Kabanata 55

Memo

"This is a fucking mess." Mahinang sambit ko sa aking sarili habang hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Sobrang gulo ng isipan ko ngayon at maraming mga ideya ang pumapasok sa aking isipan, mga ideya kung paano ko mapipigilan ang pinaplano nilang kasal para sa akin na magaganap na sa susunod na linggo.

"Okay, breath Memo. What if the guy turns out to be good and gentle? What if kagaya rin ito sa mga nababasa ko sa libro na arrange marriage tapos ma-in love kami sa isa't-isa? What if everything will work out between us?" Sambit ko sa aking sarili habang tinitingnan ang aking repleksyon sa salamin.

Hindi ko mapigilang mapailing-iling na lamang dahil sa aking mga naiisip. This is not a fucking movie na magiging okay rin sa huli, na may resolution sa ending at magiging okay rin ang lahat sa pagitan ng dalawang bida. This is real, hindi ko kilala ang lalaking ipapakasal sa akin.

"Shít!" Mura ko sa aking sarili nang bigla kong maisip na paano kung katulad ko ay pinilit lang din ang lalaking ipapakasal sa akin ng kanyang mga magulang, paano kung straight siya at may girlfriend siya? That would be the end of me, kapag nagkataon ay alam kong ako lang din ang magiging dehado sa huli.

"Sir Memo?" Agad akong napatingin sa may pintuan nang marinig ko na may tumawag sa aking pangalan, paglingon ko ay nakita ko si Sandro na nakasanding sa may pintuan at mukhang kanina pa ako nito pinapanood.

"Hmm?" Tipid na tugon ko rito.

"May problema ba? Parang kanina ka pa hindi mapakali." Tanong sa akin ni Sandro na may pag-aalala sa boses.

"O-Okay lang ako." Pagsisinungaling ko kahit na alam ko naman sa sarili kong hindi ako okay, gusto ko sanang sabihin dito na paano ako magiging okay kung ipapakasal ako ng magulang ko sa lalaking hindi ko kilala.

"Pinapasabi nga pala ni ma'am Lorraine na ayusin mo na raw po iyong mga gamit mo, dalhin mo lang daw iyong mga kailangan mo dahil aalis na po kayo agad ngayong gabi, ako na po ang magdadala sa mga maiiwang gamit niyo po rito." Sambit ni Sandro dahilan para unti-unting bumilis ang tibok ng aking puso, bakas sa mukha ni Sandro ang matinding pagtataka, wala kasi itong kaalam-alam sa mga nangyayari.

"Okay," tipid kong tugon kay Sandro, matipid ako nitong nginitian at pagkatapos ay nagpaalam na ito sa akin.

"What should I do now?" Tanong ko habang naglalakad ako patungo sa may cabinet at kinuha ang aking dalang Dior sling bag, pagkabukas ko sa aking bag ay agad kong nakita roon ang aking passport, ilang credit cards at debit cards na hindi ko magamit-gamit dito sa isla.

Bigla kong naisip na paano kung tumakas na lang ako at magtungo sa ibang bansa? Pero hanggang kailan ako magtatago sa ibang bansa, sigurado akong mahahanap at mahahanap ako ni daddy, at alam kong kapag nalaman ni daddy na tumakas ako ay puputulin agad nito ang credit cards ko kaya baka isang linggo palang ay ubos na ang pera ko.

"Shít! Bahala na." Mahinang usal ko at agad kong isinukbit sa aking balikat ang aking Dior sling bag at mabilis na naglakad patungo sa may bintana, bago ko buksan ang bintana ay tumingin muna ako sa may pintuan para siguraduhin na walang papasok sa aking kwarto, nang masiguro kong walang paparating ay dahan-dahan kong binuksan ang bintana at pagkatapos ay lumusot para makalabas ako sa resthouse.

Hindi ko talaga alam kung ano itong ginagawa ko ngayon, basta ang alam ko lang ay ayokong makasal sa lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal.

Nang nasa labas na ako ng resthouse namin ay dahan-dahan akong naglakad palayo para walang makahalata sa akin, nang medyo makalayo-layo na ako ay agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang lalaking unang pumasok sa aking isipan sa sitwasyon ko ngayon, si Rowan.

"Come on, pick up the phone, Rowan." Halos isang minuto rin ang hinintay ko bago sagutin ni Rowan ang aking tawag.

"Hey, miss me already?" Agad na bungad sa akin ni Rowan at dinig ko pa ang mahina nitong pagtawa.

"Pwede mo ba akong sunduin ngayon, Rowan?" Tanong ko rito.

"Where are you? Is everything okay? Your voice kinda shaky as if you're nervous, Memo." Sunod-sunod na tanong sa akin ni Rowan at halata sa boses nito ang pag-aalala, hindi ko mapigilang makaramdam ng ginhawa kahit papaano sa isipang nag-aalala si Rowan sa kalagayan ko ngayon.

"Y-Yeah, um, nasa gilid ako ng abandonadong bahay na malapit sa resthouse namin. If it's okay, pwede bang bilisan mo ang pagsundo sa akin?" Sambit ko rito pero ilang segundo ang lumipas at hindi ko marinig ang boses ni Rowan.

"Rowan?" Pagtawag ko sa pangalan nito.

"I'm on my way, Memo." Biglang tugon nito at narinig ko ang pag-andar ng makina sa kotse nito. Napabuga na lamang ako ng malalim na hininga, sobrang bilis ng tibok ng aking puso dahil sa naging desisyon ko ngayon, gusto ko na lamang na makalayo na sa lugar na ito at tsaka ko na iisipin ang susunod kong gagawin.

Habang hinihintay ko si Rowan ay panay ang paglinga-linga ko sa paligid para tingnan kung sakaling nabisto na ni mommy o kaya ni Sandro na wala na ako sa aking kwarto, alam ko na isa lang ang iisipin ni mommy at iyon ay ang tumakas ako.

"I'm so sorry, mom." Mahinang sambit ko at nagtago sa may gilid ng abandonadong bahay, sa tingin ko ay hindi pa naman napapansin ni mommy ang pagkawala ko.

Makalipas ang ilang minuto ay may pumaradang itim na sasakyan hindi kalayuan sa aking kinatatayuan, bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko sa loob si Rowan, para akong nabunutan ng tinik pagkakita ko sa kanya. Mabilis akong naglakad patungo sa sasakyan habang binuksan naman ni Rowan ang pintuan, walang pag-aalinlangan na pumasok ako sa loob.

"Are you okay, Memo?" Tanong sa akin ni Rowan na may pag-aalala sa kanyang boses, alam kong medyo nagtataka na ito sa nangyayari ngayon.

"Yeah, let's get out of here." Tugon ko rito dahilan para mapakunot ang noo nito pero hindi na ito nagtanong pa at binuhay na ang makina ng sasakyan bago nito iyon pinaharurot ng takbo.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong sa akin ni Rowan nang nasa kalagitnaan na ito sa kanyang pagmamaneho, hindi ko mapigilang mapalunok ng laway dahil sa totoo lang ay wala akong ideya kung saan dapat ako pupunta. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalayo at magtungo sa ibang bansa pero hindi ko pa alam kung saang bansa ako pupunta.

DMCA.com Protection Status