Share

Chapter 4

Chapter 4

"HE'S MY BOSS"

Airah POV:

Natapos ang buong araw na lutang ang aking isip.

Hindi kasi ako makaisip ng paraan kung paano makatakas sa kamay nila. Idagdag mo pa na ang lalaking kasama ko sa isang kwarto, talagang 'di ako tinitigilan.

Napatingin na lamang ako sa katabi ko na si Jutay. Oo, Jutay na talaga ang tawag ko sa kanya. Kasi ang liit ng alaga niya nung nahawakan ko ito hahaha.

Pero abah! Ang loko, feel na feel ang pagyakap sa akin. Siya yata tong 

may binabalak na masama sa katawan ko.

Aalisin ko na sana ang pagkakayakap nito kaso talagang hinigpitan niya pa lalo. At this point, napatingin na lamang ako sa kanyang mukha. And I realized na sobrang gwapo niya pala. 'Yong ilong niya, ang tangos. At 'yong pilik-mata nito, ang haba. Isabay mo pa na parang kissable ang lips ng binata.

Shet! Namula bigla ako nang maalala ko ang nangyaring halikan namin kahapon.

"I love you." mahinang sambit nito habang tulog-mantika.

Tsk. Nananaginip yata ang Jutay na 'to.

"I love you, Sarah." muling saad niya.

Pero sa mga oras na 'yon natigilan ako. Lalo pa't narinig ko na may pangalan siyang binigkas.

'Di ko alam pero tila kumirot ang puso ko. 

Ang weird masyado.

I was about to close my eyes para sana matulog kaso biglang gumalaw ang kamay nito patungo sa aking dibdib.

Tangina! Iba na yata to!

Nang maramdaman kong hawak niya na ang isa kong suso hindi na ako nag-dalawang isip na sampalin siya.

"Ouch fuck!" Daing niya na maging siya ay nagulat sa pagsampal ko.

"Manyak kang jutay ka!" sigaw ko habang pinaghahampas ko ito.

Masyado niya akong chinachansingan.

"Shit! Stop it!" pagsasaway niya sa akin.

"Stop mo mukha mo! Gago ka! Potah!" mariing mura ko sa kanya. 

Iba't iba na rin na pagmumura ang sinambit ko dahil sa halo-halong emosyon na umaapaw sa damdamin ko ngayon.

"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong nito na para bang walang alam.

"Abah, nagdedeny ka pa! Para sabihin ko sayo, hindi ako easy to get! Ulol! Kaya wag mong mahawak-hawakan ang suso ko!" sigaw ko rito. Kulang na lang ay sumabog ang mukha ko ngayon sa galit.

This is the first time that I encounter a boy like him. At first time rin na may humawak sa papaya ko. Kaya hindi ko mapapalampas ito.

"Tsk. Sorry." sambit niya sa akin kaya tumigil naman ako sa paghahampas.

"Akala ko kasi pader 'yon." dugtong na wika nito dahilan para magbago ang isip ko.

"Lintik ka! Anong pader ba ang sinasabi mo ha?! Hoy Jutay, may dede ako!" galit na tugon ko habang pinipigilan ko ang aking sarili na di siya saktan.

Pero bigla itong tumayo at naglakad. So inexpect ko na lalabas na sya ng kwarto, kaso huminto ang binata at muli akong nilingon.

"Jutay ka ng jutay sa akin, bra lang pala ang nagdadala sayo. Dapat band-aid na lang ang ginamit mo, total utong lang ang meron ka."

After nyang sabihin 'yon, kumaripas na siya ng takbo. Potaaahhh! Ginagalit niya talaga ako!

Inis na inis akong lumabas ng kwarto para sana habulin ang lalaki pero sa kasamaang palad nabunggo ko ang ate nito.

"S-sorry ho." hinging paumanhin ko sa babae. At bakas sa mukha nito na siya pa yata ang concern sa akin.

"No, no. Ako ang dapat na magsorry sayo. Nasaktan ka ba?" tanong niya habang nakatingin sa aking tiyan.

Shet. Buntis pala ako sa paningin nito. Kaya kung makapagreact siya talagang may pag-aalala sa boses.

"H-hindi naman po ate." pilit na sagot ko naman.

"Ano ba kasing ginagawa mo at parang nagmamadali ka?" muling tanong ng dalaga.

"Ah hahabulin ko sana 'yong kapatid mo. I mean, susundan ko sana hehe." pagkokorekta ko.

"Ikaw talaga. Mag-ingat ka nga. 'Wag kang maging magalaw masyado lalo pa't buntis ka." sermon nito sabay akbay sa akin.

"Halika na, mom is waiting for us. Sumabay ka na raw sa amin magbreakfast. Kasi mamaya, isasama kita." ngiting wika niya.

Gusto ko sanang tanungin siya kung saan kami pupunta kaso napangunahan naman ako ng hiya.

So gaya ng sabi niya, sabay-sabay nga kaming nag-almusal.

Gusto ko sanang kotongan ang lalaking katabi ko para sana makaganti sa panlalait niya sa akin kanina pero pinigilan ko dahil nasa harapan namin ang mom nito.

At 'di nagtagal, natapos na kaming kumain.

"Mom, ipapaalam ko sana itong si Airah. Isasama ko siya sa mall . Para naman, mabilhan ko siya ng mga damit pambuntis.", saad ni ate Leny sa Ginang.

Ngumiti naman ito kasabay ng pagsang-ayon.

"Good idea Leny. Isama mo na rin itong kapatid mo." suhestyon naman ng ina sabay tingin kay Jutay.

"Fuck. Ayokong sumama. May lakad kami ng barkada ko ngayon." pag-tatanggi ng lalaki sabay alis sa harapan namin.

"Tsk. Hayaan mo na yon mom. Habang hindi pa sila kasal ni Airah, bigyan natin sya ng oras makapagbonding sa barkada niya." saad muli ni ate.

"Sabagay. One week na lang at ikakasal na sila." sambit nito na akin namang ikinagulat.

"O-one week? T-teka, ba't parang 'di po yata ako nainform?", tanong ko sa kanila.

Masyado kasing mabilis. Parang kahapon lang ako nandito sa kanila tapos mababalitaan ko agad ang kasalan na 'yan.

"We decided na ipakasal na kayo agad next week dahil sa araw na 'yon saktong nandito na rin ang asawako." ngiting sagot ng Ginang.

"P-pero hindi pa po ako pumayag."

"Well, kahit hindi ka naman pumayag, wala ka ng magagawa ro'n. And beside, sabi ni Leny, eto yung gusto mong mangyari diba? Ang panagutan ka ng anak ko? So ayan, ginawan na namin ng paraan." mahabang wika niya ulit.

"Pero kasi--" akma pa sana akong magsasalita kaso pinigilan na ako ni ate Leny.

"Sssshh. Stop! 'Wag ka ng magsalita pa Airah. Let's go na.", wika ni Ate Leny sa akin sabay hawak sa braso ko.

I'm dead! Wala na akong kawala pa kapag nangyari na kinasal na kami.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status