Share

Chapter 4 (Ibang Paraan)

"Pasensya na Saymon ha? Bawi ako next time." Huminga ng malalim si Saymon sa kabilang linya.

Two days ang lumipas ng naulanan kami ni kuya at hindi nakapunta sa Resort nila Saymon. From that night, tuloy-tuloy na ang text ni Saymon sa akin.

"Okay lang, basta bumawi ka. Saan ka pala mag-aaral ng college?"

Napatingin ako sa baba. Mula sa kinaroroonan ko rito sa bintana tanaw ko ang pagbaba ni kuya Santi sa kanyang pick up at ang pag-alalay nito kay ate Anna.

Masaya ako dahil naging mabuti si ate Anna. Hindi narin ito maputla. Ngayong, bakasyon palagi siya dito sa bahay. Kung hindi si kuya busy sa school niya dahil may mga dapat siyang pag aralan para sa kurso niyang Medicine.

Minsan siya na nag-aalaga kay ate. May mga alam siyang pang unang lunas.

"Hindi ko pa alam Saymon. Ibababa ko na muna ha? Kakain lang.."

"Sure, see you soon, Ara."

"Sige."

Bumaba ako ng kuwarto at hinanap sila kuya ng makita ko si mama sa kusina at nakatulala.

"Ma?" Untag ko dito,medyo napapitlag pa siya.

"Oh, anak. Kanina kapa?"

"Hindi naman po, may sakit po ba kayo?" Alalang tanong ko at hinawakan ang noo niya. Wala naman..

"Wala ano ba. May iniisip lang. Oh, heto, cupcakes at juice pakidala na muna kina kuya Santi at ate mo ha? May aayusin lang ako sa taas."

Huminga ako ng malalim at sinundan ng tingin si mama. She look's off. Hindi siya ganito noon. Ano kaya ang iniisip niya?

Kinuha ko ang tray ng cupcakes at juice. Tinungo ko ang sala at nakita sila kuya at ate.

Kuya caressing ate Anna face. May sinasabi si ate sa kanya at mukhang nakikinig si kuya ng mataimtim.

Napabaling sila sa akin ng maramdaman ako. Ngumiti ako sa kanila at nilapag ang tray sa mesa.

"Meryenda muna kayo si mama may gawa ng cupcakes."

"Wow, gutom na gutom na ako. Tamang tama." Ate Anna exclaimed happily. Umupo ako sa harapan nila at nakikain narin ako.

"Gutom na gutom ka yata ah.." Puna ni kuya kay ate Anna.

"Ginutom mo ako e." Ngumisi lamang si kuya sa sinagot ni ate. Parang hindi nila ako nakikitang dalawa kaya tahimik akong umalis doon.

Nasa pasilyo na ako patungong kuwarto at nakitang nakaawang ang pinto ng kuwarto ni mama at papa kaya napahinto ako.

Sumilip ako sa maliiy na siwang nito at nakitang umiiyak si mama. Natutop ko ang bibig, biglang kumirot ang puso ko. Hindi ko kailanman nakita si mama na umiyak ng ganito.

Mukhang may hindi ako alam. Mukhang may dapat akong alamin.

Nag ayos at tinawagan ko si Saymon.

"Puwede ba tayong magkita? Hmm, mag ice cream tayo?"

Tumawa ito sa kabilang linya.

"Susunduin ba kita?"

"Uh wag na. Hintayin mo nalang ako sa Ice cream parlor sa park ng school puwede ba?"

"Oo naman, see you." Mukhang excited ito.

Hawak hawak ko ang strawberry ice cream at nakatingin kay Saymon sa aking harap.

Masaya siyang kausap. Di ko talaga maisip na 'yong hinahangaan kong matalino sa school noon ay nakakasalamuha ko.

"Ang ganda mo nang prom night, gusto sana kitang lapitan kaso, ang daming sumayaw sayo."

Uminit yata ang pisngi ko. Kinakabahan ako para sa date na ito. Ngayon lang ako pumayag na makipag date.

Ngumiti ako. "Hindi naman, mga classmate ko yong sumayaw sa akin no."

''Hindi, seryoso, ang ganda mo. Pero mas maganda ka pala pag walang make up."

"Hindi ako mahilig sa make up, kumakati kasi ang mukha ko."

Ngumiti siya sa akin. "Kasi gustong paramdaman sayo ng balat mo na hindi mo kailangan ng make up para gumanda."

Lumawak yong ngiti ko sa sinabi niya.

Maganda yong flow ng usapan namin. Hindi siya nauubusan ng topic at hindi boring.

May sasakyan sila ni Saymon at may driver. Yong van parin 'yong sasakyan niya. Binuksan niya iyon para makapasok ako.

Umiling ako. "Huwag na talaga, okay na ako mag taxi o mag jeep."

At ayoko talaga! Magagalit si kuya!

"Sige na Ara, anong klaseng lalaki ako kung hindi ko hahatid yong ka date ko?"

Humalakhak ako at pinalo siya.

"Oy, magiging bathered boyfriend pala ako pag nagkataon."

Biglang may nahagip ang mata ko. Ang ngiti ko unti unting napawi. Ramdam ko yong kaba na pumupunit sa puso ko.

"Ara, bakit?"

Hindi ko siya masagot. Sinusundan ko ng tingin si papa habang may kasamang babae. Lumabas sila sa isang isang Restaurant kahanay lamang ng ice cream parlor kung saan kami ngayon ni Saymon.

"Ara.."

Hindi ko na siya pinakinggan. "Papa!"

Hinabol ko siya kasi hindi niya ako narinig.

Ramdam kong nakasunod si Saymon sa akin.

Papasok sila sa aming van ng hilahin ko ang kamay ni papa.

"Papa!"

Laking gulat nito na napabaling sa akin. Ang kasama nitong babae ay napatingin rin at napatingin ako sa mga dala nitong paper bags.

Branded, putangina.

"Pa-Papa sino siya?"

Nagdadalawang isip ito kung magsasalita ba o hindi.

"Papa sino siya?" Ulit ko. Nanginginig ako sa galit sa tamang hinala ko. Kaya pala.

"Umuwi kana Ara.." Tatalikod na sana ito.

"Papa, niloloko mo si mama?! Sino siya kabit mo?!"

Nanlaki ang mata ng babae. "Halikana Alfonso! Malelate na ako."

Sabi nito at tuluyan nang pumasok. Siguro alam nito na may pamilya si papa pero pinipikot parin niya ito.

Dumaloy ang aking luha.Hindi ko alam kung sasabihin ko ito kay mama. Hindi ko kaya...

"Umuwi kana at doon tayo mag usap." malamig na sabi nito at pumasok sa van.

Wala akong nagawa kundi tingnan ang papalayong van. Naiiyak ako sa galit at sakit.

Hinawakan ni Saymon ang kamay ko. "Ara, umiyak kalang. Nandito lang ako."

Tila hudyat ito para sa aking mga luha. Natatakot ako na masira ang pamilya namin. Natatakot akong makita si mama na nasasaktan.

Huli na nang naramdaman kong magkayakap na kami.

"H-Hindi ko alam ang gagawin."

Hagod niya ang buhok ko habang tinatahan ako.

I was speechless the whole time. Hanggang nasa bahay na ako nanatili akong tahimik.

Sa pagkain hindi ako sumama sa kanila. Hindi ko masikmura na kasamang kumain si papa.

Nasa kuwarto lang ako at pinagmamasdan ang mga litrato noon namin ni kuya ng bata pa.

Kasama namin ang mga pinsan namin noon sa probinsya. Walang nagbago sa ekspresyon niya. Malamig parin at seryoso.

Napakislot ako ng biglang may kumatok sa aking kwarto. Inayos ko ang picture frame at binuksan ang pinto.

Si papa agad ang bumungad sa akin. Nalanghap ko agad ang amoy ng alak sa hininga nito.

"Bastos ka talagang bata ka! Wala ka bang modo at ganon ang pag usap mo sa akin kanina? Alam mong may kasama ako pero ang bastos mo?!" Gigil ito sa akin at halos saktan ako nito.

Napapaatras ako sa takot. Nagalit ako sa mga narinig mula sa kanya.

"A-Ako?" tinuro ko ang sarili. "Ako pa ang bastos pa? Anak mo ako! Yon sino yon? Bakit ako pa ang bastos? Babae mo yon diba? Kailan pa naging bastos ang anak kung nakitang kasama ng ama niya ang kabit nito? Diba dapat ang kabit ang mahiya? Hindi ako!-"

Naputol ang sasabihin ko nang sinampal ako nito. "Wala kang galang!"

"Ang sama mo!" Sigaw ko dito pabalik.

Akmang pagbubuhatan na naman ako nito ng pumagitna si kuya. Si kuya ang nasampal ni papa nang malakas.

"Kuya!"

Tila nabigla rin si papa hindi ito makapagsalita.

"Tapos kana ba pa?! ha?"

Tila nawala ang pagkalasing ni papa.

"Pasensya na..hindi ko sinasadya. Pasensya na mga anak.." Akmang yayakapin ako ni papa pero iniwas ako ni kuya.

"Sa susunod na sasaktan mo si Ara magkalimutan tayong ama kita."

Kinabahan ako. Noon pa man, iwas sila mama at papa na magalit si kuya. Lahat sila dito sa bahay nirerespeto si kuya. Kaya ako, naging mabuti akong kapatid sa kanya.

Nasasaktan akong makitang tumalikod si papa at umalis. Parang nawalan ako ng lakas na napaupo sa kama ko.

"K-Kuya, a-alam mo?"

Huminga ito ng malalim. Tila kakarating niya lang at nasa likod pa ang gitara niya.

"Huwag mo nang isipin yon..matulog ka na."

Umiling ako.

"Paano si mama?"

"Huwag mong sabihin kay mama ako na ang bahala.."

Tumulo ang aking luha. I can't accept the fact na sira na ang pamilyang ito. Hindi na mabubuo pa.

"Ang sakit k-kuya.."

Umupo ito sa aking tabi at kinuha ang gitara. Nagsimula itong mag-strum.

Loving can hurt ,loving can hurt sometimes but it's the only thing, that I know when it get's hard.

Napatigil ako sa iyak at tinignan siya. Bumilis na naman ng tibok ng puso ko nang marinig ang maganda niyang boses. Kinanta niya iyong paborito kong kanta.

You know it can get hard sometimes,

It's the only thing that makes us feel alive,

We keep this love in a photograph ,

Tila nahipnotismo ako sa mukha nito. Hindi rin ako nabigla ng umangat ito ng tingin sa akin at nagtagpo ang aming tingin.

We made these memories for ourselves

Where our eyes are never closing ,

Our hearts were never broken,

And times forever frozen, still

Hindi ko maialis ang tingin ko sa mata niya at tila isang mahika ang kangang boses napawi lahat ng sakit na nadarama ko. Tila may sariling pag iisip ang aking labi at ako ang dumugtong.

So you can keep me,

Inside the pocket of your ripped jeans,

Holding me close until our eyes met,

You wont ever be alone,

Wait for me to come home,

Napangisi ito at pinagpatuloy ang pag gitara.

Loving can heal, Loving can mend your soul,

And it's the only things that I know,

I swear it will get easier,

Remember that we're never repeating yeah,

And its the only thing,

To take with us when we die

I wish it could be easier ,kuya.

We made these memories for ourselves

Where our eyes are never closing ,

Our hearts were never broken,

And times forever frozen, still

So you can keep me,

Inside the pocket of your ripped jeans,

Holding me close until our eyes met,

You wont ever be alone,

Hinding hindi ako mawawala sayo kuya, hinding hindi.

And if you hurt me, that's okay baby,

There will be worst thing,

Inside these pages you just hold me,

And I wont ever let you go,

Wait for me to come home,

Lumampas ang aking tingin sa likod niya kung nasaan ang mga litrato namin noon.

Ang isang litrato na nakaakbay siya sa akin at malayo ako sa iba naming pinsan. Naka two ears pa ako noon at may lollipop. Ang isa naman ay nasa batis kami noon sa probinsya at nakayakap siya sa likod ko habang basa kami pareho.

"Ayokong saktan ka ng iba Ara," Kuya whispered nd caressed my face languidly.

Hindi ako makapagsalita.

"Ako lang sa ibang paraan.." Ngumisi ito at umiling. "Kung puwede sana.." He pinched my cheek and stormed out in my room.

Ano daw yon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status