Share

Chapter Five

"Every week ka namang mag-gro-grocery. Bakit ang dami mong binili? Pang isang buwan na yata 'to, tsk." inis na anas ni Storm nang makalabas kami sa grocery store. Tiningnan ko lang sya at hindi nagsalita. Grabe ang kunot ng noo nya. Halos mag-dikit na ang dalawa nyang kilay habang bitbit ang mga groceries na binili ko.

"Let's go home." wika ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi kami pwedeng magtagal dahil magluluto pa ako para sa lunch. Hindi kami nakapag breakfast kanina kaya sigurado akong gutom na rin si Storm. Gusto ko na rin magpahinga pagkatapos nito.

"Hinto muna tayo." ani Storm nang malapit na kami sa parking lot. Huminto ako sa paglalakad at tiningnan sya.

"What's the problem?" I asked.

"Nakakapagod." inis nyang sagot at ibinaba ang bags ng groceries. "Magpahinga muna tayo."

"Malapit naman na tayo." I uttered. "Ako na lang ang mag-bibitbit."

"Kaya mong bitbitin? Itong anim na mabibigat na plastics? Baka mabalian ka ng buto?" he mocked and raised his eyebrow. I felt little bit offended but I didn't speak because I also know that my body is weak and fragile. Kahit isang bag nga ng grocery na 'to ay mabibigatan na ako.

"I'm not that weak." I lowered my voice and looked away. Huminga na lang ako ng malalim dahil alam kong wala akong magagawa. "Sige, upo muna tayo saglit."

Merong upuan sa hindi kalayuan kaya doon kami pumunta at umupo para saglit na magpahinga. Inilagay nya muna ang mga bag ng groceries namin sa gilid para itabi ito. Saka sya umupo at huminga ng malalim. "Ang sakit ng kamay ko."

That made me feel guilty. Kahit sino naman kasi ay sasakit ang kamay kapag binitbit ang mga 'yon. Kapag kasi mag-gro-grocery ako noon, kasama ko si Manong na driver ko at ang panganay na anak nya na si Dexon. Sila ang nag-bibitbit ng mga groceries na binibili ko. But they are not available right now so I can do nothing about it.

Muli kong iniwas ang tingin ko sa kanya. No one dared to speak and start an interesting conversation. Alam ko rin naman kasi na hindi nya ako gustong makausap. And I also know that he's still mad at me because I treated his female friend, Angel, rudely. Ngunit kahit magalit sya, I never regretted treating that girl like that. Totoo naman na sayang lang sa oras ang babaeng 'yon.

"I want ice cream."

Nagtataka akong napatingin sa kanya nang marinig ko ang boses nya. I was surprised because he spoke out of the blue. When I looked at him, he was not looking at me. Sinundan ko agad ang tinitingnan nya para malaman ko kung ano ang ibig nyang sabihin.

Nakita ko ang isang ice cream house. Sikat rin ito sa mall na 'to kaya madalas ko itong naririnig na nababangit ng mga estudyante sa university. Tambayan daw 'yon ng mga teenagers, college students and couples.

My cheek warmed up because of a sudden thought that came up on my mind. Couples. Mas lalo akong napaiwas ng tingin kay Storm para hindi nya mapansin 'yon.

"Pwede kang bumili. Hihintayin kita dito." mahina kong sabi pero alam kong narinig nya 'yon.

"Hindi ka sasama?" tanong nya. Napatingin ako sa kanya dahil do'n.

When I met his eyes, he instantly looked away. "Ang arte mo. Sige, ako na lang ang bibili. 'Wag kang aalis dyan. Tatanga-tanga ka pa naman." wika nya. Tumayo sya saka nagtungo sa ice cream house na 'yon.

Sumandal lang ako sa upuan habang pinapanood syang maglakad papunta doon. Now that I think about it, this day is nice too. Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng medyo mahabang conversation. Everything he say is kinda mean but I don't dislike it. I love hearing his voice. 

Ilang minuto lang ay bumalik na sya dala-dala ang dalawang cup ng ice cream. Hindi ko napigilang magtaka. He likes ice cream that much? Well, I know that he likes eating ice cream pero isang cup lang ng ice cream ang nakakain nya noon. He likes ice cream but not that much because every time he eats too much cold sweets, sumasakit ang ulo nya.

Well whatever. Baka iba na ang gusto nya ngayon. People change and I also know that a lot of things changed about him changed. Baka mahilig na talaga sya sa ice cream ngayon.

"Ubusin mo na 'yan saka tayo umuwi. I can wait a little longer." sabi ko at tumingin sa wrist watch ko. It's now 10:24 am. Ayos lang naman dahil malapit lang naman ang mall na ito sa subdivision namin, pero mas gusto ko pa rin kung makakauwi kami nang mas maaga.

"Eto."

Umangat ang tingin ko sa kanya. Natulala ako nang mapansing ibinibigay nya saakin ang isang cup ng ice cream. Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka. I can't see any expression on his face so I can't read his mind.

"What?" I asked. 

"Kunin mo na." mariin nyang sabi. "I know that you like ice cream. Magmumukha kang tanga kapag ako lang ang kakain. Huwag ka na magtanong at kunin mo na lang. I just bought you one dahil may discount kapag dalawa ang bibilhin."

Mas lalo akong napatulala sa kanya. So he remembered that I like eating ice cream. It's one of my favorite when I was a teenager. Madalas rin kaming nag-i-ice cream noong magkaibigan pa kami at maayos pa ang relasyon naming dalawa. Hindi na ako madalas kumakain no'n but I think I will still like it.

Muling napunta ang tingin ko sa ice cream cup na iniaabot saakin ni Storm. Kinuha ko ito dahil baka mainis nanaman sya kung tatanggi ako.

"Salamat." I uttered. Tinanggal ko ang takip ng cup at saka nagsimulang kumain. Its flavor is cookies and cream, my favorite ice cream flavor. I enjoyed its taste dahil matagal-tagal na rin simula no'ng huli akong nakakin nito.

Storm sat beside me and continue eating his ice cream. Walang nagsalita saamin at nagpatuloy lamang sa pagkain, hanggang sa naubos na namin 'yon. We threw the cup on the trash can at saka nagpatuloy maglakad papunta sa parking lot.

Inilagay ni Storm ang grocery bags sa likod ng sasakyan at ako naman ay nauna nang pumasok sa front seat. I turned on the music player to lighten the mood. Sigurado naman kasi ako na magiging tahimik nanaman ang pag-byahe namin pauwi.

I closed my eyes and leaned. Pero agad ko ring naidilat ang mga mata ko dahil nakarinig ako ng katok sa bintana na nasa gilid ko. I saw Storm and it seems like he's trying to tell me something kaya ibinaba ko ang bintana para marinig sya.

"Wait for me a little longer. Dito ka lang. I'm just going to talk with someone." sabi nya.

Hindi na ako nakapagtanong kung sino ang kakausapin nya dahil bago pa bumuka ang bibig ko ay bigla na syang naglakad paalis. My brow slightly furrowed because of confusion. I heard what he said clearly pero bakit kaylangan ko pa maghintay? Saan sya pupunta?

Because my curiosity is bothering me and making me feel uneasy, lumabas ako ng kotse at hinanap si Storm bago pa sya makalayo. Agad ko naman syang nakita. I was about to walk closer to him but I noticed that he's talking with someone.

Natigilan ako. He's talking to a woman who is wearing a red strapless dress and black high heels. I looked closer at that woman, then I realized that she's one of Storm's friend, the one who named Angel.

Bakit sya nandito?

They are smiling and laughing. Halatang masaya sila sa pinag-uusapan nila.

Napaatras ako ng hakbang at umiwas ng tingin. Why is that girl here? Is that just a coincidence?

Kaylangan ba nila mag-usap kung kaylan pauwi na kami? It's not like they are not seeing each other. Araw-araw nya ngang kasama ang mga kaibigan nya. 

Hindi na ako nag-abalang lumapit sa kanila at bumalik sa kotse. Baka kasi makita pa ako ng babaeng iyon at magkaroon pa ng misunderstanding. Storm doesn't want anyone to know about his relationship with me. Mas mag-aaway kami kapag nangyari 'yon.

Muli na lang akong sumandal at pumikit habang nakikinig ng music sa kotse. I admit that I feel pissed because of what I saw, pero ano ang karapatan kong mainis?

Pero sa totoo lang, hindi naman dapat ako mainis, eh. Storm only see that woman as his friend kahit na alam kong gusto sya ng babaeng 'yon. 

Muntik na ako makaidlip kakahintay sa kanya. Sabi nya saglit lang sya pero inabot sya ng halos kalahating oras. Gustuhin ko mang puntahan at hanapin sya, hindi ko magawa dahil alam kong magkakaroon ng gulo. I already promised myself na hindi ako mangengealam sa personal life nya. And I know that if that Angel see me with him, magkakaroon ng issue at alam kong kakalat agad 'yon sa university.

Patuloy akong naghintay sa kotse. Nakakaramdam na ako ng gutom pero nanatili lang akong naroon at hinihintay sya. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para i-check ang I*******m account ko. I was scrolling down to see something interesting but a photo posted on Storm's account caught my attention.

Binasa ko ang caption ng litratong ipinost nya 3 minutes ago lang.

'Lunch with Angel'.

The two of them were smiling joyfully in that photo. Nakaramdam ako ng kirot sa d****b ko.

I was about to turn off my phone but it vibrated. Someone sent me a message. Agad ko 'yong tiningnan. It was from Storm.

[I already ate lunch. Pupunta pa kami sa karaoke bar. Biglaan. Darating rin ang iba naming kaibigan. Magpasundo ka na lang sa tauhan ng Daddy mo para makauwi ka na.]

I laughed sarcastically as I felt a suffocating pain in my chest. I turned off my phone and bit my lower lip. 

"I guess forcing him to come with me here is a bad idea." I mumbled to myself and sighed.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hira Mika
ang saya na sana ng moment kaso epal yung babae
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status