HE'S MY BOSS (BOOK 1)
HE'S MY BOSS (BOOK 1)
Author: Binibining_Timoji
PROLOGUE

Airah POV:

"Bilis na kasi, gawin mo na ang dare namin sayo."

"Ayoko."

"Pero pumayag ka na kaya, remember?"

"Ang hirap naman kasi ng pinapagawa niyo sa akin. Iba na lang."

"Ang KJ mo masyado Airah. Isang beses lang naman. And after no'n, hindi na kayo magkikita right?"

"Pero baka may girlfriend na yung tao."

"Prank lang naman ang gagawin mo. Duh."

"Hays. Hindi ko talaga kaya."

"Oh come on. Kaya mo yan! Ikaw pa! So go na! Ayun na sya oh! Mas exciting to, kasama niya yata yung girlfriend niya. Kaya bilis na girl!" bigkas ng kaibigan ko sabay tulak sa akin.

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko nang mapagtanto kong nasa harapan na ako mismo ng magshota. Maging sila ay nagulat dahil nakaharang ako sa kanilang dinadaanan. Shit! Dahil nandito naman na ako, ginawa ko na nga ang dare ng mga kaibigan ko.

Lumuhod ako sa harapan ng lalaki at umiyak para sa gano'n makuha ko agad ang atensyon ng mga tao rito sa loob.

"Mahal, wag mo naman gawin sa akin to. 'Wag mo akong hiwalayan. Hindi ko kaya." malungkot na saad ko.

"Fuck! What are you talking about?" inis na bigkas nito.

"Nakalimutan mo na? Mahal naman. Matapos mong makuha ang gusto 

mo sa akin, nakalimutan mo na agad yung relasyon natin? Ganyan ba talaga kayong mga lalaki?!" pagalit na wika ko para mukhang totoo ang lahat.

"Shit! The hell! Anong--,"

"B-buntis ako. At ikaw ang ama. Nagbunga yung ginawa nating dalawa. Kaya nagmamakaawa ako, panagutan mo yung nangyari sa atin. Alam kong hindi mo na ako mahal, pero please, ayokong lumaki ang anak natin na walang kinikilalang ama." usal ko muli sabay punas nang luha.

"What?! Hey, hindi kita kilala Miss! Kaya umalis ka na sa harapan ko!" pantataboy niya.

"Mahal naman, paulit-ulit mo na lang ako pinagtatabuyan! Hindi ka ba sa akin naaawa? Buntis ako!" 

"The hell I care! Hindi ko alam ang pinagsasabi mo?!", sigaw sa akin ng 

lalaki.

Pero biglang tumigil ang mundo ko nang magsalita ang babaeng kasama niya.

"Tangina! Ganyan ka ba makitungo sa babae! Matapos mo siyang buntisin ipagtatabuyan mo?! The Fuck!" mariing mura nito sa lalaki at binaling sa akin ang tingin.

"Hey Miss, pasensya na sa kapatid ko ha? Halika na, at isasama na kita sa bahay." malambing na pahayag niya.

"Ate! I don't know her!" protesta ng binata.

"Shut-up! Binuntis mo siya, kaya dapat lang na panagutan mo!" bulyaw niya sa binata.

"--Just don't mind him Miss. Tara na at ipapakilala na kita kila Mom. Saktong-sakto, gusto ko na maging tita." patuloy na wika nito.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng babae.

Potah! Patay ako neto!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status