Share

CHAPTER 3

*****

Chapter 3 

Sophia's POV.

Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit pang linis sa stock room, pumunta ako sa kusina. Nadatnan ko sina Ashey at Rica na nag-chi-chikahan.

Andito pa rin ang dalawang 'to.

“Hindi pa kayo tapos kumain?” Kumuha ako ng plato dahil kakain ako.

“Dzai! Hinintay ka lang namin dahil lalabas tayo.” Tinaasan ko ito ng kilay.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain umupo ako sa harapan nila, “Saan naman tayo pupunta?”

“Sa Divisoria! Mag ukay-ukay tayo.” si Rica ang sumagot.

“Ay! Kayo na lang wala akong pera.” Nakangiwi kong sagot sa kanila.

“’Wag kang mag-alala libre ka namin. Kasya naman kasi sa budget natin pag sa Divisoria tayo pumunta dahil ang mura lang ng ukay-ukay doon, mura na pang fashion pa.” Tinarayan pa ako ni Ashey.

Ang taray talaga nitong si Ashey. Siguro ‘pag hindi ko kilala ‘tong si Ashey masasabi kong mahilig itong makipag-away. Ang kilay na palaging nakataas ma o-offend ka talaga at ang aping nito na kasing pula na ng kamatis.

Medyo maitim kasi si Ashey kumpara kay Rica. Ang tangos ng ilong ni Rica naiinggit ako.

“Nakatingin ka naman sa akin.”

“Ang tangos ba namang kasi ng ilong mo dzai Rica.” Kinurot pa ni Ashey ang ilong nito.

“Ano ba!” suway ni Rica, “Aba! Hindi ko naman ata kasalanan ‘to. Syempre matangos talaga ang ilong ko dahil matangos ang ilong ng mama at papa ko duh!” Nagtaray na rin ito.

“Eh! Naiinggit ako.” Sumubo ako ng kanin.

“Anong naiinggit? Ang ilong mo nga sakto lang ang cute. Nabagay sa mukha mo. Kaya ayan ginawang perfect ang mukha. May lahi ka ba?” tanong ni Rica sabay kurot sa pisngi ko.

“Masakit. Wala akong lahi, sadyang magaganda lang talaga ang mga probinsyana. Saka ang sabi ni Lola pinaglihi daw ako ni mama sa crush nitong kano.”

“’Wag niyo ngang pag-usapan ang ilong niyo. Mahiya naman kayo sa akin.” Sabay takip sa ilong nito.

Natawa kami ni Rica, “At least ‘yang pagkapango mo nabagay sa mukha. Maganda ka naman ah! Kung baga Black beauty ang ganda mo Ashey.”

Maganda naman talaga si Ashey kahit pango na bagay kasi sa mukha niyang mabilog. Ayaw na ayaw niya talagang makarinig ng dina down ang sarili dahil masasanay ang mga ‘to na walang confidence para sa sarili nila.

“Thank you!” Pinunasan nito ang invisible tears nito. “Hindi kagaya sa isa diyan.”

“Ashey! How many times ko ng sinabi sa ‘yo na maganda ka kahit pango. Ikaw lang ‘tong medyo ayaw maniwala tapos ngayon nang si Sophia na ang nagsabi sa ‘yo naniwala ka. Naku! Talaga.” Inambahan nito ng suntok si Ashey.

Pinabayaan ko nalang sila. Magbabati lang naman ang dalawang ‘yan. Tumayo ako at nagpunta sa sink para hugasan ang pinagkainan ko.

Naririnig ko pa ring nagtatalo ang dalawa. About pa rin ata sa ilong nila. Ayaw kasing magpatalo ni Ashey ganoon narin si Rica kaya nagtatagal talaga ang sagotan ni lang dalawa.

“Ano naman ang pinag-aawayan niyo Rica at Ashey.” Rinig niyang tanong ni Manang Malou.

Ng tapos na akong maghugas bumalik ako, “About po sa ilong nila na Manang.”

Ako na ang sumagot dahil parang walang balak sumgot ang dalawang ‘to, nahiya siguro.

“Ano naman ang problema sa ilong niyo?” Nakapameywang na tanong ni Manang.

“Eh! Manang sa amin na lang ‘yon.”

“Kung ayaw niyo naman palang sabihin, Hala! Sige. May gagawin pa ba kayo?”

“Wala na po Manang.” Sagot ko.

“Saan kayo pupunta?”

Tumingin ako kila Rica at Ashey, “Bakit po Manang?”

Parang alam kasi ni Manang na aalis kami.

“Sigurado akong may lalakarin kayo. Dahil ‘yang dalawang ‘yan,” Turo kina Rica at Ashey, “Hindi ‘yan naka pirme dito. Sa tuwing tapos na ang mga gawain ng mga ‘yan palaging umaalis.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Manang. So, ibig sabihin araw-araw silang dalawa sa Divisoria.

“Araw-araw kayo sa Divisoria?” tanong ko sa kanila. Umiwas lang ng tingin ang mga ‘to.

“Manang! Iba naman po ngayon, kasama na po namin si Sophia ipa-pasyal ho namin siya.” Dinamay pa ako.

“Sasama ka?”

Napakamot ako sa batok sa tanong ni Manang. Tumingin ako sa dalawa, “Opo.”

Parang nakahinga ng maluwag ang mga baliw kong kaibigan.

“Sige! May ipapabili din ako sa inyo. Mga damit at short na pambata. Dahil nag leave ako ng isang buwan at ire-regalo ko ang mga ‘yon sa pamangkin ko.”

“Kailan ka po aalis Manang?” si Rica ang nagtanong.

“Bukas.”

“Po?”

“May problema ba doon Ashey?” Umiling si Ashey, “Si Elen muna ang ta-tayong mayordoma habang wala ako.”

Tumango na lang kami, “Sige po mag-bi-bihis po muna kami.”

“Sige na. Para maka-alis kayo agad, baka gabihin pa kayo ng uwi.”

Tumango lang kaming tatlo kay Manang at pumasok sa kuwarto namin.

“Mga dzai! Color coding tayo?”

“Ano na naman ang iniisip mong kabaliwan Ashey?”

“Rica kung ayaw mo edi ‘wag kami na lang ni Sophia.” Kumapit ito sa braso ko.

“Ano ba ‘yon?”

“Dapat pareho tayo ng kulay ng damit. Anong color ma i-suggest niyo?”

“Black.” Sagot ko.

Ang kulay ng mga damit ko mostly dark colors ayaw ko kasi ng light, madali kasi ‘tong marumihan at pag narumihan maki-kita mo talaga ang rumi sa damit pag light colors ang isinu-suot ko.

Hindi pa naman ako nag iingat basta ‘pag na ka damit na ako wala na akong pakialam kung marumihan man o hindi.

“Juice colored! Sophia naman! ‘Pag tayong tatlo ang naka black iisipin ng mga tao na may burol tayong pupuntahan.” Hinampas pa ako.

“Aray ko naman Ashey! Kailangan talaga mang hampas. Suggestion ko lang naman.”

“Sorry! Mag gray na lang tayo.”

Nag ok sign kami ni Rica. Ako ang unang nag bihis madali lang naman kasi ako. Pagkatapos ko sumunod si Ashey and then si Rica.

“Let’s go!”

“Tayo na!” tinagalog lang ni Rica ang sinabi.

Paglabas namin naka-abang na si Manang.

“Sophia ikaw ang pumili.” Binigay jito ang pera sa akin.

“Opo, Manang!”

“Ay! Siya nga pala pinatawag ka ni Sir saglit lang daw.”

“Po?”

“Sige na puntahan mo na. Nando’n siya sa opisina niya.” Tumango na lang ako kay Manang.

Habang paakyat ako, biglang tumibok ang puso. Marahil sa kinakabahan ako.

Ba’t naman kaya ako pinatawag nito.

Pagdating ko sa room ng library nito, huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

Katok ako ng katok pero walang sumasagot. Kaya binuksan ko ang pintuan at sumilip. Ang ulo ko lang ang pinasok ko.

Para akong magnanakaw sa ginagawa ko. Napailing na lang ako.

“What are you doing?”

“Ay! Palakang nabuntis ng kabayo.” Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

Hihimatayin ata ako. Napatayo ako ng tuwid dahil sa hiya, gosh! Nahuli siya nitong sumi-silip baka isipin na naman nito na magna-nakaw ako.

“S-soryy! Po, Sir!”

“It’s okay!” Blanko pa rin ang tingin nito.

“Pinapatawag niyo raw po ako?” Tumango ito.

“I just want to clarify some things to you.”

“Ahmm… Ano po ‘yon?” Nakayuko kong tanong.

Napatalon ako ng bigla nitong hawakan ang baba ko at tinaas.

“When I’m talking to you, I want you to look at me.” Tumango ako, “Good!”

“Ano po ba ang sadya niyo sir?” Nilakasan ko ang loob ko para tanungin ito.

“Narinig ko kayo kanina na nagu-usap ng mga kaibigan. Pwede ka naman kumuha ng suweldo mo.”

“Naku! Sir, ‘wag na po. May pera pa naman po ako, sa-sabay na lang po ako sa iba.”

“Fine! By the way, if you are going to clean up my room don’t try to move the one book that is color red. It is almost like a dictionary.”

“Noted po, Sir!” Tiningnan lang ako nito. Nag init ang pisngi ko.

Gusto kong umiwas ng tingin kaya lang baka magalit ito. Napa-igtad ako ng bigla ako nitong yakapin at ni lagay ang mukha nito sa leeg ko na naman.

“Ahm… Sir!” Gusto kong alisin ang pagka-kayap nito baka may makakita sa amin at baka sabihin pang ina-akit ko ang amo namin.

“I don’t want to leave. I have a one week leave for me to pursue you but that idiotic friend of mine need my help and it ruined my plan.”

“Eh! Sir, baka pwede pong bumitaw na kayo.”

Narinig kong bumuntong hininga ito bago umalis sa pagka-kayap sa akin.

“Kung kailangan po talaga ang tulong niyo, kailangan niyo po talagang pumunta.”

Tumango lang ito pero ang tingin hindi parin inaalis.

May dumi ba ako sa mukha.

“You can go with me.”

“Po?” Nababaliw na ba 'to.

“Nevermind.”

“Kung wala na po kayong kailangan, Sir aalis na po kami.”

“Sige!”

Mabilis akong tumalikod at tumakbo pababa, “Be careful!” rinig ko pang sigaw nito.

Ng makababa na ako, “Tara na!” Inaya ko kaagad ang dalawa baka ipatawag na naman ako ni Sir.

“Ano ang sabi ni Sir?”

“Mamaya ko na i-kuwento pag-uwi natin.”

“Eh! Sa ngayon ang gusto namin eh! Di ba Ashey?”

“Rica ‘wag mo akong idamay sa pag ka chismosa mo.”

“Ay! Nahiya naman ako sa ‘yo, ikaw na alam lahat ng kuwento sa buhay ng mga ibang nagtrabaho dito.”

Natawa ako sa sinabi ni Rica dahil totoo naman sa kanilang dalawa ang may pagka-chismosa talaga ay si Ashey.

Pumasok na kami sa sasakyang gagamitin namin. Si Mang Arnel ang driver dahil may bibilhin din daw ito, pang regalo nito para sa nag-iisa nitong anak.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhodora Incarnacion
ang tagal Naman Ng kasunod na chapter
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status