Share

Chapter Two

CHAPTER 2

"HE'S MY BOSS"

Airah POV:

"Fuck! Hindi ako jutay!" pasigaw na singhal nito sa akin.

Tsk, talagang ayaw niyang tanggapin ang sinabi ko.

"Weh? Kaya pala, ramdam ko na parang two inch lang yata 'yan." pamimikon ko muli sa kanya. And then, boom! Kitang-kita ko sa mukha nito ang galit na animo'y sasabog na.

"Hindi nga ako jutay! Shit! Baka gusto mo lang makita to? Sabihin mo lang, because I'm always ready, anytime and anywhere." wika ng binata.

"Excuse me, gusto ko lang ulitin sayo na ayoko sa mga jutay! Like duh! Ang kapal ng mukha mong maging manyak, JUTAY ka naman!" muling bigkas ko para lalo itong asarin.

"Fuck! Isa pang tawag sa akin na jutay at hahalikan talaga kita!" pananakot ng lalaki.

Pero hindi ako natinag dahil alam kong hanggang salita lang siya.

"As if naman gagawin mo! Jutay ka kaya! Jutay, jutay, jutay--" Hindi ko na natapos ang aking pagkanta nang hilahin niya ako pahiga sa kama at mariin niya akong hinalikan.

Sa sobrang bigla ko, hindi agad ako nakapagreact. At do'n tumigil ang mundo, nang bumukas bigla ang pinto ng kwarto.

"What the hell! Ano na naman bang kalokohan 'to brother ha?! Binuntis 

mo na nga, gagalawin mo pa!" Sigaw ng ate nito sa amin. Agad ko namang tinulak ang lalaki sa pagkakapatong sa akin.

Potah! Nakakahiya!

Mukhang iisipin talaga ng kapatid niya na may nangyari nga sa amin.

"Kayong dalawa. Lumabas na kayo, dahil mamaya darating na si mom." muling wika ng ate at tumalikod na.

Kaagad akong tumayo sa pagkakahiga at tiningnan ko ng masama ang lalaking kasama ko ngayon.

How dare him! He stole my first kiss! 

Akala ko pa naman nilock niya ang pinto.

"Oh? Ba't ganyan ka makatingin sa akin?" tanong nito na para bang wala sa kanya yung nangyari.

"Manyak mo! Gago pa!", sigaw ko rito with matching taray pa.

Nakakainis talaga!

Kailangan ko ng makaalis sa mansion na to at baka mabuntis nga ako ng tuluyan.

Kaya dahan-dahan akong humakbang palabas ng kwarto. Pero bigla namang nagsalita ang binata.

"Kung binabalak mong tumakas, wag mo ng ituloy. Dahil meron kaming 51 guards na nakabantay sa mansion." walang emosyong wika niya.

Kaya awtomatikong napatigil ako at napahinga ng malalim.

Bukod sa manyak siya, magaling din pala siya magbasa ng binabalak ko.

Wala akong nagawa kundi ang umupo na lamang sa sahig.

"Ginusto mo 'to diba? Kaya panindigan mo. 'Wag kang umakto na parang ikaw ang kawawa. Para sabihin ka sayo Miss, may babae akong hinihintay na dumating. Pero paano ko magagawang lapitan siya kung kasal na tayong dalawa." mahabang litanya nito.

Napatingin ako ng wala sa oras sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Ilang buwan na lang at babalik na 'yong babaeng mahal ko. Pero dahil sayo, mukhang malabo na yatang magkatuluyan kami. Now tell me, sino sa atin ang kawawa? Diba ako? Tsk." saad niyang muli.

Dahil sa mga sinabi nito, nakaramdam ako ng konsensya.

"P-pasensya na. H-hayaan mo. Sasabihin ko sa ate mo ang totoo na wala sa ating nangyari." saad ko rito na may mahinang boses.

"Sir, andyan na ho ang mom niyo.", singit na sambit ng maid nang  pumasok ito sa kwarto.

"Halika na, andito na si mom. Wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin na lang ang katotohanan na ikakasal na tayong dalawa." sambit niya at tumayo na.

"Pero--", magsasabi pa sana ako kaso bigla ulit siyang nagsalita.

"Hindi mo kilala si mom. Kung ano ang desisyon niya, 'yon ang dapat masunod."

After he said those words, naiwan akong nakanganga.

Wala tuloy akong gana na lumabas sa kwarto at sumunod na lamang sa 

lalaki.

Pinag-iisipan ko ngayon kung itutuloy ko pa ba? O sasabihin sa harap ng mom at ate niya na prank lang ang lahat?

Hays. Paano ko naman masasabi yon? Sa mukha palang ng ate nito, natatakot na ako. 

Isama mo pa na medyo mataray pa yata ang mom niya dahil kita ko mismo sa mukha nito ang pagtataas kilay.

"So siya ba yung tinutukoy mo sa akin, Leny?" tanong nito sa anak nyang babae na kapatid ng binata.

"Yes mom. S'ya nga. And she have a good news for you." ngiting sagot naman nito.

Sinenyasan naman ako ni ate Leny na maupo na sa tabi ng kapatid niya kaya magalang ko naman 'yon na sinunod.

"Brother, sabihin n'yo na kay mom ang tungkol sa inyo." Muling sabi ng dalaga.

"Tsk." inis na bigkas ng lalaki.

"Ano ba kasi yon? Diretsuhin niyo na ako. And make sure na goodnews talaga yan." seryosong saad ng ina at bumaling ang tingin sa akin.

"Ahm, ano po kasi pasensya na ho talaga pero ang totoo po kasi ay---" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil biglang sumingit muli ang binata.

"She's pregnant mom. At ako ang ama ng dinadala niya." walang ekspresyon na saad nito.

Parang nanigas ako sa aking kinauupuan nang marinig ko 'yon.

Balak ko na sanang aminin ang totoo tapos naudlot pa.

Laking gulat ko naman nang makita ko ang ekspresyon ng mukha ng mom nila na animo'y tuwang-tuwa.

"Really? Goodnews nga 'yan! Sa wakas, magkakaapo na rin ako. Thank you Gino, pinagbigyan mo ang kahilingan ko na magkaroon ng apo." wika niya habang nakangiti sa amin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Yung inaakala kong mataray, mabait pala.

"So hija, anong pangalan mo?", tanong nito sa akin habang hinahawakan ang aking kamay.

"A-aairah po. Airah Magalang ho." kinakabahang sagot ko.

"Very nice name hija. Halata palang sa apelyido mo na mabuti kang tao. Sana naman totoo ang mga sinasabi mo." saad niya muli habang nakatingin sa tiyan ko ang kanyang mata.

"Mom, I'm sure naman na mabait syang tao. At nagsasabi 'yan ng totoo, diba Airah?" baling na tanong sa akin ni Ate Leny.

"O-oopo."

"Then good. Gusto ko lang kasi magkalinawan tayo. Ang ayoko pa naman sa lahat 'yong hindi nagsasabi ng totoo. Dahil ang mga taong sinungaling, PINAPATAY KO." mariing sambit nito sa pinakahuling salita.

Halos malunok ko na pati ang aking dila dahil sa aking narinig. Poteks!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Babz07aziole
pamilya ba ng gangster sina Gio?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status