Share

IKATLONG KABANATA

SELDA

“Pagkain mo, Pinabibigay ng taong pumunta dito kanina.”

Huh? Sino namang dadalaw sa akin dito.. Eh kararating ko lang? Ambilis naman ng balita sa taong iyon para malaman kung nasaan ako. Pa-Ikaika at dahan-dahan akong humakbang papunta sa harap.

“Sino daw po siya?” Sabay kuha ko ng pagkain. “Salamat po ” at magpasalamat.

“Hindi nagpakilala, Eh. Pero sabi niya babalikan ka na lang daw niya pagkatapos niyang ayusin ang kaso mo.”

“Ganoon po ba? Sige po, Thank you.” I nodded and continue to think who’s that person.

I don’t think it is my boss. Though, I knew he already know that I am here... It’s too impossible pa rin for him to gave me foods especially that he doesn’t care about us.

Umiiling-iling ako at tiningnan na lang ang laman ng paper bag. It’s came from a well-known fast food chain. The foods inside composed of Burger, Fried chicken with rice and Pineapple drink. Definitely my favourite.

I have a guess who's that person but choose to ignore. That cant be..

“Woahh 336. Ang agang pag bisita agad sa’yo niyan dito ah. May dala pang masarap na pagkain.” Sabi Ate Saddy. Isa ring inmate na ang kaso ay Pyramiding scam.

“Oo nga, Iha. Pamilya mo ba iyon? Dapat hinarap ka man lang.” I only smiled at Nanay Bilog and shake my head.

No.

“Gusto niyo po ba, Nanay Bilog? Sa inyo na lang po iyan. Di pa naman ako nagugutom.” Kaysa naman masayang dahil ‘di ko naman makakain, better give it to the other people.

“Nako, Ineng. Busog na Busog na ako, eh. Thank you na lang. ”

“Akin na lang, Kane. Pangarap ko dati pa na makakain nito eh.” I smiled at Ate saddy and give her the foods.

“Uyyyy thank you. Sure ka na hindi mo 'to kakainin?” Though I’d see the spark on her eyes tila pinipigilan niya ito, baka nga naman kasi 'di ako sure if ibibigay ko ba talaga.

“That’s okay po. You can eat that, Hindi naman po talaga ako gutom.” I continue to smiled at her, to let her know that I’m Sincere for what am doing.

“Ang bait naman ng nagbigay niyan sayo, kane. Unang araw palang hindi kana pinabayaan magutom dito.”

“Sabi mo hindi mo pamilya. Kilala mo ba ang nagbigay sayo?” They are looking at me, waiting for my answer.

“Nako! Hindi nga po eh.” That’s true! Even me hindi rin alam if sino ba talaga nagbigay niyan. “Wala nga po’ng may alam na nakakulong ako eh.”

“May pamilya ka pa ba, 336?” She speak while eating. Nakikita ko pa na sobrang sarap na sarap siya sa kinakain niya at halos mapapikit na siya. She’s involved with the Pyramiding scam yet nakakapagtaka na hindi pa siya nakakain nito.

“W-ala n-a po. Both parents ko po ay p-atay n-a.” I noticed that my voice cracked at the end of my words.

“Nge edi ulila kana? May kapatid ka pa ba? ” seriously, I am not quite comfortable answering these questions.

“Tama na yan, Saddy. Kay bago bago lang niya dito. Titirahin mo na ng mga tanong mo! Ubusin mo na nga yan at bumalik kana sa pwesto mo.” Dali-dali niyang inibos ang kinakain niya at bumalik na sa pwesto niya. Nakatakot yata kay Nanay Bilog. 

Nanay Bilog saw that I’m having a hard time answering her question so she immediately cut our conversation. Save by the bell!

“Anak. If nahihirapan ka, Okay lang naman kung hindi mo sagutin ang mga tanong nila sa’yo.” I smiled at her and nodded.

“Kane, Magpahinga ka muna. Parang di pa okay ang lagay ng katawan mo.” Ani ni Dahlia sa mahinang boses. Nakita ko rin siya na tinitingnan ang katawan ko.

“Yeah, Mabuti pa nga. Thank you!”

“Dito ka na magpahinga medyo masikip na diyan banda sa pwesto mo eh.” She said.

Dahil nakita ko rin namang mahihirapan ako banda sa pwesto ko, kinuha ko ang aking gamit upang pumunta sa sinasabi niya.

Tunay nga na mahirap ang buhay sa selda. Na dapat ay kaunting tao lang ang maghahati sa iisang maliit na silid, Ito ay pinaghahatian ng double sa bilang.

“Hmm Dahlia ang name mo, ‘di ba? Anong kaso mo.” I tried to start conversations para naman malibang and may makausap ako.

She look at me and process what I’ve said.

She close her eyes for sec' and hardly swallowed

“A-ttemped.. M-urder.” She slowly said it.

Nanlaki ang aking mata at napaawang ang aking bibig. Putangina? Attempted.. what? Attempted murder? Hindi siya mukhang masamang tao para sa akin. Wala sa mukha nito ang kayang gumawa ng masama eh.

“How?.. I mean wala sa itsura mo ang kayang gumawa ng masama.”

“Wala talaga sa itsura niyan at ugali ang gagawa ng masama.” Nanay Bilog suddenly interrupt our conversation. Naka dekwarto na ito ngayon at nagpapaypay gamit ang isang kartong maliit.

I look at Dahlia and found some wound and bruises. I got a hint but choose to shut my mouth. Mas magandang siya na mismo ang magsabi at hindi pangunahan pa.

“I was a rape victim.” Mula sa pag obserba ko sa kaniyang katawan, napaangat ako ng tingin sa kaniyang mata.

“Huh?”

“Katulong ako sa isang mayamang pamilya. ‘yong anak ng amo ko may gusto sa akin kaso hindi ko siya gusto at may boyfriend na ako. Nalaman niya iyon at isang gabi pinagtangkaan niya akong gahasain. Binugbog niya ako at ikinulong.” Huminga siya ng malalim at huminto saglit. “Sa sobrang sakit ng katawan ko dahil sa bugbog hindi ako nakapalag ng i r-ape n-ya a-ko. Sa sobrang iyak at pagod nakatulog ako. Pag gising ko ay mahimbing ang kaniyang tulog. Sa galit at pagdidilim ng mata ko, Ang kutsilyong pinang takot niya sa akin ay hindi sinasadyang nasaksak ko sa kaniya. ” Naawa ako sa kaniya. Kung ako sa kaniya, hindi ko basta-bastang ma kwekwento ito lalo na at napaka sensitibong parte ito ng aking pinagdaan.

“Mayaman ang pamilya ng g******a sa kaniya. Nalaman na sinaksak niya ang kanilang anak kaya isimbong siya sa mga police at ipinakulong.” Nakita ni nanay bilog na nahihirapan nang magsalita ni Dahlia kung kaya’t siya na ang tumuloy.

“H-indi mo ba sinabi sa mga police na nirape ka ng hayop na ‘yon?”

“Hindi. Bago ko pa sabihin may nakatutok na agad na baril sa likod ng pamilya ko. They threaten me that they will kill my family the moment the magsalita ako.”

“Nako iha! Mayaman ang Pamilya Santander. Kilalang maraming connection ang pamilya dahil mayor ang Padre de pamilya. Kaya ‘di na ako magtataka kung pati mga Police na may hawak sa kaso mo bayad.” Sabat naman ng isa rin naming ka selda.

“Naalala ko pa nuon. Nang dumating dito si Dahlia, nagkakagulo daw sa labas nito dahil maraming media ang nakaabang sa pagpasok niya dito. andiyan ang mga sumusuporta sa pamilyang Santander para lang maki chismis sa nangyayare. Sabi naman ni Nanay Bilog.

“You are brave enough to tell me about this.” I held her hard and smiled at her.

She weakly smiled at me too.

“Okay lang naman. Lahat naman ng tao dito alam ang storya na ‘to.”

“Sinabi mo sa kanila?”

“Oo. ‘yung totoong storya hindi ang storya na ipinapakita sa telebisyon.”

“Ano nga pala ulit ang nangyare sa tarantadong anak ng santander na gumaha sa’yo? Iyon ba ang pangalawa o Panganay?” Sabat naman ni May— Ang babaeng tumulak sa akin kanina na ngayon ay hindi ko alam kung saan nakakuha ng panigarilyo at naninigarilyo na ngayon.

“Buhay siya A-te. Ang P-angalawang A-anak. Naitakbo siya sa ospital at naagapan kaya ang naging kaso lang sa akin ay attempted murder hindi murder mismo.”

“Tsk. Nabuhay pa pala ‘yon. Swerte ng masamang damo. Dapat siya ang andito hindi ikaw eh.” Sabay buga niya ng Usok ng sigarilyo.

Money can manipulate everything even the law nga naman. Sa mundong ‘to kahit ikaw ang naagrabyado basta may pera ang taong nakagawa ng mali sa’yo ikaw pa rin ang talo sa dulo.

Nagtuloy-tuloy lang ang kwentuhan hanggang sa napagkwentuhan na rin ang buhay ng ibang preso at buhay nila dito sa nagdaang taon.

Mahirap daw ang buhay dito sa loob ng kulungan. Hindi akma ang espasyo ng selda sa mga taong naka-kulong dito, may isa lang may sakit, sigurado nang magkaka hawaan dahil halos kaunting space lang ang pagitan ng parte ng bawat isa. Ang pagkain sa cafeteria hindi mo alam if malinis dahil sabi ng iba ay dinuduraan daw ito ng mga nagluluto kaya ma swerte pa rin if may bibisita pa rin sayo para hatiran ka ng pagkain. Ang banyo ay matatagpuan kada dulo ng bawat palapag, Maraming gumagamit kaya by scheduling ang labas. Ang building ng lalaki at babae ay magkaiba, Ito ay malayo sa isat-isa at magkatalikuran.

Marami rin namang activities ang pwedeng magawa habang nasa kukungan ka. Kada umaga at Gabi ng lingo ay may misa. Minsan dumarating ang mga Ibat-ibang foundation upang magbigay ng mga damit at pagkain. Kada umaga ay may ginaganap na zumba exercise para sa pangkalahatan.

“336, Di ka ba binigyan ng gamot para diyan sa katawan mo?” May Said.

“Iyon nga eh. Alam ko mayroong binigay si Doc para sa mga sugat ko. ‘Di yata nabili ng mga Police.” Bago kami umalis ng Hospital, If I’m not mistaken nagsabi sa akin si Doc na ibibilin niya sa mga Police ang reseta ng mga gamot ko... Pero ewan, baka nakalimutan or ayaw na rin bilhin ng mga police. Hindi ko alam. 

“Masakit pa rin katawan mo ah? Halatang nahihirapan ka kanina. Mabuti pa sumama ka sa akin, punta tayo sa front desk para humingi ng gamot diyan sa katawan mo. Tulong ko na yan sa’yo dahil lumala yata ang pagsakit dahil sa pagtulak ko sa’yo.” Oo nga. Napansin ko rin iyon. Siya rin, Napansin niya. ‘Di naman pala manhid ang gaga.

Tiningnan niya ang katawan ko at napangiwi siya. Oh ano, nakita mo na itsura ng katawan ko. tulak pa more.

“Asikasuhin kaya tayo dun?” Sabi ko. Mamaya kasi pagpunta namin hindi pala kami asikasuhin, sayang punta malayo pa naman ang front desk.

Tinaasan niya ako ng kilay. Tila nanghahamon. 

“Oo. Aasikasuhin tayo dun. Jowa ko isang bantay dun eh.”

“Oo! Maniwala ka diyan kay May, Kane. Jowa ni May yung patpatin na police dun sa front desk.”

“Panget ng Jowa mo, May. Kalansay na yun si tatang ah. Pinatulan mo pa? ” Napatawa naman ako sa pagsabat ni Saddy, Na kanina lang nakikita ko pang naglalaro pa ng baraha kasama sila ate Gloria at iba na hindi ko pa kilalang mga inmate at ngayon andito na nga at inaalaska si May. Medyo pasmado ang bibig ng ate niyo.

“Bobo. Kung di ko papatulan iyon, ‘Di ako makakatawag sa mga anak ko tapos wala tayong mga luho-luho dito, gaga. Alam mo naman kung gaano kalaki pakinabang namin sa isat-isa eh. Sabay tawa niya.

“Nako ka talaga, May! At ano naman kapalit, aber? Sabat naman ni Nanay Bilog.

“Syempre, Nay. Alam mo na ‘yon. Makamundong kababalaghan. ” Sabayan pa ng tawa at apir nila ni Ate Saddy kaya lahat kami ay napatawa na. Juskomaryosep.

“Wala bang asawa iyon para di kayo mahuli?” Sabat ko naman.

“Nako, Neng. Hindi malalaman ng asawa niya iyon at kung malaman man baka wala ring magawa dahil takot sa kaniya. Bali-balitang nanakit daw iyon ng asawa.”

“Eh buti wala po nag nagsusumbong mula dito? ”

“Alam mo kasi 336 ganito yan eh. Syempre ka brad nila kaya sino-sino pa ba ang magtatakpan kundi sila-sila rin.” May point din naman ‘to si Ate Saddy. Hindi naman lahat ng Police nantatakip ng mali but i don’t think may mangengealam sa mga ganitong gawain sa side ng mga Police. Siguro nga kaya ‘di rin nalalaman kasi walang nangengealam at walang pakealam sa mga gumagawa nito. Just my thoughts

“Alam mo ba karamihan dito ganyan ang gawain. Normal na yan dito. May nag jojowa ng Police para magkaroon ng connection sa labas at mapa ginahawa ang buhay nila dito loob at sa side naman ng ibang Police pumapasok sila sa relasyong ganito dahil alam mo na... Sex. Mahirap ang buhay dito, Kane. Kaya rin siguro marami ang inmate na nag jojowa ng Police para maging safe. Alam mo na, ‘di mo alam kung sino ta-traydor sa’yo dito. Kaibigan mo ngayon, kaaway mo bukas.”

“Syempre hindi lahat, Kane. Marami pa ring mababait na Police. Kahit inmate kami dito mababait trato nila sa amin at hindi ganiyan ang habol. Sadya lang talaga na may mga garapal. ” Ani naman ni Nanay Bilog.

“Oo. At ang mga garapal na iyon ang dapat mong iwasan.”

“Syempre hindi lang 'yon. Wag ka rin syempreng basta-bastang magtitiwala sa mga tao dito.”

Kakampi mo ngayon, kaaway mo bukas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status