Kabanata 8

Baldo

Pagkatanggap ko sa text ni Sir Rowan ay agad akong lumabas ng site, wala naman itong sinabi sa akin kung bakit niya ako pinapapunta, pero wala naman akong magagawa, lahat ng sasabihin ni Sir Rowan ay susundin ko dahil ito ang nagpapasweldo sa akin. Kung hindi dahil sa mabuting kalooban niya ay baka hanggang ngayon ay magbebenta pa rin ako ng druga. Tang-inang druga, iyan ang sumira sa relasyon namin ni Sandro, hindi ko naman pinili ang ganoong buhay pero anong magagawa ko? Nangangailangan ang pamilya ko ng malaking pera at bilang panganay ay responsibilidad kong tulungan ang pamilya ko, nagkataon pang nagkasakit ang nanay kaya napakaraming gastusin.

Sinipa-sipa ko ang buhangin habang tinatahak ang daan papunta sa lugar na itinext ni Sir Rowan. Ngunit napaurong ako ng makita sa di kalayuan ang pigura ni Sandro, nakasuot lamang ito ng boxer dahilan ng paglunok ko ng laway, parang kakapusin ata ako sa hangin dahil sa mga titig nito sa akin, anong ginagawa niya rito? Bakit kasama niya si sir Rowan, may isa pa silang kasama pero hindi ko kilala. Mukhang nag-iihaw ata sila ng isda o karne, hindi ko maaninag kung ano iyong iniihaw nila. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa ba ako o aalis na. Hayy, nakita na naman ako ni Sandro, wala na akong magagawa pa kahit tumalikod man ako ngayon. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa galit niya sa akin.

Katahimikan. Kanina pa kami nilulukob ni Sandro ng katahimikan habang si Sir Rowan at si Sir Memo ay masayang nagtatampisaw sa may dagat, sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang sila pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang mas malalim pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sa kanila. Patuloy sa pagpapaypay si Sandro sa iniihaw nitong isda. Hindi ko alam kung umaakto lang ba itong hindi ako nag-eexist o may pinaplano na ito para sa paghihiganti sa akin. Kahit ano pa ang gawin niya sa akin ngayon, tatanggapin ko iyon mapatawad lang niya ako. Alam kong hindi madaling magpatawad pero sana malaman niya na pinagsisihan ko na ang ginawa ko sa kanya noon.

"Kumusta ka na, Baldo?" Pagkaraay tumabi sa akin si Sandro, hinawakan nito ang aking kamay dahilan ng panginginig ko, agad kong binawi ang aking kamay, ano ba ang gusto niyang gawin?

"O-okay lang ako, Sandro." Kinakabahang tugon ko sa kanya at ibinaling ang tingin sa may dagat. Hinawakan nito ang aking mukha, nagkatitigan kami at kita ko sa mga mata nito ang galit, nagpupuyos sa galit. Mas lalo pa itong lumapit sa akin, ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Hanggang sa halikan niya ako sa labi, mapang-akit ang kanyang halik kaya wala akong nagawa kundi ang tumugon sa mga labi nito. Ilang segundo pa ay bigla akong tinulak ni Sandro, hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon kaya naman nagulat ako, tumama ang likod ko sa may bakal, napadaing na lamang ako sa sakit. Parang nabali ang aking likod. Gusto kong maiyak sa sakit pero parang wala na akong lakas pa, napaupo na lamang ako sa may buhanginan habang nakaduko ang aking ulo at minamasahe ang aking likod para mabawasan ang sakit. Pagtingin ko kay Sandro, nakatalikod na siya sa akin, naglalakad na siya papuntang dagat ng may sumalubong sa kanyang dalawang babae, nakatanga lang ako rito habang tinitingnan silang nag-uusap, ilang sandali pa ay umalis na ang dalawang babae kasama si Sandro. Hindi ko alam pero ang sakit pala nito. Oo, kasalanan ko ang lahat pero may karapatan naman siguro akong masaktan diba? Nagmahal lang naman ako. Sumisikip ang aking dibdib kapag iniisip ko kung ano ang gagawin ni Sandro at nung dalawang babae, okay lang naman kung saktan niya ako ng pisikal, huwag naman sanang ganito.

Rowan

"Tama na! Hinihingal na ako, Rowan." Sambit ni Memo, kanina pa kami nag-uunahan sa paglangoy, parati naman itong nahuhuli, sanay na kasi ako sa paglangoy dahil captain ako ng Swimming team namin nung college, umabot nga ako ng national nun, pero pagkatapos ko ng college di ko na pinursue ang ang paglalangoy kahit na kinukuha ako ng national team para raw ilaban sa olympics. I don't see it as my profession, alam ko kasi na hindi naman ako habangbuhay pweding lumangoy at magcompete.

"Bumalik na tayo sa cottage." Nauna ng maglakad si Memo patungong cottage, tinititigan ko lang siya habang nakikipagbugno siya sa mga malalakas na alon ng dagat, ang sarap tingnan ng pwet niya habang naglalakad, ang lulusog nito na tumatalbog-talbog habang naglalakad siya.

"Halika na, Rowan." Sigaw nito, agad naman akong sumunod dito. Inayos ko muna ang aking brief at lumakad na papasok ng cottage, tinutuyo ni Memo ang kanyang sarili gamit ang isang tuwalya, pagtingin ko kay Baldo ay nakatalikod ito sa akin at parang humihikbi, napakunot-noo ako ng may mamataang pulang mantsa na nakaukit sa likod ng damit niya. Nilapitan ko si Baldo at hinawakan ang likod nito para siguraduhin ang hinala ko na iyong mantsa ay dugo. Napaaray ito at tila nagulat ng hawakan ko ang kanyang likod, agad kong itinaas ang kanyang damit at kita ko ang parang nalapnos na balat nito, mukhang bago pa ang sugat na ito dahil patuloy pa rin ang pagtagas ng dugo.

"Anong nangyari Baldo? Bakit may sugat ka sa likod?" Tanong ko rito. Agad lumapit sa akin si Memo at napatakip ang mga kamay nito sa bibig, hindi gaanong malaki ang sugat niya pero parang ang lalim nito kaya alam kong masakit ito.

"W-wait, kukunin ko muna ang first aid kit ko sa kotse." Sambit ni Memo at agad tumakbo papunta sa kotse niya.

"Answer me Baldo, anong nangyari?" Saad ko, ayokong talagang makakita ng may nasasaktan, lalo na at tauhan ko pa.

"Naslide kasi ako Sir, tumama iyong likod ko sa may bakal." Tugon nito. Tumango-tango lang ako sa kanya at pinahubad sa kanya ang damit niya para malapatan na ni Memo ng gamot.

"Medyo mahapdi 'to Baldo." Sambit ni Memo at inilapat ang bulak sa may sugat nito. Impit na mga daing lamang ang maririnig mo kay Baldo.

"Ayan." Wala ng tumutulong dugo sa sugat ni Baldo, nalinisan niya na ito. Hindi ko na muna pinasuot pabalik kay Baldo ang kanyang damit. Baka kasi kapag nasagi ito ng damit ay bigla na namang dumugo.

"Bumalik ka na sa hotel Baldo kung gusto mo, para makapagpahinga ka na rin." Saad ko sa kanya.

"Okay lang naman po ako Sir." Sagot nito. Tumango-tango lang ako sa kanya at hinayaan na lang siyang magpahinga.

Maya-maya pa ay bumalik na kami ni Memo sa dagat, pero hindi naman kami lumusong. Nakaupo lang kami sa may mababang parte ng dagat, inaabagan ang bawat hambalos ng alon sa aming katawan, mabuti pa ang alon, panandalian kang iiwan pero nakakasugurado kang babalik iyon sa iyo, hindi lahat swerte, hindi lahat binabalikan. Kaya siguro hanggang ngayon ay wala pa rin akong love life, hindi naman ako takot na magmahal, takot akong maiwan. All these years nakikipaglaro lang ako ng apoy sa mga babae, wala ni kahit isa ang seneryoso ko.

"Maawain ka pala no?" Basag ni Memo sa katahimikan.

"Um, yeah." Tugon ko sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Kaya ka ba nagpanggap na boyfriend ko sa harapan ng pinsan mo? Kasi naawa ka sa akin?" Tanong nito, diretso lang ang tingin nito sa malayong bahagi ng dagat na tila ba may malalim itong iniisip.

"Paano kung gusto talaga kitang maging boyfriend?" Tanong ko imbes na sagutin ito. Tumingin ito sa akin na para bang may mali sa sinabi ko.

"Don't be a fool Rowan, kahapon pa lang tayo nagkakilala." Saad nito.

"Why not? We still have the rest of our lives para kilalanin ang isa't isa." Tugon ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin at hindi na nagsalita pa. Ilang minuto na kaming walang imik sa isa't isa ng biglang kumidlat at unti-unting bumuhos ang malalaking patak ng ulan.

"Tara na Memo, baka lumalim na itong dagat, lumalakas na rin kasi ang ulan." Tumayo na ako at iniangkla ang aking kamay para makapitan nito patayo. Kasabay ng paglakas ng ulan ay ang paglakas ng hambalos ng alon sa dagat. Pagtingin ko sa cottage ay nakita ko si Baldo na sumusulong sa ulan, mukhang maglalakad na ito pabalik ng hotel, gusto ko sanang tawagin ito pero mukhang hindi na naman nito maririnig dahil sa mabilis na itong nakalayo, kapag nabasa iyong sugat niya alam kong hahapdi iyon.

"Tuwalya mo." Saad ni Memo sabay abot ng puting tuwalya, malugod ko naman itong tinanggap at ipinampunas sa basa kong katawan.

"Ito nga pala iyong damit mo, don't worry may kasama na iyang underwear." Saad nito at may inabot sa aking isang shorts, isang sando at isang Garcon brief, mukhang bago naman iyong brief na ibinigay niya sa akin. Matapos kong patuyuin ang aking sarili ay agad kong hinubad ang aking brief.

"Fuck!" Agad akong napatingin kay Memo, nakatingin din pala ito sa akin then I realized I'm naked. Nanlaki ang mga mata nito at tila ba gulat na gulat. Agad kong hinablot ang tuwalya at ipinantabon sa aking kahubdan.

"P-pasensya ka na. Nasanay lang ako, noong college kasi pagkatapos ng swimming practice namin ay sama-sama kaming nagbibihis ng mga teammate ko sa locker area." Saad ko sa kanya, lumagok muna ito ng laway at bahagyang ngumiti sa kanya.

"Pasensya ka na rin nabigla lang ako, but I must say you really are gifted, are you half black or half american?" Napatawa ako sa tanong nito dahilan ng kanyang pamumula. Ginulo ko ang kanyang buhok na agad naman nitong iwinakli at muli akong napatawa. Napadaing na lamang ako ng suntukin ako nito sa braso at kita ko ang ekspresyon nito na para bang nahihiya.

"My mother is from africa, so yes I'm half black, pero kay dad kasi ako nagmana, mukhang iyong bagay lang sa ilalim ng brief ko ang tanging namana ko kay mom, na ipinagpasalamat ko naman. Enjoy nga silang lahat dito e." Biro ko kay Memo at tumawa. Mukhang hindi ito komportable sa sinabi ko. O, come on, siya kaya nagtanong sa akin? Nanatili lang kaming dalawa ni Memo sa loob ng cottage, nagtatawanan. Susuntukin ako nito kapag nagiging dirty na ang topic namin. Ang sarap niyang asarin, lalo na kapag namumula ang mga pisngi nito kapag nagjojoke ako.

Baldo

Umiiyak ako habang sinusuong ang malakas na hangin at ulan. Akala ko wala ng luhang papatak mula sa mata ko pero kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagpatak din ng luha ko, hindi naman mapapansin ng mga makakasalubong ko na umiiyak ako, hinayaan ko lang ang aking sarili na umiyak, baka sakaling maibsan ang sakit sa aking dibdib. Mahapdi na ang sugat sa aking likod pero tinitiis ko na lang, hindi ko namalayan kanina na nagkasugat na pala ako.

"Baldo." Pagtingin ko sa gilid, nakita ko si Sandro, naka boxer pa rin ito at kagaya ko ay sinusuong din nito ang ulan. Lumapit ito sa akin, napatingin ito sa aking likod at nakita ko na naman ang galit nitong ekspresyon. Masaya na ba siya? Masaya ba siyang nakikita akong nahihirapan.

"Huwag muna ngayon Sandro, alam kong masaya kang nakikita akong nasasaktan pero pwedi bang huwag muna ngayon? Hindi naman siguro ito ang huli nating pagkikita diba? Marami ka pang pagkakataon para saktan ako." Ang naiiyak kong sambit, hindi ako nahihiyang umiyak sa harap nito dahil alam kong hindi nito iyon mapapansin, o kung mapapansin man nito alam kong wala itong pakialam. Ilang minuto kaming nagkatitigan ng bigla niya akong yakapin, iniiwasan ng kamay nito na masagi ang kanyang sugat.

"Bakit parang ako pa ang masama, Baldo? Akala mo ba masaya akong nakikita kang nasasaktan? Tang-ina Baldo, kung alam mo lang na sa tuwing nasasaktan ka ay nagagalit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa, wala akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman mo. Hindi ako galit dahil sa ginawa mo sa akin Baldo, hindi ako galit na nakulong ako, alam mo kung bakit ako galit sa'yo Baldo? Dahil iniwan mo ako. Kailangan kita ng mga oras na iyon pero iniwan mo ako, hinayaan mo akong harapin ang kasalanang ginawa mo ng ako lang mag-isa, alam kong gulong-gulo ang isip mo ng mga panahong iyon dahil sa problema mo sa pamilya mo pero sana naman naisip mo na may problema rin ako, hindi lang ikaw ang naghihirap Baldo at ang tanging hiniling ko lang sa'yo ay huwag mo akong iwan, sana man lang dinamayan mo ako. Tanga na kung tanga, pero tang-ina bakit hanggang ngayon mahal pa rin kita? Bakit hindi ko magawang magalit sa'yo? Bakit nung muli kitang nakita ay masaya ako? Hindi ko na alam Baldo, naguguluhan na ako. Nasasaktan ako pero mahal na mahal pa rin kita." Mahabang sambit nito at humagulhol ng humagulhol habang magkayakap pa rin kami.

"Natatakot kasi ako Sandro. Natatakot akong harapin ang galit mo, hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga panahong iyon at tanging pagtakas na lamang ang nakikita kong solusyon. Sana mapatawad mo pa ako, Sandro." Sambit ko sa kabila ng mga paghikbi.

"Matagal na kitang pinatawad Baldo, palayain na natin ang mga sarili natin sa nakaraan. Oras na siguro para maging masaya naman tayo." Sambit nito at kumalas sa pagkakayakap, gusto ko sanang pumalag pero mabilis nitong tinanggal ang mga kamay nito sa aking katawan.

"Paalam Baldo, hanggang sa muli nating pagkikita." Sambit ni Sandro at ngumiti. Matapos nun ay tumalikod na ito sa akin at lumakad. Gusto ko siyang pigilan, gusto kong maramdamang muli ang kanyang mainit na yakap sa aking katawan. Pero mabilis na kinain ng kadiliman ang pigura ni Sandro.

"Hanggang sa muli nating pagkikita..." Mahinang sambit ko sa hangin at tinahak na ang daan pauwi ng hotel.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao habang papasok ng hotel pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ang kanilang mga nagtatakang tingin. Tanging si Sandro lang ang umuokupa sa isipan ko ngayon. Kailan kaya ang sinasabi nitong muli naming pagkikita?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status