Share

KABANATA 4

NAKAHINGA lang siya ng maluwag nang mawala sa kanyang paningin ang lalaki. Binalingan niya ang driver ng taxi at sinabi rito kung saan siya ihahatid. Tanging tango ang isinagot nito at bahagyang hininaan ang aircon dahil marahil ay nakita siya nitong nanginginig sa lamig.

Isinandal niya ang likod sa upuan at ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang pamimintig ng kanyang ulo. She felt like she will pass out at any moment because of fatigue.

Hindi niya alam kung ilang minuto na niyang ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang pakikipag-usap ng driver sa kung sino man ang nasa kabilang linya.

Tumingin siya sa labas ng sasakyan ngunit wala siyang makita dahil sa malakas na ulan. Pinunasan niya ang salaming bintana gamit ang kanyang kamay upang mas luminaw ang tanawin sa labas.

Hindi niya alam kung tama baa ng nakikita niyang mga dahon ng puno na nagsasayawan sa gitna ng dilim at malakas na ulan. Walang puno ang patungo sa apartment nilang magkakapatid.

"Malayo pa ba tayo, Manong?" Naiintindihan naman niyang hindi puwedeng bilisan ng driver ang pagmamaneho dahil basa ang mga kalsada. Pero bigla ang pagsalakay ng kaba sa kanyang dibdib na hindi niya matukoy kung para saan.

"Malapit-lapit na, Ma'am. Pasensiya na't madulas ang daan at baha sa ilang mga highway kaya kailangang maghanap ng ibang malulusutan."

Napatango si Alessandra kasabay nang pangungunot nang kanyang noong nang sandaling magsalubong ang mga mata nila ng driver sa rearview mirror. May kahawig ang ngiting iginawad nito sa kanya ngunit hindi niya mahanap sa isipan kung ano iyon.

She looked outside the window again and at the same a lighting strike and hit the ground from nearby. The sudden flashed of light swathe the side of the road. In a split second, she saw a plantation of bananas.

Lihim siyang nanalangin na muling kumidlat upang maging ilaw niya sa kadiliman ngunit hindi nangyari ang inaasahan niya bagama't dumadagundong ang langit.

She was about to ask the driver where are they when he swerved on their left side and the night thing she felt was the shaking of the car. As if they were driving on an unpaved road.

"Nandito na ba tayo, Manong?" kinakabahan niyang tanong nang biglang huminto ang sasakyan at namatay ang headlights at taillights.

Wala siyang sagot na natanggap dito kaya tiningnan niya ang metro at nang makitang hindi iyon umaandar ay lalong tumahip ang kanyang dibdib. Sa nanginginig na kamay ay mabilis niyang inilabas ang kanyang pitaka at kumuha ng limang daan doon at ibinigay sa driver.

Ngunit sa kanyang panggigilalas ay hindi nito iyon tinanggap at nakita niya mula sa rearview mirror at sa kaunting ilaw na nasa loob ng sasakyan ang pagkakangisi nito. Napasinghap siya nang mapagtanto kung saan niya nakita ang ganoong klaseng ngiti.

The man on the waiting shed! They had the same smile and they had the same... face!

Nabitawan niya ang hawak na pera at mabilis pa sa kidlat na hinawakan ang pinto ng sasakyan. Ngunit hindi niya iyon mabuksan!

Bigla siyang naging histerikal at malakas na itinulak pabukas ang pinto ngunit ayaw talaga niyong magbukas.

"M-Manong, lalabas na ako..." aniya sa driver nang may pagmamakaawa at puno ng takot ang tinig.

Nag-iisa siya at hindi niya alam kung nasaan sila. Kung sakali mang gawan siya nito ng masama ay alam niyang walang panama ang lakas niya rito.

"M-Manong, please... 'Wag mong gawin 'to." Nahuhulaan na niya ang nasa isip ng lalaki na ngayon ay nakabaling na sa kanya. Kamukha talaga nito ang lalaki kanina sa may waiting shed na marahil ay kakambal nito. Did they planned this scheme together?

Sa pagkagulat ni Alessandra ay bumukas ang pinto ng sasakyan na kanina pa niya sinusubukang buksan. Namatay agad ang munting pag-asang nasisilip niya nang tumambad sa kanyang paningin ang isang bulto. Hindi niya ito makita ng maayos dahil sa kadiliman ngunit nahuhulaan na niya kung sino iyon. Ang lalaking kasama niya kanina sa waiting shed!

Napasigaw siya nang bigla siya nitong dakmain at mariing hinawakan sa balikat. Pagkatapos ay marahas na hinila sa labas nang manlaban siya.

Agad na nabasa ang kanyang katawan sa malakas na ulan nang mahila siya nitong tuluyan. Hindi siya tumigil sa panlalaban kahit na takot na takot siya at hinila ang mga braso mula sa hawak nito na pakiramdam niya'y bumaon na ang mga daliri sa kanyang balat.

Naaninag niya ang pagbukas ng pinto ng driver's seat at bago pa makalabas ang driver ay mariin niyang kinagat ang braso ng lalaking may hawak sa kanya. She can even taste the metallic taste of blood in her mouth when her teeth bored in his skin.

Sinamantala niya ang pagkakabitaw nito sa kanya at mabilis na pumihit upang tumakbo papalayo sa mga ito. Subalit hindi niya nagawang maihakbang ang mga paa nang maramdaman ang malakas na puwersang humila sa kanyang mahabang buhok.

Napaigik siya at muling napasigaw dahil sa sakit. May mga brasong pumulupot sa kanyang katawan kaya hindi siya makawala.

"Putang-ina! 'Wag ka nang manlaban kung ayaw mong masaktan pang lalo," mariin nitong pagkakasabi sa gilid ng kanyang tainga kasabay nang pagpisil sa kanyang bewang.

"H-Huwag... P-please..." pagmamakaawa niya lalo na nang maramdaman ang paghawak ng isa pa sa kanyang mga paa, na marahil ay ang driver. She wriggled her body but they were holding her tightly.

Sumama sa buhos ng malakas na ulan ang kanyang luha at sa tunog ng dagundong ng kalangitan ang kanyang mga iyak ng pagmamakaawa. Tila bingi ang dalawang lalaki na pinipigilan siyang makawala.

Hanggang sa mula sa pagkakabuhat ng mga ito at sa paglalakad ng ilang segundo ay binitawan siya ng dalawa. Hindi naman mataas ang pinagbagsakan niya ngunit tumama ang kanyang tagiliran sa isang matigas na bagay na marahil ay isang bato na halos magpawala sa kanyang ulirat.

Sumigaw siya, nanipa gamit ang natitirang lakas ngunit hindi niya magapi-gapi ang mga ito.

"'Wag..." she said in a weak voice. Wala siyang makita bukod sa kadiliman at matindi ang kanyang panginginig hindi lang dahil sa lamig, maging sa takot sa maaari niyang kahihitnan sa kamay ng mga lalaking ito.

Naramdaman niya ang paghawak ng isang lalaki sa kanyang mga kamay at ang isa pa ay pumuwesto sa kanyang ibabaw. Wala na siyang lakas upang manlaban kaya napapikit siya at ninamnam ang pagtama ng ulan sa kanyang katawan.

By tomorrow, her name will be on the pages of the newspaper. A woman who was raped and killed after. She was sure that these men would kill her after they were done with her. She had seen their faces and they won't let her live.

She doesn't want to leave Adeline and Anton Carlos alone. But she can do nothing about her situation.

She should have accepted Sancho's invitation earlier to bring her home. The woman in the restaurant who throws her juice was right. She was stupid! A fool!

She felt the ripping of her clothes and all she can do was cry. She can feel the men caressing her body, so she opened her frightened eyes.

Kasabay nang pagmulat ng kanyang mga mata ay ang muling pagkidlat. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagkislap ng tubig nang mailawan iyon mula sa kidlat. Sa gilid ng ilog ay ang malawak na planta ng saging na pinagdalhan sa kanya ng mga lalaki.

They would throw her body in the river after raping her! Alessandra thought.

Dahil sa pinagsama-samang takot, sakit ng katawan at pagod ay naramdaman niya ang pagbigat ng kanyang talukap.

She slowly closed her eyes and her senses. But before she lost consciousness, she heard a sound of a gunshot from nearby.

Could it be hope?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status