Share

KABANATA 1

“Nanay aalis ka agad?” malungkot na tanong ni Vince.

“Oo ‘nak eh, sorry, hayaan mo babawi si nanay next time. Bye bye!” sabay halik sa noo nito.

 Tulog pa ang kambal nito dahil sa kakapanood kagabi ng barbie na siya ring nagpapuyat sa akin. Naku siguradong late ako nito sa trabaho ko ngayon. ‘Di ko rin matanggihan dahil alam bihira ko lang din silang makasama.

 Napatingin ako sa relo ko at napagtantong na 30 minutes na akong late sa trabaho kaya sigurado akong nagsisimula na ang mga iyon na mag agahan kaya lalo kong pinabilisan ang tricycle dahil nakakahiya naman na unang araw sa pagbalik nila ay agad akong late. Dali-dali kong tinakbo ang backdoor at dahan-dahan akong pumasok ngunit ‘di ko inaasahan na andun si chance at umiinom ng tubig.

 “Late employees shouldn’t be tolerated, hindi namin kayo pinapasweldo para maging batugan sa trabaho. Better be responsible next time.” Ani nito sabay alis.

Napakagat labi ako sa kahihiyang natamo. Actually, ngayon pa lang naman ako na late. Alam ko naman na mali ako pero nasasaktan ako dahil naging babala na rin iyon sa ibang kasambahay. Kung sana ay alam niya lang na mga anak niya ang dahilan kong bakit ako nahuli sa trabaho.

“Okay ka lang girl? Laki na ng piangbago ni sir noh? Dati naman diba super caring niya sayo ah,” she worriedly said.

“Dati totoy pa ‘yun noh Ivy,” sabi rin ng isang kasambahay.

“Totoy pero naka dalawa agad.” Napabuntong hininga ako sa bulong ng ka edad ko, hindi ko naman kinumpirma dati noong nagtanong siya pero mukhang may alam nga siya.

Dali akong umalis sa hagikgikan nila. Kung dati ay okay lang sakin ang mga tudyuan nila pero ngayon ay hindi na. Siguro dahil sa tagal narin ng panahon. Tsaka may kanya kanya narin kaming buhay.

FLASHBACK 

 Paalis na sana ako para sa susunod kong trabaho ng aksidente ko siyang narinig na nakikipag-usap sa cellphone. And based on his expression I think he’s a little mad. Bigla niyang binato ang cellphone niya at sa hindi inaasahan ay tumilapon ito sa harap ko.

 “Ah Chance is everything okay?” medyo alangan na tanong ko.

 Matalim niya akong hinarap at tiningnan.

 “Chance? When did you have the guts to call me like that? As far as I remember I’m one of the bosses here, so better call me sir. Know your place bitch.” He angerly said.

I can’t help but to let my tears fall from my eyes. I forgot that I don’t have the right to call him like that anymore. He's not mine to begin with. Ang laki na nang pinagbago niya, kung dati ay halos ayaw niya akong mawalay sa tabi niya ay ngayon naman halos ‘di ko na siya makilala.

 I remember him being clingy with me. I was 16 and he’s only 12. Katulong kasi ang mama ko at driver naman si papa sa kanila. Hes very spoiled to everyone especially to his mom and dad, siguro every time na may hihilingin siya ay ibibigay agad. Ako rin kasi ang pinaka personal maid niya dahil masyado siyang maarte pero syempre pinapaaral rin ako ng mom at dad niya.

I’m always annoyed with him because even with my mama and papa ay pinapaboran siya.

Kaya lagi akong pinakikiusapan nina mama at papa na pagtyagaan nalang raw, ‘tsaka pa’no ba naman ako makakatanggi aber, eh lagi akong tinatakot na ipapatanggal niya sina mama at papa. So pano na kami niyan diba? 

I remember one-time mag outing sana kami ng mga kaklase ko, pinayagan rin naman ako nila ma’am at magulang ko. Pero bigla na lamang siyang nagkasakit sa araw na iyon kaya wala akong nagawa kundi manatili sa tabi niya.

 “Hija, Im very sorry, pero mukhang kailangan talaga ni Chance ng mag-aalaga dahil sa taas ng lagnat niya eh. Hayaan mo, I promise next time na di kana maaabala sa school activities niyo. I already talk to your adviser and she understand naman.” Pakiusap ng mommy niya sa akin.

“Okay po,” malungkot na sambit ko at dumiritso na sa kwarto niya.

Naabutan ko siyang tulog kaya kinapa ko ang noo niya at mainit talaga siya. I wonder kung pa’no nagkasakit to eh nasa loob lang naman to ng kwarto kahapon. Nasasayangan tuloy ako sa beach dress ko kaya naupo nalang ako sa sofa at nilibot ang mata sa bawat corner ng room niya.

“I told you, you can sleep here in my room ate. I know how much you love how I design my room. We can share the bed naman because it’s enough for 5 people.” He offered.

“Sure Chance, pero hindi sa gabi noh. Walang kasama sina mama at papa sa bahay.”

“By the way you look beautiful in that dress ate.” Ani’ya agad tumalikod.

“Naku thank youuu, ikaw talaga pakiss nga.” Sabay kurot at halik sa pisngi niya.

 “Tara lets sleep na nga lang muna.”

“Alam mo kahit annoying ka, I’m still happy to be with you kasi tagal ko na gustong magkaroon ng sibling kaso ‘di na raw pwede sabi ni mama.” I said dramatically.

“I really like you, ate.” Sambit niya pero 'di ko na masyadong narinig dahil sa antok ko. 

Naku asan naba kasi ang batang ‘yun, ma la-late pa ata kami sa school. Naiinis na ako sa kahihintay sa kanya dito sa sasakyan.

“Kuya wait lang po ah, pupuntahan ko muna si Chance ang tagal na kasi eh.” I said, at pumasok ulit para gisingin si Chance.

Mabigat sa kalooban kong nilalakad ang kwarto niya para katukin at palabasin siya pero mukhang ako ang nasurpresa dahil nakita ko itong tulog pa. 

“Chance wake up, we’re gonna be late.” I firmly said.

“Just 10 minutes.” He said.

“Ano ba, I’m so tired of this set up na. Everytime kailangan kong mag adjust, pa’no naman ako. My studies is not in a good shape right now because I’m always late. Kapag hindi ka pa bumangon diyan, I will ask your mom to get you a new maid who will say yes to all your whims.” Tiim kong saad sa kanya saka umalis na.

“Ano Ivy wala pa ba si Sir? Gusto mo ihatid muna kita at balikan ko nalang siya? 20 minutes na kayong late eh.” Pampagaan ng loob ni kuya Danny sa akin.

“Salamat nalang kuya Danny, antayin nalang natin tutal late na rin ako eh.”

Siguro after 5 minutes ay nakita ko na siyang tumatakbo papunta sa sasakyan kaya agad na rin kami umalis. Nauna akong bumaba sa garahe ng school at mabilis na tumakbo. Ayoko nang intayin ‘yun dahil medyo nanggigigil pa ako.

Ring…ring…ring…

“Class dismiss.”

“And Miss Finama, follow me on the office.” He strictly said.

‘Di na bago sa’kin ang ipatawag sa office lagi, sanay na ako. Ayon naatasan pa akong linisin at ayusin ang bodega para sa punishment, buti nga hindi sa may cafeteria dahil mas nakakahiya ‘yon. Siguro nagsawa na rin ata sila sa kapapatawag sa’kin dahil pa ulit-ulit ko rin namang ginagawa. Grabe lunch time na pala tapos ‘di pa pala ako nakabili ng pagkain, ang layo pa naman ng cafeteria sa bodega, may isang piraso naman akong biscuit dito pwede nang pag tyagaan.

I already finish my last bite nang biglang may pumasok na dalawang babae at may tig dalawang tray ng pagkain. Napataas ang kilay ko ng nakasunod pala si Chance sa likod.

“Let’s eat.” Aniya sa harap ko pero diko parin ginagalaw ang pagkain.

“I’m sorry okay, I never thought na may ganito pala. Maybe your right, I never take it seriously before kasi kahit araw-araw akong late ay di naman nagalit ang mga teachers ko sakin. I promise to wake up early everyday starting tomorrow.”

I didn’t talk to him, tahimik lang kami na kumain. Hindi naman talaga siya papagalitan dahil tito niya ang may ari ng school, pagkatapos naming kumain ay pinakuha na agad niya ang mga pinagkainan namin. Nagpaalam siyang umalis pero hindi ko pinansin. 1:30 na pero nagulat ako nung dumating si Aling Elsa at si Kuya Danny para palitan ako sa trabaho ko.

Ayoko sanang pumayag pero pagagalitan raw sila kapag hindi daw ako sumunod, saka tumawag rin si Sir na excuse na raw ako buong araw at pwede nang umuwi. ‘Di na rin ako umalma dahil sobrang pagod na ako. Feeling ko sisiponin pa ako sa dami ng alikabok na nahakhak ko, kaya pagkadating ko sa bahay ay natulog agad ako.

Naalimpungatan ako dahil sa paggising ni mama sa akin para kumain na, tapos na raw sila kaya sabayan ko nalang daw si Chance sa baba, gusto raw akong hintayin. Pagkababa ko ay nakita ko siyang prenteng nakaupo sa maliit na sala habang nanonood ng TV, tumayo siya nang maramdaman niya ang presensiya ko.

“Good evening, you haven’t talk to me yet, so I came here.” He said, at sumunod sa akin sa kusina.

Feel at home talaga ‘tong batang ‘to sa bahay, wala kasi akong kapatid kaya kahit sina mama ay lagi siyang dinadala at inaasikaso sa bahay namin noon. Ang tahimik namin kumain grabe, kaya kalaunan ay pinatawad ko na siya. Nag presenta siyang maghugas pero syempre ‘di ako pumayag ‘nung una, aniya pambawi nalang daw niya. Ang ending ako lang rin ang tumapos kasi mukhang mas nahihirapan pa ako sa kapapnood sa kanya na ‘di naman pala marunong.

9 pm dumating na ang sundo niya kaya sina mama na ang naghatid sa labas, baka mahamugan pa raw ako.

“Sige pa at ma, alis na po ako.” Paalam niya.

“Ingat ka anak, naku dati dito ka panga natutulog katabi ang ate mo eh.”

“Oo nga po, hayaan niyo sa susunod matutulog po ulit ako dito.” He said to my mama.

“Oh siya, tumulak na kayo baka mas lumalim pa ang gabi delikado sa daan.” 

Nakita ko siyang sumulyap sa bintana ng kwarto ko, at maya-maya ay may na received akong text.

“Goodnight ate, see you tomorrow.”-CHANCE

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status