Unanticipated Love
Unanticipated Love
Author: _roseandtulips31_
Chapter 1: Meet Her Sister's Boyfriend

Althaea Cassidy's POV

Nagising ako nang maaga dahil hindi na nakatulog pa kaya naman lumabas na ako ng kwarto at pumanhik na sa dining room. Napansin kaagad nila Mom and Dad ang aking presensya kaya't binati nila ako kaagad.

"Pleasant morning, Althaea." sabay nilang saad sa akin at umupo na rin ako pagkatapos.

"Well, you will go later on botique for getting your dress I sewed to our dinner tonight with Greige's parent." Seryosong saad ni Mom subalit sinubukan ko sanang mag-react ukol dito subalit nawalan ako ng lakas ng loob. Kilala ko si Mom hindi magpapatalo.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na sila upang pumasok na sa opisina at ako naman naligo bago magpunta ng mall. Nag-ayos ng sarili pagkatapos lumarga na rin hanggang sa narating na ang nasabing mall at pumasok sa isang botique. Nagbayad saka kinuha ang pinatahing dress ni Mom. Nagpalipas lamang sandali saka ulit umuwi ng bahay upang paghandaan ang magaganap mamaya.

Pagsapit ng alas-kwatro ng hapon, hindi pa rin ako mapakali tungkol sa mga sasabihin at gagawin ko mamaya kapag nakaharap ko na sila. Huminga ako muna nang malalim saka isinuot ang dress na pinatahi ni Mom.

Ngayon nakikita ko na sa salamin ang reflection ng aking kakambal, wala na ang mukha ni Althaea, napalitan na ng bago. Isang sophisticated woman ang makikita ko ngayon, wala na ang simpleng babaing nanatili lamang sa tabi ng kapatid para hangaan ito sa mga naging achievements sa studies. I am starting to hate myself now but I have no choice. Nandito na ako, hindi na pwede ako umatras pa.

Napag-isipan ko na ring lisanin muna ang silid dahil sigurado hinihintay na nila ako sa baba. Huminga ako ulit nang malalim bago binuksan ang pintuan bago ito isinara. My parents look amazed when they saw me walking down upstairs.

"Wow so  beautiful, Althaea. You appeared like your sister.” As my mom complimented pero pinupuri niya ako dahil nakikita niya sa akin si Athena. Alam kong labis pa rin siya nalulungkot sa nangyari sa kakambal ko.

"Yeah, honey. We have no longer a problem regarding this more particularly kay Greige kapag hinanap sa atin ang girlfriend niya. Here our second daughter, Althaea Cassidy Muestra, the exactly like Athena Zerene Muestra." Papuri rin ni Dad bilang pagsang-ayon rin sa sinabi ni Mom, kapwa tinatago nila ang kalungkutan na nararamdaman sa ngayon. Pero kahit papaano makakahinga na sila nang maluwag dahil sa akin.

Di nagtagal nakarating na rin kami sa ni-reserve na resto ng boyfriend ni Athena na kakarating lang raw galing Amerika. So I have no idea na nakauwi na pala siya, kung di pa nabanggit sa akin ni Dad. I didn’t receive any text messages from just to update me na nandito na siya sa Pilipinas. He is very irresponsible. What kind of boyfriend material he is? Hindi man lang nagpasabi, ‘oh hi babe na nandito na ako sa Pilipinas. I miss you’, ganon di ba? Pero wala eh. Napapaisip na lang ako kung ano nakita sa kanya ni Athena, akala ko ba talaga matalino itong kakambal ko. Sa umpisa pa lang nakaka-dissapoint na ang ugali ng Greige na ‘yan. Mabuti na lang hindi ganoon si Zen kaya napakaswerte ko naman talaga sa kanya kaya hindi na ako maghahanap pa ng ibang lalaki. Siya na talaga ang para sa akin panghabambuhay.

Bumungad sa akin ang napakandang restaurant. Actually, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase eh. Kahit sa Manila, nalibot ko na ang mga lugar at nakakain na kami sa iba’t ibang restaurants pero itong napuntahan namin kakaiba ang ambience niya. Nakabrickstyle ang wall designs nito na pinagsamang red at pink, tapos may mga nakasabit na artificial fruits sa bawat ceilings at umiilaw ang mga ito pati mga puno at damo ganun din. Pero kahit hindi sila totoo ang sarap pa ring pagmasdan.

Mga ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa reserved seats at sabay-sabay na rin kaming nagsiupuan. Nag-order lang muna si Dad ng drinks habang naghihintay sa kanila. Maya-maya pa ay bigla na lang napa-angat ng tingin si Mom mula sa pagkakatitig sa kanyang phone.

"Papunta na raw sila rito." Saad ni Mom kaya naman inayos ko ang sarili at muling huminga ng malalim para mabawasan ang kaba na nararamdaman.

Mga ilang sandali pa ay dumating na sila kaya nagsitayuan muli kami. Pinilit kong maging kalmado pa rin hanggang sa nakalapit na sila sa kinororoonan namin. Nagbeso-beso muna sila saka sumunod na rin ako. Bigla akong hinalikan sa pisngi ng boyfriend ni Athena kaya medyo nagulat ako.

Umupo na rin kami sabay-sabay saka umorder na rin ng makakain. Masasarap pala pagkain dito ah. Maya-maya dumako ang paningin ko sa isang pangalan ng pagkain, bigla tuloy ako natakam kaso hindi ito yung paboritong kainin ni Athena, alergic kasi siya sa shrimp at hindi rin siya mahilig sa pasta kaya no choice ako kundi yung paborito niyang sisig. Nang makapili na ako hindi ko maiwasan lingunin sila at napansin kong wala pa sila napipiling pagkain.

Pagkaraan ng ilang minuto, nai-served ang mga pagkain namin at hindi ko naiwasan tignan ang napiling pagkain ng boyfriend ni Athena, pasta kasi yung sa kanya. Hindi ko akalain na parehas rin pala kami ng gustong kainin.

Agad namang binasag ng katahimikan ni Tita Marcela dahilan para lingunin ko siya.

"It seems you’ve changed a lot, Athena! Since our son Greige went to United States." Panimula nito saka muling nagsalita. ‘’Then parang umitim ka ng kaunti kaysa dati eh….” Dagdag pa nito habang napapaisip kaya napalingon sa akin si Mom. Ngumiti lang din ako bilang sagot.

"Napapadalas na po kasi ang paglabas ko ng bahay, Tita Marcela." Pagsisinungaling ko na lang din dahil sa katunayan niya ay hindi ako kaputian katulad ng kay Athena. Iyon ang isa sa mga bagay na nakikita na magkaiba pa rin kami kahit carbon copy ang itsura naming dalawa.

"Ah I see but I think it is much better that you are now going outside kaysa lagi ka lang nagkukulong sa bahay at sa mall lang nagpupunta." Nakangiting sabi nito sa akin habang abala sa paghihiwa ng karne sa plato.

"Oo nga po." Nahihiya kong sagot dahil hindi ko pa rin maiwasang kabahan sa ganitong eksena parang gusto ko na tuloy gumawa ng teleportation dito para makaalis na ako.

"Don’t worry dear maganda ka pa naman eh kahit nagbago ang kulay mo. Aside from that, mukhang pinaghandaan mo nga yung pagdating ng anak namin." Napatitig siya kay Greige nang nakabungisngis, ganoon din sila Tito, Mom and Dad.

"Mama naman." Pagtanggi pa nito na hindi pa niya nagagawang lingunin ako. Bakit ko nga pala aasahan ‘yon? Saka ganyan naman talaga siya walang care sa girlfriend niya, asa pa.

"I am right, Wexford. Why you don’t’try to lean on your girlfriend and to see that I am not kidding!" Muling dagdag pa nito. Hindi ko rin akalain na ganito ang Mama ni Greige, mapagbiro di tulad ni Mom na masyadong seryoso.

"It’s been so long when the last time you meet each other and Athena used to visit you rarely because she has something else to do to herself that’s why." Depensa ni Mom sa akin na ikinaluwag naman ng aking pakiramdam dahil hindi ko na talaga alam ang mga sasabihin ko kung tama pa ba o mali na.

“I think we should talk about the business contract between your company and ours.” Bigla singit na lang din ni Tito Enrico. Mabuti nga ‘yon at naibaling sa iba yung conversation. Pinag-uusapan nga nila ang tungkol sa pagsign ng agreement kaya isa rin ‘yon sa dahilan kung bakit nagkita kami ngayon.

"Ang tahimik mo ata ngayon." Napalingon na lang ako sa isang lalaking nagsasalita mula sa pakikinig ko sa usapan ng mga parents namin. Nakaseryoso ang mukha nito at halatang hindi siya mahilig ngumiti. Tinititigan ko lang siya saka ako muling nagsalita.

“Ah ga---noon ba?” Nauutal na sagot ko. Ano ba ‘yan self, umayos ka nga!

May parteng nainis ako sa sarili ko dahil sa kapalpakan. Pinag-aralan ko na rin naman ito ng mga ilang araw kaso kapag sa actual hindi maiwasan ang kabahan at magkami pero sana wala siya mapansin sa akin na kakaiba.

"Hindi lang siguro makasabay ngayon kasi maraming iniisip." Pagsisinungaling ko na lang ulit.

"Really?" Hindi makapaniwalang saad niya habang nakatitig pa rin siya sa akin kaya ang ginawa ko nanatili rin ang mata ko sa kanya para malabanan ang nerbyos na aking nararamdaman. Gusto ko kasing ipakita na walang mali sa aking kinikilos.

"Dati kasi hindi ka naman ganyan katahimik lalo na kapag kausap mo si Mama at Papa." Seryosong sabi niya saka siya muling sumimsim ng kanyang iniinom.

“I am sorry pero magulo lang kasi isip ko.” Paliwanag ko ulit at di na siya muli nagsalita, nakisingit na lang din sa usapan ng mga parents namin.

Maya-maya pa ay nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta ng comfort room. Gusto ko lang muna i-refresh ang sarili kahit sandali. Tatayo na rin sana ako nang may pumigil at humawak sa aking braso.

"Sasamahan kita." Presinta ng boyfriend ni Athena pero tumanggi ako. Nagpupumilit rin siya kanina pero wala siyang nagawa kundi hayaan lang din ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status