon ni Rowan, naiinis na ang itsura nito.

"Hey Rowan, bakit hindi ka na lang sumabay sa akin? Ihahatid ka na lang namin ni Sandro." Suhestiyon ko sa kanya.

"Well, I will not declined that offer. Mukhang wala na talagang balak si Baldo na sagutin ang tawag ko. I don't want to spend my night here." Sambit nito.

"Okay so saan ka namin ihahatid?" Tanong ko at pumasok sa loob ng sasakyan, sunod itong pumasok sa akin.

"Paradise Hotel." Tugon nito, tinanong ko si Sandro kung alam niya kung saan ang Paradise Hotel and he seems like spacing out dahil kailangan ko pa talagang tapikin ang braso nito at inulit ang tanong, tango lang ang itinugon nito at binuhay na ang makina ng kotse at dahan-dahang pinaandar ang sasakyan.

"So, kailan mangyayari itong mandate na sinasabi mo?" Tanong ko kay Rowan, tumingin ito sa akin and I swear napaurong ako ng magtama ang aming mga mata, did I just see sparks?

"Maybe tomorrow? If that's okay with you. Or maybe I just give you my number then call me whenever you're free." Tugon nito at may kinuha sa bulsa. Ibinigay nito sa ain ang kanyang calling card at malugod ko naman itong tinanggap.

"Um, by the way Rowan, ilang taon ka na pala?" I ask out of nowhere.

"28." Nakangiting tugon nito.

"Oh My Ghad!" I blurt out.

"What?" Nakakunot noo nitong tanong sa akin.

"I thought you were on your mid thirties." Mahina kong saad. Mas lalo pang napakunot ang noo nito, I still can't believe his 28, so young to own a casino all over the country.

"Ouch! That hurts you know?" Saad nito at umaktong nasasaktan, hinawakan pa nito ang dibdib sa may bandang puso para maging makatotohanan ang kanyang acting.

"No pun intended. Nakaside view ka kasi kanina at napakamature mo. But now, looking at you, I guess you're not really on your mid thirties. Sorry if it hurts your feelings." Saad ko sa kanya, I think hindi niya naman talaga dinibdib iyong sinabi ko sa kanya but still, gusto kong himingi ng sorry.

"I don't take sorry for an apology." Tugon nito. Ow, here we go again, sasabihin na naman niya na 'I'm a business man, Memo'

"Ano na naman ang gusto mong kapalit, Rowan?" Tanong ko rito, knowing na hindi naman pera ang gusto nitong kapalit.

"Well, let me think of it, sasabihin ko na lang sa'yo kung ano pagkatapos ng mandate natin, okay?" Nakangisi nitong saad na para bang may iniisip itong masama.

"Nandito na po tayo, Sir." Saad ni Sandro at ilang sandali lang ay ipinark na nito ang sasakyan.

"Thanks for dropping me Memo, text mo lang ako kung kailan mo gustong makipagdate okay?" Saad nito at lumabas na ng sasakyan.

"Okay." Tugon ko sa kanya.

Nakatayo lang si Rowan sa labas habang lumalabas kami sa parking lot, kumaway ito sa akin na sinuklian ko naman ng ngiti hanggang sa unti-unting lumiliit ang pigura nito, inihilig ko ang aking ulo sa headboard ng kotse at ipinikit ang aking mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status