Share

Chapter 4 (The new guy part 2)

Kanina ko pa pinapa kalma ang sarili ko at baka mapatay ko 'tong nasa tabi ko. Pina tabi kasi ni Sir ang mga pairs para sa project na sinasabi niya at itong isa naman ay kanina pa tanong nang tanong sa akin ng kung ano ano.

"So ano nga? How about favorite foods? Movies? Numbers? Songs?" Tanong nanaman niya. Pero ni isa ay wala akong sinagot sa halip ay nag simula na akong mag sulat dahil ang topic na binigay sa amin ni Sir ay Technology.

Ibinagsak ko ang ballpen na hawak ko at binigyan siya ng masamang tingin. "Ano ba, gusto mo bang matapos agad 'to? Kung oo aba tulongan mo ako! Hindi yung dada ka ng dada diyan." Tumingin nalang ako sa bintana na nasa gilid ko at dinamdam ang malamig na hangin.

'Nag iinit ulo ko dito sa lalaking 'to! Jusko.'

"Wow, big word." Dinig kong bulong niya pero parang sinadya ata nitong antipatiko. Naramdaman niya namang narinig ko at nginisihan ulit ako tsaka nag peace sign. "Relax ka lang. Kung gusto mo nga ako nalang gagawa niyan."

Napa kunot nanaman ang noo ko. Kapag talaga siya ang kasama ko napapadalas ang pag kunot ng noo ko. "Weh? Ang kapal mo naman."

"Akin na nga! Ang bagal mo naman e ang dali dali na ng topic natin e!" Matapang na sabi niya at kinuha ang bond paper na hawak ko. "Holy sheep! Ang ganda ng sulat mo, hoy! Secretary kaba ng school niyo noon?"

Pansin ko ang pagka mangha niya kaya ako naman ang napa ngisi ngayon. "Hindi. Maganda ako e, kaya maganda din sulat ko."

Napa 'Tch' siya at nag simula na ata mag sulat. In fairness ang tahimik niya kapag nag susulat, halatang nag fofocus. Time na siguro na ako naman ang mag aasar sakanya. "Ano nga ulit name mo?" Tanong ko.

"Emrys Haiden." Nag act pa ito na parang may ginuguhit sa hangin. Minsan din parang weird din 'tong taong to e. "Emrys means Child of light, 'yan ang sabi ni Mama."

Kumuha ako ng panibagong ballpen at notebook. "Alam mo kung anong bagay na name para sayo?" Tumingin naman siya sa akin na naka ngiti. "Ito oh." Tsaka ako nag calligraphy sa notebook.

Feelingero. Antipatiko. Sira ulo.

"Hoy. Grabi ka naman." Napa nguso siya which made me laugh. Pero napa tigil lang ako nang bigla siyang tumahimik. "Sobrang ganda mo pala pag tumatawa ka." Biglang sabi niya.

"Oo at sobrang ganda ko kapag nanununtok ako." Iniwasan ko nalang siya ng tingin. "Ano nga ulit meaning ng name mo?" Tanong ko sakanya.

Naramdaman kong iniharap niya sakin ang upoan niya at diretso na akong tiningnan. "Hindi mo naman sinabi na interesado ka pala sakin.. Hmm? Aray! Ang brutal mo naman!"

Binatokan ko siya. "Hindi ako interesado sayo! Feelingero ka talaga!" Diretsong sabi ko.

"E bakit mo tinanong?"

"My name is Adrienne which means Dark lady from the sea." Sumandal ako sa chair ko. "I'm not interested in you so don't assume too much."

Tiningnan ko siya pero ganon nalang ang gulat ko nang makita ko ang pagka mangha sa mga mata niya. "Ang cool ng name mo! Bagay sayo."

"Eh? Bakit?" Tanong ko at napa ngiti.

Tumawa muna siya bago sumagot. "Kasi palaging dumidilim paningin mo pag may ka eye contact kang tao. Feeling ko tuloy pina patay mo sila sa kaloob looban mo."

Babatukan ko na ulit sana siya pero sinalo niya naman agad ang kamay ko at nilapit niya sakin ang mukha niya. "Pero ok lang 'yan. Ako naman si Emrys, The child of light. Handa akong mag bigay ng ilaw sa madilim mong buhay."

Napakagat labi ako sa sinabi niyang 'yon. Alam ba niyang hindi ako natutuwa sa pinag sasabi niya? Antipatiko! Tinulak ko siya ng mahina at inirapan ng bonggang bongga.

Launch break na, and as usual simula nung wala na si Aya ako nalang palagi mag isang kumakain, not until this guy came. "Tara! Dali. Libre kita." Pangungulit na naman niya sa akin.

Mas binagalan ko pa ang paglalakad ko para hindi kami mag sabay. "I have my own money at mas marami pa ang pera ko for sure kesa sayo." I flipped my hair at inunahan na agad siya. Pero ang tongek hinabol ako.

"Hoy! Talaga? Sige tara libre mo ako!" At hinablot niya ang kamay ko saka kami sabay na pumunta sa Cafeteria. "Hi Ate! Order kami ng dalawang pasta tsaka apple juice." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Isang pasta lang Ate, salad nalang yung isa." Sabi ko agad sakanya. "Kung mag tatanong ka naman kung bakit ayaw ko ng pasta, I remember someone kaya iniiwasan ko muna 'yan ngayon." Nag lakad nadin ako papunta sa table namin.

"Alam mo? Feelingera ka din pala e, hindi ko naman tinanong." Nag iinit nanaman ang ulo ko dito sa isang 'to, Sarap pektusin! Oh, help me god!

Nasa tapat ko ngayon si Emrys at tila ang tagal naman ng order namin. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag tingin tingin ng mga pictures namin ni Aya nang bigla siyang may binigay sakin. "Ano 'to?" Tanong ko. Mainit init 'yon at parang ito yung nakita ko kahapon ng hapon na kinakain niya dun sa parking lot. "Ang bango." Amoy pandan?

"Luto 'yan ng Ate ko. We call that Suman." May kinuha din siyang isa at ipinakita niya sa akin kung paano ito balatan pagkatapos ay kinain niya agad ito. Natakam tuloy ako kaya binuksan ko nadin at walang umano'y kinain.

Hindi ko namalayan na agad ko itong na ubos habang yung kay Emrys ay kalahati palang. "Gusto mo pa?" Natatawang tanong niya. Nakakahiya mang aminin pero sa totoo lang ay ang sarap ng lasa nito, may nalalasahan akong tamis at parang gata ng niyog kung hindi ako nagkakamali.

"Meron paba?" Nahihiyang tugon ko. Nagulat nalang ako nang may kinuha siya sa bag niya. 'Ang dami naman nito!' Plano ba niyang patabain 'tong hotty kong katawan? "H-hoy! Teka, Hindi ko naman mauubos lahat 'yan!" Paulit ulit pa akong umiling.

"Sino ba namang nag sabi na uubosin mo 'yan ngayon." Naka tingin lang ako sakanya na patuloy paring nag lalabas ng suman galing sa bag niya. "Nagpa Luto talaga ako kay Ate dahil ibibigay ko 'to sayo! Kung nagugutom ka habang nasa klase hindi ka mahihirapang kumain 'nyan." Siguro nasa twenty five na suman ang dala ng lalaking 'to.

"Ang dami. Hindi ba to na e-expire?" Wala sa sariling tanong ko. Ikaw ba naman may kaharap na bente singkong suman? Tingnan natin kung hindi ka talaga mapapa nganga. "Ang dami talaga. Hindi ko ito mauubos. Sapat na sa akin ang tatlo, salamat."

"Aba hindi! Uubosin mo 'yan. Pwede ding dalhin mo nalang sa bahay mo. May microwave ka naman siguro, mas marap kasi talaga 'yan lalo na kung mainit init tapos paparesan mo ng hot choco!" Naka ngiting sabi niya. Siguro nga dadalhin ko nalang 'to sa Condo, sayang din ang effort ng Ate niya kung hindi ko ito tatanggapin.

Kung kelan nabusog na ako sa suman na bigay ni Emrys ay siya namang pagdating ng order namin. Kaya uminom nalang ako ng Apple juice at si Emrys ang kumain ng order niyang pasta tsaka order kong salad.

"By the way. Iba na ang subject natin this afternoon at hindi pa tapos ang project natin. Gusto mo pa namang ma submit agad natin this Monday." Pag o-open up ni Emrys. "So Ano? You're place or mine?" Nag taas baba pa ang kilay niya at ngumisi.

"Wala pa akong masyadong tiwala sayo so obviously.. my place." Sabi ko agad sakanya at nabigla ako nang umirap ito. May sayad ba siya? Or sadyang sira talaga ang ulo niya? "Hoy. Ang bakla mo tingnan kapag umirap ka! Hindi bagay sa'yo." Seryosong sabi ko pero deep inside I wanna laugh so hard.

"Hayst. Sayang naman, mag luluto pa naman si Ate ng suman." Bulong niya pero alam kong sinadya niya paring ma dinig ko. "Willing pa naman siyang mag turo kung Paano lutoin 'yon."

Tila nag ningning ang mga mata ko sa sinabi niyang 'yon. "I've change my mind. Ang kalat pala ng condo ko and tamad akong mag linis so let's go to your place nalang." Kumagat ako ng suman at tumingin sa malayo pero ramdam ko sa peripheral vision ko na ngumiti siya.

Pagkatapos namin mag launch ay bumalik na kami sa classroom namin. Dalawang subject teacher ang mag tuturo sa amin ngayon, sabi ng isang classmate ko ay yung isa daw na magiging teacher namin ngayong hapon ay 'yong bagong subject teacher daw na bakla at tamad mag turo.

Pumasok na ang first subject teacher namin at wala naman masyadong ginawa, nag take note lang kami sa dinidiscuss niya at natapos din agad. Pumasok na din yung baklang bagong teacher na tamad daw, tama nga sila. He just connected his laptop sa tv at pumili ng movies. Wala daw siya sa mood mag turo.

"Here's my number. Tatawagan nalang kita kung saan tayo mag m-meet and please don't be late. Ok?" Gusto ka nang umuwi at humiga.

Binigay niya naman din sakin ang number niya at nilagay ko naman agad ito sa bag baka mawala ko pa saka ako pumunta sa parking lot para umuwi na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status