Share

KABANATA 1

NAPASINGHAP si Alessandra nang sumigid ang lamig sa kanyang katawan dahil sa juice na itinapon sa kanya ng babaeng kaharap. Nagtaas siya ng mukha rito nang hindi pa rin humuhupa ang pagkagulat.

"Are you stupid? I told you no ice in my juice! You get out of my sight you stupid lowlife," sigaw nito sa kanyang mukha sabay duro sa kanyang ulo. Mahahalata ang galit sa mukha habang nakatingin sa kanya. "Ano, tutunganga ka na lang ba riyan? Hindi ka ba nakaka-intende ng english, ha? Umalis ko sa harapan ko, bobo!"

Naikuyom niya ang kamao dahil sa pang-iinsulto nito. Ipinalibot niya ang mga mata sa loob ng restaurant at napansing nakatingin na sa kanila ang mga nasa loob. She was torn between running away because of embarrassment or slapped the woman in front of her. She had no right to say and do those things to her.

Alam niyang waitress lang siya ng five-star restaurant na iyon. Ngunit ginagawa niya ng maayos ang kanyang trabaho at hindi siya nagpapabaya. Malinaw niyang narinig ang mga sinabi nito kanina habang nag-o-order at sinabi nitong malamig na juice ang gusto nito. Kahit pa siguro nagkamali siya ay wala pa rin itong karapatan na gawin iyon sa kanya. The woman was acting on impulse and she noticed earlier that she had a heated conversation with the man sitting across her. Pakiramdam niya'y sa kanya nabuhos ang galit nito.

Tumayo ang kasama nitong lalaki kaya bahagya niya iyong sinulyapan at nagsalubong ang kanilang mga mata. Nakikita niya ang galit sa mukha nito kaya bahagya siyang napaatras. He was tall and intimidating.

"Don't make a scene, Stef!" mahina ngunit mariin nitong sabi sa babaeng nagtapon sa kanya ng juice. Kapagkuwan ay hinawakan nito ang braso ng babae at hinila palabas ng restaurant.

Mabilis din niyang inihakbang ang mga paa at tinalunton ang kinaroroonan ng locker room. Hindi niya pinansin ang mga kasamahan na nagtanong kung okay lang ba siya. Of course, she wasn't!

Ini-lock niya ang pinto pagkapasok at umupo sa sahig pasandig doon. Naikuyom niyang muli nang mariin ang kamao dahil sa nangyari kanina, ni hindi man lang niya nagawang ipagtanggol ang sarili.

Isang nahahapong buntung-hininga ang kumawala sa kanyang mga labi pagkatapos ay tumitig sa kawalan. She was tired, so tired with her life that she wanted to give up now, but she knew she couldn't. Her mind and body were exhausted, the only thing that kept her from moving forward was her siblings.

She's a student, she had two jobs, a mother and a sister to her siblings and she was the only one who provides for their family.

Sumama sa pagod niya ang lungkot at sakit dahil sa pagkawala ng kanyang ina mahigit tatlong buwan na ang nakakalipas. She still couldn't move on. Hindi siya naging handa sa ganoong pangyayari kaya ngayon ay iniinda pa rin niya ang pagkawala ng kanyang inang si Amanda.

After everything that happened to her and her family, the insults she received earlier were beyond the pale. She deserved to be respected, at least.

Isa muling pagkalalim-lalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan bago tumayo at nagbihis. She had her priorities, it's not the time to sulk and be miserable.

THE erratic neon lights inside the bar were like the lights of the North. The sight of the dance floor brought a frisson of joy and heat. The crowds were hyped up, feet are moving with the crazy beat as if they belonged to the music.

Smokes and cigarettes and drunk men surround the place. It was filled with laughs, talks, and sounds from the speaker.

It was only nine-thirty in the evening but the bar was filled with party-goers. Almost all of the customers are men, some are drinking alone and some are with their friends and acquaintances.

Wasted was a famous bar in the area. Malinis at disente ang lugar, maayos rin ang reputasyon ng bar dahil sa pamamalakad ng may-ari niyon. Araw iyon ng Biyernes, kaya maaga pa lang ay marami ng tao.

Doon ang ikalawang trabaho ni Alessandra pagkatapos niya sa restaurant. She was also working at that bar as a waitress every Monday to Friday. At nine in the evening to two in the morning. Pagkatapos na pagkatapos ng kanyang trabaho sa restaurant ay didiretso siya roon. Kakainin ang nakabaon niyang pagkain na mula sa mga tira sa restaurant at pagkatapos ay magbibihis ng uniporme nila at magtatrabaho sa maingay at mausok na lugar na iyon.

Noong mamatay ang kanyang ina ay kailangan na kailangan ng pera kaya pinaunlakan niya ang trabahong sinabi sa kanya ng kapitbahay. Isa itong dancer doon at sinabihan siyang mag-waitress sa lugar na iyon dahil bukod sa malaki ang suweldo ay malaki magbigay ng tip ang mga customer basta ba makisama lang siya ng mabuti.

Magtatatlong buwan na siya sa Wasted ngunit hindi niya makuhang umalis. Maganda naman magpasuweldo ang kanilang boss at hindi naman sila pinipilit na ibenta ang kanilang mga sarili. They were free to do what they wanted. Basta ba hindi makakaapekto sa trabaho na pinasok nila. In her case, she was just a waitress, nothing more, nothing less. She doesn't prostituted herself kahit na marami ang nagsasabi sa kanya na mga kasamahan na malaki ang makukuha niyang pera kung gagamitin niya ang kanyang mukha't katawan. She was aware that almost all her co-workers were going out with the men who wanted them for the night. It doesn't matter if they're young or old, what matters the most was their money.

Hindi naman niya hinuhusguhan ang mga ito. It was their life, they can do what they wanted to do. At wala ring makakapagdikta sa kanya kung ano ang gagawin niya sa buhay niya, sa kanyang katawan. She chose to keep her most precious possession at least, and that was her dignity. Hindi rin niya kayang pakainin ang mga kapatid sa perang galing sa pagbebenta niya ng sarili kung saka-sakali man.

Napangiti si Alessandra nang kindatan siya ng bartender na naghahalo ng inumin. Hinihintay niyang matapos ito upang maisilbi na niya ang mga alak sa customers na pinagsisilbihan niya. The bartender was handsome and tall and most of the girls in the bar gawk at him. Hindi alam ng mga ito na bakla si Sancho at may karelasyon na lalaki.

Minsang nagtapon siya ng b****a sa likuran ng bar ay nahuli niya itong may kahalikan. Hindi naman siya nang-usisa dahil isang buwan pa lang silang magkatrabaho noon at hindi naman sila masyadong malapit sa isa't isa. Ngunit ito mismo ang nagsabi sa kanya na boyfriend nito ang kahalikang lalaki. Simula noon ay mas naging madalas ang pagkakausap at pagbati nila sa isa't isa ni Sancho. Hindi man niya sabihin ay itinuturing na niya itong kaibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status