The Tale of Marriage
The Tale of Marriage
Author: erithelight
SIMULA

"What do you want?" i asked lazily.

"I can help you with your family's problem..."

Pabiro akong natawa. Kalokohan... Hindi naman lingid sa kaalalaman ko kung gaano na siya kayaman ngayon. Pero imposibleng tulungan niya ako ng libre, may kapalit ito panigurado.

"Anong kapalit?" pinangunahan ko na.

"Marry me... that's easy."

Halos maibuga ko ang kinakain ko sa harap niya. Nasa isang VIP restaurant kami. Kaagad niya akong dinaluhan ngunit iritadong tinabig ko ang kamay niya.

"Gago ka ba? O adik ka?" gulat kong tanong pagkatapos makabawi.

Nagsalubong ang kilay niya at kumunot ang noo. His face hardened.

"Anong akala mo sa pagpapakasal? Trip lang? Ano, trip mo lang magpakasal ganoon?"

He sighed. "Gusto ni Abuela na magpakasal na ako, she's sick. You do me a favor and i'll do yours."

"Bakit ako? Sigurado akong maraming babae ang luluhod saya para lang pakasalan mo."

"Dahil kailangan mo ang tulong ko. Trust me... Lulubog kayo sa utang when you don't accept it." he smirked.

I faked a smile at him. "No, thanks. I’m sure there are many other ways I can help my parents, except marrying you."

"Really? Paano kung sabihin ko sayo na pumunta kahapon ang mga magulang mo sa firm ko just to offer me to invest?"

I was stunned for a moment. Ayokong nakikitang nahihirapan ang mga magulang ko. Kahit hindi maganda ang trato nila sa akin ay sila pa rin ang magulang ko.

"Look... We will both benefit from it. Me, I've fixed my problem with what Abuela wants. And you, you actually have a huge benefit from this. Using my last name you can attract a lot of investors. Hindi ka na lugi roon, Lovinia."

Gusto kong dumuwal sa mga sinasabi niya. As I think about the other side of his story, marami kaming maloloko.

"Lolokohin mo ang lola mo, Sergio. Ayos lang 'yon sayo? Papaasahin mo siya!" giit ko.

His jaw tightened. I’m sure he didn’t like what I said. Pero anong magagawa niya? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"Lolokohin ko rin ang mga magulang ko at sigurado akong they will hate me to death once they find out about this deal."

"Kung may makakaalam, Lovinia. Subukan mong ipaalam sa iba ang tungkol sa kasunduan ng kasal na ito. Hindi mo makukuha ang pangako ko sayo." giit niya.

Fuck! Parang isang do or die ang situwasyon ko. Tama siya, malaki nga ang benifit na makukuha ko rito. Sigurado akong matutuwa sila mommy kapag nalaman nila ang tungkol dito.

"How long will it last?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "So, you're deal?"

"I'm just going to pretend to be your wife, right?"

"No. You will not pretend to be my wife. Because we're really getting married and that makes you my wife." nasisiyahan niyang aniya.

Nagtiim bagang ako sa sinabi niya. Putangina kung hindi ko lang kailangan baka kanina ko pa siya sinapak, e.

"Maghihiwalay din naman tayo, 'di ba? Hindi ko alam kung paano pero gagawan mo iyon ng paraan."

Saglit siyang natahimik at nakipag sukatan ng titig sa akin. Sa huli ay bumuntong hininga lamang siya at marahang tumango.

"Yeah... Sure."

Tumango ako. "Mabuti naman. I want us to have a contract. Kung ano ang mga dapat at hindi, at kung ano ang makukuha ko at makukuha mo. Let's be fair, here, Sergio."

Mukhang handa na talaga siya. Inabot ni Sergio ang isang folder sa gilid ng lamesa at inabot iyon sa akin.

"Your benefits are stated in the contract. Just say if you want to add more, name it."

Binasa ko ang laman ng kontrata. The contract stated that I would stay with him as long as we were married.

"How about the... Kiss? The house? Hindi naman siguro kailangan na pati sa pagtulog natin ay magkasama tayo, hindi ba?"

"We're married, Lovinia. Ano ba ang ginagawa ng mag asawa?"

"Sergio, this is just for show! We don't have to do that things!" giit ko.

"Maganda na ang benepisyong matatanggap mo. Hindi ka na lugi pa roon... Ikaw na ang nagsabi, be fair."

Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Ang lakas rin ng saltik ng isang 'to.

"And to have sex with you is being fair?" pinanlakihan ko siya ng mata.

Did his jaw tighten? His gaze was dark on me. Na para bang isang pang iinsulto ang pakikipag sex sa kaniya.

"It's not only about sex, Lovinia. It's about kiss, hugs and cuddles. You will act as my wife, take care of me and that is your Duty. I will also do my duty as your husband. And that’s called being fair, Lovinia!"

Tumikom ang bibig ko. Sa totoo lang ay hindi naman talaga dapat big deal iyon sa akin. But every time I think that I will do that to him I get nervous.

"Huwag na natin itong pagtalunan, Lovinia. Pag usapan nalang natin kung kailan ang magiging kasal." malambing na sabi nito.

Marahan akong tumango. For now, ang importante ay ang mga magulang. Nakinig nilang ako sa pinapaliwanag niyang tungkol sa kontrata at sa mga posibleng mangyari.

Hindi ko mapigilang mangilabot sa tuwing iniisa-isa niya ang deals. Halos bumigat ang paghinga ko sa kaba at hindi maipaliwanag na pakiramdam.

I hate that he just looks calm and it all seems normal to him. Sa mantalang ako ay hindi na maipinta pa ang.mukha dahil sa galit. Now I no longer know how I got into this situation. Dimwit!

Pagkatapos ipaliwanag sa akin ni Sergio ang laman ng kontrata at may mga idinagdag siya ay nag-angat siya ng tingin sa akin.

"So, we're now deal?"

Mabigat sa kalooban ko at kinakabahan ako sa magiging desisyon ko. Pero sa huli, tumango ako.

"Sige... Deal. Magpakasalan na tayo."

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status