Share

IKAAPAT NA KABANATA

SAKSAK

Kakampi mo ngayon, kaaway mo bukas.

Kahit saan naman siguro applicable ang bagay na ‘yan, pero siguro nga, tama sila. Bago pa lang ako dito. Iba sa kanila dito matagal na. Natatakot ako kung sino ba dapat pagkatiwalan dito sa loob. Siguro naman safe dito sa seldang ‘to?

Tiningnan ko isa-isa ang mga kasamahan ko. So far, wala naman akong namumukaang alaga ng boss ko dito.

“Kung gusto mo maging matiwasay pananatili mo dito, umiwas ka sa gulo. Pag may nag-aaway, wala kang kakampihan. Pag may nakikita kang nag-aaway, umiwas ka. Baka mamaya balikan ka ng grupo ng umaway sa kinampihan mo.” Ate Saddy said.

Pati ang mga kasama ko dito ay sumang-ayon din sa kanya.

“Mahirap magkaroon ng kaaway dito sa selda. Aba, Unang tapak ko dito ay nag away pa kami ng katabing selda dahil siningitan ako nung pumupila ako para kumuha ng pagkain sa cafeteria. Nag sagutan kami, nagulat na lang ako kinagabihan may sumabunot na sa akin eh.” She added.

“Totoo yan.” Sigunda naman ni Nanay Bilog. “Kaya nga yan napunta dito dahil puro away yan sila sa selda nila, napuno na yata ung pulis kaya pinunta siya dito.”

“Basta dito sa seldang ‘to, hindi pwede yan. Aba, dami na nga nating kaaway sa ibang selda tapos mag-kakaroon pa ng away dito.” Sabi naman ni May.

Nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan hanggang sa pinatawag si May ng isang Police, hanap daw siya ng nasa front desk. Malamang ito ‘yong sinasabi nila na jowa daw niya. Kinantsawan pa siya ng mga ka selda rin namin. Broom broom daw. Tawang-tawa naman ako ng na gets ang bagay na iyon. Malamang ay may mangyayare na naman sa dalawang iyon.

Until I decided na hindi na sumabat sa usapan nila. Ninanaman ko na lang ang oras. Kung hindi ako makaalis dito, siguro destiny ko na ‘to. Grabeng destiny naman, sa kulungan talaga? Panget ka bonding ng tadhana.

“Oras na ng pag ligo, Pumili na kayo.” Tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses. Siya iyong naghatid sa akin kanina dito. Nakita kong sinulyapan niya ako at dumako ang mata niya kay Dahlia. May nakita akong galit duon pero mabilis ding nawala. Napansin ko na mang nag aayos ng gamit si Dalhia kaya hindi niya siguro napansin. Weird.

“Halika na, kane. Sabay na tayo.” I looked at Dahlia again nang tawagin niya ako. I don’t know how to say that I don’t have any underwear.

“Ahhh...”

“Bakit? Ayaw mong maligo?”

“A.. ano kasi.. wala akong underwear. Itong suot ko naman, this is the only pair of clothes na mayroon ako aside sa binigay na isang damit kanina.”

“Gano’n ba? Sige, bigyan na lang kita. I have a set of extra clothes and underwear. Pero sa shorts siguro kasya naman sa’yo. ‘di ka naman siguro maarte sa sinusuot? Kasi gamit na yung short ko eh.

Hindi naman ako maarte basta mayroon, grab na. Kahit siguro underwear na gamit basta wala lang regla tsaka bagong laba, go na.

“Oo naman. Thank you! Pwede na yan.”

“Sige, wait lang. Kunin ko.” Habang kinuha niya ‘yung extrang damit na sinasabi niya, lumabas na ako. Pumila na rin ako para sa aming dalawa. Nakita ko ring nauna na sa pila sila Nanay bilog at Saddy, Si May naman ay hindi pa rin nakakabalik mula kanina. Parang napalakas ang bakbakan ah. Dilig na naman ang flower.

Wala namang ilang minuto ng dumating na si Dahlia sa pwesto ko. Kasya naman siguro lahat ‘to sa akin, ‘no?

Nang kompleto na kami, pumunta na kami sa Cr. Medyo maraming tao kaya na taggalan pa kami para makaligo. Pinahiram lang ako ng sabon at shampoo ni Dahlia dahil wala talaga akong nadala kahit isang gamit. Ang suot ko naman kanina ay nilabhan ko na lang at isasabit mamaya sa bakal na pinatuan ng selda namin.

Dahil hindi pa tapos ang lahat sa pagligo kaya hinayaan na muna nila kami.

“Yow, kamusta?” Tiningan ko ang babae sa gilid ko.

Si Aling Marites.

Kamalas naman.

Dati siyang member ng sindikato kung saan ako kabilang. Lulong sa droga kaya tinanggal sa grupo. Imbes na ibenta ang drugs, ginagamit niya. Nagalit si Boss kaya tinanggal at 'di na pinabalik sa grupo.

Andito pala siya, wala akong narinig na nakulong siya.

“Eto minalas.”

“Hahaha biruin mo iyon, ano? Ikaw pinaka madulas sa grupo, ikaw pa iyong andito.” Kita mo nga naman. Sabi nila ako daw iyong pinakahirap mahuli ng pulis dahil madulas pero dito rin pala ang bagsak.

“Tsk. Tumiwalag si Gardo.”

“Oo nga nabalitan ko.”

“Huh?”

“Anong itsura yan, kane? Hoy anong akala mo dito sa selda, ‘di nakakapasok ang balita? May pakpak ang balita may tainga ang lupa. Tsaka, May mga tao dito si Boss. Alam mo naman iyon.”

“Buti di ka pinapatay?” tiningnan lang niya ako habang nakangiti.

“May pakinabang eh.”

“Ano?”

“M---”

“Hoy! Hanapin niyo na mga ka selda niyo at babalik na tayo.”

Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil tinatawag na kami. Tatanungin ko ulit sana siya ng nakita kong umalis na siya at pumunta sa pwesto nila.

Nagtagpo ang mata namin at tila may ipinapahiwatig.

“Kane, Halika na. Babalik na raw.”

Nawala na ang atensyon ko kay aling Marites ng nakita kong tinatawag na ako ni Dahlia. Hinila niya ako at sabay na kaming pumila at bumalik sa selda. Nakita kong bumalik na si May at may dala-dala siyang tatlong kaha ng yosi at bagong baraha.

“Whoaah Bagong ligo ah?” Sabi ng kakarating lang na si Ate Josie, Isa ring inmate dito.

“Bagong dilig kamo” sabay tawa pa ng kararating lang na si Ate Saddy. Nang aalaska na naman.

Tumawa na rin si May at hindi na nag comment pa, totoo siguro dahil hindi naman niya itinanggi.

“Kaya pa ba ni tatang ng ilang round? Parang bibigay na tuhod nun eh.” Sabat naman ng isa rin naming kasama.

“Oo naman! Kaya pa hanggang round 2, pwede pa mag exhibition.” shet ang wild.

Lahat kami ay napatawa, napatingin ako kay Dahlia na namumula ang buong mukha at si Nanay Bilog na ngumingiwi sa ka bulgaran ng salita ni May.

Sinabi niya na kailangan niya iyong jowa niyang Pulis para magkaroon ng kuminikasyon sa mga anak niya kapalit ng ganuong aktibidad.

“Paano kung mabuntis ka? Sige nga aber.”

“Nay Bilog, Lagi naka jacket ang alaga nun. Huwag kayong mag alala.”

Kinibit balikat na lang rin namin ang lahat. It’s her decision and she badly needs the connection so bad.

Tinipon niya ang mga ka selda namin at hinati-hati ang tatlong kahang yosi, bigay daw sa kanya iyon ng Jowa niyang Pulis. Sinabihan niya rin na hanggang one week kailangan nilang tipiran ang sigarilyo since mag leleave ang kaniyang jowa dahil mag babakasyon kasama nang pamilya nito.

Dahil na rin walang magawa and ilang oras pa bago maghapunan sinabit ko na lang ang mga nilabhan Kong damit sa bakal at natulog, Sinabi ko na gisingin na lang ako pag malapit na maghapunan. Wala akong kain kaya sure ako na gugutumin ako mayamaya so itutulog ko na lang.

Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa balikat ko. Si Dahlia pala, Kakain na raw.

Tumayo ako at nag inat-inat. Sinuklay ang aking buhok at inayos ang aking higaan.

Pinapila na kami para pumuntang cafeteria. Akala ko nasa mismong building lang namin ang lugar pero hindi, nasa katabing building ito at mainit ang lugar. This place is too crowded, Ibat-ibang amoy ang naghalo-halo sa hangin. Halos 30 minutes pa bago kami makapunta sa nagbibigay ng ulam. 4 na inmate ang nakatoka para magbigay ng pagkain sa araw na ‘to. Isang buntot ng tilapia at pakbet ang ulam at isang cup of rice ang binigay bago ako umalis sa pila.

Magkakasama kami nila Dahlia, Nanay Bilog, Ate Saddy at iba naming kasama sa selda, wala si May dahil dun daw ito pinakain sa office.

Maingay ang nasa kabilang pwesto.

Nakita ko si Aling Marites at ilan niyang kasama na naguusap at panaka-nakang tumitingin sa pwesto ko. Nang nakita nilang tumingin ako ay iniwas nila ang kanilang mata na parang walang nangyare.

“Kilala mo ba yang mga yan, Kane?”

“Ah, o-o. Kasama ko sa grupo yung babaeng naka green na damit.”

“Iwas-iwas ka diyan, narinig ko pinaguusapan ka ng mga yan kanina.” Kumunot ang aking nuo sa sinabi ng isa naming kasama.

“Iwasan mo ang grupo na yan. Masyadong madumi maglaro yan palibhasa may mga connection sa labas at kapit na mga pulis.”

“Kanina pa pasulyap-sulyap sayo.”

“Kaya nga po.”

“Huwag mo nang pansinin at ubusin mo na ang kinakain mo. Hayaan mo lang sila para hindi ka mapaaway, maraming connection yan.” Sabat naman ni Ate Saddy.

Inubos ko na lang ang kinakain ko at hindi na pinansin pa ang lantaran nang paninitig ng kasama ni Aling Marites sa akin. Malayo naman siguro ang Selda nila para may gawin silang masama sa akin.

“Pagkatapos niyong kumain ay pumila na kayo para makabalik na sa selda niyo, ‘yung mga gustong mag Cr pumila na para mahatid kayo sa banyo.”

Niyaya ako ni Dahlia na mag-Cr para ‘di na kami lumabas pa mamaya. Umoo naman ako. Nakita kong pumila rin ang grupo nila aling marites sa likod namin.

Nang nasa Cr na kami. I felt uneasy. Habang nasa Cr ako pinakiramdaman ko ang nasa paligid ko, so far wala namang gulong nangyayare. Masyado ko lang sigurong iniisip ang sinabi sa akin kanina ng isa naming kasama.

Halos mapasigaw ako ng may kumatok sa pinto ko, Si Dahlia pala. Akala ko kung sino na. P**a kinabahan ako slight.

Pipila na sana kami ng nakita kong nagkakagulo sa labas, wala ang guard kaya walang umaawat. Isa sa kasama ni Aling marites ang nakita ko na sinasabunutan at ang isa ay tinatadyakan ang isang babaeng nasa sahig at namimilipit na sa sakit. Tiningan ko ang mga tao na nakikichismis at parang baliwala lang sa kanila ang ganitong eksena at nakikipagpustahan pa.

Hinawakan ni Dahlia ang aking kamay at hinihigit ako kung saan.

Aalis na sana kami ng naramdaman kong may tumulak sa akin at kay Dahlia, hindi ko napansin kung sino iyon dahil nagkakatulakan na at maraming nag-aaway. Napabitaw na rin kami ni Dahlia sa isat-isa at hindi ko na siya nakita dahil natulak sa sahig at sinampal ng kung sino. Inaalis ko ang kaniyang kamay pero masyadong malakas at may isa namang nag aaway sa likod ko.

Umihi lang naman ako pero bakit nasama ako sa gulo.

Nakarinig ako nang isang putok at biglang tumigil ang away. Hinanap ko si Dahlia at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang nakita ko siyang nasa sahig at dumudugo ang kaniyang balikat. Nakita kong itinago ng kasamahan ni Aling Marites ang kutsilyo. Tila natauhan siya at may hinanap kung saan. Nagtagpo ang aming mga mata at ang galit ay biglang rumehistro sa kaniyang mukha.

Tumayo ako at ika-ikang pumunta kay Dahlia. So much for this day. Kakalabas ko lang ng Hospital at ilang sakit na ng katawan ang naramdaman ko ngayon.

Hindi naman masyadong malalim ang kaniyang sugat dahil maliit lang ang kutsilyo pero sapat na para magkaroon ng mga dugo. May kalmot din siya sa mukha at magulo ang ayos ng buhok.

“Sorry, Sorry napabitaw ako. Kaya mo pa bang maglakad?”

“M-asakit ang katawan ko, nabalya ako kanina.”

Nakita ng ilang Pulis ang kalagayan namin kaya binuhat ng lalaking pulis si Dahlia.

Binalikan ko ng tingin ang nakasaksak sa kaniya at nakita kong kasama ‘to ng pulis na naghatid sa akin kanina. Kinuha niya ang kutsilyo mula sa tagiliran ng babae at hinigit ang braso nito at dinala sa kung saan.

“Itikom mo ang bibig mo.” Naramdaman kong may naka tusok sa tagiliran ko.

Napalunok ako ng laway at ‘di magalaw ang aking katawan.

“Mali pala ang nasaksak.”

“W-hat do you m-ean mali ang n-asaksak?” Tumingin ako sa kapaligiran ko para sana humingi ng tulong pero walang nakatingin na guard sa pwesto namin.

Nakita ko si Aling Marites na nakatingin sa akin. Wala akong makitang reaksyon sa kaniyang mata.

Dumiin naman ang nakatusok sa tagiliran ko, Walang nakakapansin sa amin maliban sa grupo nila aling marites. Gustuhin ko mang humingi ng tulong pero natatakot ako baka matarak talaga sa akin ‘to pag ibinuka ko ang bibig ko.

“Sabi ni Boss ‘di ba wag kang magpapahuli?”

Putangina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status