Share

IKA-SIYAM NA KABANATA

FIRST HEARING

“Are you ready?”

Kinakabahan ako.

Ngayon ang araw kung saan gaganapin ang unang hearing ko. Kinakabahan pero desidido akong humarap sa judge at makalabas dito.

Hinawakan ni Adrian ang dalawa kong kamay at bahagyang kumunot ang nuo niya. Masyadong malamig at nagpapawis ang kamay ko, ibig sabihin lang ay kinakabahan ako ngayon.

“Don’t be nervous, you will be out of here.” Tumango ako.

Kaya ko ‘to.

Inhale, exhale. Breathe, Kane. You can do it.

Pumunta sa pwesto namin ang isang babae, naka formal attire and naka tali ang buhok . Nginitian niya kami at ngumiti din ako sa kaniya pabalik.

“Pasok na po kayo.”

“Lets go.” Atty.Santos said at lumakad na kami.

Binuksan ng babae ang pinto.

Umupo kami sa unahan at hinintay si Judge Romulo. Si Atty.Santos naman ay nakikipag usap kay Adrian. Hindi ko na sila pinakinggan dahil abala ako sa kung ano mang tumatakbo sa isip ko.

Dumating na ang Judge na sinasabi nilang ayaw sa kaso na may kinalaman sa droga. Tumayo kami para salubungin siya.

“What is the case all about?” Binigay sa kaniya ng babae ang isang papel at binasa niya ito, tumingin siya sa akin at bumalik sa binabasa niya.

“Drugs. Ang kaso mo ay R.A 9165 for anti illegal drugs. Section 5 and 11. Am I right?”

“Yes, Your honour.” Saad naman ni Atty.Santos.

Pinagsiklop ni Judge.Romulo ang kaniyang dalawang kamay at nilagay sa kaniyang baba.

“Okay. So what’s the deal, Atty? This is a life imprisonment, Iha.” Tumingin siya sa akin at kay atty.

“We are petitioning for bail, your honour.”

“Hmm.” Sumandal siya sa kaniyang upuan.

“Police got huge grams of illegal drugs to your hotel room and based on the report ay nahuli ka sa akto na magbebenta sana ng droga sa isang Police na umaktong buyer. Am I right?”

“Y-es, Y-our Honour.” Shit.

“I won’t allow it.” T*ngina. Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. Hindi pwede!

“Your honour.”

“Above 5 grams ang nakuhang illegal drugs sa’yo so I would not allow you for petition of bail.”

“A-tty. D-o something please.” Pagmamakaawa ko kay Atty.

Tiningnan ako ni Atty.Santos at tumango siya sa akin.

Si Adrian naman ay nasa likod ko. Hindi niya mahawakan ang aking kamay dahil naka posas ako kaya hinahagod niya lang ang aking likod.

“Shhh Don’t be nervous. Babe. Makakaalis ka dito. D*mn kung pwede lang kitang itakas.” Bulong ni Adrian sa akin.

“Your Honour. We will ask for plea of bargaining.”

Paano na ang kapatid ko pag hindi ako makakatas dito? Kailangan kong makaalis dito at makuha ang kapatid ko.

“Ahuh. Then it means na umaamin kana that your guilty.”

“Still I won’t allow it.” Bakit ba ang tigas niya?! Inaako ko na nga na guilty ako eh para matapos na. Kahit matagal basta mabawasan ang sentensiya ko. Gusto ko lang namang lumabas at nangangako akong magbabagong buhay.

“You know, masyadong mabigat ang case mo, nahuli ka sa akto and nahulihan ka ng droga at itunuro ka at napatunayan ding isa kang pusher. So, why would I agree to your request?”

Gusto kong sumagot at sabihin kung bakit ko nagawa iyon, na napilitan lang ako at wala akong choice kaso maniniwala ba siya? Maawa ba siya at baka sakaling payagan kami sa request namin?

“Pero sige. Ano ang kaya mong ipain sa akin for me to allow you?”

“Your honour, My client will tell the background of the drug syndicate that she’s in. The names behind the organisation as well as the members.”

“Ahuh.” He tap his finger on his desk. Tila nag-iisip. Sige na, pumayag kana.

“What is your position to that organisation, Miss.Peña Vega?”

“L-agi po akong s-inasama ng boss ko sa mga deal and ako r-in po ang pinaghahawak nang ibang malalaking n-egosasayon, your honour.”

“So, parang kanang kamay. Am I right?”

Hindi. Meron siyang kanang kamay pero tumango na lang ako.

“Yes. Your honour.”

“I see. Okay. Can you give me some time to think about your request? I will approve your plea of bargaining but you will tell all single details about that syndicate and tiyaka palang ako magbibigay ng decision ko pag tapos na ang pag-uusap niyo ng mga police.”

“Atty.Santos. Can I have you for a minute? We will talk about your client request.”

Tumayo si Atty.Santos at pumunta sa Judge. Ako naman ay kinuha na ng mga Police para ibalik na sa selda. Si Adrian naman ay hindi na pinasama sa akin, sabi ng police ay sa may visiting area na lang daw kami magkita mamaya kasama si Atty.Santos.

Habang naglalakad kami pabalik sa selda ay nakita ko si aling marites na naninigarilyo kasama ng kaniyang grupo. Masama itong tumingin sa akin na parang alam kung saan ako nanggaling at kung ano ang ginawa ko ngayon. Nag sign ito ng parang hinihiwa ang leeg ko kaya napalunok ako. Feeling ko mamaya alam na nang boss ko kung anong nangyare dahil sasabihin nila iyon sa kaniya.

Ilang lakad pa ay nakarating na ako sa selda namin. Tinanggal ng police ang nakasuot na posas sa aking palapulsuhan at binuksan na ang kandado ng selda.

Unang bumungad sa akin ang inosenteng mukha ni Dahlia.

“Kamusta first hearing mo?”

“I don’t know. Ayaw pumayag ng judge na mag petition kami for bail.”

“Hala! So paano na yan?”

Nagsilapitan na ang mga ibang mga inmate sa akin tila makiki tsismis including Ate saddy na kakadating lang galing sa labas.

“Nag plea of bargaining kami kanina kaso pag iisipan pa daw niya if papayagan niya ako.”

“Si Judge Romulo ang may hawak sa’yo, ‘di ba?” Ani ni May.

“Oo.”

“Hirap niyang judge na iyan. Mamaya, hindi ka pa payagan kahit ginawa mo na gusto niyan eh.”

Nanlamig ako sa kaniyang inisip.

“B-aka p-ayagan naman ako.”

“Manalangin ka, Ineng. Mahirap talagang humawak iyong judge na iyon pero malay mo naman. Magaling naman yata ang abogado mo, iha. Kayang-kaya nila iyan. ” Sabat naman ni Nanay Bilog.

Hinawakan niya pa ang kamay ko at nginitan ako.

Sana nga.

“336. Andun na ang Atty. mo at boyfriend mo, hinihintay ka.”

Wala po akong boyfriend gusto ko sanang sabihin pero hindi ko na lang itinuloy.

Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko at nag good luck naman sila sa akin.

Naglalakad na kami papuntang visitors area at nakita ko na si Adrian at si Atty. Nakita ako ni adrian at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

Hinawakan nito ang aking kamay at inalalayan sa upuan katabi ng kaniya.

“Hello again, Miss.Peña Vega.”

“Hi.”

“Napansin mo namang pinaiwan ako ni Judge kanina at pinag-usapan namin ang kaso mo.”

“Yes.”

“He said that it will not guaranteed na pumapayag siya sa hinihingi natin pero bukas siya sa pagpayag.”

“What do you mean, atty?” Adrian asked.

“What I mean is depende sa kakalabasan nang magiging sanaysay ni Miss.Peña Vega sa mga Police ang magiging desisyon niya.”

“Kahit na kumanta si Miss.Peña Vega sa lahat ng nalalaman niya ay magiging 50/50 pa rin ang magiging hatol sa kaniya.”

“What the H*ck! Pwede ba iyon? Eh umamin pa rin siya, atty. Ah? Pwede ba niyang gawin iyon?”

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Adrian at pinapa kalma siya. Parang siya pa ang na iistress sa aming dalawa eh.

“Of course, He can do it. He’s a judge after all, Mr.Clarkson.” Sabi naman ni Atty.Santo sa mahinahon na boses.

“T*ngina naman!”

“And pag hindi pa rin pumayag kahit sinabi ko na ang lahat ng nalalaman ko, atty?”

“Then we cant do anything about it. Ganito talaga, Miss.Peña Vega. Mabigat ang kaso mo and nasa judge ang huling desisyon.”

“Baka pwedeng palabasin na lang natin na frame up or napagkamalan lang siya, atty.?”

“We can’t do that, Mr.Clarkson. Police caught Miss.Peña Vega on the act and nahulihan din siya ng drugs sa may hotel room then siya ang itinuro ng dating kasamahan niya na asset ng pulisya. Masyadong malakas ang ebidensya sa kaniya kaya mahihirapan tayong ilusot yan, ngayon pang umaamin na siya kanina na guilty siya.”

Pigilan ko man pero kusang tumutulo ang luha ko. Ano ba naman ‘tong buhay na ito.

“I-I will find an alternative way kung hindi pa rin pumayag ang judge na iyon. Sshhh don’t cry. Please, Baby. I hate to see you cry. Kung pwedeng ako na lang ang andito then I will gladly do it. Stop crying. I will make a way. ”

Mas lalo akong umiyak sa mga sinasabi niya. Hindi naman ako papayag na siya ang pumalit sa akin dito. Problema ko ito at dapat ako ang magdusa dito. Andami na nga niyang ginawa para tulungan ako.

“Atty. Can we somehow offer him money?”

“That’s illegal, Mr.Clarkson.”

“I know but sh*t! I’m desperate to get my girlfriend out of here.” Tiningnan lang ako ni Atty.Santos.

“We have no choice but hintayin na lang talaga ang magiging desisyon ng Judge. I’m sorry Miss.Peña Vega.”

“I-it’s okay.Atty.”

 I smiled at him. Wala naman talaga kaming magagawa but to wait until kurutin ng konsensya ang judge na iyon at payagan kami sa request namin na plea of bargaining.

“I need to go. Miss.Peña Vega. I will come here tomorrow para sa magiging pag-amin mo sa mga police. And I hope that by the end of your last hearing, good things will something to happen.”

Tumayo na si Atty.Santos at nakipagkamayan sa akin. Tumayo na rin naman si Adrian at nakipag kamay sa kanya.

Naiwan si Adrian na tahimik lang sa gilid ko. Hindi ko naman na alam kong paano ko na siya i aapproach ngayong wala na si Atty.Santos.

“Adrian...” Tawag ko sa kaniya.

Nakababa lang ang kaniyang ulo at pinagmamasdan ang pinagsiklop niyang kamay namin.

“What if..”

“Hmmm”

“What if dito na talaga ako?” Tumigas ang anyo niya at galit na pinagbalingan ako.

“What the hell are you talking about?”

Nginitian ko siya ng malungkot.

“K-ung lang naman. K-ung h-indi ako makakaalis pwede bang ituloy mo ang plano niyong hanapin ang kapatid ko?”

“Stop... just stop thinking that, Kane. Paulit-ulit kong ipapaalala sa’yo na makakaalis ka dito at kahit anong paraan, kahit anong plano gagawin ko para makaalis ka lang dito.”

“I’m just being realistic here, Adrian.”

“Then gagawa ako ng dahilan for me to get jail, Babe. Gagawin ko lahat kahit bayaran ko ang judge na iyon, hanapin ko ang lahat ng baho nun para i pang blackmail at Kahit na bayaran ang mga police para makaalis ka dito ay gagawin ko para makaalis ka dito. A-t p-ag wala na talaga, papahuli na lang siguro ako sa kaibigan kong police para magkasama na tayo dito”

Seryosong-seryoso ang kaniyang anyo habang sinasabi niya ito.

Hindi ko na napigilang mapatawa sa baliw niyang desisyon.

“You’re crazy. Sa tingin mo ba, pag nag pakulong ka ay papayagan ka na ikulong gayong wala ka namang kaso? And magkaiba ang selda ng mga lalaki at babae dito, Adrian.” Hindi ko na napigilan ang tumawa kaya napasimangot siya.

“Then, hindi rin pwedeng andito ka!”

Para siyang bata na paulit-ulit sa ganung desisyon niya kuno. Hanggang sa nag isang oras na at pina alis na si Adrian ng police kasi 1 hour lang ang pwedeng oras na pwede niyang itagal dito sa loob ng City jail.

Niyakap niya ako at hinalikan sa nuo. Nagkatinginan kami at nakita kong napasulyap siya sa labi ko. Tiningan niya ako sa mata at binaba sa labi ko, tila humihingi ng permisong halikan ako. Nang ibaba na niya na ang labi niya ay sinuntok ko ang kaniyang matigas na tiyan. May abs yata kasi matigas, medyo nasaktan pa nga ang kamay ko kase bukol-bukol.

Tsk.

Hindi siya nasaktan pero natigilan siya sa pagtangka niyang paghalik sana sa akin. Napasimangot siya pero hindi na nagpumilit na halikan ako dahil pag once na ginawa niya iyon kahit matigas pa ang tiyan niya dahil abs ay susuntukin ko talaga.

“Grabe ka naman, Babe!”

“Tsk. Umalis kana nga.” Kunyaring galit na sabi ko.

“Tsk.” Pinanlakihan ko siya ng mata.

“Hindi ko pa nakakalimutan ang kasalanan mo sakin, Adrian.”

Napangiwi siya sa sinabi ko.

“Kaya nga magpapaliwanag ako eh.”

“I will hear you explanation first bago ako mag desisyon na patawarin ka.”

“Of course! Pero, we are not officially break, right?”

Waddapak.

“Break na tayo, duh!” He groan for what I’ve said.

Pinakawalan niya na ako dahil hinihintay na ako ng Police na magababalik sa akin sa selda.

Nginitian ko na siya at tinalikuran.

“Magpapaliwanag ako. And we did not broke up! I did not agree! Ang panget nung anak ng kumare nj Mommy, Babe! Mas maganda ka pa rin! I love you!”

Mas binilisan ko na lang ang lakad ko. Namumula na ako sa mga pinagsisigaw niya. Eskandalosong lalake.

Nakakahiya.

Krazy, Drian. Krazy grrr.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status