Share

Chapter 14: Love Hurts

Dinig na dinig ko ang hiyaw ng mga tao. Pinag-uusapan rin silang dalawa ng mga tao.

"Bagay na bagay nga sila. Nakakakilig." saad ng isang babae na malapit sa aking kinaroroonan. "Gwapo saka maganda." kasabay ng pagtili ng limang magkakasamang mga babae na dahilan para mag-iba ang aking pakiramdam.

Maya-maya nagsimula na silang kumanta. Isang pamilyar na awitin ang aking naririnig. Buwan by Jk Labaho.

Ako sayo'y, ikaw ay akin.

Ganda mo sa paningin.

Ako ngayo'y nag-iisa.

Sana ay tabihan na.

Inaawit niya iyon habang nakatitig kay Athena kaya't di ko maiwasan ang mainis pero kailangan pigilan ang sarili. Di pwede ako gumawa ng gulo dito. Masisira ang aking reputasyon at mawawala ang tiwala sa akin ni Papa.

Kaunti na lang babagsak na rin ang aking luha sa nakikita ko. Ang sakit lang na nakikita ko siyang nakangiti pero hindi ako ang dahilan. Huminga ako nang malalim at sinubukang panoorin sila baka sakali

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status