Share

Chapter 6: Familiar Face

Linggo na din ang lumipas mula nang dumating si Simon dito. Hindi ko alam kung magtatagal siya. Wala din naman siyang nabanggit tungkol doon. Sa mga araw na nagdaan ay hindi kami masyadong nag-uusap. Siguro ay dahil sa ilang at hiya pero kasi busy din siya at mahirap kausapin dahil lagi siyang may kausap sa telepono.

This morning I woke up at five am, earlier than usual. Naisip kong maghanda ng almusal nalang para sa aming apat. Pero nagtimpla muna ako ng kape dahil sobrang lamig ng madaling araw. Palabas na ako ng sala ng makita kong tulog si Simon sa may sofa. Nakabaluktot siya at pinagkakasya ang sarili sa maliit na espasyo.

"Bakit diyan siya natulog?" Bulong ko sa aking sarili.

Nakabukas pa ang laptop niya at ang isang kamay ay nakahawak pa sa keyboard. Kumuha ako ng kumot sa kwarto ko at kinumutan siya. Ang lamig pa naman ngayon, hindi

elreina

I've never been this motivated to write a story. I know this is not the best story you will read but I assure you that my heart and soul are engraved with it.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status