Share

2

"Ah, oo. Schoolmates ko sila, Ate Jamie."

"Don't tell me pati yung babae-?" Hindi ko na pinatapos pa si Ate dahil agad din akong tumango.

"So, kailangan na talaga namin lumipat sa SFU para mabantayan si Iya." Sabat naman ni Justin.

"Hindi niyo naman ako kailangan bantayan. Kasama ko naman palagi yung mga kaibigan ko. At isa pa, masyadong malaki ang SFU. Minsan ko lang makita si Eunice. Madalas nga ay hindi pa. Kapag nagkakasalubong naman kami, lagi kong kasama mga kaibigan ko kaya hindi rin siya nakakalapit." Pagpapaliwanag ko pa sa kanila.

"Paano kung hindi na kayo magkakaklase ngayong taon? Edi wala kang kasama." Pagpipilit pa ni Justin.

Hindi ko naisip yon. Hindi pa kasi namin napag-uusapan sa group chat kung kailan kami mag-e-enroll at kung sabay sabay ba.

"Kung hindi man, edi ayos lang din. Magkakatabi lang naman ang room ng bawat section ng STEM, Tin."

"Hiwalay ba building ng HUMMS sa STEM?" Curious na tanong ni Ygrette kaya tumango ako. Napasimangot naman siya sa nalaman.

"Hindi naman gaanong kalayo. Magkaiba lang talaga ng building. Hiniwalay kasi ang STEM students dahil nga marami ang kumuha. Sa building niyo, halos kasama niyo naman ang ibang strands." Pagpapaliwanag ko pang muli sa kanya.

"Pero STEM kayong tatlo at ako lang ang nahiwalay." Malungkot pang sabi nito. "Hoy! Nasa iisang school lang naman kayo. Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't isa? Lagi na nga kayong magkakasamang apat. Simula yata pagkabata kayo, kayo na ang magkakasama. Mga hindi mapaghiwalay a****a." Sabat naman ni Kuya James kaya sinamaan siya ng tingin ni Ate Jamie.

"I'm pretty sure na kaya mo naman nang wala sila, Ygrette. Look at Iya, she managed to do it. Also, building lang naman ang hiwalay sa inyo." Sagot naman ni Ate Jamie kaya napairap si Kuya James.

Kung ang ibang kambal yata ay magkasundo, silang dalawa ay hindi dahil halos araw araw yata silang nagbabangayan at asaran.

Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa sasakyan at muli na kaming lumarga.

Hindi na rin ako natulog dahil nararamdaman ko na konting oras na lang naman ang i-babyahe namin para makarating sa paroroonan.

Hindi naman ako nagkamali dahil wala pa yatang dalawang oras ay nakarating na kami sa isang beach resort sa Ilocos.

'Fort Ilocandia Resort Hotel' Pagbabasa ko pa sa aking isipan nang makita ko ang pangalan ng aming matutuluyan sa loob ng ilang araw.

Pagkababa namin ay nakita na rin namin ang aming mga magulang na nag-iinquire na pala sa loob. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok kanina ay batid ko na agad ang malaking espasyo ng resort at hindi nga ako nagkakamali dahil pagkapasok namin ay sobrang laki nga talaga nito.

Halos malula na nga ako sa sobrang laki at lawak.

Wala masyadong tao pero may I had no idea that Alex will be joining again this year. Ang alam ko kasi ay hindi siya nakasali last year. Bwiset din si Mason, hindi man lang sinabi sa akin na nandito si Alex. I didn't even saw him earlier.

"How are you, Alex? Mason didn't tell me that you'll be joining this year." Alex looks like the younger version of Mason. Mas matanda siya ng isang sa akin, pero wala akong ideya kung bakit hindi siya sumali last year.

Sa sobrang hawig nila ay mukha silang magka-edad lang, nagmukhang matanda lang si Mason kay Alex because of his facial hair.

Napakamot ito ng ulo, "Well, sinabihan ko si Kuya na huwag sasabihin sayo para surprise. So, are you surprised Daphne?" He asked.

"Oo, nagulat ako that you are here and the fact na tayo ang magkalaban sa duel mamaya." I answered. Nakakainis dahil walang thrill, I know how he moves at alam ko na din ang magic niya kaya hindi na ako magugulat.

"Ayaw mo 'nun? Mahihirapan ka..." He smirked.

Napalingon ako sa sinabi niya. Just what?

"Hoy, Alex! Anong mahihirapan? Palagi kitang natatalo dati 'no." Kaya ayaw kong kasama siya dahil puno ng kayabangan ang katawan niya. One thing na hindi niya namana kay Mason ay ang pagiging humble. Just a fact.

"Daphne, baka nakakalimutan mo that it was two years ago. I changed at mas lalong lumakas ang magic ko over the years." Well, he is not wrong about that. We fought before pero gamit ang weapons lang, never kong pinakita sa kanila ang magic ko.

I grinned.

Kung tutuusin, I'm at advantage here. Alam ko na ang magic ni Alex and he doesn't know mine kaya mabilis akong makakapagisip ng tactics para matalo siya without showing what my magic is.

"It does not matter, Alex. I will still beat you." I replied with a smile.

"Hindi ka pa din talaga nagbabago, Daphne. You are still confident but it's nothing when it comes to my power." Napairap na lang ako. Hirap kasing makipagusap sakanya, bawat sagot niya ay hindi mawawalan ng kayabangan. He just trusts himself so much, ang hangin.

"Nagkita na ba kayo ni Mason?" I asked.

"Not yet, mamaya na lang pero nakita ko siya sa bleachers kanina kaya for sure ay nakita na niya ako." Sagot niya. Matagal ko ding hindi nakita si Alex. The last thing I heard is that he went to their grandparents' house at doon lang nag-train.

Nagkwentuhan lang kami ni Alex to kill time at pinakilala ko na din si Zora sakanya pero mukhang magkakilala na sila. Alex told me that they went to the same school before kaya they know each other.

Naubos na ang isang oras at agad na kaming bumalik sa grand hall dahil magsisimula na ang huling round.

This is it, Daphne. You fucking need to win.

Miss Astra announced the mechanics for the duel at tulad last year ay hindi pa din nagbago ito. Ang bawat pair sa duel ay nasa loob ng magic circle, there is only one rule to win the fight. nakikita pa rin naman akong iba tao kahit papaano. Siguro ay dahil malapit na rin matapos ang bakasyon ng mga estudyante at kailangan na ulit magready para sa nalalapit na pasukan.

"OH MY GOD? IYA?!"

Gulat man dahil biglang may tumawag sa'kin ay nilingon ko pa rin ito. Maging ang mga pinsan ko ay napalingon din sa likod kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa'kin. Mas lalo akong nagulat nang makitang si Joan pala ito na halos kakababa lang ng sasakyan nila.

Alam kong sa Ilocos din ang punta nila pero hindi ko inaasahan na sa iisang beach resort lang pala kami magkikita. Ano ba ang malay ko kung sa Ilocos Sur pala sila? At isa pa, napakalawak at napakaraming resort dito sa Ilocos Norte kaya laking gulat ko na lang nang makita ang kaibigan dito.

"Joan?" Hindi pa rin nawawala ang gulat ko sa aking mukha kaya natawa ito sa'kin at agad akong nilapitan.

Nararamdaman ko naman ang titig ng mga pinsan ko sa'ming dalawa pero hindi ko na sila pinansin.

"Gagi! What a small world? Dito rin pala kayo? Akala ko sa ibang part tayo ng Ilocos makakapagkita. Ayon pala, iisang resort lang din ang pupuntahan natin." Sabi niya pa pagkatapos akong yakapin.

"Hoy Eila! Baba ka nang baba! Kanina ayaw mo pa sumama dahil naglalaro ka pa ngayon naman ikaw ang nangungunang b-" Biglang sabi nu'ng isang lalaki na kabababa lang ng sasakyan. Hindi niya na ito tinapos kasi bigla siyang nagulat na magkausap kami ni Joan.

Siguro ay isa ito sa mga pinsan ni Joan dahil tinawag siya nitong Eila. Isa pa, nabanggit din sa'min ni Joan na puro mga pinsan lang ang kasama niya.

"Friendly mo naman agad Eila? Kakarating lang natin sa Ilocos tapos may kinaibigan ka na agad." Batid pa nito kaya natawa kaming parehas.

"Kaibigan ko talaga 'to noh!" Natatawa pang sabi ni Joan sa lalaki at agad pa nga akong inakbayan nito.

"Ano 'yan? Bakit biglang lumabas si Eila?"

Biglang nagsipaglabasan ang mga taong nasa loob ng Van na nilabasan din ni Joan kanina. Nakita ko naman agad si Joshua na halos manlaki ang mga mata nang makita ako at sa likod niya naman ay si Kiel na mukha ring nagulat sa nakita pero saglit lang.

"Oy Ariya hanap na tayo tara na!" Biglang sabi ni Kuya Andrew sa'kin sabay hatak papalayo kay Joan.

Napakabastos naman! Kita na ngang may kasama ako, tsk.

Pinalo ko siya sa kanyang braso pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

Aba! Siya na nga 'tong nanghatak, siya pa 'tong masama ang tingin?

"Una na muna kami, Jo. See you around na lang." Paalam ko kay Joan kaya ngumiti ito at tumango. Tinignan ko na rin si Joshua at tinanguan.

Nang tignan ko si Kiel, hindi na ito nakatingin sa'kin kaya iniwas ko na lang ang paningin ko at nagpahatak na lang nang tuluyan kay Kuya Andrew.

Bakit nga ba iniisip ko na nakatingin siya sa'kin? In the first place, hindi naman kami magkaibigan. Magkakilala lang kami dahil pinsan niya ang kaibigan ko. Hindi na dapat ako nag-eexpect pa.

Ni hindi ko nga rin alam kung alam niya ang pangalan ko.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status