Share

Chapter 3

“CK! Cha! Charlotte! Charlotte Katherine!” Itinigil ko ang pagsusulat at nilingon si Nichole na tumatakbo pababa ng hagdan. Isinisigaw na niya lahat ng nickname ko para lang lingunin ko siya kaagad!

“Hala, m-mag-ingat ka, Nichole!” sambit ko at napatayo nang tuluyan siyang madapa sa huling baitang ng hagdanan.

Tumakbo ako kaagad at nilapitan siya para tulungang makatayo.

“Masakit ba?” tanong ko.

Tumawa lang siya at muling naupo habang kinukuha ang mga gamit na nagkalat.

“Ayos lang ako, huwag mo akong alalahanin. Halika na, maupo na tayo at ayusin mo ang sarili mo, bilis!” sigaw niya at hinila ako pabalik sa bench.

“Ha? Bakit? Anong meron?”

“Nakita ko iyong crush mo! Papunta rito!” sambit niya at bahagyang pumalakpak.

“N-Ngayon na?” aligagang tanong ko.

“Oo! Oras mo na ito, gaga!” She pulled a pouch out of her bag while saying that.

“Halika rito. Ayusin natin ang buhok mo, bilis!” aniya.

Nakagat ko ang aking labi habang inaayos niya ang aking buhok. Marahan akong nagpipigil ng ngiti nang maisip na makikita ko na naman ang lalaking gusto ko. Nakaka-excite.

Matagal ko na siyang gusto. Kahit noong ten years old pa lang ako. Hanggang ngayong Grade 11 ako ay gusto ko pa talaga siya!

Hmm, hindi ko alam kung napapansin niya ba iyon at kung pareho ba kami ng nararamdaman pero wala naman akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ay gusto ko siya.

“Maayos na. Oh my gosh, 'yan na, Cha!” Pinigilan ni Nichole ang sarili na mapasigaw at inalog niya ako ng bahagya habang nakatingin sa aking likuran.

Marahan akong lumingon sa aking likod at nakita si Kuya River na may hawak na napakaraming burger at kinukulit ng kaniyang mga kaibigan.

Bahagyang kumunot ang aking noo habang nakatingin sa hawak niya. Ang dami namang burger noon?

“Hi, CK!” sigaw ni Kuya Zoren na siyang unang nakapansin sa akin.

Ngumiti ako at kumaway sa kaniya. Sunod kong tiningnan si Kuya River at napansing papalapit talaga sila sa amin. Papalapit talaga sila! Hala!

“Hello, Cha,” Kuya River greeted and slightly pinched my cheeks.

Hindi ko napigilan ang pagngiti dahil sa ginawa ni Kuya River. Siguro, sobrang pula na ng aking mukha ngayon! Nakakahiya naman. Hindi ko man lang mapigilan ang sarili ko.

“Hello. Anong meron? B-Bakit ang dami mong hawak na burger?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.

“Cha, this fucker is smitt–!”

Natigil si Kuya Arthur sa pagsasalita ng sikuhin siya ni Kuya River.

“Stop cursing in front of her!” galit na saway ni Kuya River sa kabarkada.

Muli kong pinigilan ang pagngiti at saka tumungo na lamang. Napakabait talaga ni Kuya River kaya't hindi talaga siya mahirap magustuhan. Kaya nga hindi nakakapagtakang nagustuhan ko siya.

Marami rin ang nagkakagusto sa kaniya at halatang halata iyon… sa palagay ko'y isa na ako roon.

“Naparami lang ng bili. Here. This is for you.” Kuya River gave me one. And when I looked at him, napakaganda ng ngiti niya ngayon. Kung ipipinta ko siya ay magiging madali iyon. Maganda ang ngiti at kumikislap ang mga mata. Napakaperpekto niyang tingnan.

“Ito pa. Sa inyo na iyan. Eat well, okay?” he said politely. Nakangiti kong tinanggap ang bigay niya at saka marahang tumango.

“T-Thank you,” asik ko.

“Alright. Alis na kami. Bye!” sambit niya at marahang ginulo ang aking buhok kagaya ng palagi niyang ginagawa.

“B-Bye,” paalam ko. Nang makaalis siya ay nakangiti akong napatitig sa burger habang patuloy akong inaalog ni Nichole.

“Oh my goodness, sana all na lang talaga!” aniya.

Napatawa ako at iniabot sa kaniya ang isang burger na bigay ni Kuya River.

“Sa iyo na 'yan pareho! Para mabusog ang sikmura at puso mo!” sambit pa ni Nichole kaya’t sabay kaming napatawa.

Nakangiti kong kinagatan ang bigay ni Kuya River. Sa tingin ko ay tama nga si Nichole. Kailangan ko nga yata iyon pareho.

Isa lamang iyon sa aming mga tagpo. Simula bata pa kasi kami ay palagi ko na siyang nakikita kapag bumibisita sila ng kaniyang mga magulang sa bahay.

Hanggang ngayon ay madalas ko pa rin siyang nakikita at bawat araw ay pinaghahandaan ko iyon.

Bitbit ko ang nararamdaman ko para kay Kuya River pati sa mga sumunod na taon. Kahit pa hindi ko na siya madalas makita dahil magkaiba kami ng eskwelahan ay alam ko sa sarili ko na siya pa rin talaga ang gusto ko.

Kaya nang dumating ang isang balitang hindi ko inaasahan ay hindi ko alam kung paano ipoproseso ang lahat.

“I already talked to Lucio. You and River will stay in Batanes for a week.” Nagulat ako sa balitang inihatid sa akin ng aking ina.

My lips parted, and I smiled widely.

“With Kuya River, Mom? Really?” I asked excitedly and she nodded.

I clapped my hands in excitement. However, my brows furrowed in curiosity when I realized something.

Wait, what?

Bakit kami pupuntang Batanes?

“Oh… what for?” I suddenly asked.

“Lucio and I agreed to your marriage already.”

My jaw dropped, and I blinked a few times. Pilit kong ipinroseso ang kaniyang sinabi dahil baka nagkamali lang ako ng pagkakaintindi.

“M-Marriage? Marriage, Mom?”

“Yes, what's wrong sweetie?” she asked. Ano?!

“But we're too young... baka hindi niya rin ako gusto.” Unti-unting humina ang boses ko at saka ako napanguso.

I mean, I know this won't work at all. Hindi niya ako gusto, eh.

“We know. We won't let you marry right away. Kahit na nasa kolehiyo na kayo ay masyado pa rin kayong bata. We just thought that maybe… the two of you can buy time and spend moments to know each other,” she said.

I pursed my lips and my brows furrowed, trying to figure out what she was saying.

Ibinalik ko ang aking tingin sa laptop at patuloy na nakinig sa sinasabi ni Mom

“What do you mean po?”

"That you're engaged. However, you will not marry right away. Bibigyan namin kayo ng panahon para mas makilala ang isa't isa. Para naman mas maging malapit kayo.”

I smiled and giggled after. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na kailangan iyon dahil gusto ko na siya!

“Hindi po ba... may girlfriend si Kuya River ngayon? At... siguradong hindi pabor sa amin si Ma'am Roselle.” I know that she wants River to marry someone he loves.

“Hija, let's leave that to Lucio, okay? For now, get rest. Alright?”

Tumango na lang ako at ngumiti kay Mom.

“Yes. Good night, Mom,” I said.

“Anything for you. Get ready, okay? Bukas ay pupunta na sila rito,” she said.

Tumango ako at nagpaalam sa aking ina nang lumabas ito ng kwarto ko.

I placed both of my hands in my face and smiled widely. Hindi ko napigilan ang bahagyang pagtili at kinurot ang sarili.

Oh my goodness, I'm not dreaming! I am not dreaming!

Nahiga ako at bahagya pang nagpapadyak sa kama dahil sa kilig.

Nang gabing iyon, sinikap kong makatulog kaagad para hindi magmukhang puyat kinabukasan.

Subalit, hindi ako kaagad nakatulog. I was overthinking and practicing things. Nakailang ikot na rin ako sa aking walk-in closet para maghanap ng isusuot.

This isn't our first time meeting. This isn't even the second time! Talagang ganito lang ako tuwing magkikita kami.

Hala, paano kung ayaw niya sa akin? Paano kapag nagalit siya sa akin dahil dito?

I pouted and stopped picking my clothes for tomorrow.

Kailangan ko nang tigilan ang pag-iisip at magpahinga na.

I crossed my fingers and wished for the best for tomorrow. 

The next day, I wore a white off-shoulder top and a skirt for our trip to Batanes.

Sa tingin ko naman ay maganda iyon. Subalit ang sapatos ay hindi ko gusto. Pinilit kasi ako ng aking ina na isuot ang isang itim na Lita Boots sa halip na ang rubber shoes.

“Ako na ang mag-aayos ng gamit mo. Sige na, lumabas ka na,” sabi ni Ate Lorie.

“S-Sigurado po kayo? Tutulungan na lang po kita–!”

“Hindi na. Bilisan mo na dahil naroon na iyong crush mo! Aba't napakagwapo nga palang talaga. Napakagaling mong pumili!” aniya.

Bahagya akong napatawa at napatungo sa sinabi ni Ate Lorie. Maging siya ay boto rin sa amin.

“Sige po. Mauna na ako,” paalam ko habang nakangiti pa rin.

Marahan kong binuksan ang pinto at lumabas ng silid.

“Charles! Katarina!” Narinig ko ang boses ni Tito Lucio mula sa hagdanan. Bahagya akong sumilip doon at nakita si River sa likod ng kaniyang ama.

Hindi ko naiwasan ang pag-ngiti at tumigil muna sandali para titigan siya.

“River, find Charlotte first. Invite her for lunch,” utos ni Tito Lucio.

Nakita ko ang pagsunod ni River sa kaniyang ama at hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan dahil mabilis akong yumuko at nagtago sa likod ng barandilya.

Hala, nakakahiya. Puwede namang pababain na lang nila ako, eh.

“Paano iyon? Nabalitaan kong hindi gusto ni Roselle ang ideya nating ito?” Rinig kong sabi ni Mom kay Tito Lucio.

“Huwag kang mag-alala at siguradong magiging pabor din iyon. Charlotte is sweet, kind, and lovely. Siguradong kaunting pagpapa-intindi lang ay mauunawaan din niya.” Rinig kong sambit ni Tito.

Nakangiti akong napayakap sa aking binti dahil sa narinig. Hindi sigurado kung saan ba kinikilig.

“Cha?” Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni River. Naroon siya at nakatayo sa may hagdan habang nakatingin sa akin!

“R-Rivereste, Kuya... Kuya River,” nalilito kong tawag sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat ba na may 'Kuya' o wala.

“Let's go. Let's have lunch,” he said casually.

Umawang ang aking mga labi at napaangat ako ng tingin sa kaniya.

He's so tall that he's towering over me.

Habang ito ako, nakaupo at nananatiling nakatingala sa kaniya.

“Come on, get up,” he said.

Bahagya akong nag-iwas ng tingin at marahang tumango. Pinigilan ko ang aking ngiti at tumayo mula sa aking pagkakaupo.

“Oh, there they are.” Napalingon kami sa aming mga magulang nang marinig namin iyon.

“Halika na, Cha,” Kuya River said.

Nauna siyang maglakad pababa kaya't sumunod ako sa kaniya.

Pigil na pigil ko ang aking pagngiti habang naglalakad. Pakiramdam ko ay ito lamang ang araw na naging ganito kami kalapit sa isa't isa.

Idagdag pa ang isiping mananatili kami sa Batanes ng ilang araw. Parang hindi kapani-paniwala.

Patuloy lamang ako sa pagsunod sa kaniya pero dahil sa mataas na sapatos na aking suot ay hindi ko napigilan ang sarili na sumabit sa hagdan at kamuntik madapa.

“Hala!” sigaw ko at muntik magdiretso pababa.

“Shit!” Nagulat ako nang napamura si Kuya River. Naikawit niya ang kaniyang braso sa aking baywang at nahila ako palapit sa kaniya para hindi ako tuluyang madapa.

I gasped and felt my face heated so much. Oo nga't napigilan niya akong mahulog sa hagdan pero hindi niya naman ako napigilang mahulog sa kaniya!

“H-Hala… a-ano… s-sorry,” naiilang kong sambit at napalingon sa kaniya.

“Be careful,” he whispered.

Nanatili kami sa ganoong posisyon at muli lamang bumalik sa pagkakatayo nang marinig ang tikhim ng aming mga magulang.

Napakagat labi ako at nahihiyang tumayo. Sigurado akong mas nag-init ang pisngi ko nang makita ko ang ngiti ng aking ina.

“Let's go?” Nagmadali ako sa pagbaba ng hagdan at halos magtago sa likod ng aking ina na kanina pang nakangiti sa amin.

Nahihiya pa rin ako hanggang sa aming tanghalian. Paminsan ay nag-uusap kami ni River pero madalas ay ang aming mga magulang lamang ang nag-uusap.

“Sino po ang kasama namin sa Batanes?” tanong ko.

Nag-angat din ng tingin si River na parang naghihintay sa kanilang sagot. Nagkatinginan naman ang aming mga magulang bago muling bumaling sa amin.

“Ipapahatid namin kayo papuntang airport. Tapos ay susunduin kayo ni Kuya Roger doon.” My lips parted at what Mom said.

Kung ganoon ay kami lang dalawa ang pupunta doon?!

“It'll only be the two of us? Isn't it quite improper?”

“River,” saway ni Tito Lucio sa anak.

Muli akong binalot ng hiya at napatingin sa aking magulang. Oo nga naman at tama si River.

“I know your son will think of that. Kaya nga kampante kaming hindi niya pababayaan at irerespeto niya ang anak ko,” my father said.

“Dad,” tawag ko sa aking ama para ipaalam na nahihiya na ako!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status