Share

Chapter 2: Date

Narito ako ngayon sa kusina kasama ang ibang maids namin sina Ate Daisy at Yaya Helena, para tulungan na rin sila maghanda at maghain ng mga pagkain.

"Ikaw pa rin si Althaea na kilala namin dati." Bungad ni Ate Dai sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon. "Ibang-iba ka sa kakambal mo." Dugtong pa nito.

Napag-usapan nga namin tungkol sa aming nakaraan ng kakambal ko at ng aking magulang. Inamin ko sa kanila ang aking tunay nararamdaman. Bakas sa akin ang pagkainis sa kanila.

"Ano ka ba, iha. Mahal ka ng mga magulang mo." saad ni Yaya Helena. "Huwag mong sabihin 'yan. Baka may dahilan lang sila kung bakit. Talikuran mo na iha ang hindi magandang nararamdaman mo sa inyong magulang at kapatid." Paalala at advice sa akin ni Yaya pero hindi pa rin ako kumbinsido dahil sa sakit rin naranasan ko. Hindi gaano kadali pero pinilit ko lang ngumiti sa kanila pagkatapos.

Magsasalita na sana si Ate Dai nang biglang tumunog ang cellphone ni Yaya. Tinignan niya ito muna saka sinagot ang tawag.

Sobra aking pagtataka kung bakit narito ang lalaki na 'yon, maya't maya nakapasok na siya ng kitchen at binati lahat ng narito pagkatapos niya ako batiin.

Nagtatalo kami dahil hindi ko alam kung bakit siya narito. Nasabi naman niya na may pupuntahan raw kami pero hindi pa rin sapat sa akin ang lahat kaya tinanong ko siya ulit hindi pa niya sinasagot hanggang sa tumakbo siya patungong kwarto ko na aking kinagulat.

"Papasukin ko na itong kwarto kapag nagtanong ka pa."  Maotoridad niyang saad subalit hindi ako nagpatinag. Pumasok sa isip ko sina Mom and Dad, pumayag kaya sila rito.

"Pumayag na ba ang parents ko dito sa pag-alis natin?" Tumango lang ito bago muling magsalita. "Kaya maghanda ka na baka gabihin pa tayo sa daan." sabi nito saka na naglakad palayo sa kinaroroonan ko.

Kinuha ko lang yung mga bagay na talaga kailangang dalhin at pagkatapos nagbihis ng royal blue hanging blouse at tinernohan ng naka-porta dots na square pants na design. Pagkatapos, lumabas na rin ng kwarto at bumungad sa akin si Greige na siyang nagpresintang magdala ng aking gamit.

"Saan nga pala tayo pupunta? Siguro masasagot mo na ang tanong ko.” Giit ko nang makapasok na kami sa isang SUV na sasakyan namin.

"Sa Haraya Beach Resort tayo pupunta." Diretsa niya ng tanong kaya napatango na lang din ako at di nanagsalita pa.

Hindi maiwasan sumagi sa isip ko yung moment na magkasama kami ni Zen habang ako ay nakapikit lang sa kawalan. Sobrang nami-miss ko na siya.

"Nandito na tayo." Nagulat na lang ako at napalik-mata nang magsalita si Greige. Napatingin muna ako sa labas ng sasakyan, napamangha ako sa aking nakikita rito. Isang white sand beach ang napuntahan namin. Di gaano mainit ang panahon kaya masarap sa pakiramdam malanghap ang hangin na nagmumula rin sa dagat. Bumababa na kami pagkatapos at si Greige na rin ang nagpresinta magdala ng mga gamit namin.

Mabilis kaming nakapasok ng hotel dahil may reservations na pala kami rito. Mabuti nga ‘yon para makapagpahinga muna ako mula sa biyahe. Malayu-layo rin ito sa bahay. Nang makarating na kami sa labas ng room assignments namin, inabot sa akin ni Greige ang susi ng para sa akin. Nginitian ko lang siya ng pilit saka na rin pumasok sa loob subalit natigilan nang biglang lumapit siya ng bahagya sa akin, dahilan upang mapaatras ako hanggang sa makadikit na ang likod ko sa pader.

Hinalikan niya lamang ako sa noo pero sobrang nagulat pa rin sa ginawa niyang ‘yon.

“Ahmm, mi cielo papasok na ako….” Naiilang kong tugon sa kanya at napansin kong napangiti ito. Biglang napakunot ang aking noo sa kanyang reaksyon. Kailangan kong magpakita na interesado ako sa kanya dahil nagpapanggap akong si Athena saka ganito siya ka-sweet sa boyfriend niya.

“Salamat, muli akong tinawag sa endearment natin. How I miss it, mi cielo!” Nakangiti pa ring saad niya. “Ito muli iyong hinihintay ko para lambingin mo ako ulit.” Mas lalong naging maaliwas ang kanyang mukha na ikinapagtaka ko naman. “Ok na ba?”

Tanging tango lang ang naging sagot ko at pinisil ko lang siya sa matangos niyang ilong kaya namula ito.

“I’m glad that you already forgiven me. Thank you so much for being understanding.” Saad niya at napangiti lang din ako. Hindi ko ikinala na may tinatagong ka-sweetan ang isang ‘to.

“Thank you dahil naging maunawain ka na ngayon di gaya dati kaya parati na lang tayo nag-aaway dahil parati ka rin kasi nagseselos.” Medyo nagulat nga ako sa huling sinabi niya. I can’t deny that Athena is usually a demanding and jealous woman.

Pagkatapos ng usapan namin, hinayaan na rin niya ako makapsok sa aking silid kasabay ng aking mga gamit. Pumunta kaagad ako ng kwarto at nahiga, sinubukan muling tignan ang mga pictures nina Greige at Athena sa gallery hanggang sa dinalaw na rin ng antok at nakatulog.

Nagulat na lamang ako nang may marinig akong paulit-ulit na pagkatok ng pinto. Dali-dali ko itong buksan at bumungad sa akin si Greige.

"Bakit ang tagal mo buksan ang pinto!" Naiinis na bungad nito sa akin. Hindi ko rin talaga ma-gets ang ugali ng isang ito pabago-bago. Kanina lang ang sweet ngayon balik na nanaman sa pagiging sungit mode niya.

"Kakagising ko lang po kasi." Paliwanag ko sa kanya habang napapakamot na lang din sa sentido.

Nabigla na lamang ako nang hilahin niya ang mga braso ko palabas ng silid at mabuti na lang automatic itong nagsasara. Hanggang mapunta kami na kung saan maraming pagkaing nakahain na.

"You may now take a seat mi cielo." Umupo na rin ako pagkasabi niya sa akin.

"Do you like it?" Agaran niyang tanong habang nakatitig na siya ngayon sa aking mga mata kaya kaagad akong umiwas. Pero muli ko siyang nilingon at napaestatwa ako dahil sa kakaiba niyang tingin sa akin. From his attractive eyes, hindi ko maiwasan usisain ang mga ito. May time napapakurap ako sa pagtitig dahil sobrang nakakaakit ang pagtitig niya na parang hihilahin o hihigupin niya ako palapit sa kanya. Napakalakas talaga ng charisma ng isang ‘to eh kaso napapatungan ng pagiging masungit.

Napabuntong-hininga na lang ako sa aking iniisip at iwasan na ang pagtitig sa kanya. Hindi ako mai-inlove sa isang lalaking niya dahil may ibang nagmamay-ari ng puso ko kundi si Zen.

"Ganyan ka na ba talaga ka-inlove sa akin noh?" Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Hayan nanaman siya, hindi ko alam kung may bipolar disorder ang isang ‘to.

"Feeling mo naman. Hindi ahhh." Pagde-deny ko na lang. Ang lakas din pala makapang-asar ang isang ito.

"Huwag ka na magdeny diyan dahil patay na patay ka naman sa akin eh! Sa gwapo at yaman kong ito, talagang lalo ka pang mahuhulog sa'kin." Pagbibida pa niya kaya mas lalo naman ako na-intimidate sa kolokoy na ‘to.

"Grabe ang hangin naman, Greige.” Sarkastikong tugon ko. “Lakas rin naman talaga ng tama mo noh?”

"Hahaha hay nako mi cielo, Athena." Natatawa pang tugon niya.

"Yabang!" Saad ko sa kanya saka muling nag-focus sa aking kinakain.

"Hindi mo lang kasi magawang aminin." Natatawa pa ring saan niya. Whatever!

"Masyadong mataas talaga ang confidence sa sarili mo noh?" Muli kong saad habang patuloy lang siya sa pagngisi.

"Bakit hindi ba totoo na head over heels ka sa akin?" Dagdag pa niya. Ibang klase talaga ang lalaking ‘to, ang taas ng tingin sa sarili.

"Hindi." Biglaan at hindi mapigilan na sagot ko dahilan para mawala ang mga ngiti niya sa labi. Naka-offend ba ako? Nako dapat hindi iyon ang sinagot ko, hays.

"Bakit? May iba na ba?" Seryoso niyang tanong kaya hindi na rin ako mapakali sa aking inuupuan.

"I have noticed that you are so cold to me now unlike before that you are so sweet." Muli niyang saad at umiwas na rin siyang tumititig sa akin.

"Hindi naman sa ganun….Nabigla lang ako, ok? I am….” Magso-sorry na sana ako nang biglang nag-ring ang cellphone niya kaya naiwan muna niya ako rito. Sampung minuto pa bago siya nakabalik ulit pero naging iba na ang timpla ng kanyang mood.

"Who called you?” Tanong ko kaagad pero hindi na siya tumitingin sa akin. Halatang nasaktan ko siya sa naging sagot ko. Akala ko rin kasi hindi niya seseryosin ang sinabi ko.

"My secretary." Maikli niyang sagot saka lang niya tinuloy ang pagkain.

"Mi cielo?" Paglalambing kong saad hindi pa niya rin ako nililingon. "Sorry sa nasabi ko kanina ah. It is not my intention to hurt you.” Dugtong ko.

"Magpahinga na tayo bukas na lang." Walang gana niyang sagot saka siya naglakad palayo sa kinaroroonan namin. Seriously, iniwan niya talaga ako ah. Malamang kapag ganito masasaktan nito si Athena.

Pagkarating ko ng kwarto, biglang naging palaisipan sa akin ang naging sanhi ng pagkaaksidente ng kakambal ko. Di kaya may malaking kinalaman nga talaga sa relasyon nila ang nangyari? Iyan ang nais kong malaman kaya hindi ako titigila hangga’t di ko nalalaman ang totoo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status