Sandali akong nawala sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdam gayong kaharap ko na taong nanakit sa akin matagal na panahon nang lumipas."Sophie..." Banggit ko sa pangalan niya. Mahi-himigan ang gulat at pagka-lito sa boses ko."I miss you so much, king... I'm sorry," sabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkaka-yakap sa akin.Sa umpisa ay hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat, pero nang maalala ko si Tiburcio, mabilis kong kinalas ang mga braso niya sa pagkaka-yakap at inilayo siya sa akin."Stop calling me king. Matagal na tayong tapos." Walang emosyong sabi koKing at Queen ang endearment naming dalawa noong kami pa. Pero ngayong wala na kami, wala na rin dahilan para i
KHEENE'S POVShe wants me back...Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga katagang iyon mula pa kanina. Binabagabag aki ng kung anong pakiramdam. Halo-halo. Hindi ko mapangalanan. Ngunit isa lang ang sigurado ako na nararamdaman ko ngayon, inis.Napabuntong-hininga na lang ako.Bakit pa kasi kailangan niya pang bumalik at magpakita sa akin?Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Sophie kanina sa labas ng simbahan. Masiyado nitong inakupa ang isip ko, ang sakit na tuloy ng ulo ko.'Pagkatapos niya akong
ASHLEE'S POV"Hindi nga? Yung totoo?" tanong niya ulit na gapakunot yung noo ko.Bakit ba gusto niyang malaman? Curious na curious ba talaga siya? Tss.Huminga ako ng malalim at tinitigan muna siya.Tutal naman ay nag-kuwento siya, magku-kuwento na din ako. Unfair naman kung wala siyang alam sa 'kin kahit kaunti...Akmang magsasalita na ako kaso..."Ano na?" tanong niya na nagpatigil sa akin. Sglit ko lang tinitigan ng masama, ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay.Napailing ako. "Ano nga ulit yung tanong mo?""Kung bakit ka nagka-ganyan. Babae ka, ba't ka naging tibo?!" Ulit niya.Tumikhim muna ako bago sumagot. "Bata pa lang ako, alam ko na ang mga gusto ko para sarili
KHEENE'S POVLumipas ang ilang araw, mas lalo pa kaming naging close ni Tiburcio sa isa't isa. Iyong araw na nag-kuwento siya tungkol sa lovelife niya ay nadugtungan nang kinagabihan ay pinasok ko siya sa kaniyang kuwarto. Pinilit ko siyang magkuwento tungkol naman sa pag-aaral niya.Nalaman ko na college pa lang ay umalis na siya sa kanila. Umupa siya ng isang maliit na apartment para doon muna manirahan. Naging working-student din siya para tustusan ang pag-aaral at pangangailangan niya sa araw-araw. Nagpapadala ng pera ang magulang ngunit iniipon niya lang iyon at hindi ginagastos. Nag-buhay mahirap siya hanggang sa makatapos. Nang makapagtapos, agad siyang nag-apply sa isang kumpanya, nakapasok naman siya at nagtrabaho. Sabi niya, patuloy pa rin siyang pinadadalhan ng pera ng mga magulang niya pero ayaw niya talaga iyong gastusin, hindi naman daw kasi niya pinag-hirapan iyon. Aniya, ku
KHEENE'S POVKinagabihan.Kanina pa ako paikot-ikot sa sala. Alas nuebe na ng gabi pero wala pa rin si Tiburcio. Kanina pa rin ako panay tawag sa cellphone niya pero hindi niya iyon sinasagot. Tinawagan ko rin si Jace para itanong kung nandoon ba sa bar niya si Tiburcio, pero 'wala' ang sagot niya sa akin. Nagpa-salamat na lang ako at ibinaba na ang tawag.Tsk! Tiburcio, nasaan ka na ba?Hindi ako mapalagay. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman kung nasaan si Tiburcio.Napahilamos ako ng mukha at muling tumingin sa orasan. 9:30 na ngunit wala pa rin si Ashlee. Akmang tatayo na ako nang mag-ring ang telepono ko. Mabilis ko iyong dinampot at tinignan kung sino ang tumatawag.~+63912******* Calling...~
ASHLEE'S POVNagising ako sa isang kuwarto na bago sa aking paningin. Dahan-dahan akong bumangon para maka-alis kung nasaan man ako ngayon nang makaramdam ako nang sakit ng ulo. Argh! Pesteng hang-over 'to!Muli akong napahiga dahil sa sobrang hilo.Kung kanino mang kuwarto ito, malas niya dahil pinatuloy niya ako rito...Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Iniluwa no'n si Kheene na may dala-dalang tray ng pagkain. Nahihilo man ay bumangon ulit ako at sumandal sa headboard nitong kama."Kanina ka pa gising?" tanong niya at lumapit sa 'kin. Inilapag niya ang tray sa tabi ko at umupo sa tabi nun."Kagigising ko lang. Balak ko pa sanang matulog ulit, kaso dumating ka e." Sagot ko, ngumiti lang siya.Umayos ako ng upo nang inayos niya sa harap ko ang
ASHLEE'S POVKinaumagahan. Nagising akong ako na lang ang nakahiga sa sofa. Wala na si Kheene. Agad akong napatayo at hinanap siya.Nagtungo ako sa kusina, umaasa na sana na doon siya upang makapag-usap kami, ngunit wala akong nakita doon kahit anino lang niya. Napatingin ako sa orasan.7:45 pa lang. Imposibleng naka-alis na agad iyon...Naisipan ko na pumunta sa kuwarto ni Kheene. Magbabaka-sakali na nandoon pa siya. Gusto kong malaman kung bakit siya nagpaka-lasing at kung galit pa ba siya sa akin. Hindi kasi ako mapakali kapag sobrang tahimik niya habang nasa paligid ako. Hindi ako sanay na ganoon siya.Pagbukas ko nang pinto ng kuwarto ni Kheene, saktong nagsu-suot na siya ng pantalon. Mabuti na lang at hindi siya naka-harap sa akin kaya likod lang niya ang nakikita ko.
KHEENE'S POVIsang araw ko ng hindi kinikibo si Tiburcio. Isang araw at isang gabi na din akong hindi makatulog ng maayos. Sa tuwing pipikit ako, galit na mukha ni Tiburcio ang agad na pumapasok sa isip ko, kaya muli akong didilat at iisipin siya ulit. Inaabot ako ng alas dose sa pag-iisip, tapos makakatulog ako at magigising ng alas kuwatro ng umaga dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Ang sakit na nga ng ulo ko!Hanggang sa panaginip ay hindi ako tinantanan ni Tiburcio. Galit pa rin siya at sinisigawan ako. Kapag ginagawa niya iyon, I feel so guilty...and sorry. Ako ang dahilan kung bakit siya galit at sumisigaw, kasalanan ko kung bakit niya ginagawa iyon sa akin.Dahil sa narinig kong sinabi niya na 'hindi niya ako mahal', hindi ko siya kinibo. Nagtampo ako sa kaniya. Hindi ko siya sinasagot kapag may