Share

Chapter 1

SANYA

"You broke the customer service rules, shouted at the customer and you even use profanity! What a great way to end your shift, Sanya!" Nanggagalaiting sigaw ni OM. Nakarating na sa Vice ng Account ko ang nangyari at ayoko ng sabihin pa ang nangyari dahil sobrang nakakahiya.

Nahihiya nga ako pero ewan ko! Kasalanan ko bang di manggalaiti?

Sanay na akong minu-mura ng customer, but the thing is that di naman ako ang mali. Sinong sabog at tanga ang tatawag sa isang Telco compay para bumili ng alak?

Ano siya, naka-drugs?

"Isang oras mahigit na lang yung shift mo, di mo pa ginawa ng maayos!" singhal niya. OM is really stress about the action that I did. Naupo ito sa upuang nasa harap ko saka ako nilingon. "Alam mo ang pwedeng consequences ng ginawa mo. Papel yan, Sanya. Alam mong number 1 rule yan. I can't do anything if the higher ups wants you out of this company."

Kinabahan naman ako bigla. Mawawalan ako ng trabaho?

"OM, hindi ba pwedeng suspension?" sambit ko na puno ng pagmamakaawa. "Di ko naman sinasadya, eh."

Napailing siya. "Di ko alam, depende sa customer na kinausap mo." napabuntong hininga siya bago muling sumagot. "Lalo na isa siya sa Major shareholder ng EXIV at ang may-ari ng Sytel."

Napanganga ako dahil sa narinig.

Ano raw? Siya ang may-ari ng...

What?

Nag-stay muna ako sa pantry area habang inaantay ang tawag or text sakin ni Coach tungkol sa pag-uusap nila. The Vice President already contacted Sir Justin Cordova for the damage I have made and will ask for the immediate action for my behavior. At ako naman ay kinakabahan dahil sa maaring mangyari.

What if ipatanggal niya ako?

What is ipa-banned pa nila ako sa ibang BPO companies?

Nalungkot naman ako sa mga bagay na pinag-iisip ko. Nahihirapan pa rin until now ang magulang ko financially. Hindi pa ako pwede mawalan ng trabaho, kailangan pa nila mama at papa ang tulong ko.

If I have to beg for that guy to forgive me and give me second chance, gagawin ko.

While sitting on one of the chairs here on pantry area, my mind were clouded with negative thoughts and regrets for my action. Sana pala hinabaan ko na lang pasensya ko. Sana pala di ko na lang pinansin yung antok na nararamdaman ko. Edi sana hindi ako namo-mroblema ngayon.

Napapitlag na lamang ako at nagising sa sobrang lalim na pag-iisip ng mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko naman ito agad at binasa ang mensahe na pinadala sa akin ni coach at doon ay nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.

Ang resulta ay pinauwi muna ako ni OM at tatawagan na lang kung papayagan na ako pumasok. OM was able to cover me up and I got 2 weeks suspension. No work, no pay.

Napahinga ako ng malalim. P*nyemas na antok kasi ito, pinainit agad ang ulo ko.

Sinong matino nga naman namumurahin ang isa sa nagmamay-ari ng pinagtatrahuhan ko?

Sumakay ako sa shuttle kung saan ay dadalhin ako sa sakayan pauwi sa amin. Wala kasing direktang bus na dumadaan sa site namin kaya ayon, kailangan pang maglakad o sumakay. Luckily, our company is thoughtful enough for its employees para mag-provide ng shuttle service na ito.

Basta hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho. Kung kinakailangan talaga na humingi ako ng tawad sa lalaking yon ay gagawin ko.

Kahit na bibwisit pa rin ako sa kasabugan niya. Tsk

Pagkarating sa sakayan at mabilis din akong nakasakay ng bus pauwi samin. Pagod at inaantok na talaga ako, pero di ko magawang makatulog.

May trabaho pa kaya akong aabutan pagbalik ko?

**

"The well known business tycoon whom we know currently residing at New York City with his luxurious condominium unit is going to have its vacation here in the tropical country of the Philippines. Mr. Cordova's personal secretary, Mr. Lee said that there is just some business that Mr. Cordova need to do." Tumigil ang nag-re-report at nagtatanong ang matang tumingin sa kamera. "How important would that business be? To think that Justin Cordova personally came to this country."

Laman ng balita ang lalaking minura-mura at sinigawan ko lamang, two weeks ago. Nasaan nga ba ako? Ah eto, nasa harap na naman ng monitor at tumatanggap ng tawag.

After a week, nakatanggap ako ng tawag mula sa OM ko na I am okay to come back to work so eto, masaya na ulit at may sahod na ulit.

"Sanya, kalma kalma na ha? Nako buti na lang yung sekretarya ang nakausap. Maayos naman na ang lahat at sinabi na wag ka ng sisantehin. Nako talaga!" Natatawang sambit ng mentor kong si Jorj.

Natawa na lang din ako. "Kaya nga eh, hahaha!"

Nagpaalam ito na aasikasuhin muna ang mga ka-team mate kong nangangailangan ng assistance.

Nagpatuloy ako sa aking trabaho, hanggang sa di ko namalayan na end of shift na. Nag-log out ako at nag-out. Tumayo ako mula sa upuan at nag-inat. Kinuha ko ang picture frame at tumbler ko.

"Good job, team! Let's all go outside. Mag-end shift huddle tayo."

"Okay, coach!" We all answer in unison. I went to my locker para kunin ang bag at iba ko pang gamit. Matapos maayos ang gamit, ay nagtungo na ako sa elevator para bumaba. From 15th floor, I went to the ground floor.

The lift is on the 9th floor when it stop and the door open. A man in an americana suit, intimidating and serious enter the room. Even malaki ang space ay umusod ako.

Ewan, nakakatakot siya tingnan eh.

Deadly silence ang namamagitan sa loob. After a while, we finally reached the ground floor. When the door opened ay mga nakahilerang lalaki ang nakabantay.

"Taray, nandito ba ang presidente ng kompanya?" I laughed. Naglakad na ako palabas. Hindi pa ako nakakalayo ng may maulinagang boses na nakapagpabato sakin sa kinatatayuan ko.

"Mr. Justin Cordova..."

Nanlaki ang mata ko saka dahan-dahang napalingon sa lalaking kasama ko sa lift. And he was also looking at me with a smirk plastered on his face.

Mabilis pa sa alas kwatro na naglakad ako palabas ng building.

Anong ginagawa niya dito? Anong kailangan niya sa akin? Tatanggalin niya ba ako sa trabaho? Nandito ba siya para ipahiya ako at ipamukha na ang kapal ng mukha ko para sigawan at murahin siya? Lastly, bakit ang gwapo niya?

Punong-puno ng katanungan ang aking isipan at tila mag-uumapaw na dahil hindi ko man lang napansin na nalagpasan ko na ang mga kasama ko.

"Sanya! Hoy, dito!"

Napapikit ako ng marinig kong pinagsigawan pa ni Mentor Jorj ang pangalan ko.

Dahan-dahan akong lumingon at pilit na ngumiti.

Shet! Lagot talaga ako.

Naglakad ako patungo sa kanila at agad naman nila akong inakay papunta sa Starbucks na nasa loob ng building. Lumingon ako sa pinanggalingan ko, buti na lang at wala na sila doon.

Sana lang ay hindi niya na matandaan pangalan ko, or even ang mukha ko.

Shuta, bakit andito yan? Bakit dito pa sa Pilipinas naisipan magbakasyon niyan? Dapat sa Egypt na lang o Pakistan eh.

Nagtuloy-tuloy ang huddle at kwentuhan nila habang ako di pa rin mapakali at lumilipad ang isip. Infairness ang gwapo niya. Kaso mukhang walang matinong gawain sa buhay yon. Mayaman nga, sabog naman.

Lihim akong napatawa sa naisip.

Matapos ang huddle ay isa-isa ng umalis ang mga kasama ko. Nagpaiwan ako dahil hindi ko pa nauubos ang strawberry shortcake na in-order ni coach para sakin.

Nang maubos ko ay agad din akong umalis at lumabas ng building para mag-antay ng shuttle.

Luckily, nandito pa ang shuttle.

Mabilis kong binuksan ang pinto at pumasok. I sat there and open my bag para kunin ang phone ko. dalawa pa lang kami ang nandito sa loob ng shuttle. Although nasa Passenger seat siya, hindi naman siya ganun kaingay. We're both waiting at the driver. Mga ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin yung driver ng shuttle na sinakyan ko. 

"Ano ba yan inaantok na ko, ang tagal nung driver!" reklamo ko habang nakapalumbaba. Huminga ako ng malalim at sumilip sa oras, halos kalahating oras na ako nakaupo dito. Yung kasama ko di ko alam kung tulog ba o wala lang pake kahit matagalan yung driver.  Mga ilang minuto lumipas at finally pumasok na yung driver ng shuttle. I was confused when he enter and looks shock when he saw me at nung tumingin siya sa lalaking nasa passenger seat ay nag-aalangan ang kanyang tingin. He entered the van and drove us out of the site. On our way, nangunot ang noo ko ng makasalubong ang isang napaka-pamilyar na van at may signag ng Sytel Shuttle - MEGAMALL.

T-Teka... kung yun yung shuttle para sa aming mga employees, kaninong sasakyan ito? Hindi ba 'to sa kumpanya? kanino to?

AT BAKIT KASI KAMUKHA NITO YUNG SHUTTLE SERVICE NAMIN?!

Nang makarating sa may lugar kung saan ang babaan ng shuttle ay bumaba ako at sinara ang pinto. Before ther van even left, the passenger seat's window rolled down and a very handsome man whom I just met earlier showed up in my face.

"The next time, check if you are entering a correct vehicle, if I were an evil, I would have kidnapped you."

Patay... maling sasakyan. 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Paula Pestana
os this book on English or a mixture off linguagens?
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan huwag kasi lutang kaya tuloy mali ang nasakyan mo Sanya
goodnovel comment avatar
Felicity Jheanelle Dela Cruz
mukhang nkakapanabik basahin tong kwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status