Share

Chapter 2

The decision we made was to make all the rumors true once the merge happens. Panigurado kasing kapag nangyari ang merging sa pagitan ng aming kompanya at kina Lionel ay susulpot ang mga isyu na maaaring may relasyon kami. Kaya’t tototohanin na namin.

It’ll also cleanse off past rumors regarding Tito Max’s other child. Kina Lionel kasi mapupunta ang atensyon ng media sa halip na ungkatin ang nakaraan at gambalain pa ang nananahimik na pamilya ng Costales. On top of that, this marriage will also make the issue about my past engagement... fade in the memory of the media and business persons.

Napakaraming benefits ng kasal na ito sa pagitan ng aming mga pamilya. Kaya’t hindi na nakakapagtakang pumayag ang lahat sa ideyang ito na ipinresenta namin ni Tita Lea. Kaya rin siguro kahit labag sa kalooban ni Mommy ay pumayag na rin siya.

“Mauuna na kami. Magpahinga na kayo.” Tumayo si Daddy mula sa couch matapos ang naging pag-uusap. Hinarap niya kaming lahat upang muling magpaalam para umalis.

Niyakap ako ni Mommy at ni Tita Lea na sasabay sa magulang ko sa pag-alis, habang kami naman ni Lionel ay maiiwan dito sa bahay na ipinasadya nila para sa amin. Before they totally left the house, I noticed that Lionel discussed some errands with my Dad while we're walking them outside.

Hindi ko alam kung ano iyon subalit ang seryoso nilang mga mukha at ang iilang pagsulyap sa akin ni Lionel ay parang nagsasabi sa akin na ako ang kanilang pinag-uusapan. O kung hindi man, paniguradong tungkol ito sa kasal at sa buhay na basta naming pinasok.

Sa halip na mang-usisa ay tahimik ko na lang silang pinakikiramdaman habang patuloy na nagkukwentuhan sina Mommy at Tita Lea. When Dad was already finished talking with Lionel, sumakay silang tatlo sa sasakyan ng aking ama. Habang ako naman ay naiwang nakatayo katabi si Lionel sa may main door.

Napa buntong hininga ako nang maisip na maiiwan na talaga ako rito kasama siya. Sabi kasi ng aming mga magulang ay makakatulong sa aming pagpapanggap kung mamumuhay kami sa iisang bubong. Sa palagay ko ay tama naman.

I'd say that it'll be convenient since we're both working at the airport near the village. Pero hindi ko alam kung convenient bang tumira kasama siya. Lalo na at nagbago na talaga si Lionel. Ang pakikitungo niya sa akin ay hindi na katulad ng dati.

I wave goodbye as my father’s engine started. Bumusina pa si Daddy bago tuluyang makalayo ang sasakyan sa bahay. Napakagat-labi ako at napa buntong hininga nang tuluyan silang makaalis. I feel so tensed and uncomfortable right now. Ngayong kami na lang dalawa ng asawa ko sa bahay na ito… hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan.

Napalingon ako at napapitlag nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Nasa loob na si Lionel... at hindi ko alam kung papasok pa ba ako.

Alam kong galit na galit siya sa akin at ramdam ko iyon simula pa kaninang umaga. Sa totoo lang ay ramdam ko na iyon simula pa noong malaman niyang ikakasal kami.

Or maybe even before that. I don't really know.

“Kung sana lang kasi ay naritosi Ate Lorie,” bulong ko sa aking sarili. Kung narito lang si Ate Lorie na siyang laging nag-aalaga at pumoprotekta sa akin.

Kailangan ko na talagang maging independent. Lalo na't tanging ako lang  ang mag-aalaga at magtatanggol sa sarili ko simula ngayon.

Bahagyang nanginginig dahil sa lamig ng gabi, niyakap ko ang aking sarili at napahikab habang patuloy na naglalakad papasok.

Ihahanda ko na ang aking sarili. Hindi ko na nga alam kung paano ako papasok sa bahay. Mas lalo na at may tsansang magtabi kami sa pagtulog.

“I knew it,” iyon ang unang sinabi ni Lionel nang makapasok ako ng bahay. He was holding a can of beer while staring at the floor angrily. “I just didn't realize that all of you would go this far just for the sake of your family name and your business,” galit niyang saad.

Nagtangis ang kaniyang bagang at para akong sinilaban nang tumama sa akin ang nagliliyab sa galit niyang mga mata.

The veins on his neck are very evident as if telling me that if I do something bad... he's ready to hurt me.

Pero ano ba ang sinasabi niya?

“Hindi kita maintindihan,” kunot-noong sambit ko.

Kahit anong pilit ko na intindihin siya ay hindi ko naman alam kung saan niya hinuhugot ang galit niya sa akin.

At sa akin lang naman talaga siya galit dahil ramdam ko iyon. Kaswal siya sa pamilya ko pero kapag kami na lang dalawa….

“Huwag mo 'kong gawing tanga, Katherine! Alam ko ang plano niyo ng pamilya mo! I just couldn't believe that you would still pursue this damn wedding right after my father died. Really, Katherine? Wala ba talaga kayong konsiderasyon? Puro pera lang ba talaga ang inaalala ninyo?!”

I closed my eyes and nearly jumped when he threw the canned beer in my direction. A tear escaped from my eye as I expected the can to hit me. Mabuti at tumama lang iyon sa sahig at tumalsik lang ang laman sa akin.

A-Alam kong sinadya niyang sa sahig lang iyon patamain… siguro para takutin ako.

Habol ko ang aking hininga at natatakot na tumitig sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin. Nanginginig ang labi ko at hindi ko kayang magsalita pero kailangan kong pilitin ang sarili ko dahil baka lalo siyang magalit.

Marahil ay niisip niyang ginawa nmin ito para lang sa pera. Pero may mas malaking rason. Hindi ito… basta lang na gaya ng iniisip niya.

“H-Hindi 'yon kagaya ng iniisip mo... Lionel, makinig ka sa akin–!”

“And you think I'd trust you?!” galit niyang sigaw at marahas na lumapit sa akin. Sa takot ko ay bahagya akong napaatras subalit nahuli niya ang pala-pulsuhan ko at marahas akong hinila upang harapin siya.

My lips trembled, and I couldn't even look at him. Natatakot ako. Natatakot ako sa pwede niyang gawin… natatakot ako sa kaniya.

“My Mother disregarded my feelings, and made me marry you. For the sake of what? For that damn business! You know that they've planned this already before the incident. At kahit kamamatay lang ni Dad–!”

Pinlano noon pa? Hindi ko alam na pinlano ito noon pa! All I know is that Tita Lea came to me after Tito Max died!

“Lionel, h-hindi ko alam na pinlano nila ito noon pa. I just did this for you and–!”

“Shut up! Just shut the fuck up! You can't fool me,” aniya.

His voice thundered inside the house that it made me flinch and jump out of fear. Bahagya pa akong napairi ng marahas niyang hawakan ang kamay ko at sunod kong naramdaman ang paghila niya sa akin paitaas ng hagdan.

“Where are we–?” I was cut off and silenced when I realized that he’s dragging me to our room. My eyes widened at the thought of what he will do. Mas lalo akong nanginig sa takot nang maisip ang kaya niyang gawin dahil sa galit niya sa akin. “Lionel, let go of me!” I did my best to pull back my hand, but he was too strong.

Pero hindi ko hahayaang abusuhin niya ako sa ganoong paraan! No way!

“Bitawan mo ako, n-nasasaktan ako, Lionel!” Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko siya hahayaang babuyin ako sa ganoong paraan kailanman.

Muli kong hinila ang aking kamay palayo. Sa lakas ng aking pagbawi sa aking sarili, tumilapon ako sa sahig ng luwagan niya ang pagkakahawak sa akin.

I sobbed a bit and hugged myself. Even if he’s my husband, his anger and this marriage will never be enough to let him violate me in that way.

Nabasa ko sa kaniyang mga mata ang gulat dahil sa nangyari. Lumapit siya at akma akong tutulungan. Ngunit dahil sa takot ay kusa akong napaatras. My hands are still trembling and so as my lips.

Mukhang nabasa niya ang mga iniisip ko kaya’t muli siyang tumayo at saka ngumisi.

“You think I’ll do that to you? No, Katherine. I’ll never lay my hands on someone as desperate as you.” He smirked and shook his head, showing how disgusted he is at me. It was my lowest low. Once again, I felt very unworthy.

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. He went inside while I slowly get up from the floor.

Parang unti-unting hinihigit ang aking hininga sa bawat segundong lumilipas. I had the instinct to walk away, but I’m too scared to do that. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas at nanigas sa kinatatayuan.

The door clicked open once again. Bahagya akong napaatras at nagulat nang makitang hawak ni Lionel ang mga gamit ko. He carried all the four large luggage and two storage boxes outside. Ibinaba niya iyon sa sahig at saka siya muling bumaling sa akin.

Nalaglag ang aking panga sa nakita at gulat siyang tiningnan.

“A-Anong... anong ginagawa mo?” naiiyak kong tanong sa kaniya.

My voice broke as he continued putting all my things outside the room.

“Lionel, please stop it.” Mahinang asik ko habang patuloy na kinukuha ang ilang damit na inilabas niya.

Minadali ko ang pagpulot ng mga iyon at halos mapatalon nang ibagsak niya ang huling storage box sa aking harapan.

I lifted my gaze just to see his cold and angry glare. Hindi ko napigilan ang sarili at tumulo ang aking mga luha habang nakatingin sa kaniya.

“Go and sleep in the other room. If you don’t want me to kick you out of here... never meddle with my life,” he warned.

Muli akong napapikit nang marahas niyang isarado ang pinto na naging dahilan ng malakas na pagdagasa noon. Pinunasan ko ang aking mga luha at mabilis na kinuha ang aking mga gamit para dalhin sa guest room na malayo sa aming kwarto.

Some of my things fell on the floor, but that didn’t stop me from walking so fast. Ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa kaniya.

When I went inside the room, my knees wobbled, and my shaking legs made me fall to the ground. Napahikbi ako sa kawalan at pinigilan ang malakas na pag-iyak habang yakap ang aking sariling nakaupo sa sahig.

I’ve never felt this low. I’ve been insecure about myself, but now... I felt so unlovable and unworthy. Pakiramdam ko ay wala akong halaga kahit kanino. People would always see me as the Belmonte heiress who knows and wants nothing but fame, money, and luxury. I wanted to show them that I’m more than that.

But who am I kidding? I know I’ll never be enough.

I buried my face between my knees and cried so much. Bakit palagi na lang akong nasasaktan? Gusto ko lang naman tumulong.

Gusto ko lang naman silang tulungang makaahon sa negosyo. I just want Lionel to continue his passion for becoming a pilot without worrying about their business so much. I just wanted to help...

The way he looked at me was full of disgust and hatred. He cared only about his feelings! He didn’t even ask me.

Nasasaktan din ako! Kahit masakit at nakakatakot maikasal sa isang lalaking hindi ko lubos na kilala... I still agreed just to help them!

How... did I end up being like this?

Niyakap ko ang aking tuhod gamit ang nanginginig kong mga kamay. The cold night and fear made my whole body and my lips tremble very badly.  Patuloy akong umiyak dahil sa sakit habang magulo ang mga gamit. My makeup is already ruined, and so am I.

All the confidence and pride I had are now gone. Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko. In the middle of my sobs, I suddenly asked myself.

What if I didn’t marry him? What if I married the love of my life? Paano kung sa lalaking mahal ko na lang sana pinatunayan ang aking sarili at hindi sa kaniya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status