IT was almost three o'clock in the morning and she was still waiting for a jeepney to take her home. Basang-basa na siya dahil kanina pa bumubuhos ang malakas na ulan. Wala nang mga sasakyang dumadaan sa lugar dahil sa malakas na ulan at dahil sa madaling-araw na, ngunit nagbabakasakali pa rin siyang may dumaan. Dalawa lang silang naroroon sa waiting shed, isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa trienta ang edad. Napansin niyang pasulyap-sulyap sa kanyang direksiyon ang lalaki kaya nakaramdam siya nang kaba.
Hindi siya agad nakasakay pagkatapos ng trabaho niya sa bar kanina. Malakas ang ulan dahil marahil sa bagyong papasok sa bansa, nakauwi na ang mga kasamahan niya ngunit naroon pa rin siya. Si Sancho kanina ay niyaya siyang ihatid kasama ang boyfriend nito na sumundo rito sakay ng isang motor. She refused the invitation. Ayaw niyang makaabala sa dalawa.
Ngayon niya pinagsisisihan ang kanyang pagtanggi.
Niyakap niya ang sarili dahil sa nararamdamang panlalamig at inilibot ang mga mata. Hindi niya gaanong nakikita ang mga establisiyementong nakapaligid sa kanya dahil sa lakas ng ulan. Pati siya ay nababasa na kahit na nakasilong sa waiting shed.
She wanted to go home and lay her worn-out body on her bed. Tomorrow was Saturday and she had no class, she can sleep until noon. Madalang lang siyang makakuha ng maayos na tulog sa tatlong nakaraang buwan.
Sa umaga ay may klase siya ng alas-otso hanggang alas-dose sa university na pinapasukan. Pagkatapos ng klase ay naghahanda naman siya sa pagpasok sa restaurant mula ala-una ng hapon hanggang alas-otso ng gabi. After her job on the restaurant, she still had to work at the bar for five hours.
Alas dos na ng madaling araw natatapos ang kanyang araw. Tuwing uuwi siya ng apartment nilang magkakapatid ay pagod na pagod siya kaya agad siyang nakakatulog. Limang oras lang ang karaniwang tulog na nakukuha niya tuwing lunes hanggang oras kaya tuwing sasapit ang weekends ay matinding relief ang kanyang nararamdaman dahil mas mahaba-haba ang kanyang ipapahinga.
Dalawang nakababatang kapatid ang kanyang binubuhay kaya kailangan niyang sipagan. Nag-aaral ang dalawa sa isang pampublikong eskuwelahan kaya kahit papaano ay hindi masyadong mahal ang pagpapa-aral sa mga ito. Si Anton Carlos, ang bunso niyang kapatid na lalaki ay pitong taong gulang at nasa grade two. Mag ko-kolehiyo naman sa susunod na taon si Adeline—ang sumunod sa kanya at labing pitong taong gulang na kapatid niyang babae.
Mga kapatid niya ang mga ito sa ina. Ang nanay nilang si Amanda ay dati ring nagtatrabaho sa bar. Isa itong probinsiyana na pinangakuan ng magandang trabaho pagluwas ng lungsod ngunit nahantong sa pagbebenta ng laman. Nagkaroon ito ng ugnayan sa kanyang ama na ayon dito ay may asawa.
Alessandro Sanford ang pangalan ng kanyang biological father na kailanman ay hindi niya nakita.
Nang ipagbuntis siya ng ina niya ay hindi na nito ipinaalam sa kanyang ama ang kalagayan nito dahil pauna nang pinutol ni Alessandro ang ugnayan nilang dalawa nang malaman nitong nagdadalang-tao ang asawa.
Ang ama naman ni Adeline ay isang Pilipino na naging customer ng kanyang ina, ang sabi ni Amanda, minsang magtanong si Adeline tungkol sa ama nito, ay nasawi sa isang aksidente ang lalaki.
Ang ama ng kaniyang bunsong kapatid na lalaki ay ang dating kasintahan ni Amanda.
Nang tumigil ang kanyang ina sa pagiging GRO ay nagtrabaho ito sa isang restaurant at nakilala si Juan Carlos—ang ama ni Anton Carlos. Dahil nga maganda ang kanyang ina ay nagkagusto rito ang lalaki.
Nakita niyang naging masaya si Amanda kay Juan Carlos, hindi kaila sa lalaki ang dating trabaho ng kanilang ina pero tinanggap pa rin niya ito.
Ngunit nang bumagsak ang negosyo ni Juan Carlos ay basta na lang nitong iniwan si Amanda at nagpakasal sa isang mayamang negosyante na mas matanda rito ng labing dalawang taon. Leaving her mother in pain. Hindi na rin nito ipinaalam kay Juan Carlos ang tungkol sa pagbubuntis.
Simula nang mamatay ang kanyang ina mahigit tatlong buwan pa lang ang nakakalipas ay mag-isa niyang itinataguyod ang mga kapatid. May iniwan itong pera sa kanila na inipon nito. Ngunit naubos na ang limampung libong pisong pera na kanyang ginamit sa kanilang mga bayarin sa upa, sa eskuwelahan at sa libing nito. Wala masyadong nakiramay sa kanila dahil hindi kaila sa kanilang mga kapitbahay ang dating trabaho ng kanilang ina. Ang tingin ng mga ito kay Anna ay isang masamang babaeng mababa ang lipad.
Naging isang mabuting ina ito sa kanila. Kahit mahirap ang pamumuhay nila ay mag-isang itinaguyod silang magkakapatid. Isa lang ang pangarap nito para sa kanila, ang makapagtapos sila ng pag-aaral. And she will do everything to fulfill her mother's dream, even though she wasn't there anymore.
Dati siyang scholar sa kolehiyong pinapasukan ngunit dahil bumaba ang kanyang grado ay nawala siya sa scholarship program.
Kahit mahirap ay kailangan niyang tiisin. Kaunti nalang at makakapagtapos na siya ng pag-aaral. Anim na taon na siya sa kolehiyo dahil na rin paunti-unti ang subject na kanyang kinukuha sapagkat bukod sa pag-aaral ay nagtatrabaho rin siya.
WALA siyang panahon sa mga lalaking nagpapalipad hangin sa kanya. Wala siyang tiwala sa mga ito dahil nakita niya ang ginawa ng mga lalaking iyon sa kanyang ina. No boyfriend since birth at twenty three years old. Pero masamang babae ang tingin ng ibang tao sa kanya dahil sa trabaho niya sa bar at sa kanyang ina na ayon sa mga nakakakilala rito ay kamukhang-kamukha niya. She learned to ignore those negative comments about her. Nagtatrabaho siya ng marangal at malinis at alam niya sa sarili niya na hindi siya masamang babae.
Pinuno niya nang malamig na hangin ang baga bago muling binalingan ang kasamang lalaki sa waiting shed. Nakatagilid ito sa kanya habang may kausap sa cellphone. Nangunot ang kanyang noo nang mapansin ang kakaibang ngiti sa mga labi. It looked and feel so strange that she had goosebumps.
Hinimas niya ang mga braso gamit ang mga kamay at inalis ang mga mata rito nang lumingon ito sa kanyang direksiyon.
Muli niyang ipinalibot ang mga mata sa paligid at lalong kinabahan nang wala siyang makitang tao. The whole road looked so deserted under the heavy pour of the rain.
Pinag-iisipan niya kung aalis ba sa lugar na iyon at suungin ang ulan upang magtungo sa highway na siyang karaniwang dinadaanan ng mga motorista nang biglang may humintong taxi sa kanyang harapan.
"Sasakay ka ba, Ma'am?" pasigaw na tanong ng driver nang maibaba ang salamin ng sasakyan.
Wala sa loob na muling napatingin si Alessandra sa lalaking kasama at nang muling makita ang misteryoso nitong ngiti ay dali-dali siyang sumakay sa loob ng taxi. She would rather pay a hundred bills for taking a cab than to stay there with that creepy of a man.
NAKAHINGA lang siya ng maluwag nang mawala sa kanyang paningin ang lalaki. Binalingan niya ang driver ng taxi at sinabi rito kung saan siya ihahatid. Tanging tango ang isinagot nito at bahagyang hininaan ang aircon dahil marahil ay nakita siya nitong nanginginig sa lamig.Isinandal niya ang likod sa upuan at ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang pamimintig ng kanyang ulo. She felt like she will pass out at any moment because of fatigue.Hindi niya alam kung ilang minuto na niyang ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang pakikipag-usap ng driver sa kung sino man ang nasa kabilang linya.Tumingin siya sa labas ng sasakyan ngunit wala siyang makita dahil sa malakas na ulan. Pinunasan niya ang salaming bintana gamit ang kanyang kamay upang mas luminaw ang tanawin sa labas.
DINALA niya ang hawak na bote ng beer sa bibig at sunod-sunod na tungga ang ginawa. Hindi sapat ang ininom niya kanina sa loob ng bar na pinanggalingan at kailangan pa niya ng alcohol sa katawan.He felt the alcohol filling her stomach but he felt hollow inside his chest.Nang wala maubos ang laman ng hawak ay marahas niya iyong itinapon sa ibaba. Doon sa rumaragasang ilog na hindi niya makita mula sa kadiliman at sa malalakas na buhos ng ulan.Kapagkuwan ay ipinatong niya maging ang mga paa sa hood ng sasakyan na kanyang tinutungtungan at sinapo ang ulo. Nalunod ang kanyang iyak sa tunog ng mga kulog at sa malalakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng pagbuhos ng hinagpis mula sa kanyang mga mata."Bakit!" sigaw niya sa gitna ng kadiliman. Ikinuyom niya ang kamao at marahas na sinuntok ang hood ng sasakyan niyang kanyang tinutungtungan.Hindi niya inaasahan noon na makakaramdam siya ng gan
DINAMPOT din niya ang isang maliit na flashlight bago lumabas ng sasakyan at tinalunton ang sa tingin niya'y direksiyon ng mga bultong nakita niya kanina mula sa itaas ng tulay. Ilang segundo lang siyang naglakad nang muling tumama ang kidlat sa kalupaan at ilang metro ang layo sa kanya ay nakita niya ang isang babae na nakalugmok sa madumi at basang lupa habang hawak ng dalawang lalaki.Mabilis niyang ikinasa ang hawak na baril nang agad na matukoy kung ano ang ginagawa ng mga ito. Itinutok niya iyon sa itaas at pinaputok. Kapagkuwan ay binuksan ang hawak na flashlight at itinutok sa tatlong naroon.Naalisan na ng damit ang babaeng sa tingin niya'y nawalan ng malay ngunit may suot pa rin ang dalawa at hindi pa nabubuksan ang mga pantalon kaya sigurado siyang naantala ang binabalak ng mga ito.Wala siyang balak na mangialam at masangkot sa ganoong krimen, but he cannot ignore what he saw and witnessed. A woman was about to
SHE DISORIENTEDLY opened her eyes and scrutinized every corner of the room. When she realized that she was in a strange place, her grip on the duvet tightened. With trembling limbs, she removed the duvet from her body and got off of the bed. Her backside was aching and aside from that, the other parts of her body were okay. She can clearly remember what happened to her before she lost consciousness. The last thing she heard was the gunshot and perhaps that was the reason why she was still alive and safe. But she can't be so sure, that person might be an accomplice or he might be keeping her captive inside that expensive room. Hinawakan niya ang malaking damit na suot na umabot sa gitna ng kanyang hita at sinipat. Kaninong damit iyon? Aside from that shirt, she had nothing underneath. Does that person who brought her to that place take advantage of her? Kung may ginawa man ito ay hindi niya malalaman dahil wala siyang ka
"Anong pangalan mo?" habol niyang tanong bago pa ito makalabas. Muli itong lumingon sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok siya nang makaramdam ng panunuyo ng lalamunan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Marahil ay dahil sa mga mata nitong matitiim kung tumitig at pakiramdam niyang tagos hanggang sa kanyang kaluluwa. "Nick. Nicholas Villarama," he said before closing the door. ATUBILING lumabas si Alessandra sa loob ng silid. Nakapaligo na siya at nakapagpalit na rin ng mga bagong damit. Kaninang paglabas niya ng banyo ay may paperbag na nakapatong sa ibabaw ng kama at nakapaloob nga roon ang mga damit na may tag price pa. Inilinga niya ang mga mata sa kaliwa at kanang pasilyo ngunit wala siyang ibang taong nakikita roon. Ang naroon lang ay mga nakasiradong pinto ng mga silid. Lumakad siya patungo sa grand staircase na paikot ang pagkakagawa at humawak sa balustre habang pababa. Haban
Inihatid siya ni Nick sa apartment na tinitirhan nilang magkakapatid pagkatapos nilang manggaling sa police station. Natukoy ng mga pulis ang mga suspek nang makompirma niya mula sa ibinigay na mga mugshots ng mga taong nasa watch list ng pulisya. Ang kambal na Cris at Carlo Rodriguez. Dati na ring nademanda ang dalawa dahil sa kasong rape. Subalit nakalaya ang dalawa dahil sa pagpiyansa at inurong ng nagreklamo ang kaso. Ang mga ito rin ang tinitingnang suspek sa dalawang kaso nang rape at pagpatay sa mga babaeng nagtagpuang palutang-lutang sa ilog. She could've been one of them if Nick didn't saw them and saved her. Alessandra felt sorry for Nick when they found out from the police who happened to be a neighbor of the Rodriguez twin that one of them died. At kakasabi lang ni Nick kanina na binaril nito ang isa sa dibdib nang tangkain siyang saksakin. Hindi man niya intensiyon ay napatay niya ang lalaki.
Villarama? Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang apelyido ng boss nila. Pagpasok niya ay nakompirma niya ang hinala. Si Nick o Nicholas Villarama ang may-ari ng Rigo Cuisine at ang lalaking nagligtas sa kanya ay iisa. He was sitting at his swivel chair as if it was his throne. He was looking at her with those deep eyes, very professional. Gusto niyang tumakbo dahil sa natuklasan. Hindi siya handa sa ganoong tagpo. He had been bugging her mind since yesterday when he dropped her off at her apartment. He had awakened something inside her that she can't put into words. For her, Nick was a mysterious man. He seemed very approachable, then the next he would go cold and distant. A very contradicting attitude and she doesn't know who's the real Nick. "Take a seat, Miss Cruz," untag ni Nick sa natigilang dalaga. Kinalma niya ang sarili at naglakad palapit sa upuang naroon
TININGNAN ni Alessandra ang dalawang lalaking nag-uusap, pagkatapos ay nagkamay ang mga ito at pumasok na si Attorney Galvez na abogado nila sa sasakyan nito at umalis. Isang kiming ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang papalapit si Nick sa kanyang direksiyon. "Hop in," he said and opened the passenger's door of the car. "Hindi na, ma-je-jeep na lang ako, N-Nick." Nag-iwas siya ng tingin pagkabanggit sa pangalan nito. Sa halos dalawang buwan na nilang pagkakakilala ay hindi pa rin siya sanay na tawagin ito sa pangalan nito. Hindi rin naman sila madalas mag-usap dahil nagkikita lang sila sa tuwing may hearing sa kaso nila sa kasong attempted rape laban kay Cris Rodriguez. They won the case to her relief. Siguro'y makakatulog na siya ng mahimbing at walang masasamang ala-ala ang dumadalaw sa kanya. "We'll celebrate." "Pero may trabaho pa ako sa restaurant mo." Kamuntikan nang mapasinghap