Share

CHAPTER 5

"Ikaw lang 'ata 'yong nakapahinga sa trabaho na hindi masaya," puna ni Azy nang inaayusan ako ng mga make up artist.

I rolled my eyes and didn't bother to talk. Kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin mawala ang sakit sa dibdib ko kapag inaalala ang nangyari noong anniversary namin ni Valjerome.

"By the way, alam mo naman, 'di ba?" muling pagpukaw ng pansin sa 'kin ni Azy.

My forehead knotted as I glanced at him. Waiting for his continuation.

"May makakapareha ka sa shoot ngayon," aniya.

"What?!" mabilis kong sambit.

Napaawang naman ang labi niya at namewang sa harapan ko. "Don't tell me hindi mo na naman binasa mga messages ko?!" singhal niya sa akin.

Napapikit ako at saka iniiwas ang mukha ko sa mga brushes ng artist. I signaled them to step aside, then I looked sternly at Azy.

"What do you mean na may makakasama ako sa shoot ngayon?" paglilinaw ko sa kanya.

He massage his temples before shaking his head. "Jazzie, we can't stop this shoot. Nakuha ko na ang bayad at nakapirma na ako ng kontrata," pangunguna niya sa kung anumang sasabihin ko.

"Bullsh*t, Azy! Alam mo naman na hindi ako basta nakikisama sa kung kanino man," pagpapaalala ko sa kanya.

"I'm sorry, okay? Akala ko kasi okay na sa 'yo this time kasi naman hindi ka nag-reply. Sanay ako na kapag gano'n ang ginagawa mo ay ako ang hinahayaan mong magdesisyon," pangangatwiran niya.

Hindi naman ako umimik pa at tahimik na lamang na namroblema sa aking isip.

"Lalaki ba?" pagkukumpirma ko.

Kinagat niya ang ibaba niyang labi at marahan na tumango. Napabuntonghininga ako saka pumikit sa frustrasyon.

Kaya ayaw kong tumatanggap ng partner sa shoot dahil nasisigurado kong lalaki ang ipapareha sa akin. Walang nakakaalam sa mundong ginagalawan ko na may asawa na ako kaya naman gano'n na lang ang kawilihan ng mga taga-hanga ko na iterno ako sa kung kani-kanino.

Magagalit din si Valjerome kapag nalaman niya ito.

Hindi, baka nga alam na niya ito.

"Palampasin mo na muna ito, Jazzie. Ako na ang nakikiusap sa 'yo." Hinawakan ni Azy ang aking kamay saka malamlam na tumingin sa akin. "Pasensya ka na. Hindi ko talaga alam," aniya.

I let out a deep breath and nodded my head. "Oo na," tipid kong wika.

Agad namang nabanat ng mukha niya at ngumiti nang malaki. "Talaga?!" hindi makapaniwalang sambit niya.

I took off my hand and rolled my eyes. "Alam mo, pumunta ka na lang sa labas at asikasuhin ang mga photographers doon, alam ko namang trip mo ang isa sa kanila," panunuya ko.

Ngumiwi siya sa akin at bahagyang lumapit sa tainga ko para bumulong. "Mas trip ko 'yong assistant ng make up artist." Mahina siyang bumungisngis bago tuluyang lumabas ng dressing room.

Napailing ako dahil mukhang babae naman ang gusto niya ngayon.

Balimbing na puso.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan nang natapos ang pag-aayos sa akin. Nagpalit na rin ako ng damit na gagamitin sa shoot at lumabas na ng silid no'ng nagsimula nang magtawag si Azy.

Prente akong naglakad habang suot ang pulang flowy dress na may slit sa hita ko. Medyo malalim din ang neckline ng damit kaya naman nadedepino ang aking dibdib.

"Jazzie!" masayang salubong sa akin ni Azy at humawak sa braso ko. "Halika, ipakikilala kita sa makaka-partner mo," nagagalak niyang ani.

Hindi naman ako tumutol at hinayaan siyang alalayan ako patungo sa makakatrabaho ko. As we took our steps, I already noticed the guy sitting on a high chair while sipping his drink. Nakatalikod man siya ay hindi iyon naging dahilan para hindi ko makita ang ginagawa niya.

"Mr. Hevion!" Azy called cheerly.

Natigil sa pag-inom ang lalaki at marahan na bumaling sa amin ng tingin. Natigil ako sa paglalakad sandaling nagtama ang paningin naming dalawa.

His eyes.

Hindi ko maalala kung saan ko nakita iyon pero nasisigurado kong nakasalamuha ko na siya noon.

"Uy, Jazzie. Ayos ka lang?" usisa ni Azy sa akin na ikinabalik ng atensyon ko.

I cleared my throat and looked at my friend slash manager. Tipid akong ngumiti saka nagpatuloy sa paghakbang.

The guy didn't speak a word. Nakatitig lang siya sa akin na animo'y pinag-aaralan ang mga kilos ko.

Saan ko ba siya nakita?

"Hi, Mr. Hevion. Siya nga po pala si Jazzie, ang maganda kong alaga. Siya rin po ang makakasama niyo sa shoot," turan ni Azy.

The guy hummed while nodding his head and then reached out his hand to me. "Chaos Hevion," he formally introduce, not breaking his stare at me.

Nakararamdam man ng hindi pagiging kumportable sa mga titig niya ay pinili ko pa rin na maging propesyunal. I was about to reach my hand to him when a strong arm wrapped around my waist and pulled me away.

Handa na akong kumawala at manigaw ngunit natigilan ako sa nakita.

"She's not working with you," Valjerome, my husband, coldly said to the guy Chaos.

I blinked thrice as I kept staring at his face. "V-Valjerome," I uttered with my shivering lips.

Doon ay mabagal na bumaling sa akin ang kanyang malamig na mata. "You are not working with him," he commanded.

Para akong nasa isang sumpa at basta na lang tumango sa kanyang kagustuhan.

Naagaw ng isang sarkastikong tawa ang aming atensyon. Mula sa pagkakaupo ay mabagal na tumayo si Chaos at tinitigan ang asawa ko.

"Sorry, Mister whoever you are, but apparently she needs to work with me or else..." He then looked at me and smirked. "Makukulong siya."

Kinakabahan akong napatingin kay Valjerome. Natatakot na baka isipin niyang ginusto ko talaga ang nangyayari ngayon ngunit hindi niya ako tinapunan ng tingin.

Mayamaya pa ay nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. "I will pay for the damages," tamad niyang sabi.

Muli namang tumawa si Chaos bago seryosong tiningnan si Valjerome. "Do you even know what's written in the contract?" he mocked.

Bigla naman akong kinabahan kaya ro'n ko pa lang nagawang ituon sa iba ang aking atensyon. Halos lahat ng tauhan ay tahimik at nanganapa sa amin, imbes na intindihin iyon ay si Azy ang tiningnan ko para manghingi ng paliwanag.

Naghihingi ng dispensa siyang tumingin sa akin bago tumungo. "Mr. Hevion said that if you ever breached the contract, you'll be dating him for a month or else you'll be imprison," bulong na anas ni Azy sapat lang para marining namin.

My mouth parted with disbelief.

Come again?

"Azy!" inis kong sigaw at sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri ko.

"I'm sorry. I just thought it's a fair deal, hindi ko naman alam na may boyfriend ka na pala, Jazzie," paliwanag niya.

Damn!

"Just give me the price," Valjerome spoke coldly.

Chaos flashed an evil smirk. "Let her work or let her date with me, choose."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sandie Meza
where can I find this in English only?????
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status