Share

Chapter 3

Naalimpungatan ako sa tama ng liwanag na tumatagos sa bintanang hubad sa kurtina kung kaya naman dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.

"Teka where the hell are my curtains?" Naguguluhan kong sabi sabay linga sa paligid ko para lang marealize na nasa ibang kwarto ako,

Mayamaya naramdaman ko na lang bigla ang isang brasong yumakap sa akin mula sa likuran.

"It’s still early Babe" inaantok pang sabi ng katabi ko. Nang lingunin ko s’ya ay saka ko lang naalala ang mga nangyari nang nakaraang gabi, ang mga bagay na nagawa ko. Mga bagay na ginawa namin.  Parang nagflash back sa isipan ko lahat ng maiinit na sandaling pinagsaluhan namin kagabi kaya naman mariin akong napapikit. Hindi makapaniwalang nagawa ko ang mga bagay an iyon.

"I need to go," hindi lumilingong sabi ko sa kanya, tumayo ako sabay dampot ng kumot at maingat na ibinalot sa hubad kong katawan. Iniiwasang mapatingin sa side niya dahil alam kong wala siyang suot na kahit ano tulad ko.

"Magprepare muna ako ng breakfast for us, " narinig kong sabi niya na ikinalingon ko, pero huli na para magsisi. Nakita ko na s’yang "tayong tayo".

Dahan dahan siyang lumapit sa kinatatayuan ko kaya naman marahan din akong humakbang paatras. Pinamumulahan na ako ng mukha, hiyang hiya na ako ngayon dahil wala na ang epekto ng alak sa sistema ko.

"What do you think you are doing? Can you make yourself decent first." halos nakikiusap kong sabi sa kanya.

Pero patuloy pa rin sya sa paglapit. "Bakit pa? Nakita at nahawakan mo na naman ito ah." natatawa niyang sagot sa akin.

"Utang na loob, magbihis ka na muna!" Pasigaw ko nang sabi sabay talikod sa kanya.

Wala akong narinig na anumang kaluskos pero patuloy akong nakiramdam kaya laking gulat ko ng bigla na lang niya akong yakapin mula sa likuran.

"Hmn, bakit parang takot na takot ka sa akin ngayon? Hindi ka naman ganyan last night." Kinilabutan ako ng halikan niya ako sa gilid ng aking leeg.

Humarap ako sa kanya para sana sawayin siya at patigilin pero hindi ko nagawa dahil agad niyang hinuli ang mga labi ko para sa mainit na halik.

"Hmmmpppp." ang nasabi ko habang lunod sa halik niya. “Kagigising ko lang, hindi pa ako nakakapag toothbrush.” Pag-aalala ko ng sandaling tumigil siya upang titigan ako.

Naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko sa sahig. Kaya naman nagtatanong na tiningnan ko siya.

"Let’s take a bath together," masuyo niyang sabi sa akin.

Magpupumiglas pa sana ako pero naisip ko, para saan pa? Lunod na ako sa kaiga igayang pakiramdam habang balot ng kanyang matipunong braso.

Inilapag niya ako sa bathtub pagpasok sa banyo. Teka, bathtub? Bakit siya may ganito dito?  Bahay nya ba talaga ito o pagamit ng isa sa customer nya sa bar, isip isip ko. Muling bumalik ang mga katanungan sa isipan ko mula pa kagabi. Sabagay sa hitsura n’ya hindi malayong magkaron siya ng maperang tutustos sa mga luho at pangangailangan niya.

Nakalimutan kong muli ang katanungang iyon ng maramdaman ko ang pagtabi niya sa akin sa tub. Pumwesto siya sa likuran ko habang unti-unting napupuno ng tubig ang kinalalagyan namin.

Hindi naiibsan ng lamig ng tubig ang init na nararamdaman ko. Tila kumikiliti ang labi niyang lumalandas sa batok ko habang sabay na minamasahe ng mga kamay niya ang dibdib ko. Napapikit ako at lalong napasandal sa kanya ng at inabot ang buhok niya nang ang halik ay dumako na sa may balikat ko at ang isang palad ay nakarating na sa aking gitna.

Animo kumukulo na ang tubig dahil init na init na ang pakiramdam ko, lalo pa at alam ko mula sa likuran na pareho rin kami ng nararamdaman sa ngayon.

At muli, muli kong nalimot ang dahilan kung bakit kasama ko ang lalaking ito. kung bakit kaulayaw ko ang lalaking ang alam ko lang ay Tisoy ang pangalan.

Ang tanging mahalaga lang sa oras na iyon ay ang ligayang hatid ng katawang hindi ko mapaniwalaang may abilidad na maghatid sa akin ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Katawang may kakayahang magpalimot sa mga anumang iniisip ko.

Mamaya na, mamaya na ako mag iisip. Mamaya na ako magsisisi. Mamaya ko na titimbangin ang bigat ng minsang paglimot sa sarili.

Saka na muna ang sagot sa lahat ng bakit. Kapag humupa na ang init hatid ng pagkikiskis ng mga hubad naming katawan.

"Hindi ka na ba talaga kakain? Sige na please, magluluto ako." Narinig kong tanong niya sa akin habang tinutulungan nya akong isuot ang mga damit ko.

"I really have to go." Sagot ko sa kanya. Hindi ko masabing nagmamadali ako dahil late na ako sa University at kinakailangan kong kausapin ang professor ko tungkol sa internship.

"Ano bang pwede kong gawin pa para mapigilan pa kita?" muli niyang pakiusap.

"Wala.”

"As in wala na talaga?"

May nahimigan ako sa tono ng boses niya kaya naman tiningnan ko s’ya ng matalim bilang sagot.

"Your name?"

"My name?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yeah, our name. Nakakatawa lang kasi na hindi ko man lang alam ang pangalan ng babaeng nakasama ko magdamag dito sa apartment ko. At ako, hindi naman talaga Tisoy ang pangalan ko. Ri-"

"Is it new to you? Hindi ka na naman virgin ah! Kung makapag salita ka diyan!" putol ko sa sinasabi niya.

" But you are!"

"Not anymore."

"Oh yeah, mind if I’ll ask whose the culprit?" Sabay kindat nya sa akin.

My goodness kailangan ba talagang may kindat at ngiting halos makatunaw ng mga buto ko. Na para bang ayaw ko nang umalis at magpakulong na lang sa yummy biceps nya?

"Changing your mind sweetie? Hmmmmm,  pwede tayong magyakapan na lang buong araw dito, tutal wala naman akong ibang pupuntahan." Sabi niya na akala mo ay nababasa ang nasa isipan ko.

At ayun na naman ang makasalanan niyang labi na humahalik sa batok ko. “Hmmnn, I still can’t get enough of you. Kinulam mo ba ako?” agad ko siya itinulak noong maramdaman ko ang palad niyang buong landing humahaplos sa braso ko.

“Bakit mo naman ako itinulak?” nagtataka pa niyang tanong sa akin na akala mow ala siyang ginawang mali.

"Pasaway ka kasi! ‘Yan ang bagay sa iyo." Dali dali ko nang inayos ang damit ko saka nagmamadaling hinakbang ang mga paa.

Pero bago pa ako makarating sa pinto ng kwarto ay may naalala ako saka dumukot sa bag at bumalik sa kamang kinauupuan ni Tisoy.

"Tip ko nga pala, thank you for that wonderful experience." ayun lang at agad na akong lumakad na palabas , sumakay ng kotse saka nagmaneho palayo sa bahay na yun. Palayo sa lalaking iyo. Palayo sa isang karanasang hinding hindi ko malilimutan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status