Share

IKALAWANG KABANATA

First Day

For the last time, Pinagmasdan ko siya habang sinasara ko ang aming Pinto.  Naabutan ko pang nakahiga si Papa sa Sofa, Hindi na yata napilit ni mama na magising at mailagay sa taas sa sobrang kalasingan.

Dumeretsyo ako sa kusina at nagtimpla ng gatas, hindi na ako nagugutom pero  I think i cannot sleep because of what happen a while ago. Dala ang baso na may lamang gatas, umakyat na ako sa kwarto at nakita ang aking kapatid na mahimbing na natutulog sa aming higaang papag.

Habang umiinom ng gatas hindi ko maiwasang isipin kung totoo ang mga sinasabi ni Adrian. Kilala siyang malapit sa mga babae dito sa amin kaya natural lang naman sigurong mag isip kung pinagloloko lang ako ng lalaking iyon. And if totoo nga, Ano na mangyayare? Hindi ako pwedeng magpaligaw dahil ayaw ni Mama. W-ait teka nga? Bakit ligaw ang iniisip ko? May gusto na ba ako dun? And bakit kinakausap ko ang sarili ko?

Sinabunutan ko ang aking sarili.

Nababaliw na ako pati sarili ko kinakausap ko na. Walanghiyang lalaki. Ginugulo niya isip ko, siguro ginayuma niya ako. Tama, ginayuma niya ako.

May pa tango tango pa ako akala ko may ka kwenta-kwenta mga sinasabi ko sa sarili ko.

Bago pa ako mabiliw ng tuluyan inubos ko na ang iniinom kong gatas at humiga katabi ng kapatid ko. Ipinikit ko ang aking mata at hinihiling na sana mawala na itong iniisip ko bukas.

“So, You’re awake. Kamusta na pakiramdam mo, Iha?” Mula sa malalim na pag-iisip nagising ako mula sa tinig ng isang lalaking doctor. Tiningan ko siya habang sinusuri ang mga galos at sugat sa aking katawan. Pinagmasdan ko siya, Makisig pa rin ang doctor kahit halata na may katandaan na ito.

Magaling siya. Magaling ang mga doctor dito, Na revive pa rin ako kahit naging critical ang kalagayan ko dahil sa ilang minuto na ako na nasa tubig sabayan pa na may tama pa ako ng bala.

Mula sa Doctor, Inilipat ko ang aking paningin sa aking kaliwang kamay. May posas. Napabuntong hingi ako at tumingin na lang sa taas ng kisame.

Akala ko.. the moment na tumalon ako sa tulay ay makakalaya na ako, katulad ng sa libro o palabas may magsasagip sa akin na ibang tao. Pero hindi. This is a reality and heto ako, nakagapos ang isang kamay ng posas habang nag nagpapagaling sa hospital.

“Mamaya ma di-discharge kana at maililipat sa City Jail.”

“Ang mga sugat at galos mo ay pa wala na. May reseta lang ako na ibibigay sa mga nagbabantay sa’yong Police para maging okay na ang mga yan.”

“T-hank Y-ou, Doc.” Mahina kong sinabi.

“Welcome.” He smiled and said “ Excuse me.”

Kaunting saglit lang ay lumabas na siya. Nakita ko pang kinausap niya ang mga police na nagbabantay sa akin, siguro nagbilin lang ng mga gamot na bibilhin sabay alis.

Nang okay na ang lahat para sa pag-alis, Tinanggal na ng isang police ang posas sa kamay ko at inalalayan ako na umupo sa wheelchair. Ang isang may katabaan na Police woman ang nag tulak ng wheelchair ko hanggang makapasok kami sa elevator at makalabas ng Hospital. Mula sa labas, Nakita ko ang isang Police car na maghahatid sa akin sa City Jail. The Police woman open the back door and carefully assist me to get in. From the same seat, I also saw the familiar face of the man who tried to arrest me before i jump off to the bridge. He smiled at me and looked to the Police woman who also sit from my other side.

“Lets go.”

The car is moving.

From the heavy feelings and strong emotion that i have felt, the only thing that i can do is to close my eyes.

What will happen to me now?

Dahil siguro sa pagod at pag iisip, nakatulog ako. Nagising na lang ako ng tinapik ang aking balikat ng lalaking Police.

“Andito na tayo.” Sabi niya sa malalim na boses.

Nilabas nila ako at inalalayan hanggang sa makapasok kami sa isang Presinto. Heto na nga, Makukulong na talaga ako.

Sa lakas ng pintig ng puso at pag ooverthink di ko na nasundan ang mga sumunod na pangyayare. Ang natatandaan ko lang sa lahat ay ang pag kuha nila ng litrato ko kasama ang isang maliit na board na naka indicate ang mga information ko. Di ko na maalala ang mga iba nilang sinasabi about sa kaso ko, parang naging blanko ang lahat kasabay ng pag dilim ng mundo ko.

Sa mahabang pasilyo ay binaybay namin ang daan kung saan ang magiging selda ko. Nadaan ko pa ang selda ng mga lalakeng inmates. Medyo malayo lang kaunti sa kanila ay amoy na ang pinaghalo-halong amoy, mabaho at malansa. Sa isang maliit na selda ay 30 ang nagsisiksikan na dapat ay sa tingin ko ay kinse lamang. Ang karamihan sa kanila ay nakatayo , Ang iba ay nakahiga o kaya ay naka upo. Nakakaawa.

Sa ilang pang minuto ng paglalakad ay ganun pa ring scenario ang nasaksihan ko.

May ilang inmate ang tumingin sa akin, nakangisi at animo’y may iniisip na hindi maganda. Ang iba ay di na nakatiis at pinituhan pa ako at tinanong kung ano ang pangalan ko.

I’m scared.

Hindi naman sa naghuhusga ako. Pero sa klase ng tingin ng iba ay parang hinuhubaran ako.

Huminto kami sa isang maliit na selda. Pang babaeng selda. Magka iba ang lugar kung saan ikinukulong ang mga babaeng inmate sa building ng mga lalakeng inmate. Hindi katulad ng kaninang kalagayan ng mga lalaki ay mas okay dito. Maliit ang selda pero di masyadong siksikan.

Itinanggal ng lalakeng sumundo sa akin kanina ang posas ko. Tiningnan niya ako nang matagal at inalalayan na makapasok sa seldang paglalagyan sa akin. Binigyan na rin ako ng Damit na kulay orange at may malaking letter P na tatak sa gitna.

Nginitian ko ang mga kasama ko at dahan-dahang naglakad sa dulo ng selda...Pero bago pa ako makapunta ay may isang babaeng Itinulak ako kaya napa dapa ako sa semento. Masakit pa ang katawan ko at madadagdagan pa yata dahil sa tulak na iyon.

“Welcome sa kaharian natin ka-kosa.” Ani ng tumulak sa akin.

Kahit masakit ang katawan, Unti-unti along Tamayo at hinarap ang babaeng burikat na tumulak sa akin. Isang Babaeng Balingkinitan ang nakita ko, maputi pero Puno ng tattoo ang katawan.

Nginitian ko lang siya at tinanguan.

Galit ang nakikita ko sa kaniyang ekspresyon dahil yata sa walang nakuhang sagot mula sa akin. Susuguran niya sana ako ngunit napansin niyang hindi maganda ang lagay ko dahilan para mamuo ang pawis at halatang may iniinda akong sakit. Instead of I think hurting me, inutusan niya ang ilang inmate na alalayan ako para makapunta sa pwesto ko at maka-upo.

“Anong kaso mo 336?” 336? Ako ba?

Kinunutan niya ako ng nuo at halatang nainiinis sa akin kanina pa.

“Pipi ka rin ba? Bakit hindi ka magsalita? 336, Ikaw iyon. ”

“D-Drugs ”

“Nagbebenta o gumagamit?” Tanong naman ng isa.

Sasagot na sana ako ng may nagtanong na naman.

“Wala sa itsura mo ang kakasuhan ng drugs. Tinaniman ka lang ba?”

“N-agbebenta.” Sinagot ko ang unang nagtanong sa akin. Totoo iyon. Nagbebenta lang ako but I’d never try and use drugs.

“Whoah! Edi Mabigat pala kaso mo, Ka kosa.” Biglang sabat naman ng isang may katandaang babae. Sa likod niya ay isang payat at morenang dalaga na hinihilot ang kaniyang likod. Nagkatinginan kami at nginitian niya ako ng maliit.

“Habang-buhay kana rito niyan.” Binalingan ko kung saan nanggaling ang boses at duon iyon sa babaeng nag tulak sa akin kanina.

“Anong pangalan mo?”

“K-ane... Kane Mayari Peña Vega. ”

“Ilang taon kana? Mukha ka pang bata. ”

“22.”

“Ay kabata mo pa, Ineng. Ka edad mo lang ang kasamahan natin dito.. Si Dahlia.” Ang kaninang hilot session nila ay natapos dahil lumapit na sa akin ang matandang babae.

Halatang bata nga rin ang payat na babae na nagngangalang Dahlia. Sa itsura niya ay parang binintangan lang siya nang kung ano at sapilitang pinasok dito eh. She looked like an angel. 'Di bagay dito.

Ang kaninang May ibat-ibang pinag busy-busyhan na inmate ay pumunta na rin sa pwesto ko para yata maki tsismis. Pinagmasadan ko lahat ng kasama ko. 5 ang may tattoo at 3 duon ay punong-puno sa katawan. Ang iba ay matatanda na 2 lang kaming dalagita ng sinasabi nilang Dahlia.

I kwento ko lang kung paano ako nahuli at nakulong at ang ibang detalye ay hindi ko na inungkat pa.

Nang mag tanghalian ay sabay-sabay kaming pinapunta sa isang malaking cafeteria.

Dahil nga sa hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam ko sabayan pa ng tulak kanina, Nagpasiya na lang akong magpa-iwan. Hindi rin naman ako nagugutom. Mas lamang sa akin ang daming iniisip kaya siguro wala akong maramdamang gutom.

“Di ka pa ba sasabay sa aming kumain, Ineng?” Tiningan ko ang ginang na nagsabi sa akin. Siya si Bilog. Ang tawag sa kaniya dito ay Nanay Bilog. Siya rin ang ang babaeng nagpahilot kanina kay Dahlia.

“Hindi na po, Nay. Hindi rin naman po ako nagugutom.” At masakit din katawan ko, Gusto ko rin sanang idagdag ngunit itinikom ko na lang ang bibig.. hmm halata kasing nagsusumbong ako.

“Ganoon ba? Eh Baka mamaya gutumin ka.. Nako! Mabilis pa namang maubos ang mga pagkain dito.”

I really appreciate her effort for convincing me to eat. I feel like I’ve found a mother figure on her.

“Thank you, Nay Bilog. Pero sige una na po kayo baka maubusan kayo, Sige ka!” Sinabayan ko pa ng pananakot ang huling salita para matakot at umalis na.

“O, Sige. Mag t-try ako kung makakakuha ako ng pagkain mamaya sa cafeteria para sa’yo.”

“Halika kana, Dahlia, Iha.” Mula sa pag-aayos ng higaan ay nakita kong tumayo si Dahlia at pumunta sa pwesto namin. Nginitian niya ako at nginitian ko rin siya pabalik.

Sabay silang umalis kasama ng iba pang mga Inmate.

Mag-isa na lang ako sa selda.

Somehow, naging payapa ang paligid ko. Wala akong kasama dahil lahat ay pumunta sa cafeteria para kumain. Ang mga katabing selda ay wala ring tao kaya ang buong paligid ay tahimik.

Ano na ba ang magiging buhay ko simula ngayon? Habang -buhay na ba ako dito? Sabi kanina ni May—Iyong babaeng tumulak sa akin ay habang buhay na daw ako dito since ang kaso ko is drug, May pa-asa pa sana akong malaya kung gumagamit lang ako at hindi nagbebenta.

Mabait naman pala siya.. I think? I don’t know.

Puno ng tattoo ang bahagi ng katawan niya pero maganda siyang tingnan. Maputi, Balingkinitan ang katawan at matangkad. Kasong pagpatay ang mayroon siya. Napatay niya ang kinakasama niya dahil napuno siya sa pang-aabuso at pananakit nito sa kaniya pati sa mga anak nila.

Katulad niya may ibat-ibang storya rin ang mga tao sa seldang Ito. Ang ilan dito may kinalaman sa drugs, Nagbebenta dahil sa hirap ng buhay. Pagnanakaw, na Frame-up, Murder at iba pa. Lahat may storya, lahat dapat pakinggan.

Napadako ang isip ko sa Boss ko. I think nakarating na sa kaniya ang balita na nadakip ako ng mga Police at nasa selda na ako. Sure ako na di niya ‘to papalampasin.

Papatayin niya ako.

Once na sumali ka sa isang sindikato automatic mahirap nang makalabas..

May mga tao ang Boss ko dito, may nakapagsabi na sa kaniya na naririto ako o nireport na sa kaniya ng taong pinapunta niya sana sa akin na nadakip ako. Galit na galit na iyon for sure. Tsk Malay ko bang matutunugan ng mga Police na andun ako. Ang malas naman, Sa dami namin.. ako pa talaga ang maswerteng mabingguhan.

Hindi rin naman nagtagal dumating na ang mga kasama ko. Masaya silang nagkwekwentuhan about sa matabang babae na pinagtulungang balyahin ng kasama nito sa selda dahil lang sa maliit na dahilan... Mabaho ang hininga.

“Pasensya ka na, Ineng Kane. Di kita nadalhan ng pagkain dahil naubos na.” Aniya sa malungkot na boses. Okay lang naman. Sabi ko nga hindi rin ako nagugutom.

Nginitin ko lang si Nanay Bilog. “That’s okay, Nay Bilog. Thank you po.”

“kasalanan iyon ni Babaeng Jumbo dun sa room 146 eh. Lakas kumain, A****a. Nakadalawang balik para kumuha ng another ulam eh.” Ani naman ni Jane, Ka selda rin namin.

“Hayaan mo na, May. Baka kulang pa sa kaniya kaya nakadalawang balik.” Sabay tawa pa ni Nanay Bilog.

Nakitawa na lang din ako sa kanila. Matakaw daw talaga yung babae. Marami rin ang nagrereklamo dahil gusto pa nilang kumuha ng another set of foods but end up with nothing, Hindi lang naman kasi siya ang bumabalik for foods marami sila I think.. so, nagkakaubusan talaga.

“336 pagkain mo.” Nangunot ang aking nuo dahil sa tawag na nanggaling sa labas ng selda. Nakita ko ang isang Police na may hawak na isang tray ng pagkain. Sa akin?

“Pagkain mo, Pinabibigay ng taong pumunta dito kanina...”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status